10

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Talaga bang... talaga bang... susukuan mo na ang pinsan ko?" mababa ang boses ko habang nakatingin sa kanyang mugtong mata at haplos haplos ang impis pa niyang tiyan.

"Tama na Estevan. Tama na ang limang taon ng kagagahan ko sa pinsan mo" sabi niya na mapait na nakangiti.

gago ka talaga Stefan! Kahit kailan!

"Paano ang kalagayan mo?" hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Two weeks na siyang buntis sa pangalawa nila ni Stefan.

At ang gago kong pinsan ni wala man lang kaalam alam! Sa kasagsagan pa ng pambababae niya naisipang buntisin ang asawa niya!

Hinding hindi ko malilimutan ang mga nangyari sa kanila ng pinsan kong iyon.

"E-estevan! P-pinsan Tatay na ako! Hahaha!! Tatay na ako!!!"

"Oo hahaha! baby daddy ka na kaya utang na loob bagong buhay na!"

Ang panganganak ni Scorches sa pamangkin kong si Stan hanggang sa matuklasan ko ang pambabae niya!

"Gago ka! Ni minsan hindi ko maatim na maisip na heto ka nambababae at nagpapakatanga pa din sa malanding ito!" sigaw ko sa kanya at sinuntok siya.

Tili ang pinakawalan ni Cornelia nabaling ako sa puta!

"Stop it! Stop it Estevan!! You're killing him!!! Stop directing Stefan on what he need to do and not to do! He loves me and this is my stand in his life---"

*slap

"Hindi ko inaasahang ganyan na kababa ang gaya mo para lang patulan ang pinsan kong alam mong pamilyado na! Ganan ka na ba ka-cheap?! Kumakabit?! Nasaan na si Prima Donna DeChamps huh?"

Nasampal ko noon ang babaeng iyon! Hindi ko lubusang maisip na bababa ng ganito ang tingin ko sa kanya.

Naatim niyang pumatol sa may asawa at panindigan ang pagiging kabit! Hanggang sa kung saan awang awa ako ng matuklasan ni Stan at Scorches ang kalokohan ni Stefan.

Sunod sunod ang doorbell sa labas! Maulan at gusto kong magmura dahil sa kakulitan ng nagdodoor bell. Tamad na pumunta ako sa pinto para sana labasin ang makulit pero ako ata ang nagulat.

"T-tito Echeann!! D-dada loko N-nay Nay!" basa ng ulan ang asawa ng pinsan ko kasama ang three years old nilang anak na si Stan.

Lumuluha luha pa siya habang karga si Stan at basang basa pa din.

"Anong nangyari? Pano mo nalaman?"

Lumuluha pa din siya.

Bigla gusto ko hatakin ang pinsan ko paparito at pagsusuntukin na lang!

"Ka-sama niya si Cornelia*hik* siya ang *hik* kalaguyo ng mabait kong asawa!"

Hanggang sa pagbibingibingihan at

pagbubulagan niya at ang umuusbong na galit niya para kay Stefan.

"Anong balak mo ngayon?"

"Humingi na ako ng divorce papers Estevan. Unti-unti na din akong naglilipat ng gamit sa bago naming bahay ni Stan"

"ANO?! HIHIWALAYAN MO NA SIYA NG HINDI MO MAN LANG INAALAM AT PINAGLALABAN ANG KARAPATAN MO BILANG ASAWA NI STEFAN?!"

"Minsan darating talaga tayo sa punto ng buhay natin na kailangan na lang nating umalis at sumuko"

"Bahala ka"

Hindi ko inaasahang darating talaga ang oras na ito kung kailan tahimik siya aalis sa buhay ni Stefan kasama ang anak nilang sina Stan at ang dinadala niya.

***

"How dare you! You slut! Binilog mo ang utak ni Stefan!" galit at maiyak na si Mam Cornelia sabay sampal sa akin ng pagkalakas lakas.

Nabuwal ako sa lakas ng sampal ni Mam Cornelia at kulang na lang ay mabundol ang tiyan ko sa dulo ng lamesa pasalamat at nakaiwas ako pero dama ko ang hilo.

Nandito ako sa EGC nang malaman namin ni Estevan na nandito siya bigla biglang nang-gate crash dito para lang gumawa ng gulo ngayon.

"Cornelia Marie Dechamps!! Don't you dare hurt my wife!!!"

Dumagundong ang malakas na boses ni Stefan sa silid kasabay ang tili ng ibang empleyado ng kumpanya ni Stefan.

Nananaginip na ata ako sa lagay na ito.

Bakit dadagundong ang boses ni Stefan dito eh wala nga yong pakielam!

"Let go of me you bastard! Isa ka pa! Sabi mo you'll wait for the right time for us to reveal our relationship! But heck kagaya ka rin pala ng iba!! Bilog na bilog na ba ang utak mo ng malanding iyan na nakuha pang magpabuntis---"

*pak

"H-how dare y--you're not my Rad anymore. I don't know you anymore! I hate you! Magsama kayo ng malanding yan!! Hinding hindi na kita kilala!" mangiyak ngiyak na si Mam Cornelia.

"Ayokong magbuhat ng kamay dahil hindi ko gawain yon at ni minsan hindi ko napagbuhatan ng kamay si Scorches pero sinagad mo talaga ako Cornelia. Salamat sa paglabas ng totoo mong ugali. Mabuti na lang pala at nabuntis ko si Scorches at nagkaanak na kami kesa sa ganitong ni hindi ko man lang alam na may ugali kang ganito sa ilang taon din nating relasyon. Makakaalis ka na"

Hindi ako nananaginip!

Totoong andito si Stefan at heto nga siya! Kasalukuyang umaalalay sa akin na may pag-aalala sa mukha at nagtanong pa sa akin kung nasaktan ba ako o hindi.

"You'll regret this Stefan Conrad Gioccondo! You'll regret trashing me and choosing that slut of a bitch over me!!"

And with that, umalis na siya.

Tuluyang nagbunyi ang kalooban ko pero nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Stefan lalo na ang pagdaan ng pait at regret sa mga mata niya sa paglabas ni Cornelia.

Nadurog na naman ang puso ko.

Akala ko nanalo na ako at ako na.

Hindi pa din pala.

Si Cornelia Marie Dechamps pa din

pala sa kabila ng masaakit na panghuhusga niya sa pagkatao ko at sa panghahamak niya sa kung ano mang meron sa amin ni Stefan.

Sino nga ba ako?

Ako lang naman ang asawa niya sa papel pero hindi sa puso niya.

Oo maaring hawak ko siya at tali na siya sa akin, buong siya pero never sa puso niya. Nasa kamay pa din ito ng kalalabas lang na Cornelia Marie sa opisinang ito.

Masakit at nakakalungkot pero ang namamagitan lang naman talaga sa amin ni Stefan ay dahil lang sa anak namin na si Constantine Rosh Gioccondo at ng two weeks baby namin.

Na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam.

"Damn Scorches, honey, are you alright?" nakatitig na siya sa akin balot ng pag-aalala ang mukha.

Shit ang gwapo talaga ng asawa ko... Mamimiss ko ang kagwapuhan mo.

"Hhmm" maliit na ngiti ko sa kanya sabay ng konting tango tango.

Ang hirap talunin ng first love... nakakapagod, nakakasakit.

I loved you Sir Stefan Conrad Gioccondo, but, I'll leave you now. I love you that's why I'm giving you up and letting you go now. Please be happy with Cornelia. I'm setting you free now.