"Ate gising na." Naalimpungatan ako sa pang-gigising sakin ng kapatid ko.
"Kira, ano ba?" Nalilitong tanong ko, nasa kalagitnaan kasi ako ng panaginip.
"Ate Kath sabi mo gisingin kita ng maaga kasi maghahanap ka ng bagong trabaho." Sabi niya.
"Trabaho?" Napa-isip muna ako bago mag-unat.
OMG! Oo nga pala maghahanap ako nang bagong trabaho dahil natanggal ako sa dati kong trabaho. Hindi ko alam kung bakit pero sabi nila kailangan daw magbawas ng trabahador sa kumpanya.
"Kira bakit di mo sinabi kaagad?" Naiinis na sabi ko.
"Ate kanina pa kita ginigising, humihilik ka pa nga eh."
Hindi na ako sumagot at dali-daling naligo at nagbihis.
"Kira aalis na ko." Pagpapaalam ko.
"Ate ingat ka ha." Sabi niya habang nagsusuklay dahil naghahanda na rin siya sa pagpasok sa eskwelahan.
"Kira ito na pala ang baon niyo pagkasyahin niyo nalang yan ni Ken."
"Pero ate baka magkulang ang pamasahe mo."
"Hindi na, maglalakad nalang muna ako papuntang sakayan." Sabi ko habang inaayos ang bag ko.
"Sige ate, wag kang mag-alala, pag naka graduate na kami ni Ken, ikaw naman ang aalagaan namin." Ngumiti ako at yumakap sa kanya.
"Naiyak naman ako dun, ikaw talaga, sige na aalis na ko." Pagpapaalam ko.
Kung tinatanong niyo kung mahirap lang kami, hindi kayo nagkakamali. Namatay si nanay seven years ago at si tatay naman ay may iba ng pamilya.
Mahirap para sakin na tumayo bilang magulang sa mga kapatid ko. Minsan tinatanong ko ang diyos kng bakit ganito buhay namin. Minsan gusto ko nalang umiyak at sumuko ngunit hindi maaari, kailangan ko maging matatag para sa mga kapatid ko.
Si Kira at si Ken ang kapatid ko.
'Sila ang buhay ko.'
Si Kira ay 4th year highschool na samantalang si Ken naman ay grade 6 pa lang. Sakitin si Ken, nag-mana siya kay nanay. Ako ang nagsisikap para mapagamot ko siya, may sakit siya sa puso.
Tahimik lang si Ken at puro basa lang ng libro. Hindi katulad ni Kira na madaldal at energetic.
Lahat ng mahihirap na trabaho nasubukan ko na, tulad ng labandera, janitress at yaya. Kulang na lang magtrabaho ako sa Club, pero di ko ginawa dahil iniingatan ko parin ang sarili ko, dahil naniniwala ako na may magliligtas sakin na Prince Charming.
Alam kong para sa bata lang ang mga Prince Charming na yan pero libre lang naman ang mangarap kaya lulubos-lubusin ko na.
----------
Naglakad-lakad ako sa kahabaan ng Maynila.
Kalahating araw na ang lumipas pero wala parin akong mahanap na trabaho. Kumakalam na rin ang sikmura ko.
"Ate pabili naman po ng Sky Flakes at isang ice tubig." Sabi ko sa tindera.
"Ito ineng." Inabot ng tindera ang binili ko.
"Salamat po." Pagpapasalamat ko. Ito lang ang kayang ibili ng pera ko kaya tiis-tiis lang muna.
Umupo muna ako sa may bakanteng upuan sa labas ng tindahan.
Hindi ko mapigilang lumuha habang iniinom ang ice tubig na binili ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko eh.
Awang-awa na ako sa sarili ko pati na rin sa mga kapatid ko. Maswerte na nga lang kami kapag nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.
Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng pagkain namin sa darating na mga araw kaya kailangan ko ng makahanap ng trabaho.
Maya maya napag-desisyonan ko ng umuwi. bukas nalang ako ulit magbabakasakali.
Sinalubong ako ni Kira na umiiyak. "Ate! Ate! Si Ken po ginigising ko ayaw magising."
"Ano nangyari?" Nag-aalala at natatarantang tanong ko. "Dalhin natin siya sa hospital bilis." Dali-dali kong binuhat ang kapatid ko at humanap ng pedicab.
----------
"Doc tulungan niyo po ang kapatid ko." Nagmamakaawang sabi ko sa doctor.
Dinala na siya sa Emergency room.
Iyak lang ako ng iyak ngunit nang makita ko si Kira na umiiyak din, dali dali kong pinunasan ang aking mga luha at niyakap siya ng mahigpit.
Kailangan ko mag-pakatatag, hindi dapat ako makita ng kapatid ko na umiiyak.
"Magiging okay ang lahat, hindi kayo pababayaan ng ate okay? Mahal na mahal ko kayo." Sabi ko.
Tumango naman siya at pinunasan niya rin ang kanyang luha.
Lumipas ang isang oras at lumabas na ang doctor.
"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong ng doctor.
"Opo kapatid ko siya" Sagot ko.
"Kailangan ng kapatid mo mag-undergo ng surgery. Mahina na ang puso niya, baka sa susunod na atakihin siya ulit hindi na makayanan ng batang katawan niya."
Nanlumo ako sa sinabi ng doctor. Nasa panganib ang buhay ng kapatid ko.
Hindi ako umimik. "Bukas maaari ko ng operahan ang kapatid mo ngunit malaki ang pera na kailangan niyo." Sabi ulit ng doctor.
"Sige doc. Gawin niyo po ang makakaya niyo maligtas lang ang kapatid ko." Tumango naman ang doctor at umalis na.
"Ate san ka hahanap ng malaking pera pampa-opera kay Ken?" Tanong ni Kira.
"Ako na bahala, tatawagan ko lang si Chichi baka makahiram ako ng pera sa kanya."
"Sige po." Umupo nalang siya sa isang tabi.
----------
*Ring ring ring *
"Chichi may alam ka bang pwedeng utangan." Tanong ko sa bakla kong kaibigan. Kakapalan ko na ang mukha ko, buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito.
"Hala Bhe waley! Bakit mo kailangan ng datung?" Tanong ni Chichi.
"Nasa ospital si Ken, kailangan niyang maoperahan kaagad kung hindi baka ikamatay niya" Sabi ko habang mangiyak-ngiyak.
Hindi naman siya sumagot sa kabilang linya, narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
Isang saglit lang ay nagsalita na siya. "Bhe may alam akong makukuhaan ng pera. Hindi mo na kailangan utangin yun dahil sayo na talaga yun."
"Talaga san yan?" Tila nabuhayan ako ng loob.
"Sa club nang kaibigan ko. Mga Business Tycoon ang pumupunta dun. Maganda ka naman, maputi at sexy kaya I'm sure pasado ka dun." Gusto kong umiyak sa pagkakataong ito pero hindi ko na kailangan pang mag-isip dahil kahit sino pang tao, kung manganib man ang buhay ng mahal nila, 'ang mali ay magiging tama.'
"Sige Chichi ipasok mo ako ngayong gabi sa club na sinasabi mo." At tuluyan nang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Kailangan kong gawin ito para sa kaligtasan ng kapatid ko. Yun lang ang tanging paraan para makakuha ako kaagad ng pera.
"Sige kung yan ang desisyon mo. Susunduin kita sa bahay niyo." Sabi niya.
Pinatay ko na ang tawag at pinuntahan ko si Kira.
"Kira may pupuntahan lang ako." Sabi ko sa kapatid ko.
"San ka pupunta ate?" Tanong niya.
"May mag-papautang sa atin. Pupuntahan ko siya para ma-operahan kaagad si Ken. Hintayin niyo ako ha." Tumango lamang siya.
Dali dali akong sumakay ng jeep at dumiretso sa bahay. Naabutan ko si Chichi dun.
"Bhe, ito suotin mo. Bilisan mo lalagyan pa kita ng konting make-up. Pasalamat ka bhe absent yung isang nagtatrabaho sa club kaya ikaw muna ang papalit." Pinapakinggan ko lang siya habang nagsasalita.
"Uy bhe, magsalita ka naman diyan. Wag kang mag-alala may mga gwapong fafa dun pero to be honest mas maraming matatanda at ugod-ugod na. Kaloka!" Kinabahan naman ako sa sinabi niya.
Ang sakit lang isipin na mawawala na ang pinakaingat-ingatan mo na dapat sa Prince Charming mo pero para sa kapatid ko gagawin ko lahat.
"Bhe ngumiti ka ha. Wag kang mahiya. Pasayahin mo yung costumer mo malaki daw mag-tip yun." Huminga lang ako ng malalim.
Pagpasok ko sa club tila gusto ko ng umuwi at magtago sa likod ni Chichi.
Halos lahat ng nakikita ko ay matatanda na at kung makatingin pa sakin ay parang hinuhubaran na ako.
"Bhe, Ito daw yung number ng room nang costumer mo." Tumango ako at dumiretso sa elevator.
Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto ng costumer ko, hindi ko mapigilan na maiyak.
'Para sa kapatid ko ang lahat ng ito. Gagawin ko ang lahat maligtas ko lang si Ken.'
Pinunasan ko ang luha ko at inayos ko ang damit ko.
Kumatok na ako.
"May I help you?" Isang matandang lalaki na tila 70 na ang edad ang bumungad sakin.
"A-ako po yung pinadala na babae ni---" Pinutol niya bigla ang sasabihin ko.
"Sige na pumasok ka na, mag-ayos ka na." Dinala niya ako sa isang napaka gandang suite. Triple ang laki ng kwartong ito sa bahay namin, may dim light din.
Unti-unti kong hinubad ang damit ko at sinuot ang lingerie na kulay pula na binigay ni Chichi.
Yung matanda kanina, siguro siya ang costumer ko.
Maya maya may narinig akong nagbukas at nagsara ng pinto.
Unti-unti kong hinarap ang lalaki at kitang-kita ko ang napaka-gwapong niyang mukha. Tanging tuwalya lamang ang nagtatakip sa kanyang matipunong katawan.
'Siya ba ang costumer ko? Akala ko yung matanda.' Tanong ko sa aking isip.
Unti-unti siyang lumapit sa akin, yumuko naman ako dahil nahihiya ako. First time ko itong gagawin sa buong buhay ko.
Hinawakan niya ang mukha ko, dahan-dahan ko naman hinarap ang maamo niyang mukha.
Mas gwapo siya sa malapitan. Ang kinis ng mukha niya, ang nipis rin ng mga labi niyang parang kay sarap halikan.
Hinawakan niya ang labi ko at unti-unting niyang hinalikan. Hindi ako nagrerespond sa halik niya. Hinalikan niya ako pataas sa aking tenga at bumulong.
"Just go with the flow baby. Don't act like you're innocent." Sabi niya with his sweetest voice.
Nagrespond na ako sa halik niya at unti-unti niya akong hiniga sa kama. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na sumabay sa bawat haplos at halik niya.
Siguro ang tingin niya sakin ay isang maruming babae na nagpapagamit kung kani-kanino
Hinubad niya na ang lingerie ko at itinapon sa kung saan kaya tinakpan ko ang dibdib ko dahil nahihiya ako.
"No baby, don't be shy, it's beautiful." Hinalikan niya ako sa aking leeg.
Dumako ang halik niya sa aking malulusog na hinaharap at sinipsip ito. Napaliyad naman ako sa ginawa niya. Bumaba pa ang mga kamay niya hanggang sa naabot na ang pagka babae ko.
"You're wet baby let me taste you." Sabi niya.
Pababa ng pababa ang halik niya, nang pumunta na sa may tiyan ko di ko na napigilang mapa-umungol.
"Mmmm oo-ohh." Nagulat ako dahil bigla niyang hinalikan ang pagkababae ko.
"Wait naiihi ako." Nahihirapang sabi ko.
"Let it go baby you taste good." Sinunod ko naman ang gusto niya.
Maya maya hinalikan niya ako ulit.
Unti-unti niyang hinubad ang kanyang saplot.
I was shocked when I see his maleness. Its long, hard and big.
'Kakayanin ko ba ito? First time ko pa naman.' Kinakabahan na bulong ko.
"Don't be scared baby. It will fit you perfectly." Hinalikan niya ulit ako sa labi.
Gulat akong napaatras at napasigaw nang ipinasok niya ang pagkalalaki niya sa pagkababae ko.
"A-AHHH." Sigaw ko, hindi ko maiwasang mapaluha.
Tila nabuhusan naman siya ng malamig na tubig. "Oh! You didn't tell me that you're a virgin."
"I'm sorry." Umiiyak na sabi ko, masakit kasi, sobrang sakit.
Conscience and guilt is written in his face.
"Do you want me to continue this baby?" Nahihirapang sabi niya.
"Yes. Don't stop please kaya ko naman."
"I'll be gentle this time. Sa una lang yan masakit, I promise that you will feel heaven later on." Sabi niya.
"Do you want me to move?" Tanong niya.
"Yes please." Sagot ko, pero maingat parin siyang gumagalaw sa loob ko.
Habang tumatagal sumasabay na ako sa galaw niya.
Tama nga ang sinabi niya ang sarap sa feeling, I dont want him to stop anymore.
"Ohh Ahh Ahh yes baby, please dont stop!" Sabi ko. Hingal na hingal na ako.
Puro ungol lang ang maririnig sa aming silid.
"I'm coming baby." He said.
Ilang saglit pa ay narating na namin ang aming inaasam-asam. Humiga ako sa tabi niya, tinitigan ko ang maamo niyang mukha, ang bilis niya namang makatulog.
Hinalikan ko ang noo niya. "Hindi ko makakalimutan ang araw na ito." Bulong ko sa kanya.
Alam kong hindi niya iyon maririnig dahil tulog na tulog siya. Tumulo ang luha ko, wala akong pinagsisisihan na sa kanya ko binigay ang ka-birhenan ko, kahit ngayon ko lang siya nakilala ay parang tumibok na ang puso ko.
Alam ko rin na hindi na kami magkikita pang muli. Naging masaya ako sa konting oras na mag-kasama kami.
Bukas ko na iisipin ang lahat ng problema, pero ngayon gusto ko muna siyang makasama.
Maya maya napag-isipan ko nang tumayo at magbihis kahit na masakit ang katawan ko ay pinilit ko paring gumalaw.
Aalis na sana ako ngunit hindi ko maiwasang tingnan ulit ang maamo niyang mukha.
Hindi ko maiwasang malungkot. For the last time I kissed him in the lips at mabilis na lumabas nang kwarto.
Tumulo naman ang luha ko, hindi dahil sa pagsisisi, kundi dahil hindi ko na siya makikita pang muli.
Ngayon isa lang ang nasa isip ko, I just wish that 'I have one more night with that Bachelor.'
Kath's POV
"Ate gising." Pang-gigising ni Kira sakin kaya tumayo ako kahit inaantok pa ako.
Nang may bigla akong naalala, 'WAIT! Yung kagabi! Panaginip lang ba ang nangyari kagabi?'
"Ate bakit ka nakatulala?" Tiningnan ko lang siya at hindi sinagot.
"Asan si Ken?" Bigla kong tanong kay Kira.
"Nasa Hospital po." Nalilito niya akong tiningnan. "Nakalimutan mo po?" Mabilis akong umiling.
'So.... hindi pala panaginip ang mga nangyari kagabi... Totoo pala."
Inalis ko sa isipan ang nangyari kagabi at hinarap si Kira. "Bakit mo iniwan si Ken?" Tanong ko.
"Ate wag kang mag-alala andun si Chichi, hinahanap ka nga po may bibigay daw siya sayo. Kumuha lang po ako ng ibang gamit ni Ken." Pagpapaliwanag niya sakin.
"A---ah ganun ba?"
"Ate sabay na tayo pumunta sa Hospital, maliligo lang ako." Tumango ako bilang sagot.
'Kainis! Totoo ang nangyari kagabi! Naisuko ko sa isang estrangherong lalaki ang bataan ko.' Sabi ng isip ko.
"Ate tapos na ko, ikaw naman." Biglang lumabas ng cr si Kira, parang ambilis naman nitong maligo.
"Sige." Pumasok na rin ako sa cr.
Maya maya lumabas na ako at nagbihis.
"Kira tara na aalis na tayo, hinihintay na tayo ni Ken" Sigaw ko sa kapatid ko. Kahit kasi siya ang naunang naligo, napaka-bagal niya paring kumilos.
Lumabas na kami ng bahay at pumara ng jeep.
Mabilis kaming nakarating sa Hospital.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Ken na umiiyak kaya kaagad ko itong nilapitan. "Ate, akala ko iniwan niyo na ako ni ate Kira" Iyak ni ken, niyakap ko lang siya ng mahigpit.
"Wag ka nang umiyak. Andito na si Ate, Hinding-hindi ko kayo iiwan." Naiyak narin ako dahil sa nakikita kong emosyon ni Ken.
Nakita kong umiiyak na din si Kira kaya sinenyasan ko siya na lumapit.
"Mahal na mahal ka namin Ate." Umiiyak na sabi ni Kira sa bisig ko.
"Mahal na mahal ko rin kayo." Hinalikan ko sila noo.
Nakita ko rin si Chichi na nakatingin samin at patagong nag-pupunas ng kanyang luha.
----------
Naging maayos na ang lahat ngunit andito parin si Ken sa Hospital. Sa susunod na linggo makakalabas na rin naman siya at masaya ako dahil dun.
Nandito ako ngayon sa tabi ni Ken, mahimbing siyang natutulog. "Kira may bibilhin lang ako sandali." Pabulong na sabi ko kay Kira.
"Sige po ate" Sagot niya.
Alam kong nahihirapan na rin siya sa sitwasyon namin ngayon pero hindi niya lang masabi. Halos hindi na siya nakakapasok sa kanyang eskwelahan kaya kinausap ko na lamang ang kanilang guro, mabuti at naunawaan kaagad ng kanilang guro ang sitwasyon namin.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ng drugstore. "Miss may gamot ba kayong ganito?'' Pinakita ko sa babae ang gamot na ini-reseta ng doctor para kay Ken.
"Ito po ba maam? Ilan po?"
"Magkano ba ang isa?"Tanong ko sa tindera.
"380 po ang isa. Ilan po ang kukunin niyo?" Tiningnan ko muna ang pera ko sa wallet at 1000 nalang ang natitira.
Bayad na ang hospital bill pero hindi ko naman alam kung saan ako kukuha ng pantustos na pera sa gamot ng kapatid ko.
"Miss dalawa lang." Inabot niya sakin ang gamot, kinuha ko ito at umalis na.
Lumakad na ako pabalik sa kwarto kung nasaan ang kapatid ko ngunit nahagip ng mata ko ang taong kinamumuhian ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Kathleen?" Gulat na tingin niya sa akin. "Kathleen, anak nabalitaan ko yung nangyari sa kapatid mo." Nag-aalalang sabi niya.
"So? Ano naman ngayon? Wag na po kayo mag-alala okay na siya. Pwede na po kayong umalis." Hindi ko alam ngunit pagdating sa pamilya ang hina-hina ko. Aalis na sana ako sa harapan niya dahil baka hindi ko mapigilan ang luha ko nang bigla niya akong hinawakan sa balikat.
"Kathleen A--anak." Sabi ng magaling kong ama.
"Wag niyo po akong hawakan. Sana hindi nalang po kayo nagpakita dito." Galit na sabi ko sa kanya.
"Anak gusto lang kita makausap."
"Para saan pa po? Mag-papakita ka sa amin ng mga kapatid ko tapos ano? Paaasahin mo kami na may ama kami? Hindi na po namin kailangan ng magulang dahil mula ng nawalan kami ng ina nawalan narin kami ng ama." Umiiyak na sabi ko.
"A---anak sorry" Mahinang sabi niya.
"Sorry? Sorry din po pero hindi niyo alam ang pinagdaanan at pinagdadaanan ko. Tapos sorry?! Noong nawala si nanay sobrang sakit para sa amin, umaasa ako na may magpupunas ng luha namin habang umiiyak kami ng mga kapatid ko." Umiiyak na sabi ko.
"Ama ka namin pero hinayaan mo kaming mag-dusa. Ama ka namin pero sinaktan niyo kami." Huminto ako sa pagsasalita at nagpunas ng luha.
"Masyado pa akong bata ng maranasan kong kumayod para lang mapakain ko ng maayos yung mga kapatid ko, pinuntahan po kita sa bahay niyo para humingi ng konting tulong para mapagamot si nanay pero tinaboy ako ng asawa niyo."
"Sinabihan niya ako ng hampaslupa, makapal ang mukha, mukhang pera, malandi at lahat na ng masasamang salita narinig ko sa kanya."
"Pero hindi ako natinag sa masasakit na salita na sinabi ng asawa niyo, dahil ang masakit yung hindi niyo kami tinulungan. Yung pinabayaan niyo kami at yung tinalikuran niyo kami. Tinalikuran kami ng sarili naming ama." Muling lumandas ang luha ko.
"Kaya mula noon, dun pumasok sa utak ko na kahit kailan hindi na ako sainyo hihingi ng tulong dahil wala na kaming ama. Matagal ka na naming kinalimutan at binaon sa hukay kasama si nanay." Nakayuko lamang siya ngunit nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata.
"Wag po kayong mag-alala, hindi ko po tatalikuran at sasaktan ang mga kapatid ko. Hindi ko ipaparamdam sa kanila yung sakit na ginawa niyo sa amin noong mga nakalipas na taon. Kahit anong trabaho, papasukan ko mapagamot ko lang ang kapatid ko. Na hindi umaasa at humihingi ng tulong sayo." Hindi siya sumasagot.
"Hindi na po namin kailangan ng ama. Umalis na po kayo bago kayo makita ng mga kapatid ko" Pinunasan ko ulit ang luha ko.
"Patawad anak" Yan ang huling salita na narinig ko kay papa.
Alam ko nasasaktan din siya, masakit na makita mong lumuluha ang iyong ama ngunit mas masakit yung ginagawa niya samin.
Umupo muna ako sa bakanteng silya at doon binuhos ang lahat ng sama ng loob ko.
Maya maya napag-desisyunan ko ng pumasok. "Ate okay ka lang po ba?"
"Oo naman. Mukha bang hindi okay ang ate mo?" Pabirong sabi ko pero deep inside sobrang sakit na.
"Ewan ko po pero feeling ko masakit ito." Itinuro niya ang puso ko.
Tiningnan ko lang siya at matipid na ngumiti.
"Ano ka ba, okay lang ako." Ngumiti lang siya.
"Kapag hindi mo na kaya ate, sumuko ka na, iiyak mo na para mabawasan ang sakit'" Makahulugang sabi niya.
'Naiyak ko na naman lahat ngunit bakit parang ang sakit parin.' Yan ang gusto kong sabihin sa kanya.
Tumango nalang ako at matipid na ngumiti.
----------
Lumipas ang mga araw nakalabas na din si Ken sa hospital, bumalik na rin sila sa pag-aaral, hindi ko narin nakita na dumalaw si papa.
Nag-sasideline na rin ako sa parlor na pinag-tatrabahuhan ni Chichi. Kahit maliit lang ang sahod, sapat na yun para pambili ng gamot ni Ken at pagkain namin araw araw.
Dumating na ako sa bahay. "Asan si Ken, Kira?" Tanong ko, nakita ko siyang gumagawa ng kanyang takdang aralin.
"Tulog na po Ate." Sagot niya.
"Ganun ba? Sige matulog ka narin maaga pa ang pasok niyo bukas."
"Opo Goodnight Ate." Hinalikan niya ako sa pisngi.
Dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig.
Kumain na rin ako at nagligpit ng ibang nakakalat sa sala.
Nagbihis na ako pangtulog at nahiga na rin sa sobrang pagod. Maraming costumer ngayong araw, malaki naman ang kinita ko sa awa ng diyos.
Humiga narin ako, ilang saglit lang ay hinila na rin ako ng antok dahil sa pagod.
----------
Bigla akong napabangon dahil parang nasusuka ako, mabilis akong nagtungo sa cr ngunit wala naman akong masuka.
These past few days ganito ako. Nagsusuka, nahihilo at mapili rin ako sa pagkain.
"Ano ba ang nangyayari sakin?" Tanong ko sa harap ng salamin.
"Ate nandito na si Chichi." Katok ng kapatid ko sa may pinto.
Tamang-tama magpapaalam muna ako kay Chichi na mag restday ngayong araw para makapagpacheck-up ako. Baka mamaya may malalang sakit na pala ako.
"Chichi pwede ba akong mag restday ngayong araw? Pupunta lang ako sa hospital."
"Ha bakit?" Nag-aalalang tanong niya. "Hindi ko kasi ma explain, pero this past few days kasi nanghihina ako tapos nahihilo tsaka nagsusuka tuwing umaga. Baka kasi may sakit na ako kaya gusto ko sana magpacheck-up." Tila binigyan naman niya ako ng makahulugang titig.
"Hindi kaya buntis ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"A---ano? Nagpapatawa ka ba? Paano ako mabubun--" Naalala ko yung nangyari nung mga nakaraang linggo.
"B---buntis ako?" Napahawak ako sa aking bibig, hindi ito maaari.
Kath's POV
"Uy girl okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Chichi.
"Ah... Oo, okay lang ako." Napahawak ako sa mukha ko. Natutulala na naman ako.
Nasa trabaho kami ngayon, medyo maraming costumer at nahihirapan akong gumalaw.
Dalawang buwan na ang pinagbubuntis ko. Malusog naman siya ayon sa doctor na pinagcheck-upan ko.
Medyo mahirap lang gumalaw dahil sensitive siya siguro dahil alam niyang mayaman ang ama niya.
Speaking of ama niya, 'Asan na kaya yung taong yun?' Tanong nang isip ko.
I'm sure nasa isang bar na naman yun nagpapakasawa sa mga babae niya.
'Mayaman kasi siya Kathleen.' Bulong na naman ng isip ko.
Sayang lang dahil hindi makikilala ng baby ko ang ama niya.
Lagi na lang akong palpak. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na hindi ko ipaparanas sa anak ko ang lahat ng napagdaanan ko. Hindi ko siya hahayaang masaktan at hindi ko hahayaang maramdaman niya ang hirap na naramdaman ko.
Kaya lang, hindi na mabubuo ang pamilyang pinapangarap ko.
Sino ba naman ako para humiling sa panginoon? Isa lamang akong hamak na babaeng walang patutunguhan ang buhay dahil sa kahirapan.
Huminga ako ng malalim.
"Girl kailangan mo nang magpahinga kanina ka pa dito." Nag-aalalang sabi ni Chichi.
"Okay lang ako Chi kailangan kong mag-overtime para sa pandagdag na pera sa panganganak ko." Ngumiti ako sa kanya.
"Bilib rin ako sayo noh! Napakabait mo talagang tao. Bakit kasi hindi ka ginamitan ng costumer mo ng proteksyon? Ano? Masyadong nasarapan?" Kumunot ang noo ko. Masyadong bulgar ang bibig nitong baklang to.
"Ngayon talaga natin paguusapan yan?" Tanong ko sa kanya.
"Siguro kung naging ako ikaw susuko na ko." Makahulugan niyang sabi.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Sige na mamaya na ang kwentuhan, maraming Costumer. I'm sure maraming tip mamaya." Excited na sabi ko.
"Sige magovertime na din ako para matulungan kita at ang inaanak ko." Tumango naman ako.
Hinawakan ko ang umbok ng tiyan ko. "Baby, kapit lang ha. Kailangan magtrabaho ni Mama para sa Kuya Ken at Ate Kira mo.
----------
Lumipas ang mga araw malaki-laki na din ang nauuwi kong pera, sympre sa tulong din ni Chichi.
"Ate pwede ba tayong mamasyal?" Tanong ni Ken. "Ate hindi naman ako bibili, maglalakad lakad lang po tayo sa Mall." Pahabol na sabi niya.
Hindi ko naman siya matiis. "Okay pero inumin mo muna ang gamot mo."
"Talaga Ate?" Tumango naman ako bilang sagot.
"Yehey! Makakapasyal na rin ako." Sigaw niya.
Matagal na rin kasi siyang di nakakapasyal dahil hindi pa siya pwedeng magpakapagod kaya tuwang-tuwa siya nang nalaman niyang pumayag akong mamasyal.
Nagbihis na ako ng simpleng dress lang. Hindi na kasi ako pwedeng magmasikip na damit dahil baka maipit ang tiyan ko.
"Ate tara na po." Excited na tawag ni Ken sakin.
Sumakay kami ng jeep patungo sa pinakamalapit na Mall samin.
"Ate pupunta lang ako ng Bookstore ah." Tumango naman ako.
"Ate sama ako kay Ken ha." Sabi ni Kira at patakbo siyang lumapit kay Ken.
Sumunod na ako sa kanila at nakita ko ang saya sa kanilang mukha habang hawak ang mga libro na binabasa nila.
Sayang lang dahil wala akong magawa para mabili ko ang gusto nila.
Lumapit si Ken sakin. "Ate tara na po." Hinawakan ni Kira ang kamay ko.
Alam kong marami silang gustong bilhin dito sa bookstore pero wala talaga kasi akong pera.
Napadaan kami sa palaruan ng mga bata.
"Ate may twenty pesos ako dito." Pinakita ni Ken ang pera niya. "Pwede ko bang ipambili ito ng tokens Ate?" Tanong niya.
"Oo naman, pera mo yan eh." Sumilay naman ang ngiti niya sa kanyang mukha.
"Ate Kira bumili na tayo ng tokens bilis." Hinatak niya si Kira sa cashier.
Apat ang nabili niyang tokens, dahil lima ang isa.
Naglaro na siya at sumakay sa rides.
Isa nalang ang natitirang token niya.
"Ate Kira dito gusto ko." Tiningnan ko sila ni Kira. Napangiti ako sa kakulitan nilang dalawa.
"Bakit diyan? Wala naman nananalo diyan. Madaya ang game na yan eh." Tiningnan ko naman kung ano ang game na pinagtatalunan nila.
May trip to Singapore for two, may Enchanted Kingdom, Star City, may cellphone at may camera. Meron ding kakain ka sa isang mamahaling Restaurant.
Mukhang may daya nga ito, imposibleng may manalo dito.
Hinayaan ko lang silang dalawa.
Umupo muna ako sa bakanteng silya. Nagugutom na naman ang baby ko.
Hinawakan ko ang tiyan ko, 'Baby later na okay?' Mahinang bulong ko.
Ilang saglit pa ay biglang sumigaw si Ken, "Yehey!!! Ate tingnan mo nanalo tayo!!!"
"Ha?" Naguguluhang tanong ko.
"Ate nanalo tayo! Makakakain na tayo sa mamahaling restaurant." Si Kira ang sumagot.
"Patingin nga baka niloloko niyo lang ako." pinakita nila sakin at totoo nga ang sinasabi nila.
"Ate tara puntahan na natin yung Restaurant." Sabi ni Ken.
Nahanap na namin yung restaurant at halata nga namang mamahalin ito.
May lumapit samin na waitress, "Hello po Ma'am. How can I help you?"
"Uhm miss nag-aavail pa ba kayo nito?" pinakita ko sa kanya ang gift check na napanalunan nila Kira.
"Yes po Ma'am hahanapan ko lang po kayo ng table." sabi ng Crew samin.
"Sige, salamat." Sabi ko sa babae.
"Ma'am dito na po kayo maupo. Hintayin niyo na lang po ang order niyo." Tumango ako.
Dumating na ang order namin at ang dami pala, baka hindi namin to maubos, kain lang kami ng kain.
"Ate ang sarap. Ngayon lang ako nakakain ng ganitong pagkain." Natawa naman ako sa sinabi ni Ken.
Natapos na kaming kumain at walang natira. Kala ko pa naman hindi namin kayang ubusin.
Tiningnan ko yung mga tao sa paligid namin at nakatingin pala sila samin habang yung iba ay pinagtatawanan kami at parang pinandidirian.
Yumuko nalang ako. Para naman kaming may sakit na nakakahawa nito. Siguro pinaguusapan nila kung paano kami nakakain sa ganitong lugar.
'Mayayaman nga naman.'
"Ate iihi lang po ako." Sabi ni Ken
"Sige bilisan mo ah tapos uuwi na tayo. Hintayin ka namin dito." Tumango naman siya at mabilis na hinanap ang cr.
Makalipas ang ilang minuto...
"Ang tagal naman ni Ken." Nagaalala na ako dahil hanggang ngayon ay nasa cr parin siya.
"Kira dito ka lang ha, pupuntahan ko lang si Ken." Pagpapaalam ko kay Kira.
"Sige po, hintayin ko kayo dito."
Hinanap ko ang cr. Nagtanong pa ako sa mga waitress at itinuro nila kung saan ito.
"Sino ba ang magulang mo? Paano ka nakapasok sa ganitong lugar? Siguro magnanakaw ka noh. Kebata- bata mo pa magnanakaw ka na."
Nakita ko ang kapatid ko na iyak lang ng iyak.
Dali-dali akong lumapit sa kanya. "Ken? Tama na po Ma'am." Pigil ko sa magandang babae.
"A---ate?" Hirap na hirap niyang sabi. Halos hindi narin siya makahinga kakaiyak.
"Shhh... Nandito na si Ate." Hinagod ko ang likod niya. "Ma'am sorry po. Ano po ba nangyari?" Magalang na tanong ko sa babae.
"Yan kasing magaling mong kapatid, hindi tumitingin sa dinadaanan niya kaya nalaglag ang lahat ng gamit ko. Tatanga tanga kasi." Sabi ng babae at susugurin nanaman sana ang kapatid ko.
"Ma'am tama na po, bata pa po siya". Nagmamakaawang sabi ko sa kanya.
"Sino ba kasi nagpapasok sa inyo dito? Mga magnanakaw siguro kayo noh?" Sabi ng babae.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Wala kang karapatan pagsalitaan kami ng masama." Sigaw ko at dinuro ko siya. "Hindi kami magnanakaw."
Bigla niya akong sinugod. "How dare you na duru-duruin ako ha? Kilala mo ba ako?" Sabi niya habang nakasabunot sa buhok ko.
Gusto kong lumaban ngunit hindi ko na kinaya dahil sumasakit narin yung tiyan ko.
"Ako ang first lady ng may-ari na tinatapakan mo ngayon. Wala kang karapatan na duruin ako." Hinayaan ko nalang siyang saktan ako. Wala naman akong laban at baka pag nasaktan ko pa siya ay magpabayad pa. Wala na nga kaming pera.
Tiniis ko ang sabunot niya sakin kahit sumasakit na talaga ang tiyan ko.
'Baby kapit lang, kaya ito ni Mama' Bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil bigla nalang ako nawalan ng malay.
Nagising ako ng may narinig akong iyak.
"Ate gising na." Rinig kong sabi ni Ken.
"Ken?" Tawag ko sa kapatid ko.
"Ate okay ka lang ba? May masakit pa ba sayo?" Natataranta niyang tanong nang makita niya akong nagising.
"Okay na ako wag ka ng magalala." Sabi ko at pinunasan ko ang luha niya.
Bigla kong naalala ang nangyari.
"Kira nasaan tayo? Bakit tayo nandito?" Tanong ko.
"Ate nahimatay ka po. Over fatigue daw po sabi ng doctor." Sagot niya.
"Ganun ba? Umalis na tayo sa hospital na ito baka singilin tayo ng mahal dito." Tatayo na sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"No one will leave this room." Sabi ng isang baritonong boses.
Napako ako sa kinauupuan ko.
'Kilala ko ang boses na yun!'
Unti-unti kong tiningnan ang nagsalita. Napahawak ako sa aking bibig. I'ts him. Siya yung lalaking nakasama ko nung isang gabi.
Siya ang ama ng anak ko.
"Oh My God."
Kath's POV
Napangiti ako nang makita si Chichi na may hawak na mangga. Ito kasi ang pinaglilihian ko nitong mga nakaraang araw.
"Chi salamat ha." Mabilis kong kinuha yung dala niyang plastik. Umupo ako habang binabalatan ko ang mangga.
Bigla naman akong kinalabit ni Chichi, "Uy girl, balita ko nagkita daw kayo ng ama ng anak mo." Hindi talaga ako makakaligtas sa kachismosahan ng kaibigan ko.
Naisip ko nanaman ang nangyari sa hospital.
*Flashback*
"No one will leave this room."
Its him.
Yung naka one night stand ko at ang ama ng anak ko.
"Mister? Sino po kayo?" Tanong ni Ken.
Tiningnan niya lang ang kapatid ko, hindi man lang niya sinagot.
"Kira isama mo muna si Ken sa labas may paguusapan lang kami." Pinandilatan ko ng mata si Kira at dali daling silang umalis.
Paglabas nila katahimikan lang ang bumabalot sa silid namin.
Yumuko na lamang ako.
"So, wala ka bang sasabihin saakin?" Malamig na sabi niya.
"Sir aalis na po kami, baka mapamahal pa ang babayaran namin dito." Sabi ko. Wala naman kasi akong sasabihin sa kanya.
"Wala kang babayaran dahil sagot ko na ang gastusin mo. Ngayon, tell me, is that mine?" Tinuro niya ang tiyan ko.
Nanahimik lang ako at unti unting tumango. "Why didn't you tell me?" Huminahon na siya.
"Sir sorry po." Sabi ko.
"Are you a slut?" Bigla niyang sabi.
Ganyan talaga siguro ang tingin niya sakin. Tumulo ang luha ko at dahan dahan na tumingin sa kanya.
"Hindi po ako bayarang babae." Galit na sabi ko habang umiiyak.
"Kailangan ko lang gawin yun dahil may sakit ang kapatid ko at mamamatay siya pag hindi ko siya napaoperahan kaagad. Ginawa ko lang yun dahil mahal na mahal ko ang mga kapatid ko at sila rin ang dahilan kaya ako nagsisikap ngayon. Sana nag-iingat ka sa lahat ng salitang sinasabi mo dahil nakakasakit ka! Hindi niyo ako kilala kaya wag niyo akong husgahan kaagad." Tila nabuhusan naman ito ng malamig na tubig sa sinabi ko.
"You're right. I don't know you but you're bearing my child now." Sabi niya.
"So? Kaya kong palakihin ang anak ko ng magisa." Sabi ko.
"NO! It's my child too kaya hindi ko hahayaan na mahiwalay rin siya sakin." Sigaw niya, nanumbalik ang malamig na tono ng boses. "Susundin mo lahat ng utos at desisyon ko." He said.
"Paano kung ayaw ko?" Sabi ko habang nakatitig sa kanyang mata.
Ngumiti siya ng nakakatakot. "You dont know me Miss."
Natakot naman ako sa sinabi niya.
'Sino ba siya? At ano ang kaya niyang gawin pag hindi ko siya sinunod?'
*End of Flashback*
"HOY.... HOY...." Nagulat ako sa sigaw ni Chichi.
"Kanina pa kita kinakausap tulaley ka jan."
"Ha?" Ulit na tanong ko.
"Ewan ko sayo! Sa lahat ng tanong ko, wala ka man lang nasagot! Pasalamat ka buntis ka. Kung hindi baka natuktukan na kita." Sabi niya habang nagbabalat ng mangga.
"Ikaw kaya ang tuktukan ko dyan." Pabirong sabi ko.
"Joke lang naman girl." sabi niya sabay tawa ng malakas.
"Ate!! Ate!!!'' Sigaw ng kapatid ko.
"Bakla andyan na ang mga kapatid ko." Sabi ko kay Chichi.
"Sige na girl, uuwi na rin ako." Paalam niya. Tumango nalang ako bilang sagot.
"Ate tingnan mo 'to. Ang taas ng mga grades namin ni ate Kira." Masayang sabi ni Ken.
"Talaga? Very good kayong dalawa." Sabay yakap sa kanila.
"Ate kumakain ka nanaman ng mangga?" Sabi ni Kira ng mapansin ang isang plastik na mangga.
"Gusto kasi ni baby ng maasim eh." Tumawa naman siya.
Lumapit si Ken sa akin at hinaplos ang tiyan ko.
"Baby, ako ang tito mo, excited na ko makita ka." Singit ni Ken.
"Ikaw talaga. Halika na at kumain na kayo at magpahinga." Sabi ko sa dalawa.
Biglang lumapit si Kira sakin. "Ate magkokolehiyo na ako maiiwan nalang kayo dito ni Ken." Malungkot na sabi ni Kira.
"Okay lang kami dito ni Ken. Isipin mo nalang para ito sa kinabukasan mo. Okay ba yun? Pagbutihan mo ang pagaaral mo ha." Sabi ko kay Kira.
Itinatago ko lang ang lungkot ko. Ayaw ko rin naman siyang mawalay sa amin pero ito nalang ang paraan para makapagkolehiyo siya.
"Si ate Kira talaga pinapaiyak na naman si ate Kath." Pabirong sabi ni Ken.
"Hindi ah, mamimiss ko lang talaga kayo." Singit na sabi ni Kira.
"Ate Kath, hayaan mo yan si ate Kira. Ayaw na ayaw ko ang umiiyak ka. Okay?" Makahulugang sabi niya. Hinawakan niya ang mukha ko at parang tinitigan ito. Ngumiti lang ako sa kanya at ganun din ang ginawa niya.
May tita kasi akong magpapaaral kay Kira. Medyo malayo layo nga lang ang paaralan mula dito sa amin kaya kailangan niyang tumuloy sa bahay ng tita ko.
Kumain kami nang sabay sabay pagkatapos naligo narin sila at gumawa ng assignment nila.
----------
Lumipas ang dalawang linggo naging masaya naman kami. Namamasyal na din kami, sa park na nga lang. Natakot na kasi silang magpunta sa mall dahil sa nangyari noon. Sabi nila pang mayaman lang daw kasi yung mall. Tawa ako ng tawa nung sinabi nila yun.
Umuwi na kami galing park.
"Ate bakit parang ang tamlay ni Ken? Kanina naman ang hyper hyper niya." Sabi ni Kira.
"Baka napagod lang, patulugin mo na siya, susunod na ako sainyo." Tumango naman si Kira.
"Ken halika na susunod nalang daw si ate." Sumunod naman si Ken.
Isinarado ko na ang pinto at naghilamos na rin. Dumiretso ako ng kwarto at nakita ko ang dalawa na hinihintay ako.
Humiga ako sa gitna nilang dalawa. Yumakap naman sakin si Ken, napakalambing talaga ng batang ito.
"Ate ang tagal naman lumabas ng pamangkin ko, maglalaro na nga kami." Inip na sabi ni Ken.
Tumawa lang ako sa sinabi niya. "Hintay-hintay lang magiging tito ka na." Sabi ko.
"Hindi na ata ako makapaghihintay ate." Makahulugang sabi niya.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. "Ate Kira mamimiss kita." Sabi ni Ken
"Matagal-tagal pa naman ako aalis Ken." Sabi niya kay Ken. Alam rin kasi niya na magkokolehiyo na si Kira at kami nalang ang maiiwan dito sa bahay.
"Lalo ka na ate Kath. Mahal na mahal ko kayo pati ang pamangkin ko." Sabay yakap ng mahigpit.
Hindi ko na siya pinansin dahil antok na antok na talaga ako.
~~~~~~~~
Nauna akong nagising. Tulog na tulog parin ang mga kapatid ko, napagod nga kakalaro kahapon.
"Goodmorning girl." Nagulat ako kay Chichi, makiki-almusal na naman siguro dito.
"Girl ang ganda ganda mo parin kahit bago kang gising."
"Ewan ko sayo! Makiki-almusal ka lang dito mambobola ka pa." Natatawa kong sabi.
"Goodmorning ate." Antok na sabi ni Kira.
"Oh gising ka na pala. Gisingin mo na rin si Ken para sabay sabay tayo mag-almusal." Tumango naman siya.
Naghain na ako sa lamesa. "Alam mo bakla----" Naputol ang sasabihin ko ng marinig kong sumigaw si Kira.
"ATE... ATE..." mabilis kaming nagtungo sa kwarto.
"Kira bakit?" Nagaalalang tanong ko.
"Si Ken ayaw magising eh." Pilit niya parin ginigising.
"Chi tumawag ka ng taxi dalhin natin sa ospital si Ken." Nagmamadaling tumawag ng taxi si Chichi.
Binuhat ni Kira si Ken at dumiretso kami sa taxi. Habang nasa taxi tinatapik ko lang ng tinatapik ang kanyang mukha.
Tinakbo namin siya sa ospital at dinala kaagad siya sa emergency room.
Habang naghihintay puro iyak lang ang naririnig ko kay Chichi at Kira habang ako tahimik na nagdadasal. Hindi ako umiyak sa harap nila, patago kong pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa aking mata.
Lumabas na ang doctor.
"Kayo po ba ang pamilya ng bata?" Tumango ako.
"I'm sorry po. We did our best pero mismong siya na ang sumuko." Yang katagang yan ang nagpahinto ng mundong ginagalawan ko.
Biglang nagbagsakan ang luha ko at napaupo nalang ako sa sahig.
"Hindi to totoo. Buhay pa ang kapatid ko! Buhay pa si Ken!" Sigaw ko sa doctor.
Lumapit naman sakin si Chichi at Kira. "Ate tama na po."
"Bakit kinuha agad satin si Ken? Bakit niya pinabayaan si Ken?" Tanong ko habang umiiyak.
"Girl tama na, ang baby mo." Hinihimas ni Chichi ang likod ko ngunit hindi ko parin mapigilan ang luha ko.
Pinatayo na ako ni Chichi at Kira pero iyak parin ako ng iyak, pati sila ay ganun din.
"Gusto ko po makita ang kapatid ko." Sabi ko sa doctor. Tumango naman siya.
Pinapasok kaming tatlo sa loob, pinagsuot kami ng lab gown at mask.
Habang papasok hindi ko mapigilan ang luha ko. Lumapit ako sa kapatid ko.
"Ken, Ken nakakainis ka naman eh... Sabi mo hihintayin mo pa ang pamangkin mo. Diba maglalaro pa kayo... Bakit ka umalis agad? Diba kaya mo? Sabi mo sakin yan." Hindi tumitigil ang luha ko sa pagpatak.
"Mahal na mahal kita kapatid ko." Sa kahuli hulihan hinalikan ko siya sa kanyang noo.
Napahawak ako sa tiyan ko dahil sumasakit.
"Aaahh...!'' Sigaw ko dahil sa sobrang sakit.
Bigla akong hinawakan nila Kira.
"Girl." Sigaw ni Chichi.
"Ate! Doc, Tulungan niyo po kam---." Yan ang huli kong narinig dahil nawalan na ako ng malay.
Kath's POV
It's been weeks mula ng mamatay ang kapatid ko.
Masakit para sakin na iniwan niya na kami. Iniisip ko minsan nandiyan lang siya sa tabi ko.
Nagbabakasakali na panaginip lang ang lahat ng ito. Na buhay pa siya kasama namin.
"Ate, aalis na po ako." Tiningnan ko si Kira.
Aalis na rin si Kira, kailangan niya nang magenroll ng maaga sa kanyang papasukang paaralan.
Hindi ko siya masyadong kinakausap dahil baka maiyak lang ako.
Tumango ako sa kanya tapos tumalikod.
Narinig ko ang mahina niyang hikbi. Palabas na sana siya ng bahay ng pigilan ko ito.
"Kira?"
"Ate." Niyakap ko siya. Kahit ako hindi ko na napigilan ang luha ko
"Ate hindi na ko magkokolehiyo. Dito na lang ako sa tabi mo." Tuloy tuloy na sabi niya.
"Kira diba nagusap na tayo? Magaaral ka ng mabuti para pagtanda mo matutupad ang lahat ng pangarap mo. Diba gusto mo maging Doctor? Diba sabi mo tutulong ka ng mahihirap na katulad natin? Kira para rin sayo ito. Mahal na mahal kita okay? Lagi mong tatandaan yun." Umiiyak na sabi ko.
"Paano ka ate? Wala kang kasama dito." Nagaalalang sabi niya.
"Okay lang naman ako dito. Hindi naman ako nagiisa, andito si baby." Hinawakan ko ang tiyan ko.
"Ate mahal na mahal kita magiingat ka dito ha." Tumango ako.
"Sige na, magiingat ka. Mahal na mahal kita." Tumango naman siya.
Lumabas na siya ng pinto kaya lalo akong napaiyak. Ako nalang pala mag-isa sa bahay na ito.
Isinara ko ang pintuan at nagtungo ako sa kwarto. Humiga ako at hinimas ang aking tiyan.
"Tayo na lang muna baby. Sayang hindi mo naabutan si tito mo. Excited pa naman yun na makita ka. Si tita Kira mo naman kailangan niya munang magaral para matupad ang mga pangarap niya. Yung lagi kong sinasabi sayo lagi mong tatandaan ha. Kapit lang kay mama baby. Wag mo din naman akong iwan dahil baka hindi ko na makayanan pa ang sakit." Pakiusap ko sa anak kong nasa sinapupunan.
"I love you my little angel." Pinunasan ko ang aking luha.
Maya maya may narinig akong katok. Hindi ko sana bubuksan kaya lang palakas ng palakas.
Pagbukas ko ng pinto may tatlong lalaki na naka black suit.
"Kayo po ba si Kathleen Dee?" Sabi ng lalaki.
"Oo ako nga, bakit po? Ano ang kailangan niyo sakin?" Magalang na sabi ko ngunit bigla nila akong hinawakan sa kamay at pilit na pinapasama sa kanila.
"Bitawan niyo ako! Hindi ko kayo kilala." Sigaw ko.
"Wag na po kayo manlaban para hindi kayo masaktan at ang baby niyo." Sabi ng isang lalaki.
'Pano nila nalaman na buntis ako?' Tanong ko sa isip ko.
Hindi na ako lumaban dahil natatakot ako na saktan nila ako pati ang baby ko.
Sumama nalang ako ng maayos sa kanila.
Sumakay kami sa isang magarang sasakyan. 'Ano ba ito? Gagawin ba nila akong prostitute o ano?'
Habang umaandar ang sasakyan, bigla nalang akong naiyak. 'Katapusan ko na ba?'
'Panginoon, wag niyo po kaming pababayaan. Iligtas niyo po kami sa kahit anong piligro. Kahit ako nalang ang masaktan wag lang po ang baby ko.' Mahina kong dasal sa diyos.
"Baba na po Maam." Sabi ng lalaki.
Bumaba na ako at nakita ko ang napakaganda at napakalaking bahay.
Hindi ako umimik at sinundan lamang yung tatlong lalaki.
Dinala nila ako sa parang opisina.
"Hintayin mo dito si Sir." Lumabas na ang mga lalaki.
'Sinong sir ang sinasabi nila?' Nabablanko na ang isip ko. Hindi pa nga ako nakaka move on sa lahat ng pinagdadaanan ko meron na namang bago.
Natigil ang pagmumuni muni ko ng biglang bumukas ang pinto.
Nakita ko ang napakagwapong lalaki papalapit sa harapan ko.
Guess what? Siya yung ama ng baby ko.
Yumuko na lamang ako. Nahihiya ako sa itsura ko. Nakapambahay na bestida lang kasi ako samantalang siya naka office suit. Malay ko ba kasi na magkikita pala kami.
"I heard about the news. You lost your brother." Sabi niya.
Hindi ako umimik.
"And... your sister, Kira nagaaral na siya sa malayong lugar. And you, magisa ka nalang sa bahay niyo. Kaya naisipan ko na dito ka na titira sa bahay ko."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kaya napasigaw ako. "HA? Hindi pwede!"
"Why not? You're bearing my child. Ayaw kong mapahamak ang anak ko." He said.
"Hindi naman ako mapapahama--- " Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Hindi mo kilala ang mga tao."
"Bakit ikaw? Kilala ba kita?" Tiningnan niya naman ako ng masama kaya nakaramdam ako ng takot sa kanya. "I'm sorry."
"My decision is final. Dito ka tutuloy sa ayaw at sa gusto mo." Hindi na ako sumagot. Wala naman na akong magagawa eh.
Sino ba naman ako para labanan siya? Anak niya rin naman ang dinadala ko.
"Hintayin mo dito si Manang." Pagkasabi niya nun ay tuluyan na siyang lumabas.
Umupo muna ako sa silya at huminga ng malalim. Bumukas ulit ang pinto at pumasok ang matandang babae. ''Hija? Ako si Manang Linda, ako ang katiwala ni sir. Sumama ka sa akin ipapakita ko ang iyong kwarto."
Sumunod naman ako sa matanda at dinala ako sa napaka eleganteng kwarto. Halos wala akong masabi. Itong kwarto na ito ay kasinglaki na ng bahay namin.
"Kwarto ko po ito?" Tanong ko.
Tumango naman siya at nginitian ako.
"Uhm... ako nalang po ang magaayos sa sarili ko." Sabi ko kay manang Linda.
Ngumiti lamang siya at lumabas na ng kwarto.
Naligo muna ako at nag-ayos. Kinuha ko ang binigay niyang isang malaking t-shirt at underwear.
Tinawag niya ako na kakain na raw. Nagugutom narin naman ako kaya bumaba na ako.
Hinanap ko sila manang. Wala naman sila dun pero nakahanda na ang iba't ibang uri ng putahe sa lamesa. Isang plato lamang ang nakalagay dun.
Hindi naman ako sanay na kumain sa malaking lamesa kaya napagisipan kong sa kusina nalang kumain.
Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko ang pinagkainan ko.
Gabi na rin naman at nakakain na ako kaya napagdesisyunan kong pumasok nalang sa kwarto.
Lumipas ang oras ngunit hindi parin ako makatulog nagbabahay siguro ako. Sanay kasi ako sa bahay na maliit lang ang higaan ko at naka electric fan lang hindi katulad dito may aircon.
Tumayo muna ako at pumunta sa veranda ng kwarto. Ang tahimik ng buong bahay, ni wala akong marinig kahit na anong ingay.
Mas lalo akong nalulungkot dito. Naaalala ko na naman ang mga kapatid ko kahit kasi dis-oras na ng gabi ang iingay parin nila.
Tumingin ako sa kalangitan at wala ring bituin. 'Nakikiramay ka rin ba sa kalungkutan ko?' Tanong ko habang nakatingin sa kalangitan.
Cough cough
Tiningnan ko kung sino ang tao sa likod ko.
"What are you doing here? Hindi pwedeng nagpupuyat ang mga buntis." Sabi niya sakin.
"Sorry hindi kasi ako makatulog."
"Matulog ka na. Bukas kakausapin kita." Nagtataka akong tumingin sa kanya.
Nagiwas naman siya ng tingin sakin at umalis na.
Huminga ako ng malalim at bumalik na sa aking higaan. Ilang saglit pa ay hinila na rin ako ng antok.
Kath's POV
Bumangon ako ng maaga at inayos ang aking hinigaan.
Nag-ayos ako ng sarili at bumaba na. Nakita kong nakaupo si... Ano ba pangalan ng lalaking to?
"G--goodmorning." nauutal na sabi ko.
"Goodmorning." Sabi niya, hindi man lang ako tiningnan.
Didiretso na sana ako ng kusina ng tawagin niya ako.
"Where are you going?" Nakataas ang kanyang kilay. Talo pa ako nito kung makapagtaray.
"Ahh pupunta sa kusina. Titingnan ko kung may makakain ako. Nagugutom na kasi ako." Nahihiyang sabi ko. Kumakalam na kasi ang sikmura ko.
"Bakit sa kusina? Pwede ka naman sumabay sakin." Sabi niya.
"Wag na." Nahihiyang sabi ko.
"No. Sit here." Tinuro niya ang katabi niyang silya.
Umupo ako sa tabi niya. Ayoko na makipagtalo pa sa kanya.
Kumain na ako, wala kaming imikan hanggang sa matapos. Ilalagay ko na sana ang pinagkainan ko sa kusina ng hawakan niya ang kamay ko.
"Hindi mo kailangan gawin yan, hindi ka katulong dito." Tumango na lamang ako at umupo ulit sa tabi niya.
Bigla siyang nagsalita."Gusto ko na maging maayos ang relasyon natin para sa bata."
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.
'Ito ba yung nababasa at napapanood ko sa tv na papakakasalan niya ko para hindi maging bastardo ang anak ko sa kanya?Pero hindi naman kami nagmamahalan. Ang kasal ay para lamang sa mga taong nagmamahalan.' Naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"I'm not gonna marry you kung yan ang iniisip mo." Ouch ha. Ano ba kasi iniisip mo Kathleen? Na nasa isang palabas ka?
"Gusto ko maging maayos ang relasyon natin para sa bata. I have a girlfriend at papakasalan ko na siya soon." Tila may kirot naman akong naramdaman sa aking puso, May girlfriend na pala siya.
Tumango nalang ako. Ano bang magagawa ko eh mahal niya siguro ang girlfriend niya.
"What is your name?" Tanong niya.
"Kathleen. Kathleen Dee ang pangalan ko." Tumango naman siya. Ang alam ko alam niya na ang pangalan ko.
"I---ikaw? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ko naman sa kanya.
"I'm Ethan Blake Marcova." Tumango naman ako.
Isa siya sa pinakamayamang tao dito sa bansa and at his young age may sarili na siyang kumpanya. Kaya siguro lahat ng gusto niya nakukuha niya. He is a playboy and also a bad boy na mukhang anghel na bumaba sa lupa.
"I have to go." Pagpapaalam niya sakin.
"Sige magingat ka." Sabi ko nalang.
Pumunta ako sa kwarto at huminga ng malalim. Nag isip-isip muna ako.
'Ano ba ang mangyayari sakin at sa magiging anak ko in the future? Lalaki ba siyang walang buong pamilya na katulad ko?'
'I'm not gonna marry you kung yan ang naiisip mo. I have a girlfriend at papakasalan ko na siya soon.'
Tila gusto kong umiyak ng maalala ang sinabi niya. Bakit ba emosyunal pag buntis?
----------
Hinihintay ko si Ethan ngayon dahil may gusto akong sabihin sa kanya at napagisipan ko na itong mabuti.
Nakita ko siyang bumaba sa sasakyan niya. Alam ko pagod siya pero gusto ko na talaga sabihin sa kanya ito dahil sayang ang araw na makakasama ko siya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero gusto ko siya laging makasama dahil narin siguro sa paglilihi ko. Siguro hinahanap hanap ng baby ko ang pagmamahal ng ama niya.
"Ethan wait." Pagpipigil ko sa kanya nang makita ko siya.
"Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya."Pumunta ka sa opisina ko, magbibihis lang ako."
"Okay." Nagtungo ako sa opisina niya, kinakabahan ako habang hinihintay siya.
Maya maya bumukas ang pinto, nakapantulog na din siya.
"Now, talk." Sabi niya.
"Ethan kasi... Alam ko na hindi ko kayang buhayin ang anak ko. Kaya napagdesisyunan ko na pagkapanganak ko iiwan ko siya sayo." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Tila naguguluhan siya sa sinasabi ko.
"Don't get me wrong! Ayaw ko iwanan ang anak ko pero alam ko na may girlfriend ka at magiging soon to be wife mo yun. Kaya napagdesisyunan ko na iiwan ko siya sayo at maaari mong ipakilala sa bata na ang girlfriend mo ang ina niya."
Ngumiti ako. "Hindi ko kasi naramdaman ang magkaroon ng buong pamilya nung bata pa ako at mahirap para sakin yun. Kaya mula noon nangako ako sa sarili ko na bibigyan ko ng magandang pamilya ang magiging anak ko pero mukhang hindi ko yun matutupad sa kanya. Pero ikaw pati ang babaeng pakakasalan mo, pwede niyo siyang bigyan ng maganda at buong pamilya."
"Paano ka?" Tanong ni Ethan saakin.
"Kaya ko naman ang sarili ko eh, kaya kong magtiis makita ko lang na maging masaya ang anak ko. Alam ko naman na hindi mo siya pababayaan." Pormal na sabi ko kahit parang binibiyak na ang puso ko sa sobrang sakit.
Tumango siya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Pero sa ngayon, pwede mo ba akong ituring na higit pa sa isang kaibigan?Pwede mo ba akong alagaan habang buntis ako?" Tanong ko.
Naguluhan naman siya sa sinabi ko.
"Gusto ko kasi maramdaman na may taong nagaalaga sakin. Gusto ko maramdaman na may taong tinuturing akong espesyal para sa kanya kahit sa maikling panahon lang, kahit sa pagbubuntis ko lang, para naman may mababaon akong alaala na kasama kita pati ang anak ko bago ko siya iwanan sayo." Sabi ko at pinunasan ko ang luha ko.
"I-I'll try my best to do that but don't expect too much." Ngumiti ako at tumango.
"Thank you Ethan." Pagpapasalamat ko sa kanya.
"I have to go."
Umalis siya sa harap ko. Umakyat ako sa kwarto at doon ko binuhos ang aking luha.
'Kaya ko bang iwanan ang anak ko? '
Pero mas maayos ang magiging buhay niya kapag dito siya sa ama niya dahil mabibigyan siya ng magandang buhay. Mabibigyan siya ng buong pamilya kasama ang magiging bago niyang ina at si Ethan.
Download to read on the full version!!! One Night with the Bachelor