CHAPTER TEN

(Hereux Academy, after two days)

(Laurrie's POV)

DALAWANG araw na ang nakalilipas mula nang ipinahiya ako ni Eunice sa cafe. Sa totoo lang ay nasasaktan ako at naaawa sa kanya, at the same time. Nasasaktan dahil sobrang nainsulto niya ang pagkatao ko. At naaawa dahil siguradong na-dissappoint ang mga magulang niya sa ginawa niyang panghihiya sa akin sa cafe. Hindi pa rin burado sa mga social media sites ang video ni Eunice na ipinakalat ng kaibigan ng boss ko sa cafe. In fact, nasa 2 million views na yun sa FB. Maraming nagalit kay Eunice at sa dalawang kaibigan niya, to the point na gusto silang ipa-expel sa school at sampahan ng kaso ng mga tao.

Sa ngayon ay pinipilit ko nang kalimutan yung nangyari kasabay na rin ng hiling ko na sana'y wag nang maulit pa ang pangyayaring yun, hindi lang sa akin, kundi maging sa iba pang mga working student tulad ko.

(Tulips Garden, lunch break)

(Laurrie's POV)

BUSY ako sa pagkain ng lunch sa Tulips Garden. As usual, ako lang ang tao dun, which is pabor na pabor sa akin dahil walang nang-iistorbo sa isang gaya kong lone, lonely, loner.

"Hi, Laurrie."

Napalingon ako sa pamilyar na boses na yun at nakita ko si Derrick De Leon. May dala siyang lunchbox at black tumbler. He's smiling at me.

"I-ikaw pala. Anong ginagawa mo dito? I mean, ba't ka nandito sa lugar na ito?" pormal kong tanong sa kanya.

"Wala lang. Sawa na kasi ako sa headquarters kaya naghanap ako ng lugar na tatambayan habang kumakain ng lunch. Anyways, sinabi sa akin ni Raffy ang tungkol sa ginawa sayo ni Eunice sa cafe ni Stephanie." sabi niya na medyo ikinagulat ko. Kilala niya si Eunice?

"M-magkakilala kayo ni Eunice?" hindi ko napigilang itanong sa kanya.

"Yes. Were friends. Ba't mo naitanong?" sagot niya.

"Ahm, w-wala." sagot ko.

"In behalf of Eunice, humihingi ako ng tawad sa panghihiya niya sayo sa cafe. Hindi niya dapat ginawa yun." apologetic na sabi niya sa akin.

"Apology accepted. Pero sana hindi mo na ginawa yun. Siya ang may atraso sa akin. Hindi ikaw." sabi ko.

"I know. Nahihiya nga ako sa ginawa niya sayo eh. Hayaan mo, kakausapin ko siya. Pagsasabihin ko siya na wag na niyang uulitin pa yung ginawa niya." sabi pa niya. Haay. Yun ay kung makikinig si Eunice sayo. Sa ugali pa lang niya kasi, halata namang wala siyang pinapakinggan eh. Ni hindi yata siya marunong rumespeto sa mga tao sa paligid niya. Pero wish ko pa rin na sana'y makinig siya sayo bilang kaibigan niya.

"Anyways, anong ulam mo? Mukha kasing masarap eh." sabay turo niya sa maliit na tupperware na may lamang corned beef.

"Corned beef yan. Ginisa ko sa sibuyas." sagot ko.

"Ganun ba? Hmm.....can I have some?" sabi pa niya.

"Ha? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka mamaya magka-allergy ka kapag kumain ka nyan." alanganing sagot ko.

"Wala akong allergies sa pagkain. Kaya sige na, pahingi naman ako. Kahit konti lang." sabi pa niya with matching kindat pa. Dahil mukhang 'di ako titigilan ng isang 'to ay binigyan ko siya ng baon kong ulam.

"Thanks, Laurrie." and he smirked at me. "Anyways, tikman mo 'tong ulam ko. Cordon bleu yan. Luto ng mommy ko." sabay lagay ng baon niyang ulam sa tupperware ko.

"S-salamat." sagot ko. "K-kain na tayo."

"Okay." sagot niya. Ang ending, magkasabay kaming kumain sa Tulips Garden. Nung una ay nahihiya pa akong kausapin siya pero nung tumagal ay nagiging palagay na ang loob ko sa kanya dahil bukod sa mabait siya ay masaya pa siyang kakuwentuhan.

(Fourth Year Building, Hereux Academy, next day)

(Eunice's POV)

NAKATAMBAY kami nina Rachel at Clarissa sa corridor ng Fourth Year Building nang makita namin si Laurrie na naglalakad sa gitna ng hallway malapit sa pwesto namin. Dahil kating-kati na akong gantihan ang bwisit na scholar na yun ay lalapitan ko na sana siya nang biglang.....

"Hi, Laurrie."

Natigilan ako nang biglang lumapit sa kanya.....si Derrick. W-wait. M-magkakilala silang dalawa?

"Wait, Miss Eunice. Kilala ni Young Master Derrick ang scholar na yan? Ba't sila magkasama?" tanong ni Rachel habang turu-turo niya ang dalawa.

"Oo nga. OMG! Is she flirting Young Master Derrick?!" sabad ni Clarissa.

Saglit silang nag-usap hanggang sa bigla siyang hinila ni Derrick palabas ng building.

"Not Derrick. Not my man, you flirt." sabay tayo ko sa kinauupuan ko. Dali-dali ko silang sinundan. Habang naglalakad ako ay nagtatagis ang bagang ko sa galit. Seriously?! Sa dinami-rami ng babaing lumalandi kay Derrick, siya pa talaga?! As in?!

HOW DARE HER!

Humanda ka sa aking babae ka, dahil ipapamukha ko sayo na akin lang si Derrick. Akin lang siya!

(Cafeteria)

(Charlize's POV)

NASA cafeteria ako ngayon kasama sina Kuya Kyle at Raffy nang mapansin kong pumasok sa loob si Laurrie. Lalapitan ko na sana siya para yayaing kumain nang mapansin kong kasama niya si Derrick. Wait a minute. Magkakilala silang dalawa?

Napansin kong pumunta si Derrick sa restroom na malapit sa counter habang kumuha naman ng tubig si Laurrie sa malaking water dispenser na katabi ng counter.

Nung makakuha na ng tubig si Laurrie ay babalik na sana siya sa pwesto nila ni Derrick nang biglang humarang sa daraanan niya si Eunice. Tss. Ano na namang drama ng demonyitang 'to at umeeksena na naman siya? Di pa ba siya nadala sa nangyari sa kanya sa cafe at gusto pa talaga niyang mapahiya ulit?

"E-Eunice....." tila nabiglang banggit ni Laurrie sa pangalan ng bruha.

"So.....ikaw pala yung babaing lumalandi kay Derrick." pambungad ni Eunice kay Laurrie with matching taas kilay pa. Tss. As if namang bagay sa kanya na maging bully. Eh mas mukha pa siyang binu-bully. Buwahaha. Poor her.

"M-magkakilala kayo ni Derrick?" tanong ni Laurrie sa kanya.

"Of course!" sabay irap sa kanya ni Eunice. "You know what, actually, he was dating me, before you came into the picture."

Natigilan si Laurrie sa mga sinabi ni Eunice habang napailing-iling na lang ako sa mga kasinungalingan ng ex-bestfriend kong desperada. Tss. Hanggang ngayon, malandi ka pa rin, Eunice? Nakakaloka. Ibang klase ka talaga.

"So, anong ginawa mo para mapunta sayo si Derrick? Nilandi-landi mo siguro siya, noh?" akusa pa ni Eunice kay Laurrie.

"H-hindi. M-magkaibigan lang kaming dalawa ni Derrick. Wala akong ginagawang ganun." sabi pa ni Laurrie.

"YOU LIAR!" sabay hablot ni Eunice sa hawak na baso ni Laurrie at buhos niya ng tubig rito. Gulat na gulat ang lahat sa ginawa ng number one bully sa academy na ito.

Lalapitan na sana ni Raffy sina Laurrie at Eunice para mamagitan sa kanila, nang biglang.....

"EUNICE!"

Uh oh.

Seems that the slut is in trouble again.

* evil smirk *

(Cafeteria)

(Third Person's POV)

"EUNICE!"

Natulala si Eunice nang marinig niya ang boses ni Derrick, hanggang sa nakita na lang niya na lumapit ito.....kay Laurrie.

"Why did you do that?!" singhal ni Derrick sa kanya sabay tingin nito kay Laurrie. "Okay ka lang ba, Lau?"

"Dahil mang-aagaw siya, Derrick! Inagaw ka niya sa akin!" nanginginig na sagot ni Eunice.

"What the hell are you talking about, Eunice?" gulat na sabi ni Derrick. "First of all, hindi tayo nag-de-date. Second, were not lovers, kaya pwede akong sumama kahit kanino ko gusto. Pangatlo, siya yung ikinukwento ko sayo nung isang araw na nagligtas sa akin mula sa mga taong nagtangkang holdap-in ako. And lastly, dahil dyan sa ginawa mo, napatunayan ko lang sa sarili ko na dapat kong sundin ang utos ni Mommy na layuan kita!"

That shuts Eunice. Impit namang nagtawanan ang mga estudyante sa paligid niya, including her ex-best friend, Charlize.

"Let's go, Lau. Sa labas na lang tayo kumain. Nawalan na ako ng gana dito." sabay hila ni Derrick kay Laurrie palabas ng cafeteria, leaving Eunice dumbfounded and devastated.

"Mabuti nga sa feelingerang Bad Queen Bee na yan. Kung umasta, akala mo, girlfriend siya ni Young Master Derrick!"

"Sinabi mo pa."

"Honestly, I hate the idea na nagde-date si Young Master Derrick at yung dukhang Laurrie na yun, pero mas ayaw ko naman na ang Bad Queen Bee na yan ang maging girlfriend ni Young Master Derrick!"

"Tama!"

At kung anu-ano pang masasakit na salita ang narinig ni Eunice mula sa mga estudyanteng nakikiusyoso sa kanila. Pero wala nang mas sasakit pa sa mga salitang narinig niya mula mismo sa lalaking mahal niya.

Tulalang bumalik si Eunice sa table kung saan nandun sina Rachel at Clarissa.

"Ouch. Burn." pang-aasar ni Rachel sa kanya, dahilan para impit na matawa si Clarissa.

"Eh kung ikaw kaya ang i-burn ko dyan, gusto mo?!" singhal ni Eunice kay Rachel, dahilan para matigilan ito. Maski si Clarissa ay tumigil sa pagtawa.

"You're so sensitive naman, Miss Eunice. I'm just joking!" mabilis na depensa ni Rachel.

Inis na naupo si Eunice sa tabi ni Rachel. Habang nakatingin siya sa kawalan ay napansin niyang nakatitig pa rin sa kanya si Charlize. As usual, masayang-masaya ito dahil napahiya na naman siya sa harap ng maraming tao gaya ng nais nitong mangyari.

Pero ang iniisip ni Eunice ay ang huling sinabi sa kanya ni Derrick bago ito umalis ng cafeteria kasama si Laurrie.

"Dahil dyan sa ginawa mo, napatunayan ko lang sa sarili ko na dapat kong sundin ang utos ni Mommy na layuan kita!"

Alam niyang ayaw sa kanya ng ina ni Derrick na si Eloisa, pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ganun na lang katindi ang pagkaayaw sa kanya nito, gayong wala naman siyang natatandaang araw na pinakitaan niya ito ng hindi maganda.

Napabuntung-hininga siya kasabay ng sunud-sunod na paglakas ng tibok ng puso niya. Hindi maganda ang kutob niya sa mga nangyayari ngayon, lalung-lalo na sa mga sinabi ni Derrick sa kanya, kani-kanina lang.

"Kailangan kong malaman ang totoong dahilan ni Tita Eloisa kung bakit ganun na lang katindi ang pagkaayaw niya sa akin at kung bakit iniutos niya kay Derrick na layuan ako." bulong niya sa kanyang isipan kasabay ng isang malalim na buntung-hininga.

(Tulips Garden)

(Laurrie's POV)

"PAGPASENSYAHAN mo na lang si Eunice, ha. Sadyang malakas lang talaga ang sapak niya sa utak." sabi ni Derrick habang pinupunasan pa rin niya ang uniform ko na natapunan ng tubig kanina.

"Okay lang, Derrick. Pero sana, 'di mo na siya sinigawan kanina." sagot ko.

"Anong hindi? Nakita ko ang ginawa niya sayo kaya dapat lang na pagsabihan ko siya. And besides, hindi tamang nambu-bully siya." sabi pa ni Derrick. Hindi na lang ako kumontra dahil totoo naman ang mga sinabi niya.

"Totoo bang nag-date kayong dalawa?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Nag-date kaming dalawa. Pero hindi na yun nasundan nung mamagitan na sa amin si Mommy." sagot niya, dahilan para bahagya akong maintriga.

"Ha? Bakit naman? Ayaw ng mommy mo kay Eunice?" tanong ko pa, dahilan para matigilan siya. Uh oh. Below the belt na yata ang question ko sa kanya.

Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Derrick.

"You're right, Lau. Ayaw ni Mommy kay Eunice. Kung bakit? I don't know. Basta ang sabi ni Mom ay layuan ko raw siya dahil hindi daw siya makakabuti para sa akin, na siya namang ipinagtataka ko. Hindi naman B.I sa akin si Eunice. In fact, she's one of the top student in this school at malaki ang posibilidad na maglaban sila ni Raffy for the position of valedictorian sa Junior High School Department. Kapag tinatanong ko nga si Mommy kung ano ang reason niya, she's just always telling me na malalaman ko rin ang totoong dahilan niya balang araw. Haay. Ewan ko ba sa nanay ko. Hindi ko siya ma-gets paminsan-minsan." at natawa si Derrick. Napangiti na lang ako sa mga sinabi niya.

"Why? Are you jealous at her?" biglang tudyo sa akin ni Derrick. Luh. Seryoso ba siya? Ako? Nagseselos kay Eunice? Ano 'to, joke?

"H-hindi ah. N-naisip ko lang na kaya siya nagkakaganun ay dahil may gusto siya sayo." sabi ko.

"I know. But like what I've said, hindi pwedeng maging kami. Magagalit sa akin si Mommy kapag nangyari yun. And besides, she's not my ideal girl. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Tsaka.....iba ang gusto ko." sagot niya. Aray naman, tsong. Hindi pa man nagiging kayo, basted na agad siya sayo. Iba reeen. Pero teka lang, may iba kang gusto? As in?

"Who's the lucky girl?" tanong ko pa sa kanya.

"Secret." and he smirked at me.

"Ang daya mo naman. Promise, sa ating dalawa lang 'to. Walang ibang makakaalam." pangungumbinsi ko pa, pero mukhang hindi niya talaga sasabihin sa akin ang sikreto niya. Haay. Ang hirap naman niyang paaminin.

Nung nag-ring na ang bell ay nauna na siyang bumalik sa classroom niya. Bumalik na rin ako sa classroom ko para sa afternoon class ko.