First Part.

Destined to be Undestined — First Part.

Kira.

"Love, I know our relationship is not perfect. There are times that we're almost part our ways. But, I love you and I want to be with you forever. Kira Salvador, will you spend my life with me forever?"

"Yes! I want to spend my lifetime with you, Mr. Lucas Trinidad!"

Ni-pause ko ang video. Napangiti na lamang ako nang mapait. All of those words are lies.

"Hoy girl!" napatingin ako sa kaliwa ko. Nakita ko do'n si Amarah na nainom ng tubig. "Alam mo, kung babalikan mo 'yan, patuloy ka lang masasaktan."

Tumayo ako at tumatawa, "Amarah, ilang beses ko bang sasabihin na naka-move on na ako?"

"Nako, hindi pa kaya!" pagkontra niya sa akin. "Kira, 'wag ka magpanggap na okay ka na — na okay na ang lahat. Alam naman natin na ikaw yung pinakanasaktan—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na 'yon.

"Amarah, I'm fine." binigyan ko siya ng isang ngiti. "More than fine."

Tumayo ako, "Kung kailangan mo ako, nasa kuwarto lang ako." wika ko at nagtungo sa kuwarto.

Napabuntong hininga na lamang si Amarah, bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad akong humiga sa kama.

Nakipagtitigan lamang ako sa kisame.

Hanggang kailan ka ba magpapanggap na okay ka na, Kira?

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. "Magiging okay ka din, Kira. Tatagan mo lamang ang loob mo."

Habang nagmumuni-muni ay nakaagaw ng pansin ko ang isang envelope.

Agad ko 'tong kinuha at tinitigan.

Trinidad and Dela Paz Nuptial.

Ngayon na nga pala ang araw ng kasal.

Tumayo na ako at kinuha ang towel, maliligo na ako at tiyak ay male-late ako kung hindi pa ako kikilos. Traffic pa naman.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Amarah na may pinapanood sa laptop niya.

Dire-diretso lamang ako dahil alam kong kukuwestiyunin niya ang pagdalo ko sa kasal ng dalawa.

Hindi pa man ako nakakarating sa may banyo ay narinig ko na ang pagtawag ni Amarah.

"Kira," pagtawag niya sa akin. "Sigurado ka ba talagang pupunta ka sa kasal ng dalawang mokong na 'yon?"

Natawa na lamang ako sa sinabi niyang 'mokong'. "Oo naman, hindi ba sinabi ko sa'yo na buo na ang desisyon kong magpunta sa kasal nila."

"Nako, Kira ha." kumunot ang noo niya. "Kapag ikaw umuwi ng luha—"

"Ang advance mo mag-isip, Amarah!" wika ko at nagpunta na sa banyo.

Bago pa man ako makapasok sa loob ay sumilip muna ako sa pintuan, "Ikaw mag-ayos sa akin ha?"

Inirapan niya lamang ako, "Fine."

~*~

"Nako, Kira ha!" sambit ni Amarah habang inaayusan ako. "Kapag ikaw umuwi ng sira-sira ang make-up mo, lagot ka sa akin!"

"Ba't ko naman sisirain ang make-up ko?" tanong ko. "Sayang naman 'no, ang ganda kaya!"

Sinabunutan naman niya ako nang pabiro. "Papagandahin kita Kira! Yung tipong masasampal si Faith sa kagandahan mo! Tapos malalaglag brief ni Lucas!" at tumawa pa ang luka.

Sinimulan na niya ang paglalagay ng kolorete sa mukha ko.

At maya-maya pa ay natapos na. Iniharap niya ako sa salamin.

"Charannnn!"

Napatingin ako sa mukha ko, ako ba talaga 'to? Ang tagal na mula nang nag-ayos ako ng sarili ko e.

"Ang ganda-ganda mo, girl!" pagpuri sa akin ni Amarah.

Niyakap ko siya, "Thank you Amarah!"

"Alam mo, malalaglag brief diyan ni Lucas tapos babalik siya sa'yo!" aniya at pumalakpak.

~*~

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Nasa kalagitnaan kasi kami ng traffic ngayon at baka ma-late ako sa wedding ceremony.

"Amarah, bilisan mo. Baka mahuli ako e."

Nagprisinta si Amarah na ihatid ako kaysa mag-commute ako dahil daw masisira ang make-up ko.

"Ikaw ba ang ikakasal, girl?"

Inirapan ko siya, "Sabi ko nga hindi."

Nagpatuloy lamang siya sa pagda-drive.

At after 1234567890 years ay nakarating na kami sa simbahan.

Bago pa man umalis si Amarah ay binibilinan niya ako na 'wag daw ako iiyak dahil hindi naman daw ako ang ikakasal.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob ng simbahan. Umupo ako kasama ng ibang bride's maid.

Maya-maya pa ay sumenyas na ang wedding coordinator na magsisimula na ang seremonya.

Naglakad na red carpet ang lahat ng umabay.

Nang si Faith na ang naglakad ay nasa kaniya ang atensyon ng lahat.

Naglalakad siya nang malumanay kasama si Tita at Tito. Napatingin siya sa direksyon ko at nginitian ako. Ginantihan ko siya ng isang pilit na ngiti.

Nang makarating sila sa altar ay kitang-kita sa mukha nila ang saya — saya dahil mag-iisang dibdib na sila ni Lucas.

Maya-maya pa ay binanggit na ng pari ang pinakamasakit na litanya para sa akin.

"And I pronounce you, husband and wife!" masayang anunsiyo ng pari. "You may now kiss the bride."

Tuwang-tuwa ang mga manonood habang ako'y nasa isang tabi.

Tahimik na nasasaktan.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kung kaya't lumabas ako ng simbahan.

Akala ko ba okay ka na Kira? Hindi pa pala. Pagpapanggap nga lang pala ang lahat.

~*~

"Congrats to the newly wed!" pagbati ko kay Lucas at Faith.

Nginitian lamang ako ni Faith, "Thank you, Kira sa pagpunta ha!"

"Thank you, Kira." malamig na tugon ni Lucas.

Tiningnan ko naman siya. At sa pangalawang pagkakataon, nangilid ang luha ko. Sht. 'Wag ngayon, hindi ito ang tamang panahon para lumuha.

"Mabuti at nakapunta ka." dagdag pa niya.

I gave him a weak smile. "Oo, n-nagpaalam muna a-ako sa t-trabaho." wika ko at huminga nang malalim. "E-espesyal 'tong a-araw na 't-to e."

Pinagmasdan lamang niya at binigyan ako ng are-you-okay-look.

Napalunok ako, "Ahm, s-sige. Aalis n-na ako."

Hinawakan ni Faith ang kamay ko. Mas naramdaman ko ang sakit. Parang tumusok ang kamay niya sa balat ko.

"Thank you so much for coming to our wedding, Kira!"

Binigyan ko lamang siya ng ngiti — ngiting pilit.

Pagtalikod ko ay nagsibagsakan ang mga luha ko. Agad akong nagtatakbo palayo sa wedding reception.

Habang tumatakbo ako ay hindi ko napansin ang isang bato na nakausli. Bigla akong natapilok at nadapa.

Humagulhol ako ng iyak sa naramdaman kong sakit.

Hindi dahil nadapa ako, kundi dahil tuluyan nang nawala ang lalaking minamahal ko.

Akala ko, matutupad lahat ng pangako namin sa isa't-isa.

Akala ko lang pala.

Three years ago nang umalis si Lucas sa Pilipinas at nagtrabaho sa America. Nangako kami sa isa't-isa na pagkabalik niya ay magpapakasal kami.

But, promises are meant to be broken.

Pagkauwi niya ay tila nagbago siya. Nanlamig na siya. Hindi na siya ang Lucas na nakilala ko. At nalaman ko na lang na ikakasal na sila ni Faith. Arranged marriage ang nangyari.

Umasa ako na ipapaglaban niya ang pagmamahalan namin. Ngunit nagkamali ako.

Mas pinili niyang makasal sa babaeng kakakilala niya lamang kaysa sa babaeng pinangakuan niya.

At ang pinakamasakit? Hindi niya alam na ang babaeng pinakasalan niya ay ang childhood bestfriend ko.