Chapter 3 Pagkakaibigan

Aicka, I'm here. Ito na yung mga lulutuin ko. Tulungan mo ko maghiwa ha. Nagbaon na din ako ng damit para magpapalit ako mamaya. Si Abby pala? Masayang sabi ni Eunice.

Excited ha. Parang date, kung maexcite. Si Abby di daw makakapunta kasi may gagawin sa restobar nya.

Ay, sayang naman. Sana magustuhan ni pogi yung hinanda natin.

Asus nagpapasikat pala.

Alam mo una ko pa lang syang makita gusto ko na sya. Parang love at first sight.

Gusto agad eh di mo pa naman kilala yung tao. Kontra ni Aicka.

Basta gusto ko sya. Madiin na sabi ni Eunice.

Ang tanong gusto ka ba?

Basag trip to. Hayaan mo na lang ako. Kaya nga ako nagluluto kasi baka kapag natikman nya ang luto ko, hahanap hanapin nya na. May pakindat kindat pa sya.

Hay naku puro ka kalokohan. Magluto ka na nga. Natatawang sabi ni Aicka.

Nung matapos na magluto ang dalawa ay naghanda na sila at nagbihis.

Maya maya pa may kumakatok sa may pinto.

Nandyan na ata sila. Ako nang magbubukas. Ok na ba ang ayos ko pati damit ko? Halatang kabado.

Oo, ok na ok. Napakaseksi at napakaganda mo. Yun nga lang napaka-daring ng suot mo.

Ano ka ba ganito na talaga mga damit ngayon. Napaka-conservative mo kasi. Sige na tapusin mo na yan tapos sumunod ka. Pagbubuksan ko na sila ng pinto.

Teka lang. Nandyan na. Binuksan nya ang pinto at pinaupo sila.

Nasan sya? tanong nya dito.

Sinong sya? Nagtatakang tanong nya.

Yung nabangga ko.

Ah, si Aicka. Palabas na yun nagbibihis lang. Aicka nandito na sila. Tawag nya dito.

Lumabas na nga sya galing kwarto. Habang lumalabas sya nakatitig sa kanya si Jhaypee. Ang ganda kasi nya lalo sa pink at napakasimple lang ng ayos nya. Saka she's conservative but sexy looking dahil kitang kita ang hubog ng kanyang katawan.

Naku, pasensya na ha. Medyo nahuli ako. Paghingi nya ng dispensa sa mga ito.

Okay lang, kararating lang namin. Oh bye the way this is my friend Ar-ar.

Nice meeting you Ar-ar sabay sake hand dito. Ito naman ang friend ko na si Eunice.

It was nice meeting you Eunice. Sabi ni Ar-ar. Sabay sake hand.

It was nice seeing you again Eunice. Sabi ni Jhaypee sabay sake hand.

Okay tutal magkakakilala na tayo. Kumain na tayo. Sabi ni Aicka. Inabutan nila ng plato at utensils ang dalawa.

Habang kumakain sila ay nagkwekwentuhan sila. Si Eunice ay naupo sa tabi ni Jhaypee. Si Ar-ar at Aicka naman ang magkatabi pero ang katapat nya si Jhaypee. Halatang halata na may gusto si Eunice kay Jhaypee.

Aicka kamusta na yung tama mo? Tanong ni Jhaypee.

Medyo masakit pa kaya medyo nahihirapan pa kong kumilos. Pero nandyan naman si Eunice at lagi akong pinupuntahan kung may kailangan ako.

Kung may kailangan ka wag kang mahihiyang magsabi. If you want papapuntahin ko muna dito yung isa naming yaya para may mag-asikaso sa mga pangangailangan mo.

Naku wag na nakakahiya naman. Kaya ko na to. Sabi ni Aicka.

No, I insist kasi sa kalagayan mo kailangan mo ng kikilos para sayo dito sa apartment mo kagaya ng paglilinis, pagluluto at paglalaba. Sige na please hanggang bumuti na yang tama mo. Pangungumbinsing sabi ni Jhaypee.

Oo nga. Pumayag ka na. Segunda ni Ar-ar.

Tama nga naman friend. Pagsang-ayon ni Eunice.

Sige na nga. May maggagawa pa ba ako eh tatlo na kayong may sabi. Sumang-ayon na din sya.

Pagkatapos kumain ay lumipat sila sa sala para dun ipagpatuloy ang pagkwekwentuhan nila. Nagkapalagayan na sila ng loob.

Ah, Jhaypee dahil friend na tayo pwede ko bang makuha ang number mo. Syempre si Ar-ar din. Para hindi masyadong halata, hiningi na din nya ang number ni Ar-ar.

Sure. Sagot ni Jhaypee. Nilagay nila ni Ar-ar ang number nila sa cp ni Eunice.

Pagkatapos binibigay ni Eunice ang number nya sa dalawa.

Ah, Aicka pwede ko bang mahingi ang number mo. Sabi ni Ar-ar.

Ok lang. Binigay nya ang number nya dito.

Maya maya pa ay nagpaalam na ang dalawa. Hinatid sila ni Eunice sa baba sa may parking lot. Dahil hirap pang lumakad si Aicka kumaway na lang sya sa mga ito bago sila umalis.

Grabe bes ang gwapo talaga nya at ang bango pa. Kinikilig na sabi ni Eunice.

"Hay naku, tama na nga yan. Maihi ka pa sa sobrang kilig." Pabirong sabi nya. "Tulungan mo na lang akong magligpit."

Pagkatapos nilang magligpit nagpaalam na din si Eunice.

Bye friend. Kita kits tomorrow. Sabay beso beso.

Ingat ka. Sabi nya bago ito umalis.