TWENTY

Pagmulat ng mata ko, tumambad sa akin ang malabong imahe ng isang lalaking nakangiti.  

"Good morning, baby girl," bati nito sa 'kin sabay abot ng rosas na gawa sa colored paper. "Here's my flower for you, baby girl."

Baby girl? Kahit malabo pa ang paningin at naguguluhan ako, bumangon ako at tinanggap ko pa rin ang bulaklak at inamoy 'yon kahit gawa lang sa papel. Ngi? Amoy pabango niya. Pinabanguhan niya 'to?

"Masyado ka 'ata napuyat kagabi, darling? Hahaha."

Darling? Wait lang, narinig ko na 'yan sa panaginip ko, ah? Nang tuluyan nang manumbalik ang pagkalinaw ng paningin ko, agad namilog ang mga mata ko nang mapagtantong nasa harap ko siya ngayon at tinawag ako ng kung ano-anong endearment.

"Surprised? Hahaha." Hinawi niya ang nakaharang kong buhok sa mukha at isinabit 'yon sa tenga ko.

Dahan-dahan ko siyang hinawakan sa mukha para makumpirmang hindi ako namamalikmata. "T-Totoo ka? Ah, I mean totoo ang lahat ng nangyari kagabi? H-Hindi ako nananaginip?" sabay turo ko sa kanya.

Imbes na sagutin niya ako, nilapit niya ang mukha niya sa 'kin at hinalikan ako sa labi. "Hmm. Sweet taste." Ngumiti siya saglit at hinalikan naman ako sa noo. "What do you think I am? I'm real. Pfft" sabay titig niya sa 'kin.

"Seryoso? Eh, ano 'yong panaginip ko kagabi na nasa quad tayo? Naghahabulan tayo, kinantahan mo ako saka nag-iyakan tayo? Ano 'yon? Totoo ba 'yon? Ano 'yong sinabi ni Lovelle na nananaginip ako?" Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyari. Ano ba 'yong sinasabi ng babaeng 'yon? Damn.

Kumunot ang noo niya. "Anong panaginip? Those were real. It wasn't a dream, baby girl." Kinapa niya ako sa noo. "Are you feeling well?" Natigilan siya saglit saka dahan-dahang ngumisi. "Baka naman dahil sa sobrang kilig mo kaya hanggang sa pagtulog mo napaginipan mo ang nangyari sa atin?"

"What?" asik ko. Anong kilig ang sinasabi niya? Naguguluhan na nga ako rito, eh. Abnormal talaga itong si asungot. "Naguguluhan ako okay? Hindi ako kinikilig pero seryoso? Totoo lahat ng 'yon?"

Tumango siya at hinaplos-haplos ang buhok ko. "Today is our first day as a couple. Don't you remember?"

Naalala ko ngang sinagot ko siya kagabi. "Takte. Akala ko talaga panaginip ang lahat." Napayuko ako saglit at sinariwa ulit ang nangyari. Baka nga tama siya. Baka nga hanggang sa pagtulog ko napaginipan ko ang eksaktong nangyari. Tumingin muli ako sa kanya at ngumiti. "Happy first day. Hehe."

"Where's my kiss?" Ngumuso pa siya habang naghihintay ng kiss ko.

"Pa'no ka nakapasok dito? Buti hindi ka nila nakita?" takang tanong ko sabay tago ng bulaklak sa loob ng cabinet ko na nasa gilid ng kama at tumingin sa paligid. Ngayon ko lang na-realize na kami lang pala dalawa ang nasa kwarto ngayon.

"Ninja moves. Come on, babe, my kiss. I'm waiting for my kiss." Ngumuso siya ulit.

"Anong ninja moves? Ibig sabihin pumuslit ka?"

"I will do everything just to court you, mi amore. Everyday is courtship, right? Hey, my kiss." Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa 'kin.

Tinakpan ko agad ang bibig ko nang maalalang wala pa pala akong toothbrush. Pakshet, bad breath!

Agad akong tumayo, kinuha ang toothbrush at lumabas ng kwarto para dumiretso ng CR. Tangina umagang-umaga lumalandi na ako wala pa pala akong toothbrush.  Siraulo talaga 'yong lalaking 'yon. Ninakawan ako ng halik ng wala pa akong toothbrush?! Argh!

Paglabas ko ng CR, nakasalubong ko si Lovelle na kasama si Lorenz dito sa kusina. "Oh, magandang hapon, aming prinsesa. Mabuti naman at nagising ka na?" sabay cross-arms niya at binigyan ako ng isang bored na ngiti.

The heck? What's happening? Wait, anong sinabi niya? "Magandang hapon?" Magkasalubong ang dalawang kilay ko habang papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bakit naman sila magkasama ngayon? Anong meron sa kanila?

"Oo hapon na aming prinsesa. Ha-pon-na." In-emphasize pa niya ang huling salitang sinabi niya saka ngumisi. "Masyado bang maganda ang nangyari sa 'yo kagabi kaya ngayon ka lang nagising, ha?"

"Velle, baka naman masyado siyang kinilig sa nangyari kaya ayan napuyat kakaisip. Hahaha," lintanya naman ni Lorenz nang may nakakalokong ngiti.

"A-Ano bang tinutukoy niyo?" Anong alam nila? Alam na ba nila 'yong nangyari sa amin ni Xynon? Pero imposible 'yon, kami lang dalawa ni asungot sa quad, eh.

"Akala mo ba hindi ko nakita ang habulan at ligawan session niyong dalawa kagabi?" Napailing si Lorenz ng tatlong beses saka napahawak sa baba na tila na may iniisip. "Kaya pala nagpapractice 'yon ng isang araw maggitara manliligaw pala ang gago. Siraulong 'yon, gano'n gano'n lang ang itsura pero lintek ang galing mangharana. Hahaha."

"Harana?" tanong ko. Nagpapractice si Xynon noong isang araw? Ramdam ko tuloy ang pag-iinit ng pisngi ko. Argh. Saka ano raw? Nakita niya kaming dalawa sa quad? Nasaan ang privacy?!

"Gulat kang nalaman ko 'no? Hahaha. Actually, saktong isasara ko na ang bintana dahil malamig nang makita ko kayong dalawa na naghahabulan. Para kayong mga bata. Ang saya niyong tingnan tapos nagtaka ako nang nagmamadaling pumasok ang mokong sa loob at may dala ng gitara paglabas ng dorm. Manghaharana pala ang tarantado hahahahahah. Awit." Halos mamula na ang dalawang tenga niya kakatawa.

Maging kaming dalawa ni Lovelle ay hindi na napigilang tumawa nang marinig ang kwento niya.

Seryoso? Kaya pala bigla na lang siyang nawala at pagbalik niya may gitara ng dala. 

Tumigil muna siya saglit sa pagtawa at nagpatuloy sa pagkukwento. "Matapos ko kayong panoorin sinara ko na ang bintana para hindi makita ng dalawang magkapatid. Nasaktuhan kaseng naghaharutan kayo sa labas nang dumating sila para pag-usapan ang survival game mamaya. Baka kase kapag hindi ko sinara makita nila at mapagalitan kayo."

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang salitang survival game saka tumingin kay Lovelle. "Ano 'yong sinabi mo sa 'kin na nasa sala tayo kagabi?"

"Pagkatapos ng malagablab na aminan niyong dalawa kagabi, bumalik agad kayo rito sa loob. Nakita niyong nagkukumpulan ang lahat. Mabuti na lang mag-uumpisa pa lang nang dumating kayo. Dahil kung hindi, for sure hahanapin kayo. 'Yon ang huling nangyari sa 'yo bago ka matulog."

Oh, so 'eto ang rason? Akala ko panaginip lang ang lahat! Aish! Kaya talaga nararamdaman kong totoo ang nangyari sa amin ni asungot, eh. Baka nga napaginipan ko lang ang lahat ng nangyari sa amin ni Xynon.

Wait, parang may mali. "Pero teka, paano mo nalaman na nagkaaminan kami? Nakita mo rin?" tanong ko sa bestfriend ko. May audience pala kami? Hanep.

"Lorenz told me" sabay turo niya at ngumiti.

Bumaling naman ako sa binata na nakahawak ngayon sa batok at namumula pa. Halatang nahiya sa ginawa niya, eh. Mayamaya lang ay biglang naging seryoso ang mukha.

"Pasalamat ka hindi kayo nakita ni Mona," wika niya. "Paano na lang kung nakita niya kayo? Anong iisipin no'n? Baka may mangyaring hindi maganda, Lyka."

Bigla kong naramdaman ang kaba sa puso ko. Fuck. "Tama naman ang naging desisyon ko 'di ba? Wait, I know I've made a right decision. He's not and will never be a mistake. I mean, I really love him. I just realized, no matter where we are and situation we're facing at, it's better to die atleast I fight. He deserves everything in this world."

"Just like what I've said, pagpapakatotoo ang tawag d'yan sa ginawa mo. Sinabi mo lang naman ang nararamdaman mo pero Lyka, hindi ka tanga para hindi malaman na may consequences ang ginawa mo." Humugot pa siya ng malalim na hininga matapos niyang sabihin 'yon.

"Sabi ko naman sa 'yo rati na tigilan mo 'yang nararamdaman mo dahil may pagkakaibigang masisira. Pero wala, eh, ano bang magagawa ng utak kung kusa ng tumibok ang puso sa una pa lang?" sagot naman ni Lovelle. Hinawakan niya ako sa balikat at inayos ang buhok ko. "Hindi ka selfish pero mas mabuti ng sabihin mo na sa kanya ang lahat bago pa lumala."

Napayuko ako at napahawak sa upuan. "Paano ko ba sasabihin sa kanya? Saan ako magsisimula?" Tumingin akong muli habang pinipigilan ko ang mata ko sa pag-iyak. Nag-iinit na ang sulok ng mata ko, eh. "Handa akong akuin lahat ng sakit para sa kanya kase gano'n ko siya kamahal. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin kay Mona pero balak ko talagang sabihin sa kanya ang totoo. Ayaw ko siyang lokohin. Ayaw kong patagalin ito lalo na't kami na ni Xynon."

"Kayo na?" gulat na tanong nilang dalawa nang nanlalaki ang mga mata.

Tanging tango lamang ang sinagot ko. Alam kong may matinding parusa ang lahat ng ito pero kakayanin ko lahat para sa lalaking mahal ko. Damn.

"Fucking shit! Ang bilis ng mokong na 'yon! Naunahan pa ako! Hahahaha! Langhiya akala ko nanliligaw pa lang. Sinagot mo na pala agad," usal ni Lorenz ng may kasama pang pag-iling.

"Ang bilis, ah, pero kunsabagay mabuti na rin 'yon kase makikita mo ang totoo niyang ugali kapag nasa relasyon na kayo." Hinawakan ni Lovelle ang kanang kamay ko at pinisil 'yon. "I'm happy for you. We never thought na dito pa sa ipinagbabawal na lugar makikita mo ang lalaking mamahalin mo." Ngumiti siya nang matamis at binitiwan ang kamay ko. "Parang dati lang si Martin pa ang gusto mo pero ngayon iba na."

"I love him so much, guys." Katamtaman lang ang lakas ng boses ko sapat na para marinig nilang dalawa.

"And I love you most, wife."

Sabay kaming napalingong tatlo nang marinig namin ang isang malalim na boses.

Lumapit siya sa 'kin at hinalikan ako sa ulo. "I'm getting worried that's why I look for you." He smiled showing his white teeth. "Nandito ka lang pala."

"Ehem may tao ehem."

Kahit nakatingin ako kay Xynon alam kong si Lorenz ang umubo. Baliw talaga. Panira ng moment, eh.

"Inggit ka lang," pang-aasar sa kanya ni Xynon saka ngumisi.

Ako naman ngayon ang tumingin kay Lorenz na nakangisi at si Lovelle na nakangiti.

"Wife na pala, ah? Kasal na pala kayo? Hindi man lang kayo nang-imbita." Kung kanina lang ay nakangisi siya ngayon naman ay naging malungkot ang mukha niya. Loko-loko talaga itong si Lorenz kahit kailan.

"Kailan mo balak umamin? Naunahan na kita, pre. Hahaha."

"Gago ka, Xy." Sinuntok pa niya ng mahina si Xynon sa kaliwang braso nang namumula ang buong mukha at tenga.

Sa kabilang banda, namumula rin naman si Lovelle kahit napatingin siya sa ibang direksyon. Wait, alam na niyang may gusto sa kanya si Lorenz?

"Based on her reaction, it seems like she knew it already. No need to confess, bro. Hahaha."

Nakayuko na ngayon si Lorenz. Hindi na niya magawang magsalita pa. Mayamaya lang ay umangat ang ulo niya at tumingin kay Xynon. "Yabang mo gago."

"Lul hindi ko kasalanan kung pagong ka hahahaha."

Sinapak-sapak ni Lorenz si Xynon habang pareho silang tumatawa.

Lumapit ako sa bestfriend ko at tinulak ko siya gamit ang pwet. "Mukhang alam mo ng may gusto siya sa 'yo, ah? Kailan pa?"

Tumingin siya sa 'kin at nahiyang ngumiti. "Nakikita ko lang sa kakaibang kilos niya. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman 'yon. Nakumpirma ko lang noong nakaraang gabi na nag-inuman kayong dalawa."

"Paano?"

"Gising na kase ako ng 5 am no'n. Nakasandal lang ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Lorenz habang hinihintay ka. Inisip ko kase na baka bumaba ka lang para mag-CR o uminom ng tubig. Noong una hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Dapat nga pagbubuksan ko na siya ng pinto no'n pero hindi ko tinuloy kase narinig ko ang pangalan ko. Doon niya inamin na may gusto siya sa 'kin saka siya umalis agad."

Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang ngumiti. "For real? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Bakit mukhang hindi niya alam?"

"Nahihiya ako sa 'yo kase lahat ng sinabi ko kinain ko lang din. Tulad mo mukhang wala siyang naalala paggising niya. Hindi ko na rin naman pinaalala sa kanya kase gusto ko kusa niyang sabihin iyon ulit." This time, nakangiti siya nang matamis.   habang nakatingin sa dalawang binata na hanggang ngayon nag-aasaran pa rin. "Just like you, I already commit myself to him unofficially." Lumingon siya sa 'kin at hinawakan ang kaliwang kamay ko. "Once our hearts beat for someone, we can no longer stop nor control that. Hindi pa man kami nakakaamin sa isa't isa pero binigay ko na rin ng tuluyan ang puso ko sa kanya. Funny, right? Mag-bestfriend nga tayo. Ang lakas kong mag-advice sa 'yo na itigil mo 'yang nararamdaman mo para kay Xynon pero ako mismo hindi ko nagawa. Just like you, I'm willing also to fight for this love. This might consider as a sin or mistake but our love for them will be the best decision we ever made."

Natawa na lang ako sa narinig ko. "Pareho lang pala tayo. Akala ko nag-iisa lang ako."

Umiling siya at niyakap ako. "Hindi ka nag-iisa sa laban na 'to. Actually, we're all fighting for this love either one-sided or not" saka siya kumalas sa yakap. "Lahat tayo nagmamahal ngayon. Hindi man sabihin ni Shiro at Mona pero nararamdaman din namin. Ang kailangan nating gawin ay sabihin sa magkakapatid ang totoo. Kailangan mo ring sabihin lahat kay Mona."

"Guys!"

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ko at ramdan ko rin ang malamig na pawis na namumuo sa noo ko nang marinig ang boses niya. That's her voice.

"Nandito lang pala kayong lahat. Hinahanap na tayo ng magkakapatid. The game will about to start na."

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.

Nakangiti siya ngayon sa aming lahat. "Hi, Lyka. Oh, hi Xynon."

Sinundan ko siya ng tingin, nakita kong kumapit siya sa kanang braso ng lalaking mahal ko. "Kanina pa kita hinahanap but I couldn't find you. Nandito ka lang pala. Let's go," sabay hatak niya.

"W-Wait." Tumingin sa akin si Xynon ng nakakunot ang noo na para bang sinasabing kunin ko siya mula sa kanya.

I have the rights, right? Bago sila tuluyang makaalis, hinawakan ko ang kaliwang braso ni Xynon kaya napahinto silang dalawa at napalingon sa 'kin. "Sorry Mona pero may pag-uusapan pa kami ni Xynon. Kung gusto mo ikaw na muna mauna kasama nina Lovelle. Just leave us if you don't mind."

Napaawang ang labi ni Mona sa gulat at ang mga mata niyang nagtatanong kung ano ang ginagawa ko. Samantalang si Xynon naman ay ngumiti sabay sabi ng "I love you" ng walang boses.

Binawi ko si Xynon mula sa kanya at itinago siya sa likod ko. "Susunod kami. May pag-uusapan lang kaming dalawa."

Magsasalita na sana si Mona ng bigla siyang hilahin ni Lovelle palabas at sumunod naman si Lorenz na tumango sa aming dalawa.

"That was so sweet, babe," he whispered right to my ear then hugged me tight.

Pumasok ang hininga niya sa loob ng tenga ko na nagpatayo sa balahibo ko. "Nakikiliti ako, asungot" sabay harap ko sa kanya nang hindi kumakalas sa yakap.

"Akala ko ipapamigay mo na ako. Mas lalo kitang minamahal, irog ko." Kinagat niya ang upper part ng tenga ko saka bumulong ulit," "Pakasal na tayo. Ayaw na kitang pakawalan, eh."

Pinunasan ko ang noo ko dahil sa patuloy na pagtulo ng pawis. Sa bawat segundong magsasalita siya kinakabahan ako kase hindi ko laging inaasahan ang mga salitang bibitiwan niya. Kung ano-ano rin ang call sign na tinatawag niya sa 'kin.  Pa-fall ka lalo, ah. "Next time mo na palitan ang last name ko kapag wala na tayo rito. But for now, survival game muna, ha?"

Tumingin siya sa 'kin at nawala ang mga mata niya sa malapad niyang pagkakangiti. "We can exchange vows in the middle of survival, can't we? Hahaha."

"Loko! Pa-emotionless face ka pa may tinatago ka rin pa lang kalandian" sabay tawa at batok ko sa kanya nang marahan. "Tumigil ka nga r'yan mamaya mo na ako landiin." Akmang aalis na sana ako sa mga bisig niya nang hilahin niya ako ulit.

"Not so fast, babe. Sa 'yo lang naman ako malandi sa iba hindi naman." Sumimangot siya konti saka nagsalita. "Gano'n talaga kapag in love ka, nagbabago ka. Hahaha."

Pareho kaming nagtawanan sa sinabi niya. Akala ko wala siyang side na ganito. Ibang-iba na kase siya ngayon kung ikukumpara sa ugali niya rati.   Siguro nga kahit gaano ka kasungit at kaseryoso pagdating sa taong mahal mo nagbabago ka ng di mo namamalayan.

"Mas gusto mo ba ang dating Xynon na sinusungitan ka?"

"Mas gusto ko ang Xynon ngayon" sabay ngiti ko.

"Mas gusto kita" sabay kiss niya sa ilong ko.

Bolero, ah. Hahaha. "Sobrang laki na ng pinagbago mo. I mean 'yong pakikitungo mo sa aming lahat. Hindi ka na katulad ng dati na malayo ang loob at laging tahimik. Nagagawa mo ng makipag-asaran tapos ang sweet mo pa." 

Mas lalo niya akong niyakap nang mahigpit at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. "Do you believe that everything in this world can be learn? Sa pag-stay ko rito marami akong natutunan. At first, mahirap mag-adjust but I'm glad I made it."

Ramdam ko ang init ng hininga niya na nagpapakiliti sa leeg ko kaya medyo nilalayo ko ang leeg ko. Malakas kiliti ko, eh.

"Dalawang babae lang naman ang pinapakitaan ko ng sweet side ko. Do you know them?" sabay layo niya ng mukha pero ang mga braso niya ay nakayapos pa rin.

Dalawang babae? Napaisip naman ako. Nasabi niya na gusto niyang magkaroon ng kapatid na babae pero hindi nangyari. Ekis ang kapatid. "Pinsan?" takang tanong ko.

Naging seryoso naman ang mukha niya habang titig na titig sa 'kin. "Bakit naman ako magiging sweet sa pinsan ko aber?" sabay taas niya ng kanang kilay.

Hala ka. Tinarayan ako? "Bakit? May gano'n naman, ah?" Wala bang gano'n?

Pinaikot niya naman ang dalawang mata niya. "Tss. Wala kang idea kahit katiting man lang?"

"Wala."

"You're hopeless," bulong niya. "You and my mom. You are the two women in my life who have seen this. Kayo lang ang nakakita at makakakita nito. No other girls allowed. Okay?"

Magsasalita na sana ako pero pinigilan niya ako gamit ang kanang daliri niya na nilapat sa labi ko.

"At kung itatanong mo ang ginagawa ko kay Mona, ngayon pa lang sasabihin ko na sa 'yo na iba ang kilos na pinapakita ko sa kanya. Yes, I do hug her many times pero 'yong ganito ka-intimate na yakap? No. Never. Alam ko ang limitasyon ko at alam ko rin kong sino lang ang papakitaan ko ng ganito. Ikaw lang bebe ko."

Napakagat ako ng labi ng wala sa oras. Naunahan niya ako. Ito sana ang itatanong ko sa kanya, eh. Ngumiti ako ulit at hinaplos ang batok niya. "Now I know." He's worth to be kept. Dang. Hindi na kailangan pagsabihan kase alam na niya ang tama at mali sa isang relasyon.

"Promise me that you'll going to marry me soon."

"I promise." Binigyan ko siya ng isang matamis na halik bilang patunay na tapat ako sa pangako ko sa kanya. I can't see myself getting married to someone else. My heart is only for him.

"What's your full name?" he asked between our kisses.

Humiwalay ako sa kanya at ipinulupot ang mga braso ko sa leeg niya. "Lyka Fatima Galvez Montello. Why?"

Binigyan niya ako ng isang nakakalunod at nakakapasong tingin na siyang bumabaon sa puso ko. "Lyka Fatima Montello-Alcantara. It suits you perfectly, wife."

"Ba't ang swerte ko sa 'yo?" naluluha kong tanong. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para biyayaan ako ng ganito kalaking biyaya. His last name really suits perfectly on my name. "How I wish to put yours on mine soon. You're the best yet unexpected gift that God gave me." Ngumiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. "I love you so much."

"Hindi ako makakapayag na ikaw ang mas magmamahal sa ating dalawa. I am the man who will pursue and love more his wife. Even the deepest ocean can't measure how much I love you. You're my air, my survival it means you are my life." Dinikit niya ang noo niya sa 'kin at sinayaw ako kahit walang tugtog. "So this is how we celebrate our first day, mahal?" then he chuckled.

Nagiging musika talaga sa tenga ko ang tawa niya. Mahina man 'yan o malakas, still it sounds like a music. "Always remember that choosing you will be my greatest decision. I love you until the universe find its end."