Vines Attack

GAIA's POV

I'm on my way to my classroom at kasabay ko pa rin si Zeira.

"Oo nga pala Gaia, which class are you in?"

Biglaang tanong ni Zeira, oo nga pala di ko pa nasasabi sa kaniya.

"Ah XII Class A"

Nakita kong napasapo ito sa kaniyang noo at napatawa.

"Oo nga naman, surely you'll be on Class A! Thinking that your intelligence is beyond normal you say haha. Great Gaia! Magkaklase tayo, I'm so happy!"

Napatawa din ako sa sinabi niya. She's happy and i felt it too. Should I give her a try?

"What are you thinking?"

Napailing-iling ako at nginitian si Zeira.

"I'm just happy that you choose me as your friend kahit na isa lang akong ordinaryong estudyante. And I supposed to follow your orders because I'm just a pawn."

I genuinely told her with a smile on my face. Ngumuso naman ito sa akin at umabrisete sa braso ko.

"I know that you're geniune Gaia. Students here wants me to be friend with them for popularity and power. I just felt that you're a good person."

Good... She thinks that I'm good.

"Y-yeah... thank you for trusting me Zeira."

-

Nasa loob na kami ng classroom. At katabi ko si Zeira, may dalawa pang bakante sa tabi ko. Naupo kasi si Zeira malapit sa bintana, gusto ko rin sana doon pero naunahan na ako nito.

Kanina ko pa napapansin ang mga tingin ng mga magiging kaklase ko. At hindi nakakaligtas ang mga bulungan nila o bulungan nga bang matatawag eh naririnig ko naman.

"Why is that trash with Zeira?"

"I know right? I heard that she don't have an ability."

"Why did headmaster let her in?"

Hindi ko sila pinapansin, naramdaman ko pa ang kamay ni Zeira sa kamay kong nakapatong sa arm rest ng upuan ko.

"Don't mind them Gaia."

Tinguan ko naman ito at nakipag-usap nalang sa kaniya.

"Yoooo Zeira!"

Napalingon si Zeira pati ako ng may tumawag sa kaniya. Papunta sa direksiyon namin ang dalawang lalaki, ang isa ay may pulang buhok.

"What now Caiz?"

Nahihimigan ko ang iritasyon sa boses ni Zeira. Lumapit sa amin ang dalawa, tahimik lamang na nakasunod ang lalaking may pulang buhok sa nagsasalita na pangalan ata ay Caiz.

Tiningnan ako 'nung Caiz at nginitian, I just frowned at him.

"Miss, could you please move aside? Gusto kong makatabi si Zeira."

Tinitigan ko lang ito at tinaasan ng kilay. Pero sinunod ko naman ito na ikinangisi nito. Narinig ko pa ang pagprotesta ni Zeira.

"Gaia! Come back here!"

Sambit ni Zeira pero ngumiti lang ako ng alanganin sa kaniya at naupo sa tabi ni Caiz. Nasa kabila ko naman 'yung lalaking may pulang buhok.

"Oh you know her Zeira? So tama pala 'yung naririnig naming usapan? Is it true that you don't have an ability?"

Tinanguan ko lang si Caiz nang magtanong ito, he ask without disgust but rather with a hint curiousity. Tiningnan nito ang lalaking nasa tabi ko.

"Hey Fier! Umimik ka naman diyan!"

Untag nito sa katabi ko pero sinamaan lang siya nito ng tingin at ibinalik ang tingin sa harapan. A silent one.

I heard Caiz chuckled kaya napatingin ako sa kaniya.

"Pagpasensyahan mo na 'yang katabi mo Gaia ha? Gaia's your name right?"

"Yeah, it's okay."

Tumalikod ito sa akin at muling kinulit si Zeira na nakabusangot.

Napatingin ako sa mga kaklase ko ng bigla silang magbulungan na para bang nae-excite.

"He's here!"

"Do i look good, girl?"

"Zhyke's coming!"

Sigaw pa ng isa na mula sa labas. Zhyke? Isn't that...

"Oh hey Zhyke man!"

Sigaw ni Caiz sa lalaking kakapasok palang sa classroom. Kaya napatingin ito sa gawi namin, agad namang nangunot ang noo nito ng makita ako.

"Why are you three with that pawn?"

Pinagdiinan pa talaga nito ang pawn. I bit my lips to prevent myself from shouting in annoyance.

"Shut it Zhyke, she's my friend. So quit it please."

Pagtatanggol ni Zeira sa akin, sinamaan ako ng tingin ni Zhyke. At nalipat ang paningin nito sa katabi ko.

"Himala at pumasok ka Fier?"

Naupo si Zhyke sa likuran namin at di ako nag-abalang tumingin kung saang banda siya nakaharap.

"So what? Just let me sleep Zhyke."

Sagot ni Fier at sumandal ito sa kaniyang upuan at pumikit. I heard Zhyke hissed at the back.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng pumasok na ang teacher namin.

"Hello everyone! So meron daw bago dito? Can you please introduce yourself miss?"

Tanong nito sa akin ng mahinto ang paningin nito sa akin. Agad naman akong tumayo at pumunta sa harapan. Tumingin ako kay Zeira at napangiti ako ng ngumiti din ito sa akin.

"Hello everyone! I am Gaia Moraitis, 18 years of age. I'm please to meet you all."

Yumuko pa ako at ngumiti sa lahat. Napatingin ako sa teacher namin.

"I am Miss Sage Alanis, your advisor for this school year. I know your situation Miss Moraitis, you may take your seat now."

"Thank you ma'am."

Sambit ko at naglakad na pabalik sa upuan ko ng bigla nalang may lumabas na vines sa sahig at pumulupot sa dalawang paa ko na dahilan na madapa ako. Agad ding nawala ang vines pagkatingin ko.

"Gaia!"

Rinig kong sigaw ni Zeira, naririnig ko rin ang tawanan ng mga kaklase ko.

"Everyone stop!"

Sambit ni Prof Sage sa mga kaklase ko. Nakalapit na si Zeira sa akin at tinulungan akong makatayo.

Napatingin ako sa paa ko, at may nakabakas na pulang linya sa ankle ko.

"Are you okay Gaia?"

Medyo mahapdi iyon pero tumango lang ako kay Zeira at pinilit na ngumiti. Pabalik na kami sa upuan ng biglang umimik si Fier.

"Who did that?