Chapter 28

Ilang oras ng nasa operating room si Norbert. Nabigyan na rin ng first aid ang mga sugat nya. Sinabi rin ng OB na malakas pa rin ang kapit ng kambal sa tyan nya. Hindi nga rin makapanila ang OB na galing sya sa isang car accident at hindi man lang naapektuhan ang dinadala nya.

Nagtungo si Margareth operating room. Nasa labas sya, nakaupo sa sahig at mahinang umiiyak. Wala syang kasama ngayon. Shock pa rin si Meridethsa mga nangyari lalo na sa mommy nila. Ang daddy naman nya ay mamaya pa darating.

Napapikit sya ng mariin. Isa-isang nahuhulog ang mga luha sa mata nya. Hindi nya magawang magalit o kamuhian ang kinikilala nyang mommy dahil ang nasa isip nya ngayon ay si Norbert. Gusto man nyang pumasok sa loob ng operating room para hawakan at tignan ang kalagayan ni Norbert ay hindi maari. 

Napahugot sya ng malalalim na hininga. Nanginginig ang dalawang kamay nya. Walang laman ang isip nya kundi ang mga alala niya kasama si Norbert habang nakangiti ito ng malawak. Mga halakhak ni Norbert maging ang mga morning kisses nito sakanya. Lahat ng iyon ay bumabalik sa isip nya. 

Naalala din nya ang nangyari sa loob ng kotse kung saan malapit ng babanga sa concrete barrier.

"Baby. Please, don't cry. Please?"  Sambit ni Norbert. Tinignan sya ni Norbert at andoon ang awa sa mata nya. Napaiyak ng husto si Margareth dahil may isang kotseng nag over take sa sasakyan nila at nasagi ang isang side mirror. 

"Hold my hand, Baby." Hinawakan ni Margareth ang kamay ni Norbert ng mahigpit dahil sa matinding takot na nararamdaman nya. Hindi nya alam kung anong unang iisipin lalo na at hindi lang sya ang maaring maapektuhan. 

"Kahit anong mangyari mahal na mahal kita. Okay? Mahal na mahal kita, Margareth." Mas lalong bumalong ang luha sa mata ni Margareth dahil sa sinabi ni Norbert, Kitang-kita rin ng dalawa nyang mata ang mga luhang bumalong mula sa mata ni Norbert. 

Natigil sya sa pag-iyak ng tinangal ni Norbert ang seat belt nya saka sya nito niyakap ng mahigpit. Napayakap si Margareth kay Norbert at humagulhol. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sakanila?

"I love you. Mahal na mahal kita." bulong ni Norbert sa tenga nya. Mas humigpit ang pagkakayakap ni Margareth. Gusto nyang bumitiw at sabihin kay Norbert na ilagay ang seat belt nya pero si Norbert ang ayaw bumitiw sakanya.

"I want to save you and our babies. Mahal ko kayo. Mahal na mahal." Sambit ni Norbert hanggang sa nawalan na ng balanse ang kotse para bumalik pa sa lane nito. 

"Please? I want us to be safe. Ibalik mo ang seat belt mo. Please?" Sambit ni Margareth. Huminga ng malalim si Norbert saka humiwalay sa pagkakayakap kay Margareth at agad na inilagay ang seat belt at pilit na ibinabalik ni Norbert ang sasakyan sa tamang lane pero hindi nya magawa. Tinapaktapakan pa nya ang break pero hindi ito gumagana. Napapikit si Margareth dahil sa tindi ng takot at panginginig nya. She scream ng sumagi ang left side ng kotse sa katabing truk na nasa kabilang lane at nabasag ang salamin sa backseat at gumewang muli ang kotse pakaliwa.

Unti-unting nawawala sa lane ang kotse hanggang sa nasa gilid na ito ng daan pero bago pa bumangga ang kotse ay inalis muli ni Norbert ang seat belt nya at agad na niyakap si Margareth saka malakas na bumangga ang kotse sa concrete barrier.

Napaiyak pa lalo si Margareth ng maalala ang tagpong iyon. Wala syang ibang masabi at maisip kundi ang labis na pagmamahal sakanya ni Norbert. Iyon ang dahilan kung bakit hindi naapektuhan ang mga bata sa sinapupunan nya.

Nagdasal sya sa panginoon na sana iligtas si Norbert dahil napakabuti nito. Hindi nya makakayang mawala ito sa buhay nya dahil mahal na mahal nya si Norbert at higit pa iyon sa buhay nya.

Nakarinig sya ng mga yabag papunta sa direksyon nya. Napatingala sya at nakita nyang si Megan iyon. Kumulo ang dugo nya. Nagawa nitong magpakita sa harapan nya matapos ang lahat ng nangyari. Tumayo sya at hinarap si Megan. Pinunasan nya ang luha sa mata nya. Pinatapang nya ang mukha nya dahil sa galit na nararamdaman nya ngayon.

"Masaya kana ba? Masaya kana ba dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon?" napayuko si Megan sa sinabi nya. 

"Sagutin mo ang tanong ko! Masaya kana ba?!" sigaw ni Margareth. Kitang-kita ng dalawang mata ni Margareth na kasabwat ito ng kinikilala nyang mommy sa mga nangyari sakanila. Ito din ang nagplano na kidnapin sya at dalhin sa warehouse pero umalis din ito kaagad ng makita si Norbert.

"Hindi ako masaya! Hinding-hindi ako magiging masaya!" sigaw pabalik ni Megan. Umiiyak na ito. Kita sa mukha at mata nya ang awa at pagsisisi sa mga nagawa nya.

"Hindi ka masaya?! Sinong niloko mo?" napaiyak si Margareth dahil sa tindi ng galit nya.

"Gusto kitang sampalin at sabunutan dahil sa ginawa mo pero bakit ko naman iyon gagawin? Bakit ko iyon gagawin sa taong walang kwentang kagaya mo! Pero bakit mo ginawa ito sa akin? Kay Norbert! Iyan ang mga tanong na gusto kong magkaroon ng kasagutan!" napayuko si Margareth. Humihikbi at pinipilit na huwag itaas ang kamay at sampalin ng malakas si Megan.

"Dahil mahal ko si Norbert. Mahal na mahal ko sya." napataas ng ulo si Margareth. Hindi nya napigilan ang sarili sa mga narinig. Dumampi ang kamay nya sa mukha ni Megan. Malakas iyon at rinig na rinig ang pagkakasampal.

"Mahal! Pagmamahal ba ang matatawag sa ginawa mo? Kung mahal mo sya hindi mo sya hahayaang masaktan! Nabaril sya at ngayon andyan sya sa lintik na operating room at nag-aagaw buhay! Pagmamahal ba yan?" sinampal pa ulit ni Maragerth ang mukha ni Megan.

Umiiyak si Megan pero hindi iyon inaalala ni Margareth dahil sa galit sa puso nya. Lumapit sya kay Megan at agad na sinabunutan ito at kinaladkad palabas ng hallway.

"Umalis kana ngayon baka isuplong pa kita sa mga pulis! Umalis kana!" sigaw ni Margareth saka nya binitawan ang pagkakasabunot sa buhok ni Megan. 

Hindi umalis si Megan bagkus ay napaluhod ito saka hinawakan ang dalawang tuhod ni Margareth. Umiiyak at humihingi ng tawad.

"Patawarin mo sana ako. Patawad." 

Hindi sumagot si Margareth. Inalis nya ang pagkakahawak ni Megan sa tuhod nya.

"Hindi ko masasagot iyan. Hindi ko alam kung kailan kita mapapatawad o kung mapapatawad pa kita pero isa lang ang masasabi ko. Kung may mangyari man kay Norbert ngayon ay hindi na kita mapapatawad hanggang sa hukay ko ay babauinin ko ang galit ko sayo. Umalis kana." walang kabuhay buhay na sambit ni Margareth saka tinalikuran si Megan at naglakad pabalik sa labas ng operating room.

Napasandal ang noo ni Margareth sa wall habang patuloy na umiiyak. Naghihintay pa rin sya kung anong magiging resulta ng operasyon kay Norbert.

Panalangin na lang ang natitira nyang sandata para sa kaligtasan ng lalaking minamahal nya. Nagitla sya ng biglang bumukas ang pintuan ng operating room. Lumabas doon ang doctor at agad syang lumapit.

"Doc, anong resulta? Kamusta na sya?" Tanong ni Margareth. Namamasa pa ang dalawang mata nya.

"He's okay now. Kailangan lang na salinan sya ng dugo dahil sa dami ng dugong nawala sakanya. Tinangal na rin ang bala. Ligtas na sya sa peligro pero kailangan muna nyang manatili rito ng mga isang linggo pa." Sagot naman ng Doctor. Huminga ng malalim si Margareth. Tila nawala ang mga tinik sa lalamunan nya.

" Salamat, Doc." Ngumiti sya sa Doctor. Tinapik sya nito at umalis na din.

Napaupo sa sahig si Margareth at napauko. Nanalangin at nagpapasalamat sa Dyos dahil iniligtas Nya ang lalaking mahal nya.

"What are you doing?" Tumaas ang ulo nya. Si Axel pala ang nagsalita.

"He is safe now." Hindi nya sinagot ang tanong sakanya ni Axel.

"Mabuti naman kung ganoon. I'm worried to you dahil halos hindi kana kumain at matulog simula ng dumating ka dito sa ospital. Siguradong bugbog sarado ako sa lalaking iyon dahil hindi man kita binantayan." Mahabang lintanya ni Axel. Inilahad nito ang kamay nya kay Margareth. Kinuha iyon ni Margareth. Nang makatayo na sya ay agad syang yumakap kay Axel at pumikit ng mariin.

"Wooh! Hey! Baka nga bugbog sarado na talaga ako sa lalaking yun." Si Axel.

" Don't worry alam naman nyang di kita type." Margareth said. Tumawa ng mahina si Norbert

"Ako nga first crush mo, eh." Si Margareth naman ang natawa dahil sa sinabi ni Axel.

"Kumain muna tayo then we'll be back here later if nailipat na sa hospital room si Norbert." Axel said. She just noded.

After having simple and quite meal bumalik silang dalawa sa ospital. Nailipaqt na ri sa isang VIP Hospital room si Norbert.

Nagpaalam naman si Axel dahil may aayusin daw ito sa kanyang opisina. She smiled at him at muling niyakap si Axel dahil kahit papaano ay naging maluwag ang pakiramdam nya. Ito talaga ang isa sa mga naging sandalan nya noon at hanggang ngayon kapag mya mga problema sya.

Halos makalimutan na nyang naparito kanina ang babaeng iyon na isa rin sa dahilan kung bakit nangyari iyon kay Norbert. Pumikit ng mariin si Margareth saka bumitaw sa yakap nya kay Axel. Ngumiti syang muli sa lalaking kaharap saka naman umalis na si Axel. 

Naiwan syang nakatulala sa harap ng pintuan. Ang dami nyang taong sa utak nya kung anong makikita nyang kalagayan ni Norbert sa loob ng kwartong nasa harapan nya. Hinawakan nya ang door knob saka unti-unti iyong piihit saka itinulak para buksan. 

Pagkapasok ni Margareth ay maamong mukha ng natutulog na si Norbert ang bumungad sakanya. Napangiti sya. Napahawak sya sa tyan nya saka iyon pinakiramdaman ang laman niyon, ang magiging anak nila ni Norbert.

"Ang bad talaga ng tatay nyo." naluluha nyang sambit. Ngumiti sya ulit saka lumapit sa higaan ni Norbert. Hinawakan nya ang kamay ni Norbert at hinimas-himas ng maraahana saka dinala sakanyang labi at hinalikan ng marahana. She missed kissing his hand. Namis nya ang amoy ni Norbert lalo na kapag niyayakap nya ito mula sa likuran. Naluha sya dahil sa wakas ay magagawa na nya ulit iyon dahil ligtas na siya at si Norbert kasama ang magiging mga anak nila.

"Pagkagising mo yayakapin kita ng mahigpit at hahalikan ng nakapatagal dyan sa labi mo gaya ng gustong-gusto mong gawin ko sa'yo." hindi na mapigilang maging emosyonal ni Margareth. Sobrang saya nyang hawak-hawak na nyang muli ang kamay ng lalaking pinakamamahal nya.

Inilapit ni Margareth ang mukha nya saka hinalikan sa labi si Norbert. Hinaplos din nya ang mukha nito na may mga sugat at pasa pang naroon. 

"Mahal na mahal kita." bulong nya. Umupo sya sa higaan ni Norbert saka unti-unting humiga at marahang niyakap ang katawan ni Norbert. Unti-unti nyang ipinikit ang mga mata nya at nakaramdam muli sya kapayapaan. She wished everything will be fine now after what a tragic moments happened to them. She also promised to herself that it will never happened again dahil ayaw na nyang makitang nasasaktan ang mga taong mahal nya lalo na si Norbert.

That will be the first and last sad moments in her life kung saan nasa bingit ng kamatayan silang dalawa ni Norbert kasama ang dalawang magiging mga anak nila. Iyon na ang una at huli dahil sisiguraduhin nyang bawat araw na kasama nya si Norbert ay sisguraduhin nyang araw-araw silang masaya at hindi nya hahayaan na matapos iyon.

Ngumiti sya hanggang sa unti-unting nakatulog si Margareth.