"Siraulo ka talaga kahit kailan, Shiro! Akala namin galit ka talaga! Hahaha!" sabay ni Lorenz sa kanya ng unan.
Nandito kami ngayon sa sala, nakaupo habang pinag-uusapan at tinatawanan ang nangyaring drama ni Shiro kanina.
"Jusko napaniwala mo kami nakakainis ka!" Hindi naman nagpahuli si Mona at binatukan siya. Sa aming lahat siya talaga ang naapektuhan kaya nang aminin ni Shiro kanina na drama lang ang lahat, nainis siya at pinagsasapak ang binata.
"Sorry na, guys. Ang sarap niyong asarin. Kung nakita niyo lang ang itsura niyo kanina pati kayo matatawa." Halos mamula na siya at nanunubig na rin ang mga mata niya kakatawa sabay akbay kay Mona na katabi lang niya. "Sorry na, Mona. Hindi ko naman akalain na magiging gano'n ka. Kung magso-sorry ako sa 'yo agad, malalaman niyong acting lang 'yon. hehe. Sorry na." Pinisil niya ang pisngi nito. "Ang cute cute mo hehe."
Nag-cross arms siya saka pinaikot ang mata. "Che! Dapat pala binato kita ng maraming injection kanina. Hmp."
"Sorry na. bati na tayo, oh. Ganito na lang babawi na lang ako sa 'yo hehe."
Pumagitna naman sa usapan nila si Lovelle habang nakataas ang kilay. "Sa kanya ka lang babawi? Baka nakakalimutan mong biktima rin kami? Napaghahalataan ka, ah. Crush mo ba 'yan?"
"Uy hindi, ah. Sa inyong lahat kase siya ang pinaka naapektuhan saka sinisi niya sarili niya." Bahagyang tumingin siya kay Lorenz at ngumising tumingin ulit sa kanya. "Kay Lorenz ka na lang magpabawi hahahaha."
"Anong kinalaman ko? T*rantado ka talaga kahit kailan hahaha," pagsingit ni Lorenz nang banggitin nito ang pangalan niya.
"Buti pa si Xynon, cool lang hahaha," lintanya niya at humarap kay Xynon. "Mabuti hindi ka katulad ng mga 'to na nainis sa 'kin? Hahaha."
"There's no reason for me to get mad at you." Hindi man lang siya ngumiti o tumawa. Tahimik lang talaga siya.
Meron pa lang mga lalaking tahimik 'no? 'Yong halos hindi mo na makausap kase ramdam mo rin mo rin na hindi siya interesado sa 'yo. Paano na lang kaya kapag nagka-girlfriend siya? Iba kaya ugali niya o ganyan pa rin? Hmm.
"Ikaw Lyka anong masasabi mo kay Shiro?" baling sa 'kin ni Lovelle kaya napatingin muna ako sa kanya pagkatapos kay Shiro. "Isang malutong na g-a-g-o. Hahahaha."
"Shet, the best! Hahaha!"
"Swabe no'n sa tenga, ah! Hahaha."
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan ng kung ano-anong bagay. Nakakatuwa lang isipin na kabago-bago lang namin dito pero sinubok na agad ang binubuo naming pagkakaibigan. Mabuti na lamang at isang malaking drama lang ang lahat. Thanks to you, Shiro.
Nagpaalam muna ako saglit para pumuntang kusina at kukuha ng makakain namin. "Hmmm hmm hmmm." Nagha-humming pa ako ng kantang Drowning ng Backstreet Boys habang naglalagay ng nutella sa gardenia sandwich. "Hmmm hmmm hmmm." Sinasabayan ko pa ng paggalaw ng ulo para mas feel ko ang pagha-hum ko.
"You keep me drowning."
Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang marinig kong may nagsalita sa gilid ko. Paglingon ko ay si Xynon, tahimik na umiinom ng tubig habnag nakatingin sa tinapay na pinapalamanan ko.
"Alam mo pala 'yong kanta na 'yon?" tanong ko nang maalala ko ang sinabi niya. Siguro kung may relasyon lang kami, iisipin kong ako ang tinutukoy niya.
Tanging tango lang ang nakuha ko mula sa kanya. "Can I have one?" sabay turo sa tinapay. Kumuha siya ng isa at nilantakan 'yon matapos kong tumango.
Kaya pala kanina pa nakatingin sa tinapay haha.
Akmang aalis na sana siya nang may maalala ako. Kahit naman na punong-puno kami ng activity hindi ko pa rin nakakalimutan ang dapat kong gawin sa kanya. "Wait."
Huminto siya at ipinilig niya lang ang ulo niya sa kanang direksyon habang nakapamulsa.
Bumuga muna ako ng hangin bago ulit magpatuloy. I know he'll get annoyed at me after hearing these words. "A-Ah, ahmm, I know I've been annoying to you these past days b-but I just wanna ask if there's no other way around to get b-back your t-trust?" Agad akong napayuko nang makita kong humarap siya sa 'kin. Rinig na rinig ko rin ang kabog ng puso ko. Saglit ko itong hinawakan at pinakiusapan na sana kahit ngayon lang huwag na muna siyang kumabog nang ganito. Nakakakaba. Hindi ko rin kayang tingnan ang mga mata niya. I feel he's getting mad at me as of this moment.
"Why?" Nakita ko ang puting sapatos na may tatak na adidas niya ang nasa harapan ko since nakayuko ako.
Damn, what will I gonna answer? 'Because that was my mission assigned by kuya to me?' Isang salita lang pero hindi ko alam kung anong isasagot ko. D*mmit.
"Why is it so important to you to have me trust again?"
Nanatili akong nakayuko at napansin kong medyo nanginginig ang dalawang kamay ko kaya hinawakan ko ito para hindi niya mahalata.
"Why are you shaking? Did I scared you?"
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang wala sa oras. Darn, he saw me shaking.
"I've already asked you four questions but none of them you answered yet. Ba't ka ba nakayuko? Am I talking to a ghost?"
Hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya since ayokong makita ang mga mata niya. D*mn. Ba't ganito, Lyka?
"Look at me," he whispered. Enough for me to hear those three words unlike his voice a while ago that was in moderate strength.
I don't know if those words have a magic for me to obeyed. The moment I laid my eyes on him, I saw my reflection. I'm slowly drowning into his. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito pero ganito na talaga ang nangyayari sa 'kin sa tuwing tumititig ako sa mga mata niya. That's why I hate myself for feeling this way. This isn't normal, right?
"May I know why?" Bumalik na sa normal na taas ang boses niya pero paano niya nagagawang tumitig sa mga mata ko nang diretso? Hindi ba niya nararamdaman kung anong nararamdaman ko?
Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero wala man lang lumabas kahit ni isang salita. What's happening? Why do his eyes make my mouth shut?
"Sasagutin mo ba ang mga tanong ko o aalis ako? Choose."
"A-Ah." I tried to composed myself by letting out a deep sigh and smiled at him. "I just want to help you to t-trust p-people again." Bakit ba ako nabubulol sa tuwing binabanggit ko ang trust?!
"Why?"
Xynon, just don't stared at me deeply. Kumurap ka naman please?
"I just wanna help you since I'm your parner. Was my reason, reasonable enough?"
Matapos ang ilang minutong pagtitig niya sa 'kin ay kumurap siya, sumandal sa lamesa at tumingin sa kawalan. "Masyadong mahirap ang pinapagawa mo. It takes a long process before I give trust on people around me especially to girls." Bumaling siya ulit sa 'kin. "Just do nothing, Lyka. You don't need to help me. You don't need to waste your time for me. If I, myself want to trust you and other people again, I'll let myself do that but it takes time."
Kitang-kita ko ang hirap at lungkot sa mga mata niya.
"Hindi kase ibang tao ang sumira ng tiwala ko kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ganito ako sa inyo o sa ibang tao. My mother was my first heartbreak. Wala nang mas sasakit pa kung ang sarili mong nanay ang umiwan at sumira ng tiwala mo." Umalis siya sa pagkakasandal at tumayo nang diretso habang nasa bulsa pa rin niya ang dalawang kamay."Just do nothing, Lyka. I appreciated your effort but just let me learn that without your help. Gotta go."
Tiningnan ko siyang umalis palayo hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Anong sasabihin ko kay Kuya? I think, I need to talk to him. After what he just said, hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ba ang misyon o hahayaan na lang siya?
"Xynon."
Bigla akong napalingon sa bagong dating nang may ngisi sa labi.
"What are you doing here, Lorenz?"
Mas lalong siyang ngumisi na tila inaasar ako. "Hindi naman ako nakaistorbo sa inyo 'no?"
Kinuha ko ang plato na naglalaman ng mga tinapay bago ko siya paikutan ng magaganda kong mata. "Che."
Tumawa siya habang sinusundan ako pabalik ng sala. "Mukhang nagkaroon kayo ng heart to heart talk, ah? Nagkaaminan na ba kayo? Hahaha."
Tiningnan ko siya nang masama bago ko ilapag sa mesa ang plato at kausapin siya. "Anong nagkaaminan pinagsasabi mo r'yan? Gumawa ka ng juice sa kusina bilis." Mas mabuting utusan ko na lang siya bago pa siya magsalita nang kung ano-ano.
Tumabi naman siya sa 'kin. "Nanggaling ka na ro'n 'di ka man lang nakagawa?" sabay ngisi na naman niya.
"Isa na lang ihahamapas ko talaga sa 'yo 'yang mga tinapay," bulong ko rito nang may halong panggigigil.
"Bakit? Hahaha. Anong ginawa ko? Parang nagtatanong lang, ah? Pfft."
"Tumahimik ka leche!" sigaw ko nang makalayo ako sa kanya papuntang kusina.
"Defensive ka! Hahahaha!" sigaw nito.
Humanda ka talaga sa 'kin, Lorenz!
****
"Ano ba, Lorenz?!"
Agad akong napatingin kay Lovelle nang bigla siyang sumigaw habang nakasunod naman sa kanya si Lorenz. Kanina pa ako nandito sa sala, nagbabasa ng magazine kaya nang marinig ko sila ay nabulabog ako.
"Listen to me first please? Hear my side fi-"
"Listen to you first?! Have you heard yourself, huh? Nakita ko kayong dalawa ni Mona na nag-uusap. Anong ie-explain mo ro'n, ha?!" Kitang-kita sa mga mata ni Lovelle ang sobrang galit kulang na lang ay mamatay na si Lorenz sa tingin niya.
Anong nangyayari? Meron ba akong hindi nalalaman? Mukhang hindi nila ako napansin na nasa harap lang nila ako nag-aaway. Jusko, gabi na.
"Nag-uusap lang naman kami pero wala 'yon. Maniwala ka naman sa-"
"NANG MAGKADIKIT ANG KATAWAN?! MAY NAG-UUSAP BANG GANO'N HA, LORENZ?!"
"Hoy hoy hoy! Ano 'yan, ha? Ano 'yang inaasta mo, Lovelle?" Tumayo na ako at pumagitna sa usapan nilang dalawa. Sinubukan kong abutin ang braso niya pero tinabig lang ang kamay ko.
"Akala mo ba hindi ko alam 'yang ginagawa niyo ni Mona?! Nananahimik at nagbubulag-bulagan lang ako, Lorenz pero hindi ako tanga!"
"Anong tanga?!" tanong ko sa kanya. Magkasalubong na rin ang dalawang kilay ko sa mga pinagsasabi niya. Dahil hindi niya ako pinansin, humarap naman ako kay Lorenz. "Anong sinasabi nitong bestfriend ko sa 'yo, ah?" Tumingin lang siya saglit sa 'kin bago bumalik kay Lovelle.
Inabot niya ang kaliwang kamay ni Lovelle na pilit nagpupumiglas. Batid na sa mukha ni Lorenz ang hirap dahil hindi siya pinapakinggan nito. "Nagpapatulong lang siya sa 'kin kay Shiro pero walang namamagitan sa 'min swear."
"Bitiwan mo ako. Argh!" Tinulak niya si Lorenz kaso sadyang mahigpit ang pagkakahawak sa kanya nito kaya hindi siya nakabitaw.
"Sorry na please? Bati na tayo, Velle."
Velle? Kailan pa naging Velle ang tawag niya sa kaibigan ko? Meron ba talaga akong hindi nalalaman sa kanilang dalawa?
Tumingin ako sa paligid para makita kung may iba pa bang tao rito bukod sa aming tatlo kaso wala. Nasaan ba sila?
"Paano mo nga ie-explain sa 'kin ang magkadikit niyong katawan habang nag-uusap?!" Pinikit niya ang mga mata niya para pigilan ang sobrang galit. Halatang nagpipigil siya sa kung ano man ang magagawa niyang 'di maganda. Namumula na rin ang mga mata niya dahil sa namumuong luha rito.
"W-Wala lang talaga 'yon, Velle. Sorry na please? Bati na tay---"
"Lahat ng bagay may rason, Lorenz kaya huwag mo akong bigyan ng dahilan na wala lang 'yon!"
Unti-unting lumaki ang mga mata ko nang makitang tuluyan na siyang naiyak.
"H-Hindi ko alam kung pa-papaniwalaan ba kita." Tumingala pa siya para pigilan ang pagtulo pero sadyang traydor ang mga luha niya. "H-Hindi mo alam kung gaano k-kasakit para sa 'kin ang makitang gano'n ang posisyon niyo." Agad niya rin naman itong pinunasan at tumalikod kay Lorenz. "Lecheng luha 'to parang may sariling utak. Tulo nang tulo."
Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari. May namamagitan ba sa kanila? Nagseselos ba siya kay Mona? Bakit? Paano? Kailan pa naging sila? Alam ba ito ng magkakapatid? Alam naman nilang bawal ang ma-in love rito pero bakit ginawa pa rin nila? Damn! Ang dami kong tanong na hindi man lang masagot! Argh!
Tumingin ako kay Lorenz nang mapansin kong pinunasan niya rin ang mata niya. "Anong nangyayari sa inyo?"
Umiling lang siya at bumuntong-hininga habang nakatingin sa itaas at nasa bewang ang dalawang kamay.
"Susundan ko siya. Kakausapin ko siya. Sasabihin ko sa kanya na ayusin niy-"
Pinutol niya ang sinasabi ko at tiningnan ako nang diresto. Kusang tumulo ang luha niya ng tatlong beses ni hindi niya man lang ito pinunasan. Hinayaan niya lang na lumandas ito sa pisngi niya. "H-Hayaan mo na, Lyka. Aayusin ko ito. Magkakaayos din kami ng kaibigan mo." Ngumti siya nang kaunti saka umalis.
Naiwan akong nakatulala at nakanganga. D*mmit. Paano na lang kung malaman ng magkakapatid ang sitwasyon nilang dalawa? For sure magagalit sila!
Akmang pupunta na sana ako sa kwarto namin nang makasalubong ko si kuya. Nanlaki pa ang mata ko kas hindi ko man lang inaasahan na makikita ko agad siya. Jusko parang ngayon-ngayon ko lang binanggit ang pangalan niya, ngayon nandito na sa harap ko.
"Lyka."
Nanindig ang balahibo ko sa lalim ng boses niya. May alam na kaya siya sa dalawa kong kasama?
"P-Po?" Sinubukan kong tingnan siya kahit na kinakabahan ako. Ba't ngayon lang ako nakaramdam sa kanya ng takot?
"How's your mission?"
Sh*t, 'yan pa nga pala ang isa kong problema. Aish! "Ah, kuya." Jusko paano ko ba sasabihin? Bahala na nga. Kinuwento ko sa kanya ang sinabi sa 'kin ni Xynon.
Bahagyang naningkit ang mga mata niya saka tumango. "Hayaan na lang natin siya but keep your eyes on him okay? Keep me updated if there's a progress. Tulungan mo pa rin siya kahit sa simplengparaan lang na alam mo. Guide him and never leave him." Tinapik niya muna ako sa balikat bago siya unti-unting umalis.
"Kuya, wait lang po."
Humarap siya sa 'kin nang tawagin ko siya.
"May alam ka po ba sa nangyayari nina Lorenz at Lovelle?" Hindi ko alam kung tama ba na nagtanong ako sa kanya pero ayaw ko lang na mapahamak ang dalawa.
"Nag-away sila, right? Hayaan mo lang sila. Gano'n talaga, Lyka. Hindi sa lahat ng pagkakataon laging magkasundo ang mag-partner." Ngumiti siya nang kaunti at umalis.
So alam niya nga. Hays.
Pagsapit ng alas-onse ng gabi ay lumabas ako ng kwarto papuntang kusina para uminom ng tubig. Babalik na sana ako ng kwarto nang may marinig akong nagsalita.
"Hmmm."
Mabuti na lang ay may walis tambo akong nakita kaya kinuha ko ito bilang self-defense. Sino kaya ito kung lahat na ng kasama ko ay tulog na?
"Ahhh, no. H-Huwag mo akong iwan, Ma, please?"
Parang kilala ko ang boses na 'to, ah!
"M-Ma, paano na po kami ni papa? Please d-don't do this to us."
Lumapit ako sa sofa at itinabi ang walis sa gilid nang makita kong may nakahiga rito. Mabuti na lang kahit papaano ay may kaunting liwanag na nanggagaling sa kusina kaya nakita ko ang mukha niya. May tumulong luha sa kaliwang mata niya kahit nakapikit siya. May wine rin sa ibabaw ng maliit na mesa. Nakatulog ba siya rito?
"M-Ma, you promise me not to leave me. Why did you do that all of a sudden?" He must be dreaming.
"Xynon," bulong ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko sa mukha niya kaya mas lalo kong nakita ang basa niyang mata.
"Paano na kami ni papa? B-Bat mo kami nagawang iwan para lang sa kabet mo? You don't l-love me. You don't love us." Another tears fell both from his eyes. Umangat pa ang kamay niya sa ere na para bang may gustong abutin. "You b-betrayed me. I need you but you left me. I need a m-mother but you rather chose to be a teenager like you don't have your o-own f-family." Sunod-sunod nang nagbagsakan ang mga luha niya.
Damn. Ang kilala kong Xynon na matigas at walang emosyon, ngayon ay nag-uumapaw na ang mga luha dahil sa sakit at bigat ng nararamdaman.
Nanunubig na rin ang dalawa kong mata dahil sa sitwasyon niya. "Alam kong nahihirapan ka ngayon pero nandito lang ako sa tabi mo, Xynon."
"M-Ma."
Pinunasan ko ang luha ko nang mabilisan saka hinawakan ang kaliwang kamay niya. "Ssshh hush down, Xynon. Nandito lang ako." Pinunasan ko nang marahan ang luha niya na wala pa ring humpay sa pagtulo. Nararamdaman ko ang pinagdadaanan niya dahil maging ako ay inabandona ng sarili kong magulang.
"M-Ma, come back to me p-please? Wala rito si papa. Wala akong nanay na makausap." Marahan siyang ngumiti. "Nakakatawa lang kase kinamumuhian na kita pero hinahanap-hanap pa rin kita. I'm still longing for your love and care kahit alam kong i-imposible na."
"Pwede mo akong kausapin, Xynon. Makikinig ako sa 'yo. Papakinggan ko ang lahat ng sasabihin mo. Hindi ako magsasawang pakinggan ka."
Masyado yatang malalim ang pagkakatulog niya kaya hindi siya naaalimpungatan sa boses ko kahit pabulong lang.
"Nandito lang ako sa tabi mo. As your partner, I will never leave you." Pinisil ko ang kamay nang marahan para maramdaman niyang nandito lang ako.
"I need you, Ma. I b-badly need a mother."
"Sige lang iiyak mo lang 'yan hindi kita iiwan."
Kahit na basa na ang pisngi niya sa kakaiyak ay napansin kong kumunot ang noo niya pero hindi siya dumilat. "L-Lyka."
Alam ba niyang kani-kanina pa ako nandito? Bibitawan ko na sana ang kamay niya nang mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya rito.
Panibagong mga luha na naman ang kumawala sa mga mata niya. "L-Lyka, I need you."
Ngumiti ako at hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko. "I know that's why I'm here." Hinaplos-haplos ko pa ang buhok niya para patahanin siya. Hindi ko alam kung makakatulong ba itong ginagawa ko para kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman niya. Hanggang ngayon ay tulog pa rin siya.
"Lyka, I need you. P-Please stay."
Kahit alam kong kailangan din ako ni Lovelle ngayon dahil sa nangyaring away nina ni Shiro kanina na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabati, handa pa rin akong mag-stay sa lalaking nasa harap ko ngayon. "I'll stay no matter what."
Hindi na siya nagsalita pa at siniksik ang kamay ko sa leeg niya habang hawak-hawak niya pa rin.
"I'll let you do this thing not until the sun rise has come," bulong ko sa tenga niya at sinandal ang ulo ko sa arm ng sofa malapit sa ulo niya habang ang isa kong braso ay nakapulupot papunta sa dibdib niya. "Goodnight, Xynon." Ngayon ay desidido na akong tulungan siya sa abot ng makakakaya ko bilang partner niya. I had witnessed tonight the soft yet heart-breaking side of him.