"Sinong ama ng dinadala mo!"
Hindi ko akalaing pati iyon malalaman pa nila. Umiiwas ako kay Sir Stefan dahil nga sa nangyaring ito sa akin.
Wala akong balak sirain ang relasyon niya kay Mam Cornelia.
Kasalanan ang nangyari samin. At isa pa, hindi ako makikihati sa atensyon niya pagkat una pa lang hindi na naman talaga siya akin.
Sandaling bakasyon lang ang pinunta ko sa probinsyang ito pero di ko aakalaing malalaman nila na buntis ako. Na nabuntis ako ng boss ko. Na tropa pa ng Kuya ko.
Tatakasan ko lang sana ang pag-iisip masyado kaso eto na nga, halos maghisterya na sila sa nalaman nila.
Stupid Scorches! Bakit kasi pinabayaan mo yung PT!!
"Pa!"
Tanging iyak lang ang malayang kumawala sa buong kabahayan ng bahay namin dito sa probinsya.
"Scorches... huwag kang matakot. Pwede mong sabihin samin lalo na sa akin, sino ba talaga ang tatay ng pamangkin ko? Bunso... anong nangyari?"
Galit si Papa. Si Mama, hindi malaman kung anong gagawin. At si Kuya Sire... si kuya na kakampi ko.
Iling lang ang nagawa ko kasabay ng paghikbi. Nakadama ako ng yakap na kahit papaano ay nakalma ako mula sa trahedyang nangyari sa akin sa ngayon.
"S-sorry Pa... Ma... madumi ako! N-nakakadiri na ako!! A-ang bobo bobo ko para magkaganito! P-patawad po!!"
"Scorches Nicaea, bunso, hindi mo kailangang magsorry. Everything happens for a reason, it's just, I can't help but to wonder why, all of a sudden, who's the father of your child?" mahinahong tanong ni Kuya.
"Pa, pagkakamali po ang nagawa ko. B-boss ko po a-ang ama ng batang dinadala ko. S-si Sir Stefan Conrad Gioccondo po... si Sir po ang a-ma ng bata" mas lalo lang akong naluha sa pag-amin sa kanila.
Hindi ko naman talaga sinasadya.
Dala ng epekto ng alak kaya siguro nagawa ko ang bagay na iyon. Paniguradong hindi din naman non maaalala na nagsex kami.
"Fuck! Ang gagong iyon!!" wala sa sariling napasuntok si Kuya sa pader ng bahay kasabay ng malulutong na mura ni Papa at ang tili ni Mama bago mahimatay.
Kasalanan ko toh. I messed everything up.
***
Hilam na ang mata ko sa kaiiyak at wala sa sariling napatanga ako habang hinihintay ang anunsyo ng doktor sa kalagayan ni Mama.
Hindi mapakali si Papa at paroo't parito na sa sobrang alala para kay Mama. Si Kuya Sire naman ay pagod na nakasandal sa pader.
"Hindi ako papayag na hindi mapapanagutan yan ni Stefan Scorches! Binalaan ko na yon na sa lahat wag na ikaw pero ano?!!" galit na asik ni Kuya habang nakatingin sa akin.
Hindi ko naman siya masisisi.
Magkaibigan sila ni Sir Stefan kasama na ang pinsan nito na si Estevan at masasabi kong close talaga sila kaya malaking gulo ang nangyari.
Lumalabas na parang tinalo pa niya ako gayong magtotropa sila at lumalabas din na ginusto ko ang nangyari dulot na din siguro ng espirito ng alak.
Nahihiya at naaawa ako sa fiance ni Sir Stefan na si Cornelia.
"Magpapakasal kayo ng hayop na Gioccondo na iyon!" gatong pa ni Papa, nasasalamin ang matinding pagdisgusto sa mukha.
Sana lang matigil na lahat ng ito.