PROLOGUE 1.2

(Harvard Restaurant, 6:30 pm)

(Third Person's POV)

KALAHATING oras nang naghihintay sa restaurant si Eunice. Hinihintay niya ang pagdating ni Timothy. Bagama't kalmado ang dalaga ay may kakaibang kaba at takot na bumabalot sa katawan niya sa 'di niya malamang dahilan.

"Eunice."

Napalingon siya sa pinto ng restaurant nang marinig niya ang pamilyar na boses na yun. Nakita niya si Timothy. Nakangiti ito sa kanya, pero kabaligtaran yun ng kanyang nararamdaman, dahil magkahalong lungkot, sakit at panghihinayang ang bumabalot sa kanyang puso.

"Mabuti't nandito ka na. I'm going to tell you something important." diretsahang sabi ni Eunice.

"Ano yun?" tanong ni Timothy sa kanya.

"Let's end this relationship."

Natigilan si Timothy sa tinuran ng dalaga.

"W-what?" he said in shock. "N-nakikipaghiwalay ka sa akin? B-baka naman prank lang yan."

"This is not a prank. Totoo ang sinasabi ko. Let's end this relationship. Bago pa tayo mahuli ni Charlize. Bago pa magkagulo sa buong Upper East Side Club. Bago pa magkaroon ng malaking eskandalo sa buong Hereux Academy." mariing sagot ni Eunice.

"E-Eunice, baka naman pwedeng p-pag-usapan natin i---"

"Wala na tayong pwede pang pag-usapan. In fact, hindi naman dapat ito nangyari in the first place kung hindi mo ako kinulit. Timothy, hindi na kaya ng konsensya ko na makitang nasasaktan si Charlize. Kaya please lang, let's end this. Before it's too late." sabay tayo ni Eunice sa kanyang kinauupuan sabay lakad palabas ng restaurant.

"Eunice, sandali! Wait!" sabay habol ni Timothy sa dalaga palabas ng restaurant.

Lakad-takbong tinungo ni Eunice sa parking lot ang kanyang kotse. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse nang pigilan siya ni Timothy.

"Hindi pa ba malinaw sayo ang ibig kong sabihin, Timothy? Tapos na tayo. So please, don't bother me anymore." pakiusap ni Eunice sa binata.

"Okay. If that's what you want, then fine. I'm not gonna stop you on what do you want to do. Alam kong yun ang tama."

"Mabuti naman at naiintindihan mo na ang gusto kong mangyari, Timothy." sagot ni Eunice.

"I just want you to know that no matter what happens, I'm here for you. I know this is going to be difficult for both of us and I know it's going to be hard for Charlize to handle this, pero nandito lang ako. Sasamahan kita." ani Timothy.

"You don't need to do that. Hindi ko naman ito gagawin para sa akin. Gagawin ko ito para maisalba ang friendship namin ni Charlize. Pagkatapos nito, 'pag nasabi ko na sa kanya ang lahat, alam kong hindi pa rin magiging tayo." at napabuntung-hininga si Eunice. "Ngayon, aaminin ko na sayo na natutunan kitang mahalin kaya hirap na hirap ako sa sitwasyon natin. Mahal kita.....pero mas mahal ko si Charlize. I'm sorry. Siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa."

Napayuko si Timothy at kalauna'y napabuntung-hininga.

"I respect your decision. But I just want you to remember.....to always remember.....na hindi magbabago ang feelings ko para sayo. I-I love you, Eunice." at hindi na napigilan pa ni Timothy ang kanyang sarili. Niyakap niya ng mahigpit si Eunice. She hugged him back.....for the last time.

"M-mami-miss kita, Tim." bulong ni Eunice habang nakayakap siya kay Timothy.

"Mami-miss din kita, Eunice." sagot ni Timothy sabay yapos niya sa buhok ni Eunice.

Saglit lang na nagyakap ang dalawa at kaagad din silang bumitaw sa isa't isa. Pero laking gulat nila nang tumambad sa kanila ang taong kinatatakutan nilang masaktan nang dahil sa kanila.....

SI CHARLIZE.

"C-Charlize....." nauutal sa gulat na sabi ni Eunice.

Mula sa gulat na itsura ni Charlize ay biglang nandilim ang paningin niya kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga palad. Galit niyang tinitigan ang dalawa.

"C-Char....." sabay lapit ni Eunice sa kanya. "L-let me explain....."

"Explain?! You don't need to explain dahil sinabi na sa akin ni Tita Lucy ang tungkol sa inyong dalawa!" at napahagulgol si Charlize sa sobrang galit at frustration. "How could you do this to me?!"

"C-Char---"

"So ikaw! Ikaw pala ang babae ni Timothy!" Charlize said sarcastically.

"H-hindi. Hindi sa ganun. Hindi mo naiintindihan." at akmang lalapitan na sana ni Eunice si Charlize pero itinulak siya nito palayo.

"Hindi ko talaga maintindihan! How did you betray me?! Best friend pa man din kita! Minahal kita! Pinagkatiwalaan kita! Tapos ganito ang gagawin mo sa akin?!" nanggigigil sa galit na sigaw ni Charlize sa kanya.

"C-Charlize, hayaan mo akong magpaliwanag. Mali ka ng iniis---"

"At ako pa ang may maling iniisip?! Sa tingin mo, maniniwala pa ako sa mga sasabihin mo, ha?! SINUNGALING KA!"

Napatanga si Eunice sa mga sinabi ng kanyang kaibigan.

"E-Eunice, just let us explain." sinubukang mamagitan ni Timothy sa dalawa pero isang malakas na sampal ang pinadapo ni Charlize sa mukha nito.

"Isa ka pa!" sabay duro ni Charlize kay Timothy. "You liar! Parehas kayong dalawa, mga manloloko kayo!" at muli'y napahagulgol si Charlize sa harap ng dalawa.

"C-Charlize, p-pakinggan mo muna ako. W-wala kaming relasyon ni Timothy."

"Oh really?! Do you think, maniniwala pa ako sa lahat ng mga kasinungalingan mo?! I asked you kung sino ang kasama mo nung isang araw?! Anong sabi mo sa akin?! Wala diba?! Ilang beses kayong nagsinungaling sa akin?! Ha?!" sabay duro ulit ni Charlize sa mukha ng dalawa. "Dahil ang totoo, may nangyayari na sa inyong dalawa, behind my back!"

That shuts Eunice and Timothy. Kitang-kita sa mukha ng dalawa ang matinding guilt.

"So tell me, sino ang unang lumandi?! Was it you, Timothy?!" sabay tingin niya ng masama sa kanyang boyfriend. "O ikaw, Eunice?!" at muli'y napaiyak na naman si Charlize sa matinding galit at sama ng loob sa kaibigan.

"Charlize." sabay lapit ni Timothy sa kanya. "Let us explain first."

"MANLOLOKO KAYONG DALAWA! MGA SINUNGALING KAYO!"

Napaiyak na sa sobrang kahihiyan at pagsisisi si Eunice habang tuluyan nang hindi nakaimik si Timothy.

"Ngayon, mamili ka sa aming dalawa, Timothy."

"Charl---"

"Ang sabi ko, mamili ka sa aming dalawa! Ako ba?! O si Eunice?!"

"Look, Charlize. I think it's best that you and I shouldn't be together anymore. I'm not choosing anyone. Not you. Not Eunice."

"YOU FREAKING LIAR!" nanggigigil sa galit na singhal ni Charlize kay Timothy. "Ang sabihin mo, hindi ka makapili dahil si Eunice na ang gusto mo! Siya na ang mahal mo!"

"C-Charl---"

* SLAP! *

Isa na namang malakas na sampal ang natanggap ni Timothy mula kay Charlize.

"I HATE YOU, TIMOTHY. I HATE YOU, EUNICE. I HATE YOU BOTH!" sabay sibad ni Charlize palayo sa dalawa.

"C-Charlize, sandali. Sandali!" at hinabol ni Eunice si Charlize.

Nagmamadaling pumunta sa parking lot si Charlize. She's so devastated on what she saw between her best friend and her boyfriend. Devastated to the point na gustung-gusto niyang pumatay ng tao.

"Sandali! Sandali! Char, sanda---"

"Don't you dare to call me on my nickname, anymore! Because from now on, hindi na tayo magkaibigan!" umiiyak na singhal ni Charlize kay Eunice. "Wala akong kaibigang malandi, traydor at mang-aagaw!"

"W-wag namang ganito oh." pagsusumamo ni Eunice sa kaibigan. "P-pag-usapan naman natin 'to. Let's fix this, plea--"

"Let's fix what?! Our friendship?! Diba ikaw naman ang sumira nun?!" sigaw pa ni Charlize sabay duro niya kay Eunice. "Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin!"

Hindi na nakaimik pa si Eunice sa mga sinabi ni Charlize. She's guilty. Fvcking guilty.

"You know what, Eunice? Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang kita naging kaibigan! Why? Dahil wala kang kwenta! Wala kang kwentang kaibigan!" sabay lakad ni Charlize palayo.

"Charlize! Pag-usapan naman natin 'to! Please! Charlize!" at tuluyan nang napahagulgol si Eunice.

"E-Eunice." sabay lapit ni Timothy sa kanya.

"Konti na lang eh. Konti na lang at sasabihin ko na sa kanya ang totoo!" at napatakip na sa mukha si Eunice dahil sa sobrang frustration niya. "Wala na. Nangyari na ang kinatatakutan ko. Nawala na sa akin ang best friend ko."

That shuts Timothy.

"Timothy, I know, hindi mo naman kasalanan.....pero bakit pa kasi ikaw? Sa lahat ng tao sa mundo, bakit ikaw pa? Nawalan tuloy ako ng kaibigan nang dahil sa ginawa natin. Sana hindi mo na lang ipinagpilitan ang relasyon na ito, in the first place. Sana, nung unang beses na sinabi ko sayong layuan mo ako, sana nakinig ka. Sana ginawa mo."

"Eunice....."

"Pwede ba, pabayaan mo na ako! Please!" sabay takbo ni Eunice palayo, leaving Timothy dumbfounded.