Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Bakit naman parang nag-iba na ang lugar? Bakit may nakikita na 'kong puno at langit?
Pagtayo ko, laking gulat ko nang makita ko ang paligid. Whatt?
Nasaan ako?
May nakikita akong parang mga temple at palasyo sa malayo. Tapos, may kanya-kanyang negosyo ang mga tao. Yung iba naman, mukhang nagkakagulo. At ang pinagtataka ko, bakit parang pangmakaluma yung suot nila? Anong meron?
Napatingin tuloy ako sa suot kong damit. Whatt? Naka-makalumang hanbok din ako? Ano ba 'tong nangyayari? Ano bang klaseng panaginip 'to?
Naglalakad-lakad pa ako. May nakikita akong mga babaeng naka-hanbok at nagsasayaw. At kagaya nga ng sinabi ko kanina, yung iba nagbebenta at yung iba naman nagsusugal sa gilid. Wait nga lang, hindi ba ganito yung mga napapanood ko sa mga historical kdrama? Bakit ngayon, nakikita ko na? Hayss, siguro napapaniginipan ko kasi naadik na 'ko tama tama!
Nagulat naman ako nang biglang may humawak sa'kin sa balikat.
"Hay buti naman at natagpuan ko na rin po kayo, Lady Seo Na," Nagtatakang napatingin naman ako sa babaeng dumating. Para siyang yung mga tipo ng tagapagsilbi sa palasyo kagaya ng nakikita ko sa kdrama. Pero ano bang sinasabi niya? Bakit niya 'ko kinakausap.
"S-Sino ka?" Tanong ko naman agad sa kanya at napakunot ang noo niya.
"Lady Seo Na, ano po ba kayo. Bakit naman kayo nagtatanong ng ganyan?" Medyo natatawa pa niyang sabi pero halata rin sa kanyang kinakabahan siya.
Pero… Lady Seo Na? Sino yun?
"Sino naman si Lady Seo Na?" Naguguluhan pa ring tanong ko. Wag niyang sabihing ako yun.
"Ikaw po yun. Ano po bang nangyayari sa inyo?" Whattt? Oo nga, ano nga bang nangyayari?
"Ako? Paano-- Hindi! Hindi Lady Seo Na ang pangalan ko. Ako si Z--
"Kayo po si Han Seo Na, bunsong anak ng isa sa mga noblewoman sa palasyo." Kwento pa niya.
Noblewoman? Palasyo? Sa mga kdrama ko lang talaga naririnig yung mga salitang yun eh!
"Sandali! Han Seo Na..so 'Han' ang surname ko?" Tanong ko pa sa kanya. Bakit parang hindi naman niya 'ko naintindihan.
"Serneym? Ano po yun?" Ay oo nga pala! Wala pa palang english sa panahong 'to.
"Ang ibig kong sabihin, 'Han' ang apelyido ko?" Tanong ko ulit at tumango naman siya."Tama, 'Han' naman talaga ang apelyido ko. Pero hindi Seo Na ang pangalan ko." Pag-eexplain ko pa sa kanya. Pero mukhang hindi talaga siya naniniwala sa'kin huhu!
"Ano po bang nangyari sa inyo binibini? Naaksidente po ba kayo kung kaya't wala kayong maalala?" Worried na tanong niya.
"Makinig ka, hindi ako naaksidente. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito…sa lumang panahon." Explanation ko pa ulit at mukhang mas naguluhan siya. Hala jusko naman! Paano ba 'ko maaalis dito? Bakit ang haba ng panaginip na 'to?
"Baka naman ako lamang ay inyong binibiro," Sabi niya pa. Ano? Hindi ako magaling mam-prank 'no. Malamang kung prank 'to, kanina pa 'ko natawa.
"Mukha ba 'kong nagbibiro?" Sagot ko sa kanya at lalo siyang nag-alala.
"Kung gayon ay mukhang may hindi magandang nangyari sa inyo kanina nang magkahiwalay tayo, binibini. Patawad kung hindi kita nabantayan." Malungkot na sabi niya atsaka lumuhod. Hala! Ano bang nangyayari?
"Sandali, sandali. Tumayo ka diyan." Sabi ko at pilit siyang pinatayo. "Sino ka nga ba ulit?"
"Ako po si Jang Yeon, ang tagapagsilbi ng inyong ina. Nagpumilit ka pa pong sumama sa'kin kanina para bumili ng palamuti para sa inyong silid. Noong una ay hindi pa kayo pinayagan ng inyong ina ngunit nangako ako na aalagaan ko kayo. Ngunit hindi ko po iyon nagawa, patawarin ninyo po ako. Karapat-dapat po ako sa kaparusahang marahil ay ipapataw sa akin." Pagpapakilala at pagkwe-kwento niya. Umiiyak din siya. Jusko po! Paano ko ba ipapaliwanag na wala naman siyang kasalanan dahil hindi naman ako si Lady Seo Na. "Kaninang umaga, magiliw pa po kayong nagpaalam kay Master Seo Jeong. Noong una ay pahirapan pa po tayong mapapayag siya ngunit nangako rin po ako na hindi kita pababayaan. Pasensya na tal--
Pinutol ko na ang kwento niya. "Wait, Master Seo Jeong? Sino naman yun?"
"A-Ang kapatid niyo po." Sabi niya habang nagpupunas ng luha.
Kapatid? Eh si Kuya Gemson ang kapatid ko…
Nababaliw na ata ako! Kailangan ko nang magising sa panaginip na 'to!
"Ano ba naman 'tong panaginip na 'to? Bakit ang daming characters? Ang daming pangalan. Huhu!" Bulong ko pa. Paano ba naman, may court lady, may Lady Seo Na, may pa master-master pa na kung ano-ano. Paano ba 'ko napasok dito?
"Panaginip?" Ay, narinig niya? "Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Hindi ba 'ko nananaginip?" Tanong ko pa sa kanya at mas lalo siyang na-weirduhan.
"H-Hindi po…" Medyo ninenerbiyos na sagot niya.
"Sigurado ka? Pwede bang…sampalin mo ako?" Request ko at mukhang nagulat siya. Oo nga 'no, magmumukha siyang walang galang kasi mukha naman yata akong karespe-respetong babae dito and siya yung servant ko tapos sasaktan niya ko.
"Bakit ko po gagawin yun, binibini?" Halatang nag-aalangan talaga siya.
"Dahil sinabi ko." Parang mayorang sabi ko. Huh! Kaya ko 'to. "Kundi ay isusumbong kita sa nanay kong court lady!"
Mukha namang natakot siya sa'kin kaya itinaas niya na ang kamay niya at akmang sasampalin ako. Mukhang ayaw talaga niya ang ginagawa niya pero sorry dahil wala siyang choice. Kailangan niyang gawin 'to para magising na 'ko sa panaginip na 'to at bumalik na rin ang hinahanap niyang si Lady Seo Na.
Napatigil siya kaya nagsalita ako. "Ano? Ituloy mo na!" Utos ko at itinuloy na nga niya.
*PAAKKK!*
Aray! Ang sakit naman pala niyang manampal. Pagtingala ko ay nanlaki ang mata ko dahil..
NANDITO PA RIN AKO!
"Masakit po ba, binibini? Pasensya na po." Nagsalita ulit si Jang Yeon. Omg! Hindi nga 'to panaginip!
"Hindi nga ako nananaginip.." Halos naiiyak nang sabi ko. "Sige, aalis na 'ko. Baka may iba pang paraan."
Bigla akong nagtatakbo. Baka kailangan ko lang mahulog somewhere para magising sa katotohanan.
"Sandali! Lady Seo Na!" Rinig ko pang tawag sa'kin ni Jang Yeon pero hindi ko na pinansin pa.
Nagulat ako nang bigla akong napunta sa tambayan ng mga nagsusugal na lalaki. Halos masuka naman ako nang makita kong parang mas malaki pa ata sa buntis ang tiyan nila dahil sa kaiinom. At isa pa, nakatitig sila sa'kin ngayon. Arghh! Kadiri!
"Isang mayamang binibini," Sabi nung isang mukhang adik at nag-lick lips pa. Eww!
Akma namang hahawakan ako nung isa kaya sinipa ko siya.
Hinawakan rin ako nung iba pa nilang kasama kaya hindi ko na kinaya..
It all went black.
~~~~~~~
"Ano bang nangyari, Jang Yeon?"
"Patawad, Chief. Hindi ko dapat inalis ang aking atensyon kay Lady Seo Na."
Minulat ko ulit ang mga mata ko dahil may naririnig akong mga nag-uusap.
"Paano nangya--Gising na ang Binibini!" Biglang sabi nung lalaki nang makitang nagising na 'ko.
"Lady Seo Na, ano po bang pakiramdam ninyo?" Umupo si Jang Yeon sa gilid ng kama ko. Mukhang nag-aalala talaga siya sa'kin.
"J-Jang Yeon…" Pangalan niya lang ang nasambit ko. Hindi ko alam bakit speechless ako.
"Naaalala niyo na po ako?" Tanong niya sa'kin.
"Ah...oo." Sagot ko na lang. Ayoko nang pahabain pa ang usapan. Bakit kasi nandito pa rin ako? Ewan ko, bakit ang gulo-gulo?
"Sandali lamang, Jang Yeon. Pupuntahan ko lamang si Master Seo Jeong sapagkat hindi ko rin malaman at parang may kakaiba ring nangyayari sa kanya." Paliwanag nung lalaking malaki ang katawan.
Ang natatandaan ko kasing huling nangyari, binuksan ko yung libro na pinatatago ni Lola, kasi parang may something sa libro na yun.
Tapos…tinawag ko sina Ryxen, Dwayne at Kuya Gemson. After that…ano nang nangyari? Bakit ang gulo-gulo ng utak ko ngayon? Argh!
Pero pwede…hindi nga kaya dahil sa librong yun kaya ako nandito ngayon? Pero ang tanong, nasaan sina kuya, Dwayne at Ryxen?
"Ano naman kayang nangyari kay Master Seo Jeong?" Nag-aalalang sabi ni Jang Yeon.
Wait! Hindi ba kapatid ko dito--este ni Lady Seo Na si Master Seo Jeong? Tapos, ako na ngayon si Lady Seo Na. Hindi kaya si Master Seo Jeong ay si…
"Jang Yeon!" Tawag ko sa kanya.
"Bakit po, binibini?" Tanong niya.
"Pwede mo ba 'kong dalhin kay Master Seo Jeong?" Tanong ko.
"Ngunit, binibini. Mukhang hindi pa po kayo maay--
"Hindi. Kaya ko na, may sasabihin lang ako sa kanya." Sabi ko na lang. Kailangan kong magpanggap na feel at home ako sa lugar na 'to. Kailangan kong malaman yung sagot kung bakit ako nandito.
Agad niya akong inalalayan palabas ng kwarto ko--este ni Lady Seo Na para dalhin sa kwarto ng sinasabi nilang si Master Seo Jeong.
"Thank you, Jang Yeon. Iwan mo muna 'ko." Pakiusap ko sa kanya pero bakit mukha na naman siyang naguguluhan? Ay wait, anong nasabi ko? Thank you?
"Ang ibig kong sabihin, salamat dahil hinatid mo ako." Sabi ko at tumango siya.
Pumasok ako ngayon sa kwarto ni Master Seo Jeong. Nagulat naman ako nang makita siyang sinisigawan yung lalaking kasama ni Jang Yeon kanina nung gumising ako sa kwarto ko.
Teka, nagagalit ba siya dahil tingin niya, pinabayaan ako ni Jang Yeon?
Aba! Kailangan ko siyang ipagtanggol!
"Sandali!" Sumigaw ako. At laking gulat ko dahil pagharap ni Master Seo Jeong..
Siya ay si..
Kuya Gemson
"Z-Zeline?" Gulat niya ring sabi.
Wait, tama ba yung narinig ko? Tinawag niya 'kong Zeline?
"Kuya.."
"Pasensya na po, Ginoo. Hindi pa po kayo pwedeng lumabas dahil hindi pa po maganda ang pakir--
"Sige na, ako na ang bahala sa kapatid ko. Iwan mo na muna kami." Echoserang acting ko ulit para lumabas lang siya.
Pagkalabas niya..
"Naaalala mo ba 'ko? Ikaw ba ang kapatid ko na si Zeline?" - Kuya
"Oo, kuya. Naaalala kita. Ako nga 'to." Sabi ko at mukhang nakahinga siya ng maluwag.
"Anong nangyari? Bakit tayo nandito?" Clueless na tanong niya.
"Actually, hindi ko rin alam. Pero feeling ko dahil 'to dun sa libro." Paliwanag ko.
"Anong libro?"
"Yung libro ni lola."
Na-interrupt naman ang usapan namin nang marinig naming may kaguluhan sa labas.
Lumabas kami. Nakita namin si Jang Yeon, yung lalaki, at iba pang mga guards at tagapagsilbi.
"Nagwawala si Prinsepe Ryeong!" Sigaw nung isang guard na ngayon ko lang nakita.
Prinsepe Ryeong? Sino naman yun?
"Hindi mapakali ang dalawang prinsepe at mukhang wala silang maalala. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin!" Halos paiyak nang sabi nung isang tagapagsilbi.
Wait, dalawang prinsepe? Napaisip ako..
Hindi kaya..sina Dwayne at Ryxen yun?
Nagkatinginan kami ni kuya. Mukhang parehas kami ng iniisip.
Sumunod kami sa mga nagkakagulong tao at doon..may naririnig kaming sumisigaw.
"Who the h*ck are you? Pwede bang palabasin n'yo kami dito?" Galit na sigaw ng sinasabi nilang si Prinsepe Ryeong,
Na walang iba kundi si..Ryxen.
At ang isa pang nasa likod niya na halos kapareho niya ng suot ay si.. Dwayne.
Dumaan ako sa mga nagkakagulong tagapagsilbi at hinawi naman nila ang daan para sa'min ni kuya.
"Zeline? Gemson?" Sambit ni Ryxen. Mukhang nagulat siya at ganun din si Dwayne.
"Kami na ni Master Seo Jeong ang bahala sa dalawang prinsepe. Kakausapin namin sila." Sabi ko at nag-signal sa kanila ng 'pasok!'. Pumasok naman kaming apat sa kwarto.
"Zeline, anong nangyayari?" Nagpapanic na tanong ni Ryxen. "Wait, si Zeline ka ba talaga?"
"Kumalma ka, Ry. At oo, ako pa rin 'to, si Zeline." Sabi ko kaya napilitan siyang umupo.
"Bakit? Anong nangyayari? Bakit nandito tayo sa panahon na 'to?" Dagdag na tanong pa ni Dwayne.
"Kaya nga. Tapos ang tawag pa nila sa'kin, Master Seo Jeong. Sino yun?" Nagtatakang tanong pa rin ni kuya.
"I know right! Prinsepe raw kami ni Dwayne tapos ang pangalan daw namin ay Prinsepe Ryeong at Prinsepe Dong Min. Like, who the eff is that?" Naiirita at naguguluhang sabi ni Ryxen.
"Pwede ba? Kumalma kayong tatlo! Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit tayo nandito at nagtataka rin ako kung bakit ako naging si Lady Seo Na!" Sabi ko para magsitigil sila sa pagsasalita.
"Pero sa tingin niyo ba, bakit tayo nandito?" Tanong ulit ni Dwayne.
Nagulat naman kami dahil bumukas ang pinto..
"Mabuti naman at nahanap ko na rin kayong apat," Sabi nung babae na pumasok.
Nung makita ko ang mukha niya..
Wait..