Chapter 12
Noah's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng Hospital. Umiinom ng kape. Naalala ko pa nung nangyari kanina.
(FLASHBACK)
Naglalakad ako ngayon pabalik kay Ella. Nandito kasi kami ngayon sa SM Seaside.
May binili ako saglit kaya naiwan ko saglit si Ella dun sa bench.
Papunta na ako sa gawi niya ng nakita kong wala siya duon.
"Nasaan si Ella" Sa isip ko.
Pagtingin ko sa Kaliwa nakita ko siyang tatawid sana ng may biglang humarurot papunta sa gawi niya.
"Ella" Sigaw ko.
Pero huli na. Dahil nasapul na siya ng kotse.
"Damn!" Galit kong sigaw.
Tumakbo ako sa gawi niya.
"Ella" Tawag ko sa kaniya.
Pero wala pa rin siyang malay.
"Ella! Ella!" Tawag ko ulit sa kaniya.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng palihim.
"Tumawag kayo ng ambulansiya, parang awa niyo na" Pagmamakaawa ko sa kanila.
Maya maya may ambulansiya namang dumating.
"Sir ano pong nangyari?" Tanong nung rescuer.
Nairita naman ako.
"Obvious ba! Eh di nabangga!" Sigaw ko.
Nagulat naman siya.
"Huminahon lang po kayo sir" Aniya.
Nairita naman ako sa sinabi niya.
"Paano ako hihinahon. Eh nag-aagaw buhay yung kaibigan ko" Sigaw ko.
Inintindi lang niya ako.
Paano ako hihinahon? Eh si Ella yun eh. Si Ella na mahal ko kahit ngayon. Si Ella na kaibigan ko. Si Ella na naging parte ng buhay ko. Tapos hihinahon ako kahit nag-aagaw buhay na siya. How ironic!!!!
Ilang oras rin ng makarating kami sa Hospital.
Dali-daling dinala si Ella sa Emergency Room nitong hospital na to.
Agad akong sumunod sa kanila.
"Ella. Please wag kang susuko" Naiiyak kong sabi.
Hinawakan ko yung kamay niya.
Hanggang sa nasa labas na kami ng ER.
Hinarangan ako ng nurse.
"Sir. Hanggang dito nalang po kayo" Aniya.
Nairita naman ako.
"Kailangan kong pumasok dun. Kaibigan ko yung nandun!" Sigaw kong sabi.
"Sila na pong bahala sa kaniya. Tiwala lang po kayo" Aniya.
Huminahon nalang ako.
Umupo ako sa upuan nitong labas ng ER.
"Ella. Wag kang susuko please.." Sa isip ko.
Yumuko ako at umiyak ng umiyak.
( END OF FLASHBACK)
Nandito ako ngayon sa labas ng hospital. Umiinom ng kape. Hinihintay ko si Kevin.
Maya-maya may biglang pumaradang magarang kotse sa tapat ko.
"There you go" Sa isip ko.
Mabilis siyang lumabas at tumungo sa gawi ko.
"Noah? Bakit ka nandito?" Aniya.
I confront him.
"Dito lang muna ako. Iiyak lang ako ng iiyak dun" Sabi ko.
"Okay, where's Ella?" Aniya.
Tumahimik ako saglit.
"She's in ER right now" Malungkot kong sabi.
"Noah. I know im not good to you lately, but i know you care's for Ella and i thanks so much with it" Aniya.
Ngumiti lang ako.
"Anything, for Ella" Sabi ko.
Ngumisi lang siya sabay alis sa gawi ko.
Sinundan ko siya ng tingin. Pumasok siya sa loob ng hospital.
I sigh.
"Ang swerte naman niya para kay Ella. Sana ako rin. Pero wala eh! Iniwan ako ng babaeng mahal ko!" Sa isip ko.
Mabilis kong binalik ang tingin ko sa paparating na sasakyan.
Huminto ito sa tapat ko at lumabas yung lalaki patungo sa gawi ko.
"Noah?" Sabi ng lalaki.
Paano niya ako nakilala?.
"No offense bro ah. Pero do i know you?" Tanong ko.
Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Seriously Noah. Di mo ako natatandaan?" Aniya.
Huh? Sino ba siya?
"Wala. Sino ka ba?" Diretsa kong tanong.
He sigh.
"Ako to si Bryan Gemenez. Your friend in college" Aniya.
Nagulat naman ako.
Siya si Brian? Yung nerd kong kaibigan? Seriously? Ang liit nga naman ng mundo.
"Bryan? Yung nerd kong kaibigan?" Tanong ko.
He nooded.
Nagulat naman ako.
Tinignan ko yung mata niya. Wala ng eye glasses.
"Bry. Nasaan na yung Eye glasses mo?" Tanong ko.
"Wala na. Im not nerd now" Masaya niyang sabi.
Natawa naman ako.
"By the way bakit ka pala nandito sa Hospital ko?" Aniya.
Nagulat naman ako.
"Seryoso? Sa kaniya etong hospital na to?" Sa isip ko.
"S-sayo to?" Gulat kong tanong.
"Yes. Sakin to. Bakit ka ba nandito? May na confine ba?" Aniya.
Yumuko lang ako.
"Im here for Ella" Tipid kong sabi.
Nagulat naman siya.
"Ella? You mean Mariella Rodriguez?" Aniya.
Tumango ako.
Nagulat naman siya.
"Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya.
Yumuko ako.
"Come on Noah. Tell me, anong nangyari?" Aniya.
"Ella hits by a car" Sabi ko.
"Oh. Sorry to heard that bro" Aniya.
"Its okay, di mo naman kasalanan eh" Sabi ko.
"Noah. Ako ng bahala sa hospital bill, just give it to me" Aniya.
"Hindi na Bryan. Kami na bahala sa hospital bill" Sabi ko.
"Ano ka ba. Ako ng bahala. Wag ka ng mahiya. Were friends before naman. Kaya im willing to help" Aniya.
"O sige if that's what you want bry. I accept that" Sabi ko.
"Magsabi lang kayo kung ano pa yung kailangan niyo ah. Im always here in times you needs me" Aniya.
"Thank you so much Bry" Sabi ko.
"Anything for you Noah" Aniya.
Ngumiti ako.
"Bro. I need to go. May meeting pa kasi akong pupuntahan sa Baguio. Napadaan lang kasi ako dito sa Hospital ko. Sorry talaga. Can i have your phone number so that we can call each other" Aniya.
"Sure. Here" Sabay abot ko sa phone ko.
Pagkatapos niyang kinuha yung phone number ko. Agad niya itong tinawagan.
"Alrigth, so tawagan na lang tayo ah. May meeting pa kasi akong pupuntahan and i don't want to be late. Sorry talaga Bro. Di bale, babawi ako sayo" Aniya.
Ngumiti lang ako.
"Okay lang Bryan. Mukhang importante yan eh. Tawagan nalang tayo" Sabi ko.
"Sige. Pano bro, alis na ako ah" Aniya.
"Sige mag-iingat ka" Sabi ko.
Mabilis siyang pumasok sa kotse niya. Bago siya umalis bumisina muna siya senyas na aalis na siya.
Kinawayan ko siya.
Hanggang sa di ko na nakita ang presensya ng sasakyan niya.
I sigh.
Pumasok ulit ako sa loob ng hospital ni Bryan.
To be continue.
Ps: Don't forget to vote and comment (: