FOUR

"Girls, get ready."

Lahat kami ay nandito lang sa room namin, ako ay namimilipit dahil sa sakit ng puson, si Lovelle at Mona naman ay kanina pa nagkukwentuhan nang biglang buksan ni Ma'am Merlyn ang pinto, nagsalita at pumasok dito sa loob.

"Bakit po?" tanong ni Mona.

Dalawang araw na mula nang mapadpad kami rito nang wala pang ginagawa dahil pinagpapahinga pa lang daw kami para sa gaganapin na unang survival game. Hindi ko lang alam kung kailan 'yon. At dalawang araw na ring sumasakit ang puson ko! Parang gusto kong mamalibag ng mga tao! Nabubugnot ako! Delay na ako ng isang araw. Ang malas ko kung dadatnan ako habang survival game namin! Argh! Sana hindi ngayon, please. Madalas moody ako kapag ganitong parating na ang dalaw ko and worst, during my red days at makakaapekto 'yon sa mga taong nasa paligid ko.

"Today is your first survival game."

Nakita kong napasinghap si Lovelle habang napatulala naman saglit si Mona habang nakanganga pa.

"For real?"

"Oh my god."

"What happened to you, Lyka?"

Lumapit sa akin si Ma'am Merlyn at naupo sa kama ko. "What happened to you, Lyka?"

Sinubukan kong umupo kahit na gusto ko lang humiga at tumingin ako sa kanya. "Masakit po ang puson ko." Ang malas at ngayon pa talaga ang game!

"Kanina pa po 'yan namimilipit sa sakit, Ma'am. Nag-hot compress na rin po siya pero hindi pa rin nawawala," pumagitna si Lovelle sa usapan namin.

Nanatiling nakatingin sa 'kin si Ma'am at hinawi ang nakaharang kong buhok sa mukha. "Kaya mo ba? Kase kung hindi ipapa-move ko bukas o sa makalawa ang laro."

Umiling ako ng dalawang beses. Kaya ko pa naman kahit masakit. Gano'n naman talaga dapat 'di ba? Kailangang kayanin kase kailangan. Parang iba na ibig sabihin n'yon, ah? Haha. Nililibang ko na lang talaga ang sarili ko kesa mabugnot. "Kaya pa naman po, Ma'am. Nasaan na po pala ang mga boys?"

"Nandoon na sila sa quad kasami ni Eduardo."

Ngumiti ako nang marahan para itago ang pananakit ng puson ko. "Sige po, Ma'am. Sasabak po kami, 'di ba, girls?" sabay tingin ko sa dalawa na nakatingin lang din sa 'min.

"Ah, opo," sabi ni Mona.

Nakikita ko sa mukha niya ang excitement at kaba at the same time samantalang si Lovelle naman ay namumutla.

"Let's go," ani ni Ma'am saka tumayo.

Tumayo na kami at tumabi ako kay Lovelle. "Hey, kaya mo 'yan. Nandito lang ako." Ngumiti siya nang pilit kaya hinawakan ko ang kaliwang kamay niya. Ramdam ko ang panginginig at lamig ng kamay niya. Grabe, 'di pa nga kami nag-uumpisa, ganito na siya kabahan. Paano pa kaya kapag nalaman na niya ang gagawin namin? Eh, 'di mas lalong malala?

"Kinakabahan ako, Lyka. Pa'no 'pag 'di ko kayanin? Hindi ko talaga kayang tumagal dito ng siyam na buwan, eh," naiiyak niyang tugon kaya pinahinto ko muna siya sa paglalakad para pakalmahin siya.

"Kaya mo 'yan, Lovelle. Isipin mong kaya mo para 'di ka panghinaan ng loob. You're strong remember?" sabay yakap ko sa kanya. Nanubig naman ang kanyang mga mata pero pinunasan ko rin agad 'yon.

"Salamat bes. Kakaynin ko para maka-survive rito."

Ngumiti ako nang matamis at tinapik siya sa balikat. Napalingon ako kay Mona dahil napansin kong maging siya ay nakatingin na sa 'min nang may bahid na pagtataka. "Natatakot siya sa first game natin." Sinabi ko na sa kanya kahit hindi pa siya nagtatanong.

Lumapit naman ito at tinapik din ang balikat ni Lovelle. "Kaya mo 'yan, girl. Kaya natin 'to. Remember, we can't go here if we are not brave, right?"

"See? Even Mona trusts you that you can do that," nakangiti kong tugon at nagyakapan kaming tatlo. Sino-sino pa bang magtutulungan at mag-che-cheer up sa isa't isa? Kami-kami lang din naman kaya kailangan maging matapang kahit na nakakatakot minsan.

"Hali na, baka magtaka si Ma'am Merlyn kung ba't hindi na tayo nakasunod sa kanya. Hahaha," natatawang tugon ni Lovelle habang pinupunasan ang luha kaya natawa na rin kami.

Binilisan na namin ang paglalakad nang magkakahawak-kamay habang hindi pa lumilingon si Ma'am para maabutan namin siya papuntang quad. Pagkarating namin doon ay nakita namin ang mga boys na busy sa pagtingin ng mga maninipis na kahoy habang kinakausap sila ni Kuya Eduardo.

Bigla naman napadako ang tingin ko kay Xynon na seryosong nakatingin kay Kuya pero bigla rin siyang napatingin sa 'kin kaya nagkatinginan kami. Psh. Masungit.

"Here they are," sabi ni Kuya nang makita niya kami kaya pati si Lorenz at Shiro, ang chinito ay napatingin sa 'min.

"Hi girls," bati ng dalawang lalaki habang nakangiti maliban kay Xynon.

Parang hindi siya nakakita ng tao, hindi man lang bumati. Ang sungit talaga, kakainis!

"Hello boys," bati namin sa kanila pabalik. Mabuti pa 'tong dalawa, mababait at approachable. Palaging nakangiti unlike sa isa r'yan na parang pinaglihi sa sama ng loob.

"Bakit po may mga kahoy? Para saan po ang mga ito?" biglang tanong ni Mona sabay turo roon kaya napunta rin doon ang atensyon ko.

"Guys, listen. I'll explain everything." Hinawakan niya ang isang isang kahoy na matulis sa bandang dulo at inangat ito sa harap naming lahat. "I'll give you a history. During 500,000-10,000 Before Common Era or also known as Paleolithic Period or Old Stage Age, the earliest time for human development. It is said that it is also the longest time when the earliest people called gorilla creatures until Homo Sapiens had their physical and form changes. This age have three division; the Lower Paleolithic Period when people created an equipments made in small stones called Oldwan and said that they are the one who first used the fire and hunting. Middle Paleolithic Period, early people have already controlled to their environment, pino na rin ang kanilang pamamaraan sa paggawa ng mga kagamitan at pangangaso ang kanilang pangunahing kabuhayan. Dito rin umusbong ang pagiging artistic ng sinaunang tao sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mga katawan at ilang pagguhit sa bato. And last, Upper Paleolithic Period, nagkaroon na ng unang pamayanan sa anyong campsite at kadalasan itong matatagpuan sa lambak kung saan mas marami silang makakalap na makakain, mas pino na ang kanilang kasangkapan at sinasabing ang pagbabago sa kanila ay dulot ng pagbabago ng klima ng daigdig. Sila ay umaasa lamang sa kanilang kapaligiran at wala silang permanenteng tirahan kaya sila ay palipat-lipat para mangalap at mangaso."

Ba't ito ang dinidiscuss niya? May kinalaman kaya ito sa game namin?

"As part of our first survival game, we're going to focus on Middle Paleolithic Period when they were used hunting for them to survive."

Geez, sabi na nga ba, eh!

Habang tahimik kaming nakikinig sa kanya ay ngumiti siya sa 'min na nagpatindig ng balahibo ko. "All of you will stay in the forest, the North Lifa and West Fora sides for one day."

"What?!" 'Yan ang reaksyon naming lahat. Like seriously?! Sobrang laki kaya ng gubat!

"Gosh! You guys are so unbelievable!" nanlalaking mga matang sabi ni Mona habang nakahawak pa sa taas ng kanyang ulo.

"Grabe naman!" reaksyon ni Lovelle. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa nerbyos.

"Yes guys, we are, really. I'm not yet done explaining here."

Sh*t! Hindi ko ma-imagine na titira kami ro'n! Sobrang delikado kaya! Pero alam ko sa sarili ko na-e-excite ako. Uwu! First time kong mararanasan 'to!

"First survival game palang pero grabe na!" giit naman ni Shiro na sinang-ayunan naming lahat na ikinatawa naman nina Kuya.

Tumingin ako nang palihim kay Xynon para makita ang reaction niya pero hanep! Blank face pa rin! Kailan kaya 'to magkakaroon ng emosyon?!

"You will going to hunt wild animals para gawing pagkain niyo. Kahit anong klaseng hayop basta pwede niyong kainin ay pwedeng-pwede hulihin. No one will prohibits you. You can use those material ways to survive there. At kung sinong mag-partner ang hindi makakapatay ng hayop kahit na isa lang ay gagawaran ng parusa. For now, hindi na muna namin sasabihin kung anong parusa ang naghihintay sa inyo. Paano namin malalaman kung nakapangaso kayo? From now on, start practicing honesty and of course, dadalhin niyo sa 'min ang mga nahuli niyo and here..." Kinuha niya ang malaking plastic sa bag na dala niya at may kinuhang mga kasuotan na tiger style.

"Here, wear this during the game."

Inabot niya sa 'min ang pares ng tube at palda na maiksi para sa mga babae at bahag lang para sa mga lalaki.

"Hindi ko kayang suotin 'to!" sigaw ni Lovelle habang nangangasim ang mukha.

"Ayaw mo n'yon? Sexy ka? Hahaha," pang-aasar sa kanya ni Lorenz.

"Like duh! Kahit naman na hindi ako magsuot ng ganito, sexy pa rin ako 'no! Ang sa 'kin lang ay masusugatan ang legs ko! My ghad! Iniingatan ko pa naman ang mga legs ko!" reklamo niya at inangat ang damit na ka-level ng mukha niya habang nakasimangot ito.

Maging ako ay napasimangot kase gano'n din ako! Wala na kayang sugat ang mga legs ko tapos ngayon baka magkasugat pa 'ko lalo na't sa gubat kami mag-stay for a day! Huhu.

"Me too pati na rin ang mga braso ko! Huhu," naiiyak ding sabi ni Mona.

See?! Kaming tatlo namomoblema?! Ang hirap kaya kung puro peklat!

"Girls, okay lang 'yan magaganda pa rin naman kayo, eh. Hahaha."

Hindi ko alam kung mapa-flatter o maiinis ako sa sinabi ni Shiro. Pareho sila ni Lorenz nang-aasar, eh!

"Ano po ba 'to? Individual, by partner or by group?" tanong ko. Hindi nila in-indicate, eh. Feeling ko tuloy nasa school kami tapos sila ang prof at ito ang first activity namin na kailangan talagang gawin nang maayos. Shems!

"By partner, girl and boy," sagot ni Ma'am Merlyn habang nakangiti nang nakakaloko.

Jusko, pwede bang himatayin kahit ngayon lang? In 3,2,1...heto naaa.. Joke lang wala palang sasalo sa 'kin.

"This time, boys ang pipili ng kanilang mga partner," tugon naman ni Kuya.

Lumapit si Lorenz kay Lovelle at inaya ito na maging partner kaya nanlaki ang mata ng aking magandang kaibigan samantalang si Shiro naman ay si Mona ang pinili.

Okay? Sinong pipili sa 'kin? Palihim kong tiningnan si Xynon at nakatingin lang siya sa dalawang mag-pares. Hindi ba niya ako aayain?! Baka naman kaya 'di niya ako inaya kase ayaw niya akong maging partner?! Wow, ha?! Choosy pa siya?! Eh, ayaw, 'di wag!

"Sige na, magpalit na kayo. Come back here after ten minutes," ani ni Ma'am Merlyn at pinagtutulakan pa kaming bumalik sa room namin para magpalit.

Pagdating namin sa room ay kanya-kanya na kami ng hubad. All girls naman kami kaya ayos lang kung maghubad kami.

"Hindi ko akalain na gano'n ang game natin. Kakainis!" reklamo ni Lovelle habang isinusuot ang tube.

"Nakakabigla nga sila, eh. Pero mas nakakabigla nang piliin ako ni Shiro. Jusko. Kaloka."

Napasimangot ako sa narinig ko. Sana all pinipili. Hindi man lang ako pinili ng asungot na 'yon! Mas mabuti ng mag-solo na lang ako kesa makasama siya! Masakit kaya kapag hindi pinipili! Sana aware siya ro'n!

"Oo nga, si Lorenz naman ang sa 'kin. Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko hihi," humahagikhik na tila kinikilig pa si Lovelle habang sinasabi 'yon.

Napairap na lang ako habang isinusuot ang palda ko. Nakakainggit. Mabuti pa ang dalawa, mababait na tao ang makakasama, pa'no naman 'yong partner ko? Tss. "Bilisan niyo na d'yan. Malapit ng mag-ten minutes."

"Shet ang sesexy natin!" komento ni Mona habang nakatingin sa human size mirror.

"Me too. Look, sa tingin mo ma-i-in love si Lorenz nito sa 'kin?" tanong naman ni Lovelle.

"Hoy magtigil ka nga r'yan! 'Di ka niya magugustuhan!" sigaw ko sa kanya.

Lumapit naman siya sa 'kin at binatukan ako. "Sus, inggit ka lang kase hindi ka pinili ng destiny mo. Hahaha!"

Nagsitawanan naman sina ni Mona kaya ngumiti rin ako ng sarcastic saka ko sila inirapan. Kababaeng tao, jusko! "Bilisan na natin."

Agad naman kaming lumabas pagkatapos magbihis at tumakbo na kami pabalik doon. Nandoon na kaagad ang mga lalaki.

"F*cking hot," rinig kong bulong ni Mona habang nakatulala sa katawan ng mga lalaki.

"Pwede na silang ulamin," komento naman ni Lovelle habnag may admiration akong nakikita sa mga mata niya.

I must be liar if I would deny it. Yes, they are freaking hot with those bahag. Why? Ang gaganda ng mga katawan nila, halatang nag-e-exercise lalo na ang asungot. Parang alagang gym ang katawan niya, eh. 'Di ko maikakailang siya ang pinakanagingibabaw para sa 'kin. Hoy, walang halong malisya, ah! Pero naiinis pa rin ako sa kanya.

"You guys are so cute! Para kayong modern hunters ng generation niyo!" Napapalakpak pa at nakangiti nang malapad si Kuya habang sinasabi 'yon.

Mabuti na lamang at sumakto sa sukat namin ang mga kasuotan namin.

"Magpapaa lang kayo kaya hubarin niyo ang mga sapatos at tsinelas na suot n'yo. Kunin niyo na ang tig-iisang kahoy niyo para gamitin niyo sa pangangaso."

What?! Ang sakit kaya sa paa ang bato at kahoy sa gubat. Baka mamaya ma-torture pa ang mga paa namin, eh!

"For real?" tanong ni Lovelle na walang balak maghubad ng keds black sapatos niya.

Tumango naman siya habang nakangiti pa rin kaya wala na kaming nagawa pa. Hinatid na nila kami sa bungad ng gubat at ramdam ko na ngayon ang matinding kaba dahil sa sobrang bilis ng heartbeat ko. Ano kaya magigiging kapalaran namin dito?

"Guys, it's 7:30 am now kaya babalik din kayo rito sa quad ng ganitong oras bukas. Is everything clear?" tanong ni Ma'am Merlyn habang seryoso ang mukha. Mayamaya pa'y ngumiti siya 'min at pumalakpak na parang bata. "Ang cute niyong lahat. Ang sarap niyong kuritin! Anyway, be safe and do everything to survive this game for a day, alright? Goodluck!" Nag-flying kiss pa siya para raw pampalubag-loob dahil nga raw challenging ang game namin ngayon para raw hindi kami magalit o magkimkim ng sama ng loob lalo na't first game namin 'to.

"Kakayanin ko kaya 'to?" bulong ko sa sarili ko habang kinakagat ang kuko ko. Mannerism ko na talaga ang gawin 'to tuwing nangangamba ako.  Baka hindi ko kayanin lalo na't hindi ako sanay sa ganitong laro at mamumuhay rin sa gubat at the same time. Mas nakasanayan ko kase ang maglaro gamit ang technology kaya bago sa 'kin ang maglaro sa gubat. Tulad nga ng sinabi ko, first time ko 'to.

Napansin ko namang lumingon sa 'kin si Xynon at tiningnan ako nang malalim. Ito na naman ang mga tingin niya na parang hinihigop ako. There's something in his eyes that tells me that I can do this game.

"If you weren't going to be strong, how can you even face the next survival games?" he said that while wearing his blank face again!

Okay, false hope. Hindi pala siya concern sa 'kin. I thought he were!

"You're the greatest partner I've ever had, Xynon." I rolled my eyes and crossed my arms.

"Thank you, freak." May bahid na sarkastiko ang boses niya.

Argh! He's so annoying! Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya! Ba't ba ito naging partner ko?! Bigyan niyo 'ko ng rason, please?!

Pagtapak namin sa gubat ay kinilabutan ako. Nag-umpisa nang kumilos ang dalawang mag-pares habang kami namang dalawa ay naiwang nakatayo rito. Paano kami mag-wowork as a partner nitong asungot na 'to kung hindi niya ako kinakausap ng maayos? Paano na 'ko nito? Huhu.

"We need to separate our ways," lintanya niya habang tumitingin sa paligid na animo'y may iniinspeksyon.

Nanlaki ang mga mata ko. Is he insane?! Dang! "Iiwan mo 'kong mag-isa rito?! You know how much this place so dangerous and yet you'll just leave me here for a day?! Gosh! You're so impossible!" I looked away and caressed the top of my hair so it could lessen my temper. How dare him say that to me?! I let myself heaved a deep sigh to composed myself and looked at him but I just got surprised by his reactions!

"Kailan ka ba magkakaroon ng emosyon, ha?!" sigaw ko rito. Damn this emotionless man! Nagtitimpi na ako't lahat-lahat pero siya blanko pa rin ang mukha! Anak naman talaga siya ng nanay niya, oh! Kagigil!

Kumunot lang nang kaunti ang noo niya at tinitigan na naman ako nang malalim. "You're overreacting, don't you?"

Para talagang bumabaon ang bawat titig niya sa kaibuturan ng pagkatao ko. How does it happen? Paano niya nagagawa 'yon?

"We need to separate our ways for us to hunt as soon as possible. Wala akong sinabing iiwan kita. Stupid ka talaga."

There's something in him that I want to know. His eyes are deep. It feels like I'm drowning and wasn't able to swim back to the sand.

"Are you listening to me, freak?"

He's not even talkative and expressive. Sa pananahimik niya nagmumukha siyang misteryoso sa 'kin.

"What the? Ba't ka ba nakatitig lang d'yan? I'm talking and you're not talking back. You're crazy little freak. Bahala ka na d'yan sa buhay mo."

I kept looking at him when I realized he had turned away. Wait, bastos 'to, ah! Umalis nang wala man lang pasabi! Hinabol ko siya at hinampas ko siya nang mahina nitong kahoy na dala ko. "Hoy! Ba't mo 'ko iniwanan do'n?! Loko ka, ah!"

"Tapos ngayon ako sisisihin mo? Baliw ka ba o matagal ka na talagang baliw?"

Halos magsalubong na ang kilay ko dahil sa labis na pagtataka. Ano bang sinasabi niya?! I don't get him! "Okay ka lang ba, ha? Sinong baliw sa 'ting dalawa?! Ako ang iniwan mo! Tapos ikaw pa may ganang magtanong sa 'kin ng ganyan?!" sabay hampas ko na naman sa kanya ng kahoy.

"You can talk to me without hurting and shouting me. Tss."

Nakaramdam naman agad ako ng hiya matapos niyang sabihin 'yon. Bakit ba naman kase sadista 'tong kamay na 'to, eh!

Dahan-dahan akong sumunod sa kanya. Nahihiya na tuloy akong kausapin siya. Argh! Pero hindi ko naman gagawin 'yon kung 'di niya 'ko iniwan 'di ba?! Saka seryoso ba siya sa sinabi niya na iiwan niya ako? Napaka ungentleman niya naman kung gano'n! "Huy." sabay kalabit ko sa kanya.

"What? 'Wag kang makikipag-usap sa 'kin kung sisigawan mo lang din ako," he said that without looking at me even a little.

Damn. He's really mad now. Huhu.  Paano kung mawala ako rito?! Isa pa, wala akong sense of direction kaya maslalo akong kinakabahan kapag nawala ako! Malaki pa naman ang gubat! Paano kapag hindi ako makabalik bukas ng umaaga? Hindi ko pa naman alam kung nasaan na sina Lovelle ngayon. Huhu. Mukhang kailangan ko pang mag sorry nito, ah.

"Hindi na ako sisigaw pero seryoso ka? Iiwan mo talaga ako rito?"

Lumingon ito sa 'kin. Ito na naman ang blanko niyang mukha. "Haven't you heard what I've said earlier, huh?"

"H-Ha? May sinabi ka ba?"

Napailing siya at pinikit nang mariin ang mga mata niya.

Mukhang nagtitimpi na 'to sa 'kin, ah. Baka mamaya bigla akong suntukin nito. Huhu.

"Kailangan nating maghiwalay para makahuli agad ng hayop. Hindi natin magagawa kaagad nang mabilis ito kung magsasama tayo. Nakikita mo ang malaking puno ro'n?" sabay turo niya sa isang malaking puno sa 'di kalayuan mula rito sa kinatatayuan namin. Hindi ko alam kung anong klaseng puno 'yon. "D'yan tayo magkikita mamaya bago magdilim. Kung mauuna kang pumunta r'yan, hintayin mo 'ko. I will do the same thing as well."

Ngumiti ako sa kanya nang kaunti bilang pasasalamat. Akala ko iiwan niya ako nang tuluyan. "Sige. Dito na ako sa kaliwa. D'yan ka na sa kanan."

Wala na siyang sinabi saka tuluyan nang tumalikod sa 'kin. I realized one thing about him. Kahit na masungit siya ay kalmado pa rin siya kahit na nagtitimpi na siya, which is rare sa mga lalaki because most of all men, naninigaw at nananakit na sila kapag hindi na nila kayang magpasensya sa mga babaeng tulad ko na sumpungin lalo na't paparating na ang dalaw.