Nang mag-bell na ay nag-umpisa ng magligpit ng gamit ang teacher sa aming last subject.
Tumayo na ako at akmang lalabas na sa room nang may tumawag sa pangalan ko.
"Rhyzel!" Napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang aking kaklase. Teka, siya rin yung nagpunta sa bahay ko noong isang araw ah?
"Bakit?" Walang gana kong tugon.
"Hindi ka ba kukuha ng quiz? Sinabi naman kanina ni Mr. Abuloc na pwede ka pang kumuha ng quiz niya ah?" Nagtataka akong tumingin sa kanya. Sinabihan ako ni Mr. Abuloc na p'wede akong kumuha ng quiz sa kanya kahit late na. Hindi kasi ako pumasok kahapon kung kailan siya nagpa-quiz.
Wala akong balak kumuha ng quiz dahil nga hindi ko naman kailangan iyon. I don't need to study hard like before. Para saan pa? Kapag ba nag-aral ako nang mabuti, mapapatawad ba ko nina Mom at Dad? Kapag ba nag-aral ako nang mabuti, mawawala ang lahat ng masamang nangyari noon? Hindi naman, 'di ba?
"Ah. Hindi na." Tumalikod ako at humakbang ng isa nang hawakan niya 'ko sa braso.
"Why are you like that? Bakit hindi ka nag-aaral mg mabuti? May problema ka ba?" Matalim ko siyang tinitigan. Ano bang pakialam niya?
"Wala." Nilayo ko ang aking braso kaya natanggal ang hawak niya dito.
"Then why? P'wede kang mag-kwento sa'kin kung gusto mo." Nagtataka akong tumingin sa kanya. She seems serious about what she have said.
"No thanks. Hindi ko kailangan nun." Tumalikod ako at naglakad palayo. Sino ba siya sa akala niya? Hindi kami close kaya bakit naman ako magku-kuwento sa kanya?
Alam 'kong hindi maganda ang pag-iwas sa kanya gayong wala naman siyang masamang ginagawa sa'kin. Pero...kailangan kong umiwas sa ibang tao.
Ayoko nang mapalapit pa sa ibang tao bukod kay Lolai.
Pagdating sa bahay ay nakita ko si Lolai sa loob ng kwarto ko. Binubuksan niya ang mga drawers ko sa kwarto na para bang may hinahanap. Nakita ko ring nakabukas ang drawer kung saan nakatago ang alahas at pera ko.
"Lolai? Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko at napalingon siya saakin. Gumuhit ang isang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha.
"Hinahanap ko lang ang salamin ko, Rhyzel. Nalimutan ko kung saan ko nailagay.." Napakamot siya sa ulo. Ibinaba ko ang aking bag sa table at nag-umpisang maghanap ng nawawalang salamin ni Lolai.
"Saan niyo po ba huling nilagay ang salamin niyo?" Hinalughog na namin ang buong bahay pero wala kaming nakitang salamin ni Lolai.
"Hindi ko na maalala eh." Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa aking noo gamit ang likod ng palad ng kamay ko.
Saan naman kaya naiwan ni Lolai ang salamin niya?
"Hindi ko na talaga maalala. Pasensya na, nagiging makakalimutin na ang Lolai."
Hinanap pa rin namin ng isang beses ang salamin ni Lolai sa buong bahay. Pero, walang kaming nakitang salamin.
"Baka naman po naiwan niyo sa bahay niyo?" Lumiwanag ang mukha niya at nagtungo kami sa kanyang bahay. Natagpuan namin ang salamin na nakapatong sa lamesa.
"Pasensya na at inabala pa kita sa paghahanap ng salamin ko. Dito ko lang pala naiwan." Isinuot na niya ang kanyang salamin.
"Ayos lang po Lolai." Nginitian ko siya. Si Lolai lang ang napagkakatiwalaan ko sa mundong ito.
Pagdating sa aking bahay ay napagdesisyunan kong pumunta sa Greenwood River. Ibinulsa ko ang cellphone at inilagay naman sa leeg ang headset ko.
Pagkalabas ng bahay ay sumakay ako sa aking bike at lumabas ng gate.
Nagbisikleta ako papunta sa tabing ilog. Habang nagbibisikleta ay damang dama ko ang hangin na tumatama sa katawan ko habang nagpe-pedal. Ang nakalugay kong buhok ay hinayaan ko lang na tangay-tangayin ng hangin.
I really love this feeling everytime I ride my bike. Ang pakiramdam ng sariwang hangin sa aking katawan ay nagpapaganda ng mood ko.
Nang matanaw ko na ang tabing ilog ay mas binilisan ko pa ang pag-pedal. Inihinto ko na ang bike ng marating ang tabing ilog.
I parked my bicycle beside me. Kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa at pumili ng papakinggang kanta.
Nang pindutin ko ang napili kong kanta ay inilagay ko na ang headset sa aking tenga. I closed my eyes when the song started.
Pakiramdam ko ay nawala lahat ng problema ko dahil pakikinig ng kantang ito. Music is a mood changer indeed.
Aside from sleeping, I can escape reality just for a while by listening to musics.
Umabot sa tatlong kanta ang napakinggan ko ng may marinig akong sumisigaw. Tinanggal ko ang suot kong headset at ibinalik ito sa aking leeg.
Tumingin ako sa pinanggagalingan ng boses at napagtanto kong galing ito sa isang babae. Sa tingin ko ay ka-edad ko lang siya.
"Tulong! Yung cellphone ko kinuha niya!" May itinuro siya direksyon at tumingin ako doon. Nakita ko ang isang lalaking tumatakbo palayo. Tumayo ako at nag umpisang tumakbo ng mabilis para mahabol ang magnanakaw.
Nang makalapit sa magnanakaw ay nakita ko ang pamilyar nitong mukha. Hahawakan ko na sana ito sa damit ngunit mas nilakihan niya ang kanyang hakbang kaya hindi ko siya naabot.
Sinabayan ko ang bilis ng kanyang takbo. Nang maramdaman niyang hinahabol ko siya ay mas binilisan niya pa ang takbo kaya mas nilakihan ko ang aking mga hakbang. Nang mapantayan ko na siya ay hinawakan ko siya sa kanyang braso. Sinubukan niya pang tumakbo pero hindi niya nagawa dahil hawak ko siya.
"Ibalik mo na yan." Pasimple kong sabi. Hinarap niya ako. Bakas ang inis sa kanyang mukha.
"It's you again, huh. And why would I give this back? Sa'yo ba 'to?" Matalim akong tumitig sa kanya.
"Hindi. Pero masamang magnakaw. Ano na lang ang mararamdaman mo kung ikaw ang ninakawan ng pinaka-iingatan mong gamit?" He flinched. Halata ang gulat sa kanyang mata at tumingin saakin.