CHAPTER 5:

Chapter 5:

"Kelvin?" Gulat kong tanong nang makita ko ang mukha niya.

Dinala niya ako sa isang bakanteng classroom, maliwanag naman sa loob kaya kita ko ang masama niyang tingin. Ano nanaman kayang ginawa ko sa lalaking ito at kung makatingin ay parang papatay ng tao.

"Ano bang kailangan mo?" Singhal ko.

Kanina lang ay harap harapan siyang nakikipag-landian kay Janah, buti pa nga ang haliparot na iyon napansin niya. Ako na apat na taon nang nangungulit sa kanya isang beses lang akong kinausap, masama pa yata ang loob.

"Hoy, ano ba? Anong kailangan mo at hinila hinala mo papunta dito?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"What am I to you?" Malamig niyang tanong sa akin.

Tatanungin ba talaga niya iyon? Hindi niya talaga alam? Sapakin ko kaya ang lalaking ito para matauhan at malaman niya na 'crush' ko siya.

"Bakit mo tinatanong? At anong pake mo?" Mataray kong tanong dito.

"Sino ulit ang crush mo?" Unti unti niya pang nilapit ang mukha sa akin at ako naman ay paatras din ng paatras. Ano ba kasing kailangan ng lalaking ito sa akin? Bigla bigla nalang nanghihila kung saan, akala niya ba crush ko pa siya hanggang ngayon?  Pwes, hindi siya nagkakamali.

At nagtanong pa talaga siya.

Hinawakan niya ang balikat ko at sinandal niya ako sa pader habang ang dalawang dalawang kamay niya ay nakatuon sa pader.

Ano bang ginagawa ng lalaking ito? Feeling niya fictional character siya sa ginagawa niya? Dagdag points? Akala niya naman madadaan niya ako sa paganyan ganyan niya. Hindi na ako marupok.

"Umalis ka nga sa harap ko." Inerapan ko siya at tinulak pa palayo sa akin, pero masyado siyang malakas para sa akin.

"Do you still have a crush on me?" Cold niyang tanong sa akin. Lalaking ito siya na nga lang magtatanong siya pa ang may ganang bigyan ako ng cold treatment.

"Bakit mo ba kase tinatanong? At may pake ka pala. Bakit na-miss mo ang kakulitan ko?" Nang-aasar kong tanong sa kanya. Siya naman ay kumunot ang noo bigla. Lalong lumapit ang mukha niya sa akin.

"Paano kung sabihin kong oo? Oo, nam-miss ko ang pangungulit mo sa akin? Paano kung sabihin kong nagagalit ako dahil napupunta ang atensyon mo sa lalaking iyon? May magagawa kaba para baguhin ang nararamdaman ko?"

Sa pagkakataong ito ay napahinto ako, dama ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Tama ba ang narinig ko? Hindi ako nabibingi lang o kaya naman ay nag-iilusyon nanaman? Nam-miss din ako ng lalaking ito?

Sinalubong ko ang tingin niya, kahit na may kaba sa puso ko ay nilabanan ko iyon. Ang hirap kayang umasa sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Ang hirap nang masaktan.

"Kelvin, umalis ka sa harapan ko. Pupuntaha---"

"Pupuntahan mo ang lalaking iyon?" Galit niyang tanong, ano bang problema nang lalaking ito? "Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Steph?" Anong ginawa ko?

"Ano bang pinagsasabi mo, Kelvin?" Naguguluhan na ako, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Do you like him?" He paused, still confused. "More than you like me?"

Tinignan ko siya, yung kaninang galit niyang mukha ay napalitan, malamlam ang mata niyang nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko mahulaan kung ano ang saktong nararamdaman niya. Kung ano ang nasa isip niya.

'Kung alam lang ng lalaking ito ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. '

"Bakit kaba nagkakaganyan? Anong problema mo?" Kani---"

"Just answer that damn question, Stephanie." He glared at me. "Alam mo bang hirap na hirap na ako? Hirap na hirap na akong pagmasdan ka habang nakikipagtawanan sa kanya. Hirap na hirap na akong hanapan ng sagot ang sarili ko kung ano ba itong nararamdaman ko para sa'yo."

Kaya ba siya nagkakaganyan dahil sa nahihirapan siya? Ako? Nahihirapan din naman ako. Nahihirapan ako sa tuwing kinakausap ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Ang hirap umasa na mapapansin niya ako pero nag-take ako ng risk kasi gusto ko.

"Nagseselos kaba kay Kurt?" Wala sa sariling tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit iyan ang nasabi ko.

"I'm not jealous." Matigas niyang sabi.

Mahina akong natawa sa naging reaction niya. He's calm but his reaction says he's mad. Ang cute niya.

Nagiging marupok nanaman ako dahil sa maamo niyang mukha.

"Hindi ka talaga nagseselos?" Yung kanina na halos magalit ako sa kanya ay napalitan ng tuwa. Ang sarap niyang galitin.

"Hindi nga ako nagseselos." Pagmamatigas niya, hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.

"Edi, hindi." Inerapan ko siya. "Bakit nga pala kasama mo si Janah? Buti pa iyon hinayaan mong harutin ka, binigyan pansin mo pa." Reklamo ko.

Akala niya nakalimutan ko na yung ginawa Niya kanina? Yung sa harap ko pa sila naglandian ni Janah, ang sarap nilang bigtiin ng part na iyon. Nakakagigil.

"Ikaw ang naseselos kay Janah." He smirked.

"Oo, nagseselos ako. Nagseselos at naiinggit ako sa babaeng iyon dahil siya napansin mo, sa harap pa nang maraming tao. Tapos ako, ako pinansin mo lang isang beses, .masama pa yata ang loob mo. Ikaw hindi ka pa aamin?" Ngumuso pa ako.

Pero, pangalawang beses na niya pala akong pinansin ngayon at siya pa ang gumawa ng dahilan pra makausap ako. Ang bait naman ngayon ng asawa ko at hindi lang masamang tingin ang binigay sa akin ngayon.

"Anong aaminin ko?" Inosenteng tanong niya sa akin. Kunwari pa ang lalaking ito.

"Aminin mo na pinagseselosan mo si Kelvin, na may gusto ka din sa akin. Aminin mo na." Pangungulit ko pa sa kanya.

"Wala akong aaminin dahil hindi ko pagseselosan ang lalaking iyon, hanggang balikat ko lang iyon. Basketball player na pandak." Hindi daw nagseselos pero may panlalait nang natanggaop si Kurt galing sa kanya.

Napangisi ako nang may maisip akong paraan para mapaamin siya. Tignan lang natin kung hindi bumigay ang lalaking ito. Umamin na siya kanina, nagd-deny pa.

"Hindi ka talaga nagseselos? Talagang talaga?"

" Hindi." Naglakad ako papalapit sa pinto. "Saan ka pupunta?" Tanong nito bago pa ako tuluyang makalabas.

"Pupuntahan ko si Kurt, kailangan niya ako nga---"

Nagulat at napahinto ako nang bigla niyang hampasin ang pinto, galit nanaman itong nakatingin sa akin.

"Fine. Aamin na ako, I'm fucking jealous. Nagseselos ako dahil nasa kanya na ang atensyon mo, halos hindi mo na ako pinapansin dahil sa kanya. I'm jealous, Stephanie."

Inaasahan ko ang sasabihin niya pero hindi ko alam kung anong ir-react ko ngayong narinig ko na mismo iyon sa bibig niya. Natahimik ako at muling bumilis ang tibok ng puso ko, iba pala ang pakiramdam kapag siya na mismo ang nagsabi at umamin na nagseselos siya.

"N-nagseselos ka?" Nauutal kong tanong, kung nagseselos siya, siguradong may nraramdaman din siya para sa akin.

"Hindi ako umuulit nang sinabi ko na."

Ang suplado naman ng lalaking ito, gusto ko lang naman na marinig ulit eh.

"Ibig sabihin crush mo ako?" Tanong ko sa kanya, lumapit pa ako at pinulupot ang braso ko sa kanya.

"Hindi."

Tumamlay ang mukha ko, umasa nanaman pala ako sa wala. Ang hilig naman kasing magpaasa ng lalaking ito at ako naman si tanga, asa nang asa sa kanya.

"Okay, sabi mo eh." Matamlay kong sabi at naglakad papalayo sa kanya.

"Hindi kita crush at hindi ko din hahayaan na crush mo lang ako." That made me stop again, hindi ako lumingon pero dama ko ang paglapit niya sa akin.

Kainis na lalaking ito, ang daming sinasabi ayaw nalang akkng deretsuhin sa kung anong nararamdaman niya para hindi na ako umaasa. Apat na taon ko na siyang kinukilit at ngayon kung wala na wala na talaga, sabihin lang niya.

Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya. "Naalala mo ba yung gabing na-lock tayo sa library? Iyon ang oras na nagkuwento ako sayo about my mother who passed away when I was 7, also I lost my sister when I was 12, she was killed..." He stopped and look away, "...and I was there. Hindi ko siya natulungan. Since then, I promised to myself na hindi ako lalapit sa tao for them to be safe until I met you four years ago. You're the only girl who caught my eyes, masaya ako sa mga araw na kinukilit mo ako, sa mga araw na nilalapitan mo ako at kinukuwentuhan kahit pa pinapakita kong hindi ako interesado sa'yo." Huminga siya ng malalim, "I like no erased that crap, I love you, I'm inlove with you four years from now, at alam mo ba kung gaano kahirap sa akin na palihim kang pagmasdan? Ang hirap hirap na itinatago ko itong nararamdaman ko para sa'yo dahil ataw kong mapahamak ka, lahat kasi ng malapit sa akin nawawala. I lo---"

Halos manlaki ang mata niya nang dumampi ang labi ko sa pisngi niya, tuwang tuwa ako ngayon dahil sa apat na taon na pangungulit ko sa kanya ay pareho lang pala kami ng nararamdaman.

"Steph...." Hindi ko alam kung matatawa ako sa reaction niya.

"Umayos kana diyan. Pupuntahan ko pa si Kurt." Muli namang umasim ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Steph, naman. Nagseselos ako sa kanya eh, akala ko ba akin ka---"

"Gusto kita, gustong gusto kita, Kelvin pero wala akong sinabi na sa'yo na ako kailangan ligawan mo muna ako bago maging tayo. Maghirap ka." Natatawa kong sabi sa kanya.

Seryoso ako sa sinabi kong iyon, kahit papaano naman ay gusto kong maranasan kung paano maligawan.

Malapad ang ngiti ko ng bumalik ako sa clinic, nanduon narin ang mga barkada ni Kurt, nagkukuwentuhan na at nagtatawanan. Masaya sila dahil kahit na-aksidente si Kurt at pinanalo nito ang laban. Nakikita ko rin ang saya sa mga mata nito.

Masaya ako para sa kanila dahil pinaghandaan talaga nila ang laban na ito para manalo at ngayon ay nanalo nga sila. At ako ay masaya din dahil nalaman ko na pareho kami ng nararamdaman ni Kelvin. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa akin.

Isa nalang ang kulang, sana ligawan na ako bg lalaking iyon para makasiguro akong akin lang siya at may panlaban na ako sa epal na Janah na iyon. Akala mo naman maganda porke madaming nanliligaw sa kanya, sorry nalang siya dahil yung lalaking bet niya, ako ang gusto.

"Hoy, babae."

Halos mapasigaw ako ng batukan ako ni Shean na bigla nanamang sumulpot kung saan. "Saan ka nanaman ba galing?" Taas kilay niyang tanong at sinabayan ako sa paglalakad.

Nagpaalam na kasi ako kay Kurt na uuwi na at baka hinahanap na ako ng magulang ko. Yari pa ako sa kanila kapag nagkataon, baka ma-grounded ako.

"Kinausap ako ni Kelvin." Tipid kong sagot ngunit isang batok nanaman ang natanggap ko mula sa kanya.

"Nagi-ilusyon ka nanaman noh?"

"Kinausap niya ako, magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala, sapakin kaya kita diyan?"

Huminto siya sa paglalakad at niyugyug ang balikat ko, babaeng ito ang brutal na. Nakakahilo ang ginawa niya.

"Satrue? Hindi ka nagi-ilusyon? Anong sabi niya?" Sunod sunod pa niyang tanong.

"Ewan ko sa'yo, Shean." Inerapan ko siya. "Inamin lang nam---"

"Anong inamin niya?"

"Kung pinapatapos mo ako edi sana, nasabi ko na." Pagtataray ko sa kanya. Ang kulit kasi.

" Ay, sorry hehe." Nag-peace sign siya.

"Gusto niya din... no, erase that, mahal niya daw ako at---"

" WHAAAAAT? REALLY? Myghad, edi anong sabi mo?" Excited nitong tanong. Halatang kinikilig.

"Sabi ko, kung talagang gusto niya ako at mahal niya kailangan ligawan niya ako. Hindi ako sing rupok mo, siguro kapag niligawan ka nga lang ni Yohanne, bi---ARAY, Ano ba?" Singhal ko nang batukan na naman niya ako. Nakakarami na ang babaeng ito. Naiinis na ako.

Kung hindi ko lang talaga kaibiganito, nako.

"Palagi mo nalang sinisingit sa usapan ang lalaking iyon atsaka sinong marupok? Hoy, kahit pa si Yohanne ang manligaw sa akin, hindi ko basta basta ibibigay ang matamis kong oo. Kailangan maghirap sila."

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Kilala ko ang kaibigan ko kaya alam ko kung ang ugali nang babaeng iyan. Alam ko na kapag nanligaw si Yohanne ay sasagutin niya agad.

Nagpaalam ako sa kanya nang nasa tapat na ako ng bahay, siya naman ay pumasok na din sa kanila. Magkalapit bahay lang kami kaya naman palagi kaming magkasama, minsan ako ang nasa kanila at madalas ay siya ang nasa amin.

"Mama, nandito na ako." Sigaw ko nang makapasok ako ng bahay. Si mama talaga ang palagi kong hinahanap kapag umuuwi ako.

"Oh? Kamusta ang araw mo? Crinushback ka na ba ni Kelvin?"

Yes, kilala ni mama si Kelvin at support naman siya sa akin. Ang palagi niya lang bilin sa akin ay huwag kong pababayaan ang pag-aaral ko.

"Nako 'ma, iyang Kelvin na iyab hinila ako sa isang classroom kanina." Panimula ko, umupo ako sa upuan kung saan nakahanda ang pagkain ko. Palagi namang ginagawa ni mama ito kada uuwi ako.

"Aba, bakit naman? Anong ginawa niya sa'yo?" May halong pag-aalala niyang tanong.

"Kalma. Ginawa niya lang iyon dahil nagseselos siya at para narin umamin---"

"Umamin? Anong inamin niya? Nakamit mo na ba ang crushback na nais mo?"

Parang si Shean lang din itong nanay ko.

"Oo, crinushback na niya ako ayy, loveback pala. Kaya lang---"

" Kaya lang ano?"

" Ma, para kang si Shean, maghintay kasi." Reklamo ko.  "Sabi ko sa kanya ligawan niya muna ako."

"Buti kung gano'n, ikaw na babae ka pinapayagan kitang mag-enjoy pero kung magb-boyfriend kailangan sa akin muna ang paalam." I just nodded.

Matapos kong kumain ay umakyat nadin ako ng kwarto ko. Nakangiti rin akong humiga sa kama at nag-open nang facebook. Halos mapatalon naman ako ng makita ko ang pangalan ni Kelvin na nag-pop sa screen ng cellphone ko.

Kelvin Corpin:

If you wanted to be courted by me, I will. Tomorrow expect me at your house, I'll fetch you.

"Mama!" Sigaw ko dahilan parang mawawalan na ako nang hininga. This is it, pancit.