Simula nung dinner sa apartment ni Aicka ay lagi ng tinetext ni Eunice si Jhaypee. Si Ar-ar naman ay laging tinetext si Aicka.
Uy pare, sino yung nagtext? Curious na sabi ni Ar-ar.
Si Eunice. Sagot nya.
Bakit di mo nirereply? Hindi ka ba interesado? Halatang nagtataka sya kung bakit di nya nireplayan agad.
Busy ako. Saka wala pa sa isip kong mag-girlfriend. Masyado syang makulit. Inis na sabi nya.
Yun lang ba o may iba kang gusto? Tanong nya na parang nagsisiyasat.
Wala akong ibang babae na gusto. Ayoko ko lang yung ginagawa nya. Lalo pa sa lahat ayoko na, yung babae pa ang unang nagpapakita ng motibo.
Ganon? Naturn-off ka?
Oo. By the way, kayo ni Aicka kamusta? Tanong nya dito.
Wala muna daw sa plano nya ang mag-boyfriend kasi busy pa daw sya sa career nya bilang manager. Kaya friendship lang daw ang maiooffer nya.
Yun naman pala hindi pa sya handa kaya irespeto mo na lang. Pero lihim syang natuwa sa narinig nya.
Mag-aantay na lang ako hanggang sa pwede na. Malungkot na sabi nya.
Bakit mo pa aantayin? Marami naman dyang magagandang babae. Humanap ka na lang ng iba para hindi ka mainip. Pangungumbinsi nya dito para ibaling na lang nito sa iba ang oras nya.
Magtapat nga kayong dalawa. Meron ba akong dapat malaman? Tanong nya kela Aicka at Eunice.
Ano naman? Tanong ni Aicka na kunyari hindi nya alam ang tinutukoy nito.
Kunyari pa to! Alam kong alam nyo ang tinutukoy ko. May love life na ba kayo?
Wala pa. Kasi wala pa daw sa plano ni Jhaypee ang magka-girlfriend.
Sakin naman sabi ko kay Ar-ar friends lang kami kasi busy pa ko sa career ko.
Ay ganun! Kala ko pa naman may love life na kayo. Sabi ni Abby na halatang nalungkot.
Akala mo lang yun. Tara kain na tayo. Sabi ni Aicka. Nagsimula na silang kumain.
Balita ko may babaeng umaaligid sayo. Tanong ng medyo may edad na babae pero sopistikada.
Ma! Ano pong ginagawa nyo dito? Nagulat sya sa presensya nito.
Binibisita ka. Masama ba na gustuhin kong makita ang napaka-busy kong anak. So tell me who is this girl?
Mama friends lang kami nun.
Talaga ba? Ar-ar sino yung babae na yun? Magsalita ka na kung ayaw mong magalit ako.
Si Eunice po Tita. Nanginginig na sagot nya.
Kung ganon Eunice pala ang pangalan nya. Imbitahan mo sya sa bahay natin ng makilala ko.
Ma, uulitin ko friends lang kami. Wala kaming relasyon. Pagpapaliwanag nya.
Oo. Alam ko na friends lang kayo gaya ng sabi mo. Pero uulitin ko din, imbitahan mo sya sa bahay.
Sige sa isang kundisyon isasama ko si Ar-ar pati si Aicka na kaibigan ni Eunice.
Sige walang problema. Pero sino naman tong Aicka na ito bukod sa kaibigan sya ng nagkakagusto sayo.
Sya po yung nililigawan ko Tita. Paliwanag ni Ar-ar.
Okay. Sige. Aasahan ko yan anak na dadalhin mo sila ng makilala ko ang mga ito. Sige aalis na ko.
Pano naman kaya nalaman ni Mama ang tungkol sa kanila. Pagtataka ni Jhaypee gayong hindi pa naman nya naikwekwento ang mga ito sa kanyang mama.
Pare pasensya na baka si Mama. Kasi nai-kwento ko na sila kay Mama. Sabi ni Ar-ar.
Ikaw pala ang salarin. Di ko pa nga sinasabi inunahan mo naman ako.
Sorry na talaga. Patawarin mo na ko. Pagmamakaawa nya sa kaibigan.
Pag-iisipan ko muna. Sagot nya dito.
Sige na naman pare. Parang di naman tayo magkaibigan.
Sabihin mo yan sa sarili mo.