CHAPTER 4

AN: Pasensya na kung natagalan sa update, hindi gumagana ang isip ni author niyo. Hihihi! But thank you sa lahat ng nag-aabang, lalo na sa nangungulit sa akin sa update. 😂😂😍😘😘😘

________________________________________________

Debbora

"Sandali saan ka pupunta? Iiwanan mo ako dito, huh?" nakataas ang kilay na tanong ko dahil naglakad na siya papunta sa may pintuan.

Humarap naman ito ng may nakakaloko na ngiti. Kaya bigla akong napa-atras sa pagkakaupo ko sa malambot na kama.

"Gusto mo ba na nandito lang ako?" nakangisi na sagot nito at humakbang palapit sa akin. "Kapag hindi ako lumabas ngyon, baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko. O maaari naman na magustuhan mo," malokong patuloy na salita nito habang papalapit ng papalapit sa akin.

"S-sandali anong bang balak mo sa akin,? Bakit hindi mo pa ako ibalik? Gusto ko ng umuwi sa amin." naiilang tanong ko sa kanya, kasi 'yung titig niya sa akin kakaiba.

"Hindi mo ba ako na-miss? Mali pala, dahil na-miss mo talaga ako dahil kumandong ka pa nga sa akin." nakangising saad nito at yumukod sa mukha ko para magpantay kami.

"A-ang yabang mo rin noh? H-hindi pa naman kita nakilala 'nun. Kaya huwag kang mag-assume," kunwari na taray ko dahil ang bilis na ng tibok ng puso ko ngayon.

"Magpahinga ka na muna diyan, bukas na kita ihahatid." salita nito na tila nagbago ang anyo nito at napalitan ng seryosong mukha.

"Bakit bukas pa? Kung puwede naman ngayon, ako na lang mag-isa ang uuwi. Dahil kaya kong umuwi, hindi na ako bata." inis kong wika at hinawi ko siya upang makaraan ako dahil nakaharang siya sa harapan ko.

"Subukan mo lumabas diyan sa pinto na 'yan. Sinisigurado ko sa'yo na pagsisihan mo." madilim ang mukhang salita nito.

Bigla naman ang pagdaloy ng takot sa buong pagkatao ko ng makita ko ang kanyang itsura. Ano ba ang nangyari sa'yo, Ryke? Ano ba ang nangyari sa sampung taon na simula ng magkilala kita? Oo alam ko naman na hindi kita ganun pa kakilala. Pero naramdaman ko noon ang pagiging mabuting tao mo, bakit ngayon.. Parang may kakaiba na sa'yo?

Nakalabas na siya ng pinto ng hindi ko namalayan, narinig ko na lang pag-click ng pinto na ibig sabibin 'ay ni-lock ito. Nakabalik naman na ako sa ulirat kaya kinalampag ko ang pinto, napagod na lang ako pero walang nagbukas. Napaapo na lang at sumandal sa pintuan, nakatingala ako sa kisame at bigla na lang naiyak.

Nakatulog na lang ako dahil sa pag-iisip lalo na sa magulang ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog, naramdaman ko na lang na parang dumuduyan ang katawan ko. Para bang kinarga ako, naramdaman ng katawan ko ng sapuin ng malambot ang katawan ko.

Napamulat ko at ganun na lang ang pagtataka ko na si Ryke ang nandito sa harapan ko. Titig na titig siya sa akin, gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya, sa huli ako na lang ang umiwas. Pinaling ko sa ibang deriksyon ang aking mukha, pero ramdam ko pa rin ang mga matang walang patid na ako'y tinititigan.

"Magpalit ka ng damit, ihahatid na kita ngayon." salita nito matapos ilapag ang isang plastik na mamahalin. Muli siyang naglakad sa pintuan at lumabas, naiwan na natitigilan naman ako.

Suot ang t-shirt na black na medyo fitted at jeans, at isang pares ng kulay silver na sandals. Hindi ako makapaniwala dahil sukat lahat sa katawan ko, at amoy fabric pa ito. Mukhang pina-wash niya pa ito.

Paano niyang nalaman lahat ng sukat ko? Oh, baka naman siguro talagang sanay na siyang malaman ang sukat ng mga babae. Dahil marami na siyang naging babae.

Sa isipin ko na 'yun nalungkot ako, pero binalewa ko na lang siya. Binuksan ko ang pinto, bumukas siya hindi na siya naka-lock. Paglabas ko namangha ako sa mga nakita ko, mas magaganda pa ata ang laman nito kaysa sa bahay namin.

Natigil ako sa pagmamasid ng makita ko si Ryke papunta na sa labas. Anong problema nun? Pero bakit ganun? Parang walang ibang tao dito. Wala bang mga maid o boy man lang dito?

"Tara na may lakad pa ako."

Napatitig lang ako sa nakasimangot niyang mukha, dahil sa tono ng pag-aaya niya sa akin. Nakaramdam naman ako ng ini sa kanya.

"Alam mo, bigyan mo na lang ako ng pamasahe mag-isa akong uuwi." inis kong turan sa kanya.

Nakakunot naman ang noo niya, pagkatapos dumukot sa likuran niya. Naglabas siya ng ilang lilibuhi na pera at inibot sa akin.

"Sige, umuwi ka kung gusto mo. Ayoko sa lahat 'yung maarte, hindi ko sasayangin ang oras ko." seryosong sagot nito at sumakay na sa kotse niya.

"What the-" naiinis kong sambit at gustong-gusto ko ng batuhin ng suot ko na sandals ang kotse niya sa inis.

Shit! Talagang iniwan niya ako? Ang sama talaga ng ugali niya na.

Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko habang malalaki ang hakbang na lumabas ng gate na nakabukas pa. Paglabas ko kusang nagsarado ito, kaya napailing na lang ako. Habang naglalakad ako sa gilid ng may kainitan na village, pansin ko na wala man lang puwedeng masakyan kahit na ano. Kahiy tricycle wala ba rito?

Nagpatuloy akong maglakad dahil kahit taong naglalakad wala rin. Sobra naman, alas diyes ng umag palang kanina doon sa bahay ng demonyong si Ryke. Nagpalinga-linga ako sa pagbaba-kasakali na makahagilap ng kahit na anong masasakyan. God! Saan ba ang daanan palabas dito? Nakakaasar na talaga, dahil sumasakit na ang paa ko dahil sa pataas ang mga kalsada dito. Minsan pababa naman siya.

Napalingon ako sa likod ko dahil may narinig akong tunog ng mabilis umaandar na sa sakyan. Natuwa naman ako dahil kilala ko ang kotse na 'yun, si Ryke!

"Sakay na, bilisan mo lang."

Napasimangot naman ako dahil hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin. Diretso lang ang tingin niya sa unahan, hindi na lang ako nagsalita pa sumakay na ako dahil alangan naman na umangal pa ako.

Tahimik na nakikiramdam lang ako habang nakatuon ang pansin ko sa labas ng pintuan. Hindi ko alam paano niyang nalaman ang bahay namin dahil sa mismong gate ng bahay namin niya ako dinala.

Binuksan ko na ang pinto at tahimik na lumabas ng kotse nito, hindi ko alam pero parang ayoko pang bumaba. Pero ganun na lang ang gulat ko ng hatakin ako nito sa kamay at muli akong napasok sa loob.

Naghihintay ako ng sasabihin niya dahil sa hinatak niya akong muli. Pero sa totoo lang, may kakaibang init akong naramdaman ng hawakan niya ako sa kamay.

"B-bakit ba?" Kinakabahan na tanong ko, kasi tahimik lang siya. "Kung ayaw mong magsalita diyan lalabas na ako, may oras pa ako para makahabol sa mga klase ko." mahinang salita ko pa at akmang lalabas na akong muli ng bigla niyang kabigin ang batok ko.

Namilog na lang mata ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko, nakita ko siyang nakapikit kaya kusang pumikit ang mata ko at dinama ang pangalawang halik niya. This time, kakaiba ang halik na binigay niya, parang may kung anong bigla na lang nagliparan sa paligid. At ang puso ko sobrang lakas ng tibok nito, hindi ko alam kung ilan minuto ito bago niya ako binitawan.

"Sige na, mag-iingat ka lagi." mahinang sambit nito at saglit na tiningnan ako.

Marahan na kumilos ako at lutang ang diwa na lumabas ng kotse. Hanggang sa makaalis na sa harapan ko si Ryke, tulala pa rin ako.

"Debbora!"

Halos lumundag ang puso ko sa malakas at matigas na tono ng boses ng lalaki. Nabalik sa ulirat ang aking pag-iisip ng makita ko ang galit at seryoso na si Xander.

"What are you doing here, demon Xander?" sarkastiko ko ka bati rito 'kay Xander na sa tabi ng kotse nito.

"To fix our marriage." sagot lang nito.

Pakiramdam ko nawala ang dugo ko sa buong katawan dahil sa sinabi ni Xander. What? What he said, to fix our marriage? Shit!

⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫