Chapter 5

"Margareth Singson Ty, you'll be in SCFC with Claire Santiago De Vera." Nagsinghapan ang mga kaklase nila dahil sa narinig nila. Pero dedma lang sya dahil alam na nyang doon sya papasok para sa Internship nya. Nagdismis na ang Professor nila. Nag-ayos na sya ng mga gamit nya samantalang ang iba ay abala pa sa pag-uusap dahil sa Internship.

Akmang aalis na sya ng hinarangan sya ni Claire sa dinadaanan nya. Napakagat sya ng labi at napaiwas ng tingin dahil sa nakatitig sakanya ang bestfriend nya.

"You've a lot of explanation to do, Margareth." Bumuntong hininga sya saka hinila ang kaibigan sa labas.

"Si Norbert at yung lalaking naka-One..." halos lumabas na ang eyeballs ng mata ni Claire dahil sa sinabi nya. Napasigaw pa ito dahil kung bakit napatigil ang nasa loob ng room sakanilang pag-uusap.

"You really got to be kidding me, Margareth!" Halos masira na ni Claire ang hawak nitong libro dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito.

"No I'm not." Seryoso nyang saad. Sinabi na nya ang totoo, babawiin pa ba nya and besides bestfriend naman nya ito at siguradong hindi iyon kakalat.

"Sa dinami-dami pa ng lalaki sa mundo bakit pa ang walang hiyang lalaking yun pa?! Oh! My goodness! This will be a chaos to all!" halos pabulyaw ng saad ni Claire. Ano bang nalalaman nitong si Claire at bakit ito nagiging histerikal? Bakit ganito na lang sya kung makareaact?

"Margareth, Norbert is my cousin at alam ko ang lahat ng kagaguhang ginawa nya--"

"What? Cousin? Pinsan mo ang lalaking yun?" napakagat ng labi si Margareth dahil sa kahihiyan. This is really embarrassing!

"Yes. At kailangan mong mag-ingat sakanya." Muling saad ni Claire.

"At sinong kailangang mag-ingat?" nanlamig si Margareth ng marinig ang baritong boses mula sa likod nya. Napalunok sya ng dumapo ang kamay nito sa beywang nya saka sya nito hinila palapit sakanya and it was Norbert standing beside her.

Hinila ni Claire ang kamay ni Margareth para makawala it okay Norbert saka dagliang tinadyakan ang maselang bahagi ng katawan ng lalaki saka mabilis silang tumakbo paalis habang si Norbert ay halos mamatay na sa sobrang sakit ng ginawa ni Claire sakanya.

Takbo-lakad lang ang ginawa nilang dalawa bago makarating sa gate ng school pero agad na napahinto ng lakad si Claire ng makita nito ang popular na mukha sakanya. Lumapit ang lalaki sakanilang dalawa.

"Hey. Andito ako para sunduin ka. You know diba lalabas tayong dalawa?" it was Axel na may malawak na ngiti habang si Claire ay nastun lang at hindi na umimik pa.

"Yes. Asan ang kotse mo? Aalis na tayo. Bilis." Dahil sa adrenaline rush ay si Margareth na lang ang humila sa kaibigang si Claire na hindi na umimik pa. It was very unusuall para kay Claire ang ganitong senaryo na bigla na lang natatahimik. At nagtataka na si Margareth dahil doon kaya buong byahe ay tahimik na lang sya dahil sa awkwardness na nasa loob ng kotse. Hinayaan na lang nya ang paligid nya dahil sa nangyari na iniisip pa rin nya. Tumingin na lang sya sa paligid at hindi na umimik pa.

Maingay na music at nakakasilaw sa mata ang mga neon lights ng pumasok si Norbert sa The Bachelors. Sanay na sanay na sya sa usok ng sigarilyo at alak sa palagid ng mga nagsusunog baga at bato. Lahat ng madadaanan nyang kakilala nya ay nakikipaghigh five sakanya, samantalang ang mga babae ay tinitignan lang sya ng nakakaakit na tingin pero binalewa nya lang yun.

Naglakad sya sa kinauupuan ng mga kasama nya sina Jed, Axel, Ian, at Bryle na kanina pa asiwa pero hindi lang mga lalaki ang nakaupo sa sofa andun din ang babaeng titig na titig sakanya hanggang sa makarating sya.

What is she doing here? Where's Claire? Malilintikan talaga sa akin ang babaeng yun! Litanya ni Norbert sa isip nya. May halo mang pagtataka ay andun ang kasiyahan kahit na may nangayari sakanilang dalawa na hindi maganda.

"Sorry, guys. I'm late." Sabi nya ng makaupo sya. Katabi nya si Axel at ang katabi naman ni Axel ay si Margareth na malayo naman ang distansya kay Jed.

"It's okay. Sanay na kaming palagi kang late." Tumatawang sambit ni Bryle, sabay lagok ng hawak na bote ng beer. Nakatingin pa rin sakanya si Margareth kaya tinignan nya ito pero umiwas din. Ngumisi sya dahil doon.

"Anyway, Norbert this is Margareth Ty, My---" pinutol ni Margareth ang pagsasalita ni Axel at sya na ang nagtuloy.

"He's my boy friend." Ngiting-ngiti nitong sambit. Nalaglag ang panga ni Norbert sa sinabi nya dahil sa gulat pero nakabawi rin sya. May kaonti rin syang naramdamang inis. Hindi nya alam kung bakit nya yun naramdaman.

Napatingin rin ang iba pa nilang kasama sa sofa kay Margareth maging si Axel ay napatingin sakanya at nangunot ang noo. Ngumisi nalang sya kay Margareth at dire-diretsong ininom ang isang bote ng alak.

Wala ng nagsalita sakanilang lahat. Masaya silang nagkukwentuhan pero hindi nakisali si Norbert dahil busy sya sa pagtitig sa mukha ni Margareth na halatang tensyonado sa titig nya. Hindi sya nagkamali, may epekto sakanya ang babae kahit na titig lang ang ginagawa nya.

Biglang may tumabi kay Norbert at ipinulupot ang kamay sakanyang braso. Sanay na syang ang mga babae ang lumalapit kaya effortless sakanya ang kumuha ng babae o pumorma pa. Kung wala lang siguro syang kasama ngayon sa sofa ay siguradong papaligiran na sya ng mga babaeng kanina pa nakatingin sakanya.

Alam ng mga babae kung sino at anong uri sya nga lalaki. Kahit na Womanizer sya, heartbreaker at nakakatakot sa kama ay hindi pa rin nababawasan ang mga babaeng nahuhumaling sakanya, sakatunayan nga mas nagdagdagan pa ng nadagdagan.

May mga babae ring naghahabol sakanya at sinasabing anak nya ang dinadala nila pero tinatanggi nya dahil alam nyang may ginagamit syang protection, dalawang box pa nga ang natitira sakanyang drawer.

"Chic magnet." Wala sa sariling sambit ni Margareth. Humagalpak ng tawa ang mga kasama nila. Ngumisi lang si Norbert sa sinabi nya. Alam ni Margareth na nagmumukha na syang kamatis sa kinauupuan nya dahil sa matinding pagkairita kaya kahit isang sulyap ay hindi nya tinignan ang lalaking may kalandiang babae sa kaliwang banda nya.

Bakit ba naiirita si Margareth? diba nga wala syang pakialam sa lalaking ito? Atsaka kung alam lang sana nyang kaibigan sya ni Axel sana sa ibang lugar nalang sila nagpunta para hindi na nya makita ang mukha ng lalaking ito. Naiirita sya ng husto lalo na kapag nakatingin ito sakany na para bang sinasabi nyang 'Ako ang pinakagwapo sa lahat'. At doon naiirita si Margareth.

"If I'm a chic magnet then, why are you not attracted to me?" Nakakalokong ngisi ang lumabas sa labi ni Norbert sa matalim na titig sakanya ni Margareth.

"Ayun oh! Womanizer alert! Womanizer alert!" Biro ni Jed. Naghagalpakan na naman sila.

"Because I have a boyfriend and I'm very much attracted to him, right, Babe?" Ang kaninang ngisi ni Norbert ay nawala. Gaya kanina ay nakaramdam na naman sya ng pagkainis kaya bumaling nalang sya sa babaeng kanina pa hinihimas ang binti nya.

"Hey! Personalan na ba to?" Singit na naman ni Jed.

"Nope. I'm just saying the truth. Womanizer is suits only to those bitchy witchy girls." Sambit ni Margareth sabay tingin kay Norbert na may galit na sa mga mata. Tama bang magalit sya sa isang katotohan o nagagalit sya dahil natatapan na ang ego nya?

Tawa lang ng tawa ang mga kasama nila. Hindi nila alam na may namamagitan sakanilang dalawa na hindi pwedeng malaman ng kahit sino. May tesyon na nakapaligid sakanila buti nalang ay may pader na humaharang para hindi na lumala pa.

Isang halik ang ibinigay ng babaeng katabi ni Norbert saka umalis ito at nahinto ang tawanan ng magsalita si Ian. "I need your help guys. Alam nyo naman siguro ang nangyari kay Dad at Rex pati na rin ang unti-unting pagkalugi ng kompanya."Seryosong seryoso ito pero kita sa mata ang pagod at pag-alala.

"What help do you need?" Wika ni Norbert. Nakikinig lang ang iba pa nilang kasama maging si Margareth na titig na titig na mukha ni Ian. Nag-igting ang panga ni Norbert dahil doon.

"I want you to invest into our company para hindi 'yun bumagsak ng tuluyan at magsara, atleast 25 percent of share. I also need private investigators na maghahanap sa suspek sa pagpapasabog sa yate ni Dad at aksidenteng nangyari kay Rex." Mahabang litanya ni Ian. Bihira lang magsalita ito at humingi ng tulong sakanila. May nagpasabog sa yateng sinasakyang ng daddy nya na hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap ang bangkay. At batay rin sa initial report ng mga police sa aksidenteng nangyari sa kapatid nya ay sinadya iyon. Maging ang kumpanya nila ay may nawawalang isang daan milyong piso kaya nagsipulasang alisin ng investor ang kanilang stocks kaya namemeligrong malugi at bumagsa ito.

"Okay. I will invest to your company." sambit ni Norbert sabay lagok ulit ng alak saka nagsalita ulit."Uutusan ko na rin ang mga private investigators ko. Oh, i will offer also girls para naman makapagpahinga ka at makapagrelas kahit kaonti. Mukhang pagod na pagod ka." Nagtawanan ang mga kasama nila habang si Margareth ay napanganga nalang na nakatitig sakanya. Ngumisi lang sya rito at muling lumagok ng alak.

"Wala na pala tayong tulong na maibibigay. Naibigay na lahat ng babaerong to." Sambit ni Axel. Lumagok naman ito ng Jack Daniels na nasa baso nya. He likes imported and expensive alcohols. Mas gusto nya ang lasa ng mga ito.

"Shut up, dude." Sabay tingin nya kay Margareth na nakatingin rin sakanya. Nag-iwas 'to ng tingin kaya napangisi sya.

"W-wait guys, comfort room lang." Nahihiyang sambit ni Margareth. Gusto na nyang umalis at umuwi nalang dahil parang sinilihan ang pwet nya sa sobrang init ng pakiramdam nya. Kinakabahan na naman sya ng husto dahil sa presensya at mainit na titig ni Norbert sakanya na hindi nya kayang tagalan.

Tumayo sya at naglakad palayo sa kinauupuan ng mga lalaking kasama nya. Hindi rin nya matagalan ang mga paninitig ng mga babae sakanya at alam nya ang dahilan nun. Kasama at katabi lang naman nya ang mga mayayaman, kikilala at kilabot na mga limang lalaki. Mga lalaking ubod ng gwapo at may ipinagmamalaking ganda ng katawan. Nagsusumigaw na tatak ng mga branded na sasakyan sa labas kaya sinong hindi makakakilala sakanila?

Nagkipagsiksikan si Margareth sa dagat ng mga taong nagsasayaw sa saliw ng music at neon lights. Amoy nya rin ang halo-halong amoy ng paligid mapa-alak man o sigarilyo. Hindi sya sanay sa mga ganitong uri ng lugar at ito rin ang pangalawang beses nyang nakapunta sa bar at ang una ay ang gabing nawala sakanya ang hiyas.

Nagmadali sya sa paglalakad pero may isang kamay ang humawak sa beywang nya sa gitna ng mga taong nagsasayawan.Natigilan sya at kinabahan dahil tandang-tanda ng katawan nya ang init na ibinibigay ng kamay na nakahawak sakanya. Napalunok si Margareth ng dalawang beses saka muling naglakad pero hinila sya nito paharap kaya napasubsob ang mukha nya sa matipunong dibdib ng lalaking nakatitig sakanya. Oh shit! Not now. Sa isip ni Margareth.

"L-Luke?" nauutal nyang sambit. Ngumiti lang sakanya si Luke pero hindi pa nito binibitawan ang kamay nyang nakahawak sa beywang nya.

"Yup. It's me. Kamusta kana, Margareth?" Isang nakakalokong ngiti ang nabuo sa labi ni Luke. Isang ngiting may ibig sabihin. Ngiting nagpapahiwatig na may masama syang gagawin.

Inilapit nito ang mukha nya sa tenga ni Margareth. Napasinghap si Margareth dahil sa init ng hininga ni Luke at ang biglang pagdila nito sa dulo ng tenga nya. Nangilabot sya dahil doon. Sino itong lalaking ito? Hindi ito ang Luke na kilala nya. Hindi! Dahil ang Luke na kilala nya ay isang lalaking may respeto sa mga babae, may respeto sakanya.

Itinulak nya si Luke ng malakas. Mas ngumisi ito na tila nasisiyahan sa ginawa ni Margareth. Nagdilim ang mata ni Luke atsaka ang aura nito ay tila nababalutan ng itim. Nagllakad patalikod si Margareth dahil sa paghakbang ni Luke paharap. Mas lalong mnag-iba ang aura nito, mas dumilim.

"Huwag kang lumapit!" sigaw ni Margareth para marinig ni Luke dahil sa lakas ng music pero matuloy llang itong humakbang paharap sakanya. Humakbang pang muli patalikod si Margareth ng may mabangga sya sa likod nya.

Nagulantang sya ng biglang pinulupot ng nabangga nya mula sa likod ang kamat nito sa tyan nya at ipinatong ang baba sa balikat ni Margareth. Lumingon sya sa bandang kaliwa nya kung nasaan ang mukha ng lalaki habang nakatitig ito sakanya. Another shit! What is happening now?! Nagsusumigaw na isip ni Margareth.

"Babe, sino sya?" So, babe naman ngayon?Sa isip muli ni Margareth. Napakagat sya sa labi nya at tinignan si Luke na napahinto dahil sa ginawa ni Norbert. Oo, si Norbert ang yumakap sakanya at wala ng iba. Ang damuhong lalaking ito!Iyan ang gustong sabihin ni Margareth sa mukha ni Norbert dahil sa pagyakap nito pero hindi nya magawa dahil sa matinding kahihiyan at pagkalunod sa napakabangong amoy ni Norbert.

"S-Si Luke, B-Babe." Huminga sya ng malalim saka sumagot sa tanong ni Norbert. Namula ang pisngi nya dahil naramdaman nyang ngumisi si Norbert dahil sa sinabi nya. Bakit ba nangyayari ito sakanya? Kaharap ang lalaking niloko sya na muling nagbabalik. At ang lalaking ginugulo ang isip nya pati na rin ang takbo ng puso nya.

Mas humigpit ang pagkapulupot ng dalawang kamay ni Norbert sa tyan nya. Tinignan nya ito ng masama para tanggalin nya ang pagkakayapa pero tila mas masaya pa itong gawin at sinabayan pa ng pagsayaw sa saliw ng music.

"Ito ba ang ipinalit mo sa akin, Margareth?!" matalim syang tinignan ni Luke. Napaiwas sya ng tingin dahil sa sinabi nito. Ipinalit? Wala syang ipinaliit kung meron man ay si Luke ang gumawa n'un. Ipinalit nya si Margareth sa pera. Oo, ginamit sya ni Luke para sinarain ang kompanya nila. Ginamit sya nito para makapasok sa kompanya nila.

Ngumisi lang si Norbert sa sinabi ni Luke parang wala lang ito sakanya. Nagulat si Margareth dahil sa biglang pag-amoy ni Norbert sa leeg nya. Oh shit! Not now please?! Gustong isigaw yan ni Margareth sa mukha ni Norbert pero hindi nya magawa.

Nadadala sya dahil sa init ng hininga ni Norbert hindi tulad kanina kay Luke. Takot ang naramdaman nya imbes na kuryente. Kuryenteng unti-unti syang pinapahina. Kung hindi lang mahigpit ang kapit ni Norbert sakanya ay kanina pa sya bumigay sa pagkakatayo nya.

Habang inaamoy ni Norbert ang leeg ni Margareth ay nakangisi syang nakatingin kay Luke. Nagkamali ata ito ng kinalaban. Si Luke? Kakalabanin ang isang Norbert Santiago? Imposible ata syang manalo sa nagmamay-ari ng pangalang 'Norbert'.

"Oo, ako ang ipininalit nya sayo." Nakakalokong ngiti ang ginawa ni Norbert bago sya bumitiw sa pagkakayap kay Margareth. Hinawakan ni Norbert ang kamay ni Margareth at akmang aalis na sila ng bigla syang sinuntok ni Luke si Norbert. Napasigaw si Margareth dahil doon. Napaupo si Norbert dahil sa lakas ng suntok na ibinigay ni Luke sakanya pero hindi nya yun ininda at talagang ngumiti pa sya na tila sinasabi nyang 'Yan lang ba ang kaya mo, Gago?'. Tumayo sya at agad na sinuntok si Luke sa mukha dahilan ng pagkakahiga nito sa sahig.

Natigilan ang lahat ng nagsasayaw dahil sa gulong nangyayari. Nakitingin silang lahat sa dalawang lalaking nag-aaway dahil sa iisang babae. Parang isa itong eksena sa pelikula na kung saan ang babae ang pinag-aawayan ng dalawang lalaki dahil pareho nilang mahal ang babae. Pero ganun nga ba? O ginagawa lang ni Norbert ito bilang isang taong tumutulong sa mga naapi.

"Mali ka ata ng kinalaban." Ngumisi si Norbert saka nya sinipa sa tyan si Luke. Muling napasigaw si Margareth dahil doon. Ito ang unang pagkakataong makakakita sya ng dalawang lalaking nagsusuntukan. Dumalo si Margareth kay Norbert na akmang sisipain na naman si Luke.

Niyakap ni Margaret hang braso ni Norbert at hinala nya ito. Napatingin sakanya si Norbert na may galit sa mata pero agad yun nawala dahil sa nakita nyang takot sa mata ni Margareth.

"Tama na," sambit ni Margareth. Huminahon si Norbert saka nya inihilamos ang mukha sa kamay. Tila nafrustrated ito dahil sa nangyayari.

"Binastos ka nya! Tama na?!" ano bang ikinagagalit ni Norbert? Nagulat si Margareth dahil sa pagsigaw nito. Binitiwan nya ang kamay nyang nakayakap sa braso ni Norbert saka nya ito hinarap na may pagtataka sa mukha.

"Bakit kaba nagagalit?" kalmado pero may tensyong sambit ni Margareth. Nag-iwas ng tingin si Margareth at agad na naglakad patungo sa duguang si Luke na namimilipit pa rin sa sakin.

Galit na itinuro ni Norbert sa Luke na nakahiga sa sahig. Nilapitan sya ni Margareth at gaya ng kanina ay hinila nya muli ito para hindi na magpang-abot pa.

"Kilalanin mo ang binabanga mo." Sambit ni Norbert saka nito hinila ang kamay ni Margareth na nakahawak sa braso nya at ngalakad ng mabilis palabas ng bar. What was that? Tanong ni Margareth sa isip nya habang nakatingin sa kamay nilang dalawa ni Norbert na magkahawak kamay.