Prolouge

"Minahal kita hindi dahil sa itsura mo, Minahal kita dahil ginusto kung mahalin ka! Na kahit sa kabila nang mga dinala mong sakit sa dibdib ko, Pinili ko paring mahalin Ka Dave! Pinili kong intindihin at tanggapin ang mga kakulangan mo.Pinili ko na maging iyo at tanggihan ang iba para saiyo! Sana makita mo ang mga sakripisyo na ginawa ko. Dave, Mahal kita. mahal na mahal.Kaya sana Piliin mo rin ako..

"Angela, I'm sorry pero may mahal nakong iba i'm sorry sa hindi ko pag pili sayo.Patawarin moko. Hindi ako ang lalaking karapat dapat para sa iyo. Hindi ako nababagay sa pagmamahal mo..alam ko na may mas higit pa saken na magmamahal at susuklian ang pag mamahal na ibibibigay mo..Sana mapatawad moko..Patawad Angela. Paalam.

Ang sakit. ang sakit pala masupalpal ng katutuhan. Katutuhanan na hindi kana mahal ng taong mahal mo..Na wala kanang halaga kahit mag makaawa kapa.Minahal ko si Dave! Buong buo kong binigay ang puso ko pero nadurog lang. Hindi ko alam kung paano babangon ulet, hindi ko alam.Parang gumuho lahat..ang Alam ko lang ngayun nasaktan ako.Sobrang nasaktan..Ang sakit sakit..Parang may tinik na tumusok sa puso ko..Ganito pala ang masaktan, masakit na para kang mababaliw at hindi ko alam kung kaylan matatapos ang lahat nang to.