Chapter 4
Hindi makatulog si Prince at lumabas muna siya ng bahay. Tinawagan niya si Sen.
"Hello"
"Hoy! Thank you ah. Sa Sunday tuloy tayo sa mall, I'll pick you up."
"Busy ka ba?"
"Hindi, nakahiga lang ako. Bakit ba?"
"Parang kagalit mo naman?"
"Bakit nga?"
"Ah, wala"
"May sasabihin ka e, ano ba iyon?"
"Wala nga, never mind"
"Ano ba kasi yun, sabihin mo na, cge magtatampo ako sayo"
"Wala nga,"
"Cge na kasi, alam ko may sasabihin ka"
"Ah...paano kung"
"Anong paano kung?"
"Paano kung may nagkagusto sa iyong lalake"
"Ha? Ano ba yang tanong mo?"
"Paano nga?"
"E di susuntukin ko, sino ba yan?"
"Paano kung ako"
"Bakla ka ba?" medyo galit na sabi ni Sen
"Tinatanong kita kung paano kung ako?"
"Nababaliw ka na ba?"
"Oo, hindi ko alam kung bakit na lang naramdaman ko sayo ito"
"Huwag ka nagbibiro nang ganyan, huwag mo akong -i-prank"
"Totoo lahat ng sinasabi ko sayo. I'm inlove with you."
"Gago!" napamura na lamang si Sen at binaba ang phone.
Pumasok na sa loob ng kuwarto si Prince at tinext si Sen.
"Huwag mo na akong sunduin sa Sunday. Huwag muna tayo mag usap. Hintayin ko muna mawala itong nararamdaman ko sayo. Sorry, pero di ko na kayang itago yung nararamdaman ko sayo. Cge good night."
"E di huwag!" reply naman ni Sen.
Nasaktan si Prince sa reply ni Sen. Tumulo ang kanyang luha sa sakit nang kanyang nararamdaman.
Dumating ang araw ng linggo, umaasa siya na magtetext sa kanya si Sen pero hanggang sa sumapit ang gabi wala itong natanggap na message.
-Araw ng Lunes-
Pag upo ni Prince sa kanyang upuan binuksan niya ang kanyang drawer. Wala siyang nakitang lunch sa loob nito. Di niya tinitingnan si Sen at ganun din si Sen sa kanya. Nagtaka naman si Allen bakit hindi nag uusap ang dalawa ni hindi sumabay sa kanila si Prince na mag recess at kumain ng lunch. Pati kapag nagsasalubong sila sa hallway hindi sila nagtitinginan.
-Afternoon Dismissal-
"Sen, wala kang tutor now kay Prince"
"Wala na Allen, tapos na e,"
"Anong nangyari,?"
"Tanong mo sa kanya, kung bakit"
Napatingin si Allen kay Prince. Matapos ayusin ni Prince ang kanyang mga gamit lumabas na ito sa loob ng classroom. Isang linggo din na hindi nag uusap si Prince at Sen pati mga classmates nila naninibago sa dalawa.
"Anak, napansin ko lang isang linggo ka nang maagang umuuwi sa hapon?"
"Di na ako nagtu-tutor ma." medyo malungkot na sabi ni Prince
"Bakit naman?"
"Busy siya sa training nila sa basketball ma"
"Ah ganun ba."
Pumasok na sa kwarto si Prince at umupo siya sa kanyang study table at sumulat siya ulit sa kanyang Diary notebook.
Dear Diary,
Sobrang lungkot ko itong buong linggong ito. Simula nang inamin ko sa kanya na gusto ko siya di na kame nag uusap. Nagbago na ang lahat. Sobrang nasasaktan ako. Sana hindi ko na lang inamin sa kanya na gusto ko siya para hindi ako nalulungkot ng ganito. Grabeh ang sakit sakit sa pakiramdam. Miss na miss ko na siya. Sobrang miss ko na siya.
Tumutulo ang luha ni Prince habang nagsusulat sa kanyang diary notebook.
-Sa hallway-
Tumatakbo palapit si Eithan kay Prince. Nagtaka naman si Sen bakit tinatawag ni Eithan si Prince.
Napalingon si Prince kay Eithan. Si Eithan ang half Filipino and half Chinese nilang schoolmate grade 11 student din ABM nga lang ang kanyang strand. Guwapo, matangkad, at maputi. Dating classmate ni Sen at Allen si Eithan nung nasa Junior High sila.
"Prince!"
"Yes?"
"Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang"
"Sure"
"Ah, pwede ka ba bukas ng hapon?"
"Bakit?"
"Naghahanap kasi ako ng tutor, nasabi kasi sa akin ni Allen na nagtu-tutor ka daw dati pero ngayon hindi na daw"
"Oo dati. Sige, kaya lang after class ng hapon lang ako pwede"
"Sure, pwede ko ba makuha number mo?"
Binigay ni Prince ang kanyang number kay Eithan.
"Ok cge bukas na lang. Thank you Prince"
"You're welcome, see you tomorrow"
Narinig ni Sen ang usapan ng dalawa. Dumaan ito sa harap nila at masama ang tingin kay Prince.
Kinagabihan habang gumagawa ng homework si Prince tumunog ang kanyang cellphone. Nang buksan niya ito may message sa kanya si Sen at sinabing.
"Magpapatutor ako ulit sayo bukas ng hapon. Bawal tumanggi."