Chapter 26

Halos buong araw na tulog si Norbert matapos ang dalawang oras na operation parangalin ang nakatusok na bakal sa paa nya pati na rin ang kapirasong salamin na nakatusok sakanyang kanang braso. Mahimbing syang natutulog ngayon pero kita sa mukha nya ang pagod at pag-aalala. Madaming sugat ang mukha nya pati ang dalawang braso. Naka cast ang kanang braso nya dahil bukod sa may sugat doon ay may bali ang braso nya. Ang isang paa naman nya ay may cast din. Kita sa itsura ni Norbert ang kalunos-lunos na nangyari sakanila sa aksidente pero wala pa ring malinaw na dahilan kung bakit nangyari saknila iyon. Wala ring lead kung nasaan si Margareth. 

Ang daddy na ni Margareth ang nagdecide para sa paghahanap sakanya. Ipinaembestiga na rin ang kotse ni Norbert kung sinadya ba o hindi ang aksidenteng nangyari sakanila.

Unti-unting nagmulat ng mata si Norbert. Puting kisame ang nakita nya at ang nakakasilaw na ilaw. Inilibot nya ang mata nya sa paligid at napagtanto nyang nasa ospital sya. Agad na lumabas sa utak nya ang mukha ni Margareth. Akmang uupo sya mula sa pagkakaupo pero hindi nya magawa dahil sa masakit ang iba't-ibang bahagi ng katawan nya. Naka cast rin ang kanang kamay nya at ang kaliwang paa nya. 

Pinilit pa rin nyang umupo. Napapa aray sya dahil sa sakit. Ginamit nya ang isang kamay nyaupang iahon ang katawan mula sa pagkakahiga. Nang nakaupo na sya ay unti-unti naman nyang ibinaba ang paa dahil gusto nyang bumaba sa hospital bed at umalis sa ospital. Ayaw nyang humiga lang doon at walang ginagawa upang hanapin si Margareth. 

Mag-isa lang sya sa hospital room. Walang ibang ingay ang naroon kundi ang boses nya. Tumayo sya pero sa pagtayo nya ay ang biglaan nya pagtumba dahil masakit rin pala ang kanan nyang paa at naka cast pa ang kaliwa. Napamura sya ng malakas sabay suntok ng kanang kamay sa sahig. 

"Shit! Shit! Shit!" Pinilit nyang umayos at umupo. Napapapikit sya at sunod-sunod pa rin ang mura nya. 

Kahit pa ganito ang kalagayan nya ay gagawin nya ang lahat mahanap lang ang babaeng pinakamamahal nya. Isipin pa lang nyang wala si Margareth sa tabi nya ay nababaliw na sya paano pa kayang nawawala nga talaga ito, ay hindi nya siguro makakaya.

Bumukas ang pintuan at bumungad doon si Merideth at gulat na gulat dahil sa nakitang kalagayan nya. Agad syang nilapitan ni Merideth para patayuin at iupo sa kama.

"Ano bang ginagawa mo?" nag-aalalang tanong sakanya ni Merideth. Tinignan lang sya ni Norbert.

"Leave me alone." he said. Kumunot ang noo ni Merideth dahil sa pahayag nya. Akmang tatayo ulit si Norbert pero pinigilan lang sya.

"Ganyan ba katigas ang ulo mo? Paano ka kaya natiis ni Margareth?" sambit ni Merideth. Hindi sya pinansin ni Norbert. Inalis lang nito ang kamay nyang nakahawak sa balikat ni Norbert. Tumayo ulit si Norbert pero napamura ng malakas dahil sa hapdi na naroon sa isang paa nya. Napapikit sya ng mariin saka hinakbang ang isang paa.

"Tignan mo ang sarili mo. Makakaya mo kayang iligtas si Margareth kung ganyan ang kalagayan mo?" seryosong sambit ni Merideth. Gumawa pa ng isang hakbang si Norbert gamit ang kaliwang paa na may sugat. Malakas na mura muli ang ginawa ni Norbert.

"Stop there!" sigaw ni Merideth. He didn't listen. He continued to walk as if kaya nya kahit na nakakaramdam sya ng matinding hapdi kahit na naka cast ang paa nya.

"I said stop there! According to the investigation hindi aksidente ang nangyari sa inyo." Merideth said and that makes Norbert stop on his walking. Lumingon sya kay Merideth ng may galit.

"S-Sino ang gumawa?" nanginginig na sambit ni Norbert. Gusto nyang suntukin ang pader dahil sa mga narinig kay Merideth. Sino naman kaya ang gagawa sakanila ng ganoon? Sinadya ang nangyari sakanila ibig sabihin ay gusto silang patayin ng kung sino man.

"Inaasikaso na ni Daddy ang tungkol dyan but.---" hindi naituloy ni Merideth ang sasabihin nya ng magsalita si Norbert.

"How about Margareth? Where is she?" napayuko si Merideth. Wala syang maisagot sa mga tanong ni Norbert. Napamura si Norbert ng malakas. Walang umimik sakanilang dalawa hanggang basagin iyon ng boses na lalaking pumasok sa hospital room.

"How are you, Brother?" si Albert, kakambal ni Norbert. Tinignan lang sya ni Norbert at balewala lang sakanya ang presensya nito kahit na kita sa mukha ni Albert ang kasiyahan dahil sa kalagayan nya. Masaya siguro ito dahil sa wakas ay maari na nitong hawakan ang company ng pamilya nila.

"Nabalitaan kong naaksidente ka. Paano ba 'yan siguradong ako ang hahawak ng company." ngumisi ito ng nakakaloko. Hindi pinansin ni Norbert ang sinabi nya dahil mas importante sakanya ngayon si Margareth kaysa ang inaasam-asam na company ng kanyang kapatid.

"Get me a wheelchair." sambit ni Norbert. Iyon ay para kay Merideth. Tumango lang si Merideth saka lumabas ng hospital room.

Hindi gumalaw sa kinatatayuan nya si Norbert habang si Albert ay umupo sa sofa habang nakatingin sakanya.

"Mukha atang may tama ka sa babaeng 'yon. Maganda ba sya?" sambit ni Albert. Napatingin sakanya si Norbert ng may galit.

"Mind your own business." Norbert said. Tumawa lang si Albert na parang isang nakakatawang joke ang sinabi nya. 

"Really? You're my business now, Brother. And of course, you're beautiful Margareth." ngumisi si Albert ng nakakaloko. Kahit na may sugat ang paa ni Norbert ay nagawa ng humakbang palapit kay Albert. Gamit ang kaliwang kamay nya ay nagawa nyang suntukin ito sa mukha. Dumugo ang labi ni Albert pero tumawa lang ito ng nakakaloko. Kinulyuhan sya ni Norbert pero mas lumakas pa ang tawa nito.

"You! If I found out na may kinalaman ka sa nagyayari ngayon huwag na huwag kang magpapakita sa akin." nanlilisik ang mata ni Norbert. Nawala ang tawa ni Albert at napalitan iyon ng galit sa mata nya. Pumasok si Merideth na dala ang wheelchair at agad na pinigilan silang dalawa.

"Hindi ako magdadalawang isip na ipakulong kahit na kapatid pa kita." norbert said bago bitawan ang kwelyo ng damit ni Albert. Tinulungan sya ni Merideth sa paglalakad at pag-upo sa wheelchair.

"At sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan." dagdag pa ni Norbert bago sila lumabas sa hospital room. Napasuntok si Albert sa pader dahil sa galit nya. Pinunasan nya ang labi dahil nagdudugo pa iyon. Kinuha nya ang cellphone nya saka may tinawagan.

"Get ready. Palabas na sya ng hospital." ngumisi ng nakakaloko si Albert saka pinatay ang tawag sa kung sino man.  

Kasamang lumabas ni Norbert sa ospital si Merideth. Wala ring nagawa ang doctor ni Norbert sa pagpupumilit nyang makalabas ng ospital. Nakawheelchair pa rin si Norbert at si Merideth ang nagtutulak. Tinawagan rin ni Merideth ang driver ng daddy nya para sunduin silang dalawa. Naghintay sila ng ilang minuto salabas hanggang sa dumating na ang kotse. 

"Walang kikilos kung ayaw nyong masaktan." papunta na sana sa kotse si Merideth habang itinutulak nya si Norbert ay bigla na lang may mga lalaking humarang sakanila. Nakasuot sila ng suit at pormado pa ang mga buhok pero nakatakip ang mga mukha ng itim na mask.

Biglang tumayo si Norbert kahit na masakit ang paa nya pero pinukpok sya ng lalaki sa batok dahil kaya napaupo sya muli sa wheelchair at nawala ng malay. Napasigaw ng malakas si Merideth pero tila walang nakarinig sa boses nya at wala ni isang nakakapansin man lang sa mga nangyayari sakanila ngayon dahil bukod sa walang masyadong tao sa harap ng ospital ay abala ang mga tao.

Nanginig ang tuhod ni Merideth ng maglabas ng baril ang isa pang lalaki at itinutok sa leeg nya.

"S-Sino kayo? B-Bakit kayo may hawak na baril?" sambit ni Merideth.

"Tumigil ka kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo." seryosong sambit ng lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa leeg nya. 

"Sino ba kayo?!" sambit ulit ni Merideth ng simulang buhatin ng mga lalaki si Norbert na walang malay. Hindi pinansin ng mga lalaki ang sinabi nya. Akma sana syang tatawag sa cellphone nya pero inagaw iyon ng isa pang lalaki at itinapon sa sahig saka tinapak-tapakan.

Hinawakan ng dalawang lalaki ang kamay ni Merideth. Nagpupumiglas sya at nagsisigaw pero wala ring nagawa iyon dahil tinalian ng panyo ang bunganga nya para di makagawa ng kahit na anong ingay sa paligid. Nanlamig lalo si Merideth dahil itinutok sa bunganga nya ang baril na hawak ng lalaki. Napatigil siya at naluluha na dahil sa nangyayari sakanya. 

Naisakay na ng mga lalaki si Norbert sa kulay itim na suv ng mga ito.

"Boss, paano 'tong babaeng 'to?" Tanong ng lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa bunganga nya.

"Isama na yan baka magsalita pa." sambit ng lalaki mula sa likuran nya saka inihampas sa batok nya ang baril. Unti-unting nagdili ang paningin ni Merideth hanggang sa nawalan na sya ng malay. Ang huling nakita na lang nya ay ang pagbuhat sakanya ng mga lalaki.

Nagising na lang si Merideth mula sa isang napakaingay na paligid. Pagmulat ni Merideth ay alam nyang kasama nya ang mga lalaking may mga hawak na baril. Mga lalaking kumha kay Norbert at sakanya. Hindi sya makagalaw mula sa pagkakaupo nya at hindi rin sya makapagsalita dahil nasa bunganga pa rin nya ang panyong itinali ng lalaki kanina.

Hindi nya alam kung ilang oras na syang natutulog basta ang alam nya ay kinidnap sila ng mga lalaking iyon. Nag-uusap ang mga lalaki pero hindi nya iyon maintindihan. Naguguluhan pa din sya dahil sa mga nangyayari sakanya ngayon at kay Norbert. Hinsi nya maintindihan kung bakit sina nakidnap. 

May gumalaw sa likod nya at tila nagpupumilit na makaalis mula sa pagkakatali kagaya nya. Nagsalita ang lalaki pero hindi iyon maintindihan. Si Norbert pala ang nasa likod nya. 

Tumahimik ang lahat ng biglang dumating ang dalawang sasakyan at tumigil iyon sa harapan ni Merideth. Lumapit ang lahat sa sasakyan at hinihintay na lumabas ang nasa loob ng kotse.

Bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang hindi katandaang babae, sopistikada itong tignan at halatang mayaman. Halos lumuwa na ang mata ni Merideth ng mapagtanto kung sino ang babaeng iyon. At walang iba kundi ang mommy nya.

"Kalasin ang pagkakatali sakanya." sambit ng mommy nya. 

Unang tinangal ng lalaki ang panyong nakatali sa bunganga nya pero bago iyon ay sinampal ng mommy nya ang lalaking tinawag kanina ng isa pang lalaki na boss.

"Sino ang nagsabing isama nyo sya? Mga hangal! Dalian nyo ang pagkakalas sa tali sakanya!" Sigaw ng mommy nya. 

"Ano 'to Mommy?" Seryoso pero may galit ang tono ng boses ni Merideth. Hindi sumagot ang mommy ni Merideth.

"Answer me! Ano 'tong ginawa mo? Answer me mommy!" Galit ang matang nakatingin si Merideth sa Mommy nya but as always hindi ito sumagot sa tanong nya. Tinignan lang sya ng mommy nya ng malamig na tingin gaya ng palagi nitong ginagawa.

Naalis na ang mga taling nakatali kay Merideth. Agad syang galit na lumapit sa mommy nya.

"Get in the car." ang mommy nya.

"Get in the car? Yun lang ang sasabihin mo? What is this all about? Bakit mo to ginagawa?!" halos lumobo na ang leeg ni Merideth dahil sa galit nya. 

"You want to know why? I'm doing all of this things for you! I want that bastard to get out in our family!" nanghina si Merideth sa sinagot ng Mommy nya. All this time ay may galit pala ito sa kapatid nyang si Margareth. Napatakip sya ng bibig at naiiyak na tumingin sa mommy nya. Nanghihina din ang dalawang tuhod nya at walang lumalabas na salita sa bibig nya.

"I want to give everything you deserve." hinawakan ng mommy nya ang dalawang braso nya pero tinapik nya lang iyon at naiyak na sya.

"Everything? I have everything I want at wala na akong kailangan pa. I have you. I have Daddy and Margareth. Wala na." umiiyak na sambit ni Merideth pero isang malakas na sampal lang ang ibinigay ng mommy nya imbes na yakapin sya ng mahigpit dahil sa pag-iyak nya.

"Margareth is nothing! Wala dapat sya sa pamilya natin dahil isa syang bastarda! Anak sya ng babaeng muntik ng sumira sa pamilya natin! Hindi ko sya matatanggap kahit kailan man! And the way to get her out in our family is to kill her!" mas lumakas ang iyak ni Merideth. Napaupo sya sa sahig at nakayukong umiiyak. 

"Hindi mo sya kailangan dahil sya ang hadlang para sayo lalo na sa kumpanya." 

"I don't need anything because I have everything I want! Don't you get that!" natigil si Merideth sa pag-iyak nya dahil sa galit nyang pagsagot nya sa mommy nya.

"Wala ka ng magagawa." Her mother said. "Dalhin nyo sya sa kwarto." utos ng mommy nya sa mga alagad nito. 

"Don't touch me! Get off your hands! I said don't touch me!" nagpupumiglas si Merideth habang umiiyak. Dinala sya ng mga lalaki sa kwarto na sinasabi ng Mommy nya. Nasa isang warehouse sila ngayon. Medyo madili ang lugar dahil kulang ang mga ilaw sa loob.

May biglang pumalakpak at lahat ay napatingin roon maging si Alexandra.

"What a great show. Hanga talaga ako sayo Alexandra. Anyways, I'm here to inform you that she already here." Si albert ang nagsalita. Lumapit ito sa kapatid nyang si Norbert na tahimik lamang na nakaupo pero. Tinanggal ni Albert ang nakatali sa bibig nya.

"Damn you!" nag-igting ang panga ni Norbert. Nag-aalab ang galit nya para sa kapatid nya. Isa talaga itong malaking tuso dahil kahit sya na kapatid nya ay ilalagay sa ganitong sitwasyon para lang makuha ang kumpanyang meron sya.

Tinutukan sya ng baril ni Albert sa noo. Matalim lang syang tinignan ni Norbert mata sa mata.

"I'm going to kill you at ilalagay ko sa balita na nagpakamatay ka kasama ang babaeng pinakamamahal mo. That would be a great news kapag nagkataoon lalo na ang isang sikat na Norbert Santiago ang nasa balita." Tumawa lang si Albert. Nakatingin ang lahat sakanilang dalawang magkapatid. 

"Where is she?! Where?! Papatayin kita kapag may nagyari sakanyang masama!" galit na sigaw ni Norbert. Tumawa ng malakas si Albert na parang isang tawa ng nababaliw na lalaki. 

"Papatayin mo ako? Paano? Tignan mo ang sarili mo. Ni hindi ka makagalaw at makakilos. Paano mo ako magagawang patayin?" tumawa muli si Albert ng malakas saka binaril ang kisame at umalingawngaw ang ingay na mula sa baril.

"Sa isang putok lang nito sabog ang bungo mo. Mas mauuna kang mamamatay sa akin at ako ang papatay sayo." Seryosong sambit ni Albert saka inilagay muli ang tali sa bunganga ni Norbert. Nagsasalita si Norbert pero hindi na iyon maintindihan pa.

"Dalhin nyo na sya rito dahil naiinip na ako." sambit ni Alexandra.

"Of course! Pero bago nya dala mo ba ang pinag-usapan natin." Ngumisi ng nakakaloko si Albert. Tumango lang si Alexandra bilang sagot sa tanong nya. 

May isa pang sasakyan ang pumasok at pagbukas ng pintuan niyon ay naroon si Margareth na walang malay at duguan ang damit. Nagpupumiglas si Norbert sa pumuan nya kahit na may sugat sya. Nagsisigaw sya pero balewala lang ang iyon sa mga taong naroon. Napaluha sya dahil sa nakikita nya kalagayan ni Margareth. Magbabayad kayo! Sigaw ni Norbert sa isip nya.