"You said you'll going to get want I want pero binigo mo ulit ako, Megan! Wala ka talagang kwenta!" Isang malakas na sampal ang iginawad ni Alexandra sa mukha ni Megan. Napapikit ng husto si Megan dahil doon. Gusto nyang umiyak sa sakit pero pinigilan nyang huwag mahulog ang luha sa mata nya. Ayaw nyang may nakakakita sakanya na mahina sya, na mababaw ang luha sa mata nya na tanda na isa lamang syang babae.
"Ginawa ko ang inuutos mo. Nangyari ang plano pero tila ginayuma ng step daughter mo si Norbert." mahinang sambit ni Megan. Isa pa sanang sampal ang igagawad ni Alexandra pero pinigilan nito ang sarili nya. Huminga ng malalim si Megan saka nagtanong.
"Bakit ba ang init ng dugo mo sa babaeng 'yun?" puno ng pagtataka sa tanong ni Megan pero naroon rin ang takot na baka hindi lang sampal ang igawad sakanya ni Alexandra kundi baka sabunutan na sya nito.
"She's like her mother. Wala syang pinagkaiba sa ina nya at isa pa makikihati sya sa mamanahin ng anak ko at sya pa ang hahawak ng kumpanya. Gusto ko syang mawala upang ang anak ko ang mamahala." Naglagay ng alak si Alexandra sa wine glass saka iyon nilagok ng dire-diretso. Kitang-kita sa mata nito ang galit dahil sa tila nag-aapoy nitong mga mata.
"At isa pa, sa dinarami-rami pa ng pwede ng landiin ay si Norbert Santiago pa na kaaway ng kumpanya namin. Hindi ba nya naisip na maaring iyon ang isang paraan ng Santiago na iyon upang pabagsakin ang kumpanya? Katulad talaga sya ng nanay nya!" halos pumutok na ang mga litid sa leeg ni Alexandra dahil sa labis na pagsigaw. Itinapon pa nito ang hawak na wine glass dahilan kaya napasigaw si Megan.
"Alam mo naman siguro ang mangyayari sayo at sa pamilya mo diba?" Alexandra said. Hindi ito nakatingin kay Megan bagkus ay nakatingin ito sa bintana. Nilapitan sya ni Megan pero pinigilan sya ni Alexandra.
"Don't come near me! Gawin mo ang ipinapagawa ko sayo!" malakas na sigaw ni Alexandra. Napapikit si Megan at huminga ng malalim saka nagsalita.
"Ginawa ko na lahat pero wala pa din. Walang kwenta ang mga plano ko." mahinang sambit ni Megan. Natatakot ito sa maaring maging sagot ni Alexandra at sa pwedeng gawin nito sakanya saka sa pamilya nya.
"Isa ka talagang hangal, Megan! Alam kong mahal mo ang Santiago'ng iyon pero bakit hindi mo magawang makuha ang puso nya gaya ng ginawa mo noon sakanya?!" Humarap sakanya si Alexandra. Naglakad ito papunta sakanya dahilan kaya napaatras si Megan. Agad na nahawakan ni Alexandra ang panga nya gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay hawak ang buhok nya. Napa-aray si Megan pero walang awa si Alexandra. Mas diininan pa ang pagkakahawak sa panga at buhok nya.
"Hindi lang ito ang gagawin ko sayo, Megan. Kaya kitang saktan ng higit pa rito dahil sa katangahang meron ka!" Nanlilisik ang matang natingin si Alexandra. Binitawan nito si Megan na parang isang laruang sira at walang kwenta. Napaupo sya sa sahig at tila nawalan ng lakas upang tumayo. Tumulo ang luha sa mata ni Megan at agad nya itong pinunasan at pilit na huwag na mahulog pa ang ibang luha dahil tiyak na wala ng tigil ang mga iyon sa pagdaloy kung sakaling hindi nya magawang mapigilan.
"Sige gagawin ko ang kahit na anong ipinag-uutos mo basta huwag mong sasaktan ang pamilya ko." Nagmamakaawang sambit ni Megan. Nakaupo pa rin sya sa sahig at walang lakas na tumayo. Takot at awa sa sarili ang higit na nararamdaman ni Megan. Gusto nyang kumawala na sa landas ni Alexandra pero ito ang pilit na dumadaman at hindi sya hahayaang mawala.
Si Alexandra Singson Ty ang tumulong sakanya noong nangangailangan sya ng pera sa pampapagamot sakanyang inang may sakit. Ito rin ang tumulong sakanya upang makapagtapos sa pag-aaral at makapasok sa isang magandang trabaho pero tila nagkamali ata sya sa taong hiningan ng tulong dahil hindi nya inaakala ang mga hinihingi nitong pabor bilang kabayaran sa tulong na ibinigay sakanya.
Minsan, ginawa sya nitong spy sa mga kumpanyang mga kaaway nila at ilantad ang mga bahong meron sa mga kalabang kumpanya. Ang higit na mas malalang ipinagawa sakanya ay ang akitin si Norbert Santiago na isang malaking karma sakanya dahil minahal nya ang lalaki ng buong puso pero hindi nya maamin dito ang katotohanan hanggang sa nalaman nitong kusa at ngayon ay galit ito sakanya. Sinabi nya ang totoo sa lalaki at pumayag itong makipag-ayos at alukin bilang isang bed warmer nya dahil sa mahal nya ang lalaki ay pumayag sya kahit labag iyon sa isip nya. Natapos ang isang kasunduang iyon sa pagitan nilang dalawa pero mas lalong nag-alab ang pagmamahal nya sa lalaki hangang sa dumating ang pangalang Margareth Singson Ty na syang nagpatibok muli sa puso ng lalaki.
"Gawin mo ang lahat mawala lang si Margareth sa landas ko." maotoridad na sambit ni Alexandra. Umalis ito sa harap ni Megan saka lumabas ng office. Hindi na mapigilan ni Megan ang umiyak dahil sa nangyayari sakanya. Hindi nya ginusto ang ganitong uri ng buhay pero he'to ang nangyayari sakanya. Gusto na nyang mawala pero gagawin nya ang lahat para sa pamilya nya at para sa lalaking mahal nya.
Palakad-lakad si Alexandra sa loob ng kanyang office. Wala na si Megan doon pero ang galit nya ay mas lumala pa dahil sa nabalitan mula sa asawa. Naglagay sya ng alak sa isang wine glass at nilagok nyang lahat. Hindi malasahan ng lalamunan ni Alexandra ang alak dahil sa tindi ng galit nya.
Kinuha nya ang cellphone nya saka nag-dail. Wala pang tatlong ring ay nasa kabilang linya na ang kausap nya.
"What's the matter, Alexandra?" halata sa boses ng kausap ang pang-aasar.
"Humanda kana. May ipapagawa ako sayo." Sambit nya. Tumawa lang ang kausap sa kabilang linya. Balewala sa kausap ang maotoridad na tono ng boses nya.
"And why? I'm busy. Nasa bakasyon ako." May pang-aasar pa rin sa tono ng kausap.
"I'm going to kill you there kung ayaw mong sumunod sa utos ko, Albert!" halos puputok na ang mga litid sa leeg ni Alexandra dahil sa pagsigaw. Labis ang galit nya ngayon lalo na dahil sa nabalitaan. Ayaw nyang magkaroon ng magandang buhay si Margareth dahil mas gusto nitong maghirap sya at umiyak hanggang lumuhod sa harap nya at hihingi ng tulong.
"Woo! Hey! Huminahon ka, Alexandra." Ang kaninang mapang-asar na tono nito ay napalitan ng tawa.
"Hindi ako nakikipaglokohan sayo! Sundin mo ang utos ko dahil wala akong oras sa mga laro mo!" napahawak si Alexandra sakanyang ulo. Gusto na nyang sumabog dahil sa tindi ng inis at galit na mayroon sya ngayon. Kung maari lamang ay sya na ang trumabaho upang mawala na si Margareth ay gagawin nya pero mas gugustuhin nyang manuod sa gagawin kay Margareth sa mga inutusan nya.
Gusto nyang makitang naghihirap si Margareth at umiyak ito sa harap nya at humingi ng tulong. Gusto nyang makitang maging miserable ang buhay nito. Sawa na syang makitang masaya ito at gusto na nyang wakasan iyon dahil sa tuwing naalala nyang masaya si Margareth ay nakikita ni Alexandra ang paghihirap nya noon dahil sa babaeng umagaw sa asawa nya. Gusto nyang magbayad ang anak ng umagaw sa asawa nya. Gusto nyang iparanas ang sakit, at hirap na ipinaranas sakanya dahil kahit doon man lang ay maramdaman nya ang isang tagumpay...ang maging masaya.
"How about, ,Megan? Bakit hindi sya ang utusan mo?" Albert said in the other line. Mapaglaro pa rin ang tono ng boses nito na labis na kinaiinisan ni Alexandra. Naiiba si Albert sa kakambal nitong si Norbert dahil tuso ito.
"May iba akong ipapagawa sakanya. At isa pa kapag nagawa mo ito ng tama ay baka makuha mo pa ang kumpanya sa kakambal mo." seryosong sambit ni Alexandra.
"That's what I really like about you, Alexandra. Diretso ka lang at walang paligoy-ligoy pa." Albert said in an amusing tone of voice. Napangisi si Alexandra dahil doon. Alam nyang gagawin nito ang ipapagawa nya sa ngalan ng kumpanyang hawak ng kakambal ni Albert. Lahat gagawin nito para lang mapabagsak ang kakambal. Sounds interesting iyon para kay Alexandra.
"Send the details to me. And of course, hindi pwdeng ang kumpanya lang ang kapalit nito, Alexandra. Alam mo kung gaano ako naghirap." mapanghamong tono ng boses ni Albert.
"Sapat na ba ang limang milyon kapalit ng serbisyo mo?" sagot ni Alexandra.
"Paano kung mahuhuli ako? Paano kung hindi ko magawa ng tama at maghanap ng ebidensya ang kakambal ko at malamang ikaw ang may pakana ng lahat ng ito? Hindi sapat ang limang milyon lamang para sa katahimikang gagawin ko para sa ating lahat." Hindi mapagkakailang tuso talaga si Albert. Sa ngalang ng kumpanya at pera ay talagang gagawin ang lahat.
"Tuso ka talaga, Santiago. Ten million. 'Yun lamang ang maari kong ibigay sa'yo." si Alexandra. Nakasandal ito sa salamin ng office nya na kita ang buong city lights.
"Bakit naghihirap kana ba, Alexandra? Mawawala na rin ba sa kamay mo ang kumpanyang inalagaan at minahal mo ng husto kaya sampung milyon lang ang kaya mong ilaan sa serbisyo ko?" mapanghamong sambit ni Albert. Nag-iinit na ang ulo ni Alexandra dahil sa mga sinabi ni Albert. Nagtitimpi lang sya dahil gusto na nyang matapos ang lahat ng ito.
"Enough! Ten million is enough for you dahil kapag hindi mo nagawa ng tama ang ipinapagawa ko sayo ay ako mismo ang tatapos sa buhay mo." galit na sambit ni Alexandra.
"Okay. Deal. Just send all the details at ako na ang bahala. Basta maghanda ka lang sa gagawin ko dahil siguradong magugustuhan mo ito." tumawa si Albert saka pinatay ang tawag. Naglagay muli si Alexandra ng alak sa basong hawak at dire-diretsong nilagok iyon.
Nakatingin lamang sya sa mga ilaw ng bawat buildings sa labas na parang mga bituin na kumikislap-kislap. Sa wakas at mawawala na rin sa landas nya ang ang babaeng iyon. Mawawala na rin ang anak ng babaeng umagaw sa asawa nya.