Prologue

Prologue

"Marian." Tawag sa akin ng mga ka grupo ko sa thesis.

Bumaling ako sa kanila. "What?" Sabay taas ko ng kilay.

Nagbulungan sila. Ako na namang pinag chichismisan nila. Hindi ko sila pinansin sa halip inirapan ko na lang sila. Naka harap ako ngayon sa dagat nandito kasi kami ngayon sa Siargao kasi kakatapos lang namin sa thesis namin. Pero wala ako sa mood para makipag jam sa kanila ewan ko ba basta bigla na lang akong na badtrip.

Habang naka harap ako sa dagat may narinig akong yabag na papunta sa gawi ko. Hindi ko ito pinansin.

Tumikhim ito. "May problema ba?" Tanong niya sabay lagok sa dala niyang beer.

Huminga ako ng malalim. "Nothing." Sagot ko sabay iwas ng tingin.

Huminga siya ng malalim sabay tabi sa akin. "Are you sure?" Aniya sabay akbay.

Pinanginlabotan naman ako ng balahibo sa presensiya niya. Inalis ko yung kamay niyang naka akbay sa akin. Hinarap ko siya. Nagulat ako dahil hindi ko naman siya ka grupo.

"Wait! Hindi ka naman namin ka grupo ah. Bakit ka nandito?" Tanong ko sabay kunot ng noo.

Ngumisi siya. Nag drudrugs ba siya? Bakit parang ang high niya.

"Nakalimutan mo na ba ako?" Tanong niya.

Umarko naman ang kilay ko sa tanong niya.

"Huh?" Sagot ko sabay awang ng labi ko.

He grinned. Ano bang iniisip ng lalaking to? Ang creepy niya masyado. Hindi ko kasi maaninag ang mukha niya kasi madilim dito.

"Bryce Bernardo." Sabay lahad ng kamay niya.

Bryce Bernardo? Familiar yung name niya pero nagdadalawang isip pa rin ako kung kukunin ko ba 'yung kamay niya o hindi? Ewan.

Hindi ko kinuha ang kamay niyang nakalahad sa akin. Rude na kung rude. Inalis din naman niya yung kamay niya at inilagay ito sa likod.

"I thought you were in your cabin?" I asked him undesirably.

Lumagok muna siya bago sumagot. "Because I saw you here ALONE." Sabi niya sabay lagok ulit ng beer na dinadala niya.

Hindi ko siya pinansin sa halip dumistansiya ako sa kaniya. Napansin ko namang lumapit siya ng kunti. Umatras ako. Sumunod naman siya. Umatras ulit ako ng mas distansiya sa kaniya. Lalapit sana siya pero bigla ko siyang hinarap.

"Ano bang problema mo? Ako ba ang trip mo ngayong gabi? Tapos? Bukas, iba naman?" Hindi ko napigilang mapasigaw sa inis.

Nakita ko naman siyang yumuko. It hits me. Balak ko sana siyang lapitan pero may biglang humawak sa kamay ko. Nagulat ako ng makita ko ang boyfriend ko.

"What's the problem babe?" Tanong niya sabay hawak sa beywang ko.

I shook my head. "Wala...wala babe." Pagsisinungaling ko.

Tumango lang siya. "Alright then, so let's go back to our cabin?" Tanong niya sabay tingin sa akin.

I can't resist his charms. Tumango ako. Hinigpitan niya ang hawak sa beywang ko habang papaalis na kami. Nakita ko yung lalaki na Bryce daw yung pangalan. Umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya, binaling ko nalang ito sa mga ka grupo ko na masayang nag-iinuman parang walang finals next week ah. Kung maka tawa 'kala mo walang bukas. Tsk!

Papalapit na kami ni Jeorge sa mga ka grupo namin. Nakita ko si Emily na masayang tumatawa na kita pa yung ngala ngala niya. Pati naman si Klent na nagsasayaw sa gitna na 'kala mo belly dancer. Ito namang si Keana wala lang yolo lang ang peg. Busyng busy sa pagbabasa ng Swipe isang app na para rin siyang wattpad pero ang kaibahan lang ay more on dialogue ito. By the way Make the Mistress Pregnant pala ang binabasa niya. Si Luther naman busy sa pag gigitara while singing ha, IBA.

"Hi guys." Bati ni Jeorge sa mga kasamahan namin.

Bumaling naman yung atensiyon nila sa amin. Nakita ko pa si Neilbert na tinataas pa yung beer, niyayaya yata kaming uminom.

"Ang sweet naman ng mag jowang 'to, KAINIS!" Sabi ni Emily sabay sabunot sa buhok niya.

Paanong inis gurl?

Tumawa kaming dalawa ni Jeorge sa sinabi niya. Nakikita ko pa ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin. Ang gwepe niya telege.

"Hoi! Marian." Sigaw ni Klent sa akin.

Bumalik naman yung ulirat ko. Late ko lang na realized na matagal na pala akong nakatitig kay Jeorge. Inayos ko 'yung sarili ko sabay iwas ng tingin. Napansin kong ngumisi siya. Ah! Nang-iinis ba siya? KAINIS. Nakakahiya naman 'yun.

Tumikhim naman si Keana. "Ahem natameme si Marian sa gwapong mukha ni Jeorge." Pang-aasar ni Keana.

Tumingin naman si Jeorge sa akin sabay ngisi. Bigla naman akong pumula.

Lumapit si Klent sa akin sabay turo sa mukha ko. "Oi si Marian nag blu-blush, kinilig yata sa ngiti ni Jeorge." Aniya sabay tawa.

Mukhang hindi na ako makakagalaw dito sa posisyon ko. Lord help me.

"Guys stop that." Suway ni Denver.

Bumaling naman ang mga ka grupo ko sa kaniya. Naghihintay ang mga ito kung ano ang susunod niyang sasabihin.

Nandiyan pala siya? Akala ko pumunta na siya sa cabin niya.

"Salamat naman at may tumulong." Bulong ko sa sarili ko.

Ngumisi ito sa mga ka grupo ko. "Practice lang. hehehe." Sabay tawa niya.

Ah!! Kapag minamalas ka nga naman. 'Yung akala mo tutulong sa 'yo pero hindi rin naman pala. Bumaling ulit sila sa amin ni Jeorge sabay asar. Ah!! Matatapos pa ba 'to?

"Guys. Stop." Sabi ni Jeorge sa baritonong tono.

Tumigil naman sila sa pang-aasar maliban kay Klent na todo asar pa rin sa amin ni Jeorge, may pa heart sign pa siyang nalalaman.

Bumaling si Jeorge sa akin. "Are you okay?" Tanong niya sa accent na british.

Tumango ako sa kaniya sabay ngisi ng kunti. Niyakap niya lang ako at hinalikan sa noo. Diyosa ng kalupaan kunin mo na ako. Hindi ko mapigilang mamula.

"Let's go?" Tanong nito sa akin.

I saw his blue eyes, shaded eyebrows, pointed nose, salty lips, and of course his greek god existence. In short he's so handsome.

Tumango ako sa kaniya. Magkahawak kamay naming tinungo ang cabin namin. Nang makarating na kami sa tapat ng cabin binuksan niya ito, naiwan naman akong nakatayo. Kinuha ko 'yung telepono ko at tinignan kung anong oras na. Nang buksan ko ito bumungad sa akin ang wallpaper namin ni Jeorge. Hala! Mag e eleven thirty na pala. Ang bilis naman ng oras.

Nang nabuksan niya na ang cabin bumaling siya sakin. "Shall we?" Tanong niya.

Tumango ako at pumasok sa loob.

A/N: Thank you for reading ANTR (A Night To Remember). I appreciate your effort for reading this part of the story.

Authors Note: Hey you. Salamat dahil umabot ka sa bahaging ito. Kung may gusto kang itanong sa akin just comment at sasagutin ko 'yan. Next Chapter is waiting for you. By the way bago matapos ang lahat huwag mong kalimutang mag vote dahil kahit isang vote ay malaking bagay na ito para sa amin/akin.

Thank you!

Continue reading dear.