Chapter 4 - Daffodil

Chapter theme: I'm Moving On - Rascal Flatts

Nakasakay ako sa taxi patungo sa Arevalo General Hospital. Ito ang pinakamalaking ospital na matatagpuan sa gitna ng siyudad na pagmamay-ari ng lolo ni Brix, na ngayon ay mga magulang na niya ang namamalakad.

It's their 25th wedding anniversary. They invited me to have dinner with them. Nahihiya man, hindi ko magawang tumanggi sa alok nila. Sobrang laki ng utang na loob ko sa mag-asawang 'yon, ayoko namang biguin sila.

I glanced at my watch, pasado alas-kuwatro na. They instructed me to go at their hospital to meet them. Mabuti na lang hindi ma-traffic.

Huminto ang taxi sa tapat ng hospital. Matapos kong maabot ang bayad sa driver nagmamadaling lumabas na ako ng sasakyan.

Nang makarating ako sa entrance, saglit akong huminto sa may malaking glass door ng ospital to check my own reflection. I smiled while looking at myself. I was wearing a ribbon waist apricot dress and a butterfly pink slide sandals. Bitbit ko ang isang bouquet ng white carnations.

Pumasok na ako sa loob. Masayang nakangiti sa akin ang guard kaya matamis akong ngumiti pabalik sa kanya.

Kahit maraming beses na akong nakapunta dito sa ospital nila, hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa napakalawak at magarang lobby nito. Para ka lang nasa lobby ng isang five star hotel. Sobrang refreshing at nakaka-relax ang atmosphere sa lobby.

Umupo muna ako sa kulay gray na sofa. Ipinatong saglit ang bouquet na hawak ko sa kuwadradong glass table. I fished out my phone from my sling bag to call Brix, but he was not answering his phone. Sabi niya kasi tawagan ko siya kapag nandito na ako sa ospital pero hindi naman siya sumasagot.

Minutes passed, medyo nainip na ako sa paghihintay kaya tumayo na ko para magpunta sa may reception desk.

"Good afternoon ma'am, how may I help you?" bati sa akin ng babaeng nurse.

"I'm here for Doctor and Doctora Arevalo, pasabi po nandito na ako," I smiled.

"May appointment ka?" tanong nito.

"Opo."

Bumaling siya sa monitor sa harap niya, parang may tsine-check. Ilang saglit pa, binalik niya ang tingin sa akin.

"Sorry, miss pero wala silang schedule ngayon. Pina-cancel na nila lahat ng appointment nila. Hindi na sila tatanggap ng pasyente," diretsong saad niya.

"Pero hindi naman po ako pasyente. I'm here to meet them. Pwede niyo po silang tawagan?" magalang na pakiusap ko.

Tumaas naman ang isang kilay nung nurse sa akin.

"Miss, busy ang mga doctor namin. Balik ka na lang bukas. Hindi talaga sila tatanggap ng appointment ngayon," pataray na sambit nito. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa, sabay umirap.

Ang attitude naman! Hindi nga sabi ako pasyente. May appointment naman talaga ko sa kanila.

"But---" 

"Kelly!" 

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may tumawag sa pangalan ko. I turned around only to see Brix walking towards me.

Lahat ng tao dito sa lobby, biglang napatingin sa kanya. Who wouldn't? Agaw pansin ang kagwapuhan ng lalaking ito. He's wearing a black sweater turtle neck and denim pants. Nakadagdag pa sa charm niya ang suot-suot niyang round specs, medyo mahaba na rin ang buhok niya na nakatali into a pony bun.

"Brix!" I greeted with a wide smile on my face.

"Sorry! Ngayon ko lang nakita ang mga tawag mo. Nakaidlip ako sa office ni mommy. Tara, doon na lang natin sila hintayin. Nasa meeting pa sila ni Dad." He explained.

"Okay lang. Hindi naman ako masyadong naghintay."

"K-Kilala niyo po siya, sir?" sabat ng babaeng nurse sa reception.

"Yes. She's my bestfriend." He replied proudly. Napanganga naman yung babaeng nurse, nahihiyang napatingin siya sa akin.

"Let's go." Iginiya ako ni Brix papunta sa may elevator. Saglit kong nilingon ang nurse na nagtaray sa akin kanina at binelatan siya. Kainis eh.

*****

"Ang ganda ganda mo talaga, hija." Maka-ilang ulit ng sinasabi sa akin 'to ng mommy ni Brix habang hindi inaalis ang tingin niya sa mukha ko.

Nakaupo kaming dalawa sa backseat ng kotse, hawak hawak niya ang isang kamay ko. Nasa kandungan naman niya ang bouquet ng carnations na binigay ko sa kanya kanina.

Si Brix naman, nasa front seat. Maya't maya ang paglingon niya sa amin.

"Thanks po, tita Claire. Baka lumaki na ulo ko." biro ko.

"I agree with my wife. Lalo ka atang gumanda, pero bakit parang nangayayat ka ata?" wika rin ng daddy ni Brix na siyang nagmamaneho.

"Oo nga, hija. Kumakain ka ba ng maayos? Sinusunod mo naman ba ang mga diet plan ko?" usisa ni tita. She's a nutritionist kaya bantay na bantay niya ang mga kinakain ko.

"Opo, tita. Medyo stress lang talaga nitong nakaraang araw."

"Ikaw na bata ka. Huwag mong pinapabayaan ang sarili mo. Kapag may nararamdaman ka, magsasabi ka sa amin agad," bilin pa ni tita Claire.

"Dumaan ka ulit sa ospital bukas para matignan kita," tito Harold suggested.

"Huwag na po tito. Okay lang naman ako."

"Are you sure?" tita Claire asked while tucking the hair behind my ear.

Tumango-tango na lang ako.

Hindi na ako iba sa kanila. Kung ituring na nga nila ko, para na nila akong anak. At sobrang naa-appreciate ko ang pag-aalala nila sa akin.

"Thank you pala sa bulaklak, hija. Carnation is my favorite flower." Tita Claire smiled sweetly.

She doesn't look like she's in her 50's. Palangiti kasi lagi, kaya siguro ang bata niya tignan. And I love her smell so much, she has a scent of grapefruit. Perfect for a woman like her who loves to smile.

Kung anu-ano ang mga pinag-usapan namin ni Tita Claire. They haven't see me in a while kaya hindi na maubos-ubos ang mga pinagkukwentuhan namin. Hindi na namin namalayan na naka-park na pala ang kotse sa tapat ng isang fine-dining restaurant.

Sabay na lumabas sina tito at Brix sa kotse para pagbuksan kami ng pinto.

"Thanks," I whispered when Brix lend me his hand.

"Tara na sa loob, baka gutom na si Kelly," tito Harold said sending a gentle smile at me.

As we went inside the restaurant, we were greeted by a waitress asking if we have a reservation. Tito Harold nodded giving his name. The waitress immediately smiled guiding us upstairs.

Dinala niya kami sa harap ng isang nakapinid na pinto. The door was painted in white, with rose black rustic handles giving a medieval vibes.

So it's a close-door dinner.

Labis akong namangha ng makapasok kami sa loob. The room was huge! Kakasya nga ata ang 100 na tao sa loob.

There's a long table at the center with four chairs that look like a medieval throne, pearl beaded gold votive naman ang candle holder na nakapwesto sa gitna ng mesa. A luxurious crystal chandelier in gold and silver color was hanging on the ceiling. May white piano pa sa right corner ng room.

Hindi ko na napigilan ang mga paa ko na maglakad papunta sa glass wall. The view outside was breathtaking. I could watch the city lights here all night long at hindi ako magsasawa.

"Do you like it here?" tumabi sa akin si Brix. Gaya ko, nakatingin lang siya sa labas.

"Yes! Ang ganda dito!" I beamed.

"Alam mo ba hija, dito sa restaurant na 'to nagpropose ako sa mommy ni Brix, dito rin mismo sa kwartong 'to," tito Harold stated. Napalingon tuloy ako sa kanila ni tita Clare. 

Nakaupo na silang dalawa habang magkahawak ang kamay sa ibabaw ng mesa. They looked so happy while looking at each other's eye with full of love and contentment.

Kung hindi ba kami naghiwalay ni Gab noon, magiging ganito din kaya kami kasaya? Siguro kung hindi naging unfair sa akin ang tadhana, marahil magkasama pa rin kaming dalawa. Magkasamang bubuo ng pangarap.

"Natulala ka na diyan?" Brix voice pulled me out from my daze.

"May naalala lang."

"Si Gab na naman?" he asked in whisper. "I know what he did. Sinabi sa akin ng kuya mo."

"Ang daldal talaga ni kuya," sabi ko na lang.

"Baka kung nandun ako, nasapak ko na siya."

"Let's not talk about him. Pwede ba 'yon? Gusto ko na siyang kalimutan."

I heard him sighed. "Sigurado ka na diyan?"

I nodded with a small smile plastered on my face. "Noon pa dapat, kaso ayaw makinig nito." I pointed at my chest where my heart is located.

"Gusto kong magsimula ulit. Gusto ko nang ayusin ang buhay ko ng wala siya, na hindi na siya kasama."

"You can do it, Kels. I believe in you," he said, giving me a soft tap on my shoulder.

I can do it. I can't live in the past anymore. Cheers to the new beginning, Kelly.

*****

Third Person's POV

"Hon, are you listening to me? Kanina pa ko nagkukwento dito pero mukha ka namang hindi interesado. May problema ba?"

Gabriel felt his girlfriend hold his hand making him jolted back to the reality. Lumipad ang isip niya sa kung saan nang bigla na lamang niyang makitang pumasok sa restaurant ang dati niyang kaibigan, si Brix.

They were in the same restaurant. Kasama pa nito ang babaeng labis na na nanakit sa kanya noon.

'Sila pa rin pala,' sa isip niya.

"Hon?"

Gabriel looked at his girlfriend. "Sorry. Ano nga ulit sinasabi mo?"

Stella's face turned sour. "Forget it."

Alam niya ang rason kung bakit biglang nawala ang boyfriend niya sa mood. She saw how his gaze landed on the girl she hated the most. She pretended like it was nothing pero sa kaloob-looban niya ay nagngi-ngitngit na siya sa selos.

She's in love with Gabriel since they were kids. Hindi na niya hahayaang maagaw pa ulit ito ng iba. She chased after him, nang maka-graduate na siya sa college. She did everything para matutunan din siyang mahalin ng lalaki.  Kung siya lang talaga ang masusunod, ayaw na niya talagang umuwi ng Pinas. Tahimik na ang buhay nilang dalawa ni Gabriel sa Amerika. Nagkasakit lang kasi ang daddy ni Gabriel kaya kinailangan nilang umuwi para ito ang mamalakad sa negosyo ng pamilya nila dito sa Pilipinas.

"Hon, bakit kaya hindi na tayo mag-settle down kapag gumaling na si tito?" Stella blurted out.

Nakunot naman ang noo ni Gabriel dahil sa sinabi niya. "Masyado pang maaga para pag-usapan natin 'yan."

Stella looked at him with a hint of disappointment. There he is again, avoiding the topic.

"Bakit? May iba nga diyan 21 palang nagpapakasal na."

"Marami pa akong kailangan asikuhan. You know my priority, hon."

"At ako? Hindi ba ako kasama sa priority mo?" naiinis na sambit ni Stella.

"That's not what I mean. Alam mo naman ang sitwasyon di ba? I need to focus on our family's business. I need to think of ways para masalba ang kompanya ni dad."

"Iyon lang ba talaga ang dahilan?" she asked with bitterness in her voice. "O baka merong ibang reason?" she continued.

"You're not making any sense," naiiling na sambit na lang ni Gabriel.

Napabuntong-hininga na lang nang malalim si Stella.

"Sa powder room lang ako," matabang na paalam ni Stella. Napakagat na lamang siya sa labi niya para pigilan ang panginginig nito. Ramdam niya ang pangingilid ng luha sa mata niya.

She don't like this kind of feeling. Just seeing Kelly again, made her feel insecure.

*****

"Mag-cr lang po ako," paalam ni Kelly. Tumango naman ang mag-asawa sa kanya habang hindi inaalis ang tingin kay Brix.

Katatapos lang nila kumain. Nakikinig na lang sila kay Brix na tumutugtog ng piano.

Dahan dahan siyang lumabas para hanapin ang c.r. Natagpuan niya ito sa pinaka-dulong hallway kaso mukhang sarado naman ito dahil may naglilinis.

"Ma'am sa baba na lang po muna kayo mag-cr, barado kasi ilang inidoro dito," sabi ng babaeng janitress nang mapansin siya.

"Thanks po," she replied.

Nagmamadali naman siyang bumaba dahil parang puputok na ang pantog niya. Nagtanong na lang siya sa waitress na nakasalubong niya para hindi siya mahirapan pa sa paghahanap ng c.r.

The stone and marble c.r was located at the right side of the restaurant. Dali-daling pumasok si Kelly sa isang cubicle dahil ihing-ihi na siya. Nang matapos siya, nagtungo siya sa harap ng malaking salamin para saglit na mag-ayos. She put a lipgloss on her already pale lips. After studying herself in front of the mirror for a few minutes, lumabas na siya ng c.r.

Pero parang pinagti-tripan na naman siya ng tadhana. She froze when she saw Gabriel standing there, leaning against the wall adjacent to the ladies room.

Hindi niya alam kung paano siya iiwas nang magtama ang mga mata nila.

Bakit ba kailangan magkita na naman sila ulit? She don't know what to do, she can't even move her feet to walk away. Parang gusto na lang niyang maglahong parang bula o kaya magpalamon sa lupa.

"Hon! What are you doing here?"

Kelly heard a familiar voice behind her and when she turned to the owner of that voice, she was shocked to see Stella. The girl who tormented her after Gabriel left.

"Ang tagal mo kasing bumalik. Akala ko may nangyari na sa'yo," Gabriel smiled at Stella.

Kelly's heart sank to the ground the moment Stella cling her hand on Gabriel's arm.

"Kelly?! Is that you? Wow! Fancy meeting you here," Stella acknowledge Kelly's presence pretending that she was surprised to see her.

"Are you with someone?" Stella smiled but Kelly knew that her smile was fake.

"Yes. Una na ko," she replied. Pinatatag niya ang boses niya. Binilisan niya ang bawat hakbang. She wanted to get away from them immediately.

Nakayuko lamang siya habang naglalakad kaya hindi na niya nakita ang taong masasalubong niya kaya bumangga siya dito.

"Hey, akala ko naligaw ka na," sambit ng taong nabangga.

Parang gustong maiyak ni Kelly nang makitang si Brix pala ang nasa harapan niya. Just like the old times, Brix always appeared in front of her when she needed him the most. A knight in shining armor.

"Wow! Nandito ka din pala Brix? Kayo pa rin? Tatag niyo ha," she heard Stella's mocking voice behind her.

Brix just ignored Stella and Gabriel's presence, like they were invisible in his eyes. He put his arms around Kelly's shoulder trying to put her at ease. Kelly smiled softly at his gentle gesture.

"Let's go babe," Brix said sweetly and out loud, pretending like they are lovers, and Kelly nodded.

As they walk away, nilingon ulit ni Brix ang dating matalik na kaibigan. He smirked when Gabriel just watched them walk away, looking dumbfounded.

*****

A/N: Daffodil symbolizes new beginning and rebirth kaya ito ang title ng chapter na to kasi gusto na magsimula ulit ni Kelly ng bagong buhay na wala si Gab. Hehe

Thank you sa pagbabasa.