Chapter 26

"I'm here to bring back her dignity, and marrying her is the best solution for this. And I l-love her."

Fuck! Hindi niya alam kung bakit pa niya dinagdagan 'yon. Hindi 'yon parte ng pinapapraktis sa kanya ng ama niya. Maybe he just wants to show them that he's sincere towards their daughter! But.. is he?

Fuck, of course not! This is all part of the show planned by his father!

Kita niyang napatayo na ang ama nito sa pagkakaupo sa sofa at tiningnan siya ng mariin at seryoso. Kahit si Kyra ay napatayo na rin na parang gusto siyang pigilan sa sasabihin niya.

"W-What do you mean to bring back her dignity?" Sabi ng ama niya sabay baling ng tingin kay Kyra.

"We almost made love, Sir." Diretsong sabi niya sabay baling ng tingin kay Kyra, pero natigilan na lang siya ng may dumapong kamao sa pisngi niya.

"Hon, stop!"

"Daddy!!"

Natumba talaga siya sa sahig sa malakas na pagsuntok ng daddy ni Kyra sa pisngi niya. Paniguradong mamamaga 'yon mamaya sa sobrang lakas ng pagkakasuntok nito. Tinulungan siya ng ama niyang tumayo.

"Bitawan niya 'ko!" Sabi ng daddy nito at kita niyang niyayakap na ito ng mommy ni Kyra para pigilan sa pag suntok ulit sa kanya.

"Hon, tama na! Please! Let's not use violence here! Please, hon." Pagpipigil ng mommy ni Kyra dito.

"Daddy.. Sorry po.." Dinig niyang sabi ni Kyra. Umiiyak na ito habang nakahawak sa braso ng ama nito.

"Why, Kyra? Why?" Puno ng paghihinagpis na tanong ng ama nito kay Kyra.

Parang nauupos na kandila ang daddy nito habang tinitingnan ang anak nito na hilam na ng luha.

"S-Sorry, daddy. Sorry po.." Sabi ni Kyra dito at humihikbi na.

Umiwas ng tingin ang daddy nito kay Kyra, namumula na ang mga mata at galit na tumingin sa kanya, "Marry my daughter as soon as possible! Do you hear me, young man?" Huling sinabi nito at nang tumango siya ay tumalikod ito at iniwan sila.

Paano na 'to? Her parents found out that she's lying and her daddy is furious. Susundan niya sana ang daddy niya but her mommy's words kept her in her tracks.

"Huwag mo na munang sundan ang daddy mo, Kyra. Umupo ka dito sa tabi ko and we're gonna talk about your wedding with Bryan." Seryosong sabi ng mommy niya.

Mas humikbi pa siya lalo sa sinabi ng mommy niya. Hindi siya tinawag na 'baby anak' and alam niyang kahit ito ay disappointed at galit din sa kanya. Sinunod niya ang sinabi nito at panay pa rin ang hikbi niya lalo na ng marinig niya ang malakas na paghugot ng hangin ng mommy niya.

She was always the obedient daughter to her parents, and now she broke their heart because of her stupidity and naivety. Ba't kasi ganoon siya? Tatanungin na naman ba niya ang sarili kung bakit ambilis niya bumigay kay Bryan? Pero.. sa totoo lang. Her heart flutter when she heard him say that he loves her, and he even nod when her dad asked him to marry her as soon as possible.

Pero totoo ba 'yon? Pero 'di ba plano 'to ni Mr. Sevilla?

Ayaw niyang umasa, pero hindi niya maiwasan 'yon at ngayon ay wala na siyang choice kundi ang pumayag na lang sa pagpapakasal nila. Kahit ano mangyari ay gagawin niya ang lahat para matuloy lang ang kasal nila kahit napipilitan lang si Bryan, kahit binlackmail lang siya ng ama nito. Ayaw na niyang makita ulit ang mga mata ng mga magulang niya na puno ng kabiguan habang nakatingin sa kanya, lalo na ng daddy niya kanina.

He's hurt, and so is her mother.

And its all because of her.

Nakikinig lang siya sa pinag-uusapan ng mommy niya at ni Mr. Sevilla. Nagkwento si Mr. Sevilla tungkol sa kanila ni Bryan. Na nainlove daw si Bryan sa kanya habang nagsistay siya doon sa bahay ng mga ito pero hindi pa daw 'yon na realize ni Bryan hanggang sa tumakas daw siya at umuwi sa bahay nila. Totoo ba 'yon? Hindi siya naniniwala pero parang gusto na lang niyang maniwala. Habang siya, si Bryan, at si Arthur ay nanatiling tahimik lang. Maya-maya lamang ay nagpaalam na si Arthur na aalis na at hindi niya man lang ito nilingon, sobrang nahihiya rin siya dito.

Nanatili lang siyang nakayuko, ayaw niyang tingnan muna si Bryan or kahit sino man sa mga ito. Narinig niyang nanghingi ng despensa si Mr. Sevilla kay mommy at pinapaabot rin 'yon kay daddy. Hindi niya alam kung ano ang sinagot ni mommy, but they continued with the wedding plans.

"Balae, me and my son talked about this on our way here. Payag ba kayo na simple at pribado lang ang kasal ng mga bata? Hindi pa kasi tapos ang kontrata ng anak ko bilang artista. He needs to be single based on his contract. But don't worry, he only has a year left and he promised to quit showbiz and focused on his married life with Kyra and in managing my businesses." Malumanay na sabi ni Mr. Sevilla.

Napamaang siya dahil doon. So... Aalis sa showbiz si Bryan? Huh? Napaangat siya ng tingin dahil doon. Nakita niyang napabaling din ang nakangiting mukha ni Uncle sa kanya.

"Yes, iha. He's going to quit for you and your future children." Magiliw na pagbibigay imporma ni Mr. Sevilla sa kanya.

Future children? Napaubo siya dahil doon at tumikhim naman ang mommy niya.

"K-Kung ano ang gusto at mas makakabuti sa mga bata ay okay sa amin ng daddy ni Kyra, Mr. Sevilla. As long as, matuloy ang kasal nila." Sabi ng mommy niya sabay tingin sa kanya. "'Yon lang ang hinihiling namin.."

Napakagat-labi siya sa sinabi ng mommy niya at naiyak na naman siya dahil doon.

"Great! By the way, call me balae or Eduardo, Katherine, magiging magkapamilya na din tayo." Nangingiting sabi ni Uncle sa mommy niya. "Sa katapusan ng buwan na ang magiging kasal nila ni Bryan. Okay ba 'yon sa 'yo, iha?"

"P-Po? A-Ang bilis po masyado, Uncle.." Angal niya dito because that's two weeks from now!

Napatingin siya kay Bryan pero nanatiling nakatungo ito at wala man lang kareaksyon sa sinabi ng ama nito.

"Don't worry! We just need to hire the best wedding coordinator and planner for your wedding and everything will be settled before the date! Ako na ang bahala sa lahat, iha, and balae." Excited na sabi ni Uncle sa kanila. "And start practicing in calling me Dad, iha."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Uncle.. or Dad.. Hays.

"S-Sige, balae.." Sabi ng mommy niya.

Tuwang-tuwa si Uncle sa pagpayag ng mommy niya. Nag-usap pa ang mga ito tungkol sa mga plano nito para sa kasal nila at pumapayag na lang rin ang mommy niya sa lahat ng mga sinasabi nito. Mag aalas-otso na ng gabi ng nagpaalam na si Mr. Sevilla sa kanila. Bibisita daw ito ulit sa kanya bukas at ito na raw muna siya magstay sa bahay ng mga magulang niya habang hindi pa sila kasal ni Bryan. Gusto niya sanang umapila dahil may responsibilidad pa siya kay Mr. Sevilla pero naisip niya ring tama naman ito. Lalo pa't gusto niya ring mapalayo muna kay Bryan.

Niyaya ng mommy niya ang mga ito na kumain na muna ng hapunan sa kanila, pero malugod na tumanggi si Mr. Sevilla dahil baka gabihin sila lalo sa daan. Hinatid nila ng mommy niya ang mga ito sa gate. Kitang-kita sa mukha ni Mr. Sevilla ang sobrang kasiyahan nito sa nangyari habang si Bryan ay nakatungo lang hanggang sa tuluyan nang umalis ang mga ito.

Sabay na rin silang pumasok ng mommy niya pabalik sa loob ng bahay nila.

"Baby anak.." Mahinang sabi ng mommy niya nang nakarating na sila sa sala.

Pagbaling niya ng tingin dito ay sobrang lungkot ng mukha nito, at agad siyang niyakap nito ng mahigpit.

"Anong nangyari sa 'yo, baby anak?"

"H-Hindi ko po alam, mommy.. Hindi ko po alam... S-Sorry po." Sagot niya dito habang niyayakap din ito pabalik at umiyak siya sa balikat nito.

"Its okay, baby anak.. at least naging totoong lalaki si Bryan. Hinarap niya kami ng ama mo, and he's going to marry you, and that's enough for us, baby anak. Hinihiling ko lang na sana ay maging maayos ang magiging buhay mag-asawa niyo, and mamahalin ka niya ng tapat at totoo katulad ng pagmamahal namin ng daddy mo sa 'yo.." Sabi ng mommy niya habang hinahaplos ang buhok niya. "Now, me and your daddy needs to accept that our baby anak is already a lady, and is going to marry her celebrity crush very soon.."

Napaiyak siya lalo sa sinabi nito, "T-Thanks, mommy. Thank you po.."

'Sana nga.. Sana nga mamahalin talaga ako ni Bryan ng tapat at totoo.. If only you knew everything, mommy.. pero sana magkakatotoo ang sinasabi mo..' Gusto niya pa sanang idagdag pero kinimkim na lamang niya sa sarili.

Halos mag 10pm na ng gabi nakauwi si Bryan at ang ama niya sa mansyon. Tumakbo talaga siya ng mabilis papasok sa bahay hanggang sa kwarto niya. Hindi na niya pinakinggan ang pagtawag sa kanya ng ama. Gusto niyang isipin na nandoon pa si Georgina, gusto niya pang magpaliwanag dito. She needs to know the truth! She deserves to know the truth!

She became his everything for two fucking years.. and habang nasa sasakyan siya kanina pauwi sa kanila ay 'yon lang ang iniisip niya. Na hindi niya talaga kayang mawala si Georgina sa buhay niya.. Mawala na ang lahat sa kanya, huwag lang ang babaeng mahal niya at ang babaeng nagmamahal sa kanya ng totoo.

Realization actually hits him hard. Natural naman talaga sa mga lalaki ang magkaroon ng desire sa ibang babae, kaya nga merong kabit, 'di ba? But he won't do the same mistakes again especially to the love of his life. He still have the chance to fight for their love. He can still fix this, and all he needs is the cooperation of Kyra.

Nanlumo talaga siya ng makitang wala ng Georgina sa loob ng kwarto niya. Her luggage are nowhere in site, as well.

Naiiyak na siya sa sobrang galit sa sarili at paghihinagpis. Agad niyang hinanap ang phone niya at mabilis na idinial ang number ni Georgina.

Sana sagutin nito ang tawag niya. Sana pakinggan nito ang explanation niya. Taimtim na hiling niya habang nakailang ring na pero hindi pa rin 'yon sinasagot ni Georgina.

"What?! What do you want, Bryan? You still have the decency to call me after you fucking broke up with me and humiliated me in front of other people? Yeah right! Well, fuck you Bryan!" Galit na anas nito sa kanya sa kabilang linya.

"Babe! Please, listen to me first!"

"What?!"

"I was blackmailed by my father, babe.. And I can't do anything but to sign the contract because he threatened to file criminal cases against me and you!" Paunang sabi niya at inexplain niya dito ang lahat. "I can disregard his threat, babe, you know me. But he included you, and I don't want you to be involved on this!"

"I knew it! I fucking knew it!" Georgina hissed on the other line. "Then, what if we ran away, honey? After you married that bitch, you can already take your inheritance, right?"

"I can't babe. He will pursue the case if we do that, and my father is fucking powerful right now. But don't worry, I still have other plans. Just trust me on this, and please wait for me. I can't fucking live without you in my life. You're the only girl I've ever loved and will only love in this lifetime. So please.. Just wait for me, will you?" Pagmamakaawa niya dito.

Sana lang maayos pa niya ang lahat at magawa ng maayos ang plano niya.

"And what about that bitch? I'm willing to wait but I can't wait forever, Bryan. I also want to start a family with you, and I don't want to be your mistress!"

"I have a plan babe.." Sabi niya dito at agad na sinabi dito ang lahat ng plano niyang gawin.

"But what if she won't agree with you? Do you have a plan B?"

"Then, I'll make her suffer. Just trust me on this, babe.." Pagmamakaawa niya ulit, dinig niya kasi na parang nagdadalawang-isip pa rin talaga si Georgina sa mga plano niya.

"Fine! You know how much I love you, Bryan. Just make sure that your plan will work! And don't you ever fall in love with that bitch! Do you hear me?"

"Yes, babe. I will do everything, I promise. And I will never fall in love with her. You already occupied my whole heart, babe. Remember that." Sinserong sabi niya dito.

Natapos na ang pag-uusap nila ni Georgina na puno ng pag-asa at saya ang buong puso niya. Nalaman niyang nasa airport na ito at nag-aantay ng flight nito pabalik ng America. Sinabihan na din niya ito na i-a-update niya ito from time to time. Kailangan na niyang ayusin ang plano niya. Lalo pa't dalawang linggo na lang ay kasal na nila noong Kyra, na siyang pinlano ng ama niya.

This is his love, his life, and his happiness that he's fighting for. And he will do everything to make his plans work, no matter what the consequences are. He's ready to face everything, as long as, Georgina is with him.