I'm jealous of the Zoom guy! I don't know why but I hate this familiar feeling!
How dare he promised my wife a marriage?!
I draw her closer to me. I hugged her tightly while she's sleeping soundly. I don't want to wake her up.
Her confessions about how we can't work and won't work lingers in me like a flu.
She's wrong.
I'm attracted to her and she doesn't need to know.
And I'm not even surprise that maybe tomorrow or the day after, I'm in love with her. And she'll be bearing our second child. God I feel giddy with the sudden thought.
But Lia's crying face made my feelings a lot confused lately. My heart is ripped off a thousand times by just watching her slipping away from me.
I'm losing my mind.
Suddenly sadness filled my heart.
***
"M-ma... Ya... yoko pa umalis!! Papa!!" mangiyak ngiyak na atungal ni Scorches na asar na binalingan ni Estevan na katatapos lang na pumapak ng tirang handa.
"Hindi ka papanaw Scorches like c'mon!" sabi nito na binalingan ng masamang titig ni Scorches.
Napatawa ako ng lihim na di nakatakas sa paningin ni Estevan na taas kilay ang tingin sa akin. Natawa naman ang mga magulang ni Scorches at pinabaunan kami ng yakap.
"Uuna na po kami. Bibisibisita na lang po kami tuwing weekends Ma, Pa..." tango lang ang tinugon ni Papa at ngiti lang ang kay Mama.
Blangko ang tingin ni Sire. Malamig na tinalo pa ang kalamigan sa Seoul.
"Iho, kahit wag nang every weekend alam naman naming busy kayo isa pa, pwede naman kaming dumalaw sa inyo kahit kailan eh" sabi ni Mama na tipid kong ginantihan ng ngiti at tango.
Akay ko si Scorches kasama si Estevan na walang tigil sa kangunguya ng pa take home nina Mama at Papa. Dala ang maletang puno ng gamit ni Scorches at ilang regalo, we're off to Manila.
***
"Wow!! Mister eto ba talaga ang bahay mo?" kumalas siya sa hawak ko at patakbong pumasok sa bahay.
Wala sa sariling pinasa ko kay Estevan ang dala kong ibang gamit at daling tinakbo ang loon ng bahay.
Baka madulas siya o kung ano!
"Putangna!" nakapagmura pa siya na di ko na din naman pinansin.
Sa tingin ko pulang pula na siguro ang mukha ko o kaya ang tenga ko sa pagpipigil ngiti at kilig!
She called me mister. She's claiming me as hers, damn Stefan so gay!
"Nagustuhan mo ba?" ngiti sana ang ibubungad ko sa kanya pero napaamang ako.
Nakatingin siya sa portrait naming mag-asawa sa garden nila kahapon. Yung hawak ko siya sa bewang at seryosong nakatingin sa camera gaya niya na hawak ang bouquet niya.
Fierce ata tawag sa ganong shot.
Bumuntonghininga siya.
Malalim at tila may pinanghuhugutan.
Saka siya malungkot na tumingin sa akin, hinawakan pa niya yung portrait o mas tama bang sabihing yung mukha ko.
"Ang gwapo mo Mister, pero sana kahit di mo na inilagay dito, center of attention ito ehh. Bale na, ilibot mo na lang ako" patay malisya siya at ngiting hinagilap ang braso ko.
Wala akong nagawa kundi ilibot siya sa bahay. Sakto namang kasunod namin si Estevan na buhat buhat yung maleta ni Scorches at panay ang mura.
Sinaway naman siya nito at sinabing nadidinig daw ng baby namin yun.
Sunod lang ang tingin ko sa kanya, kay misis ko...