Chapter 1

"Tara, Anton, do'n tayo! Mas maraming puno ang naroon," yakag ni Louis sa may bandang norte nitong lugar.

"Sige," pagpayag ko.

Narito kami sa kakahuyan, nagpuputol ng mga puno upang ipagbili sa mga mamamayan. Isa rin akong mangangaso ngunit sa ngayon, ay wala pa akong nahuhuli kahit isa.

"Malalaki nga at matatangkad ang mga puno, siguradong marami tayong mabebente dahil dito!" maligalig kong sinabi.

"Oo nga, e. Tara, umpisahan na nating magputol. Do'n lang ako, ha?" ani niya.

"O, sige. Dito ako magsisimula."

Inumpisahan ko na ang pagpuputol ng punong nasa harap ko. Malakas kong ipinataw ang axe sa may ibabang bahagi ng punong ito. Mataba ito at sa tingin ko ay matanda na, kaya walang problema sa akin 'yon. Mas maigi nang putulin ang matanda upang makapagtanim ng bago.

Ang punong nasa harap ko ay tila kakaiba. Mas makapal kasi ito at mas mukhang matanda. Iba rin ang texture nito sa iba ang mga mapuno, kung hahawakan, mas magaspang ito kaysa sa iba pang mga nahawakan ko na.

Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon dahil mas matanda, mas maganda dahil hindi ako gano'n kokonsensyahin sa ilegal na pagpuputol ng mga puno. At isa pa, mas maliking pera ang kikitain ko kapag marami akong nakuhang kahoy ngayon.

Patuloy lamang ako sa pagtataga nang mairita ako dahil parang may gumagapang sa paa ko. Iwinasiwas ko lang ito dahil baka katulad noong nakaraan ay mga sanga lang ito na nagkalat.Ngunit tila pumulupot ito sa aking mga paa pero ipinagsawalang-bahala ko lang at winasiwas kong muli. Pero sa bawat pagwasiwas ko ay humihigpit ang pagkakapulupot nito.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang sangang patuloy na umiikot sa akin. Tila may mga sariling buhay ito at kusang gumagalaw. Sinubukan kong kusutin ang mga mata ko; iniisip na baka ay namamalik-mata lamang ako, ngunit hindi. Totoo ang nakikita ko, totoo ang pagpulupot ng mga ito.

"Ahh!" sigaw ko nang malakas, pinipilit na makawala sa mga sangang ito pero ayaw talaga. Hindi ko kaya. "Ahh! Umalis kayo! T*angina! Ano 'to? Louis, tulong! Louis!" naka-ilang tawag na ako kay Louis ngunit wala pa ring dumarating.

Hindi kaya ay nagkaganito rin si Louis? O baka naman ay napatay na siya ng mga wild animals?

Dumoble ang kaba ko dhil sa aking mga naiisip. Hindi ko naman siguro 'to karma dahil sa ilegal na pagpuputol ng mga puno? Lord, sorry na, nangangailangan lang talaga ako.

Napapa-atras na ako dahil sa pagpupumilit na maka-alis sa pagkakagapos. Wala talagang epekto ang kahit anong gawin ko upang maka-alis.

"Ahh! Sh*t! P*tangina!" gulat kong sigaw nang hinila ako ng sanga. Parang naging lubid ito dahil sa mahigpit na pagkakagapos sa akin at sa matibay na pagkakahila sa akin.

Pero mas lumakas ang mga pagsigaw ko nang pagpasa-pasahan ako ng mga sanga na tilang nagj-ja-juggling pero pumapaitaas sa punong pinuputulan ko kanina.

"P*tangina, ano 'to?" natatakot kong sigaw.

Patuloy lamang ako sa pagsisigaw ng mga mura at ng "Lord, sorry na!" habang ang sangang Sa sobrang ingay ko ay nakakarinig na ako ng mga echo sa paligid ko. Pero bakit wala pa ring Louis na dumarating?

Sa wakas ay tumigil na ang pagpapasahan sa akin ng mga sanga pero nagdodoble naman ang aking paningin dahil sa sobrang taas ng kinalalagyan ko ngayon. Wala pa ako sa pinakatuktok ng puno ngunit sa tantiya ko ay malapit na akong mangalahati sa punong ito.

I shaked my head hoping that it will ease my visuals pero mas lumala lang ang pagkahilo ko. Ang bobo mo, Anton! Kaya ngayon, para akong lasing na malakas ang tama.

Nang mahimasmasan, umayos na kahit paano ang paningin ko pero nanlalabo pa rin ito nang kaunti. Mula rito ay medyo natatanaw ko pa ang lupa. At ngayon, may natatanaw akong isang tao na nakasuot ng damit na parang gawa sa mga malalambot na tela. Hindi ko matukoy kung babae ba siya o lalaki.

"Sino ka?" malakas na sigaw nito. Kung pagbabasehan ng boses ay parang babae ito dahil kahit pasigaw ang pagkakasabi nito ay malumanay pa rin pero para ding lalaki dahil may kakapalan ito.

"Inuulit ko... Sino ka?!" mas malakas na sigaw nito.

"Ako si Anton... isang mangangaso!" sigaw ko pabalik kahit na nararamdaman ko ang pag-agos ng dugo sa aking ulo. "Ikaw? Sino ka?"

"Ako ang reyna ng kakahuyan na ito!"

Reyna? Natatawa ako dahil para siyang buang sa pagtatawag sa sarili niyang "reyna".

"Uh, kung gano'n... Maaari mo ba akong tulungan makababa?" tanong kong pasigaw pa rin. Kailangan ko na talagang makababa rito dahil paniguradong mapupunta ang lahat ng dugo sa ulo ko.

Itinaas nito ang mga kamay niya at saka muling ibinaba nng dahan-dahan. Itataas, at muling ibababa. Tatlong beses niya iyong ginawa.

"Uh, Miss! Patulong!"

"Maghintay ka!"

At sa kahuli-hulihan ng kaniyang ginagawa ay nararamdaman ko ang pagbabasa akin ng mga sanga. Para akong hinehele nito sa sobrang rahan. Hindi katulad ng kanina ay para ako nitong ibibitin patiwarik. Well, binitin nga ako nito patiwarik.

Pero, paano ako nito nagawang pababain mula sa pagkakalambitin?

Nawala ang pagkamahinahon ko nang ibagsak ako ng mga sanga. Bwisit na punong 'to!

Napapikit ako nang mariin habang maingat na tumatayo. Masakit kasi ang p'wet ko dahil 'yun ng napuruhan nang ihulog ako. Iminulat ko ang mata ko nang matapakan ko na ang lupa. Nakahinga na ako nang maluwag dahil malayo na ako sa bingit ng kamatayan.

I spread my arms as if I have wings and like a crazy man, I shout at the top of my lungs while running round and round. It may sound crazy but, dude, para akong nakalaya sa kulungan.

"Ay!"

Bakit ang malas ko? Hindi ko namalayan ang isang bato at natisod ako sa do'n dahil sa pag-iikot-ikot ko. At heto ako ngayon, naksalubsob sa lupa. Napakabobo, Anton. Napakabobo.

Bumangon ako mula sa pagkakalangoy sa lupa, umupo ako at ch-in-eck ko ang tuhod ko kung may sugat ba. Sa kabutihang-palad, ay wala naman.

Namahinga muna ako saglit pero naramdaman ko ang isang matulis na bagay sa leeg ko.

"'Wag ka nang babalik dito. Naiintindihan mo?" bulong ng kung sino.

"Bakit sino ka ba?" pabalang kong sagot at sinubukan kong lumingon pero dumiin sa akin ang patalim. Natitiyak kong gawa iyo sa kahoy dahil 'di 'yun malamig katulad ng mga dumampi ng mga kutsilyo sa akin.

"Ako..." malamig ang boses nitong taong 'to. Nakakakilabot ang bulong.

"Ang..."

Teka! Ang boses na ito ay ang...

"Kakahuyan." may diin ang pagkakabulong, parang nananakot. "Ano? Hindi ka pa susunod?" naramdaman ko ang pagngisi nito.

"H-hi-hindi na. Hindi na! Hindi na ako babalik dito!" dali-dali akong tumayo at papaikot sa harap niya ngunit pinigilan ako ng patalim nito.

"'Wag kang lilingon." kung ano ang kinatalim ng boses nito ay gano'n din ang talim ng tingin nito. Hindi ko man makita ang mga mata niya, ngunit tagos sa buto naman ang mga ito. "Umalis ka na."

At tilang isang asong maamo, sumunod ako nang walang pag-aalinlangan.