열일곱: Familiar

[열일곱: Familiar]

A/N: Twice's cameo is just for fun. Sorry if we didn't update the story for so long. But here we are, back and still kicking. But the story will still have slow updates, sorry for that. Enjoy reading!

~~~~~

Nanlulumo akong bumalik sa kwarto ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, bakit ba kailangang gawin ko pa ang gusto nila? Bakit kailangan ko pang magpakasal sa isang babaeng hindi ko naman kilala?

Maya-maya pa...

"Kamahalan," May narinig akong boses kaya tumayo ako agad.

"Yeon--Ah, anong kailangan mo?" Isang court lady lang pala ang tumawag sa'kin. Akala ko tuloy si Jang Yeon na.

"Naghihintay po ang Empress sa labas."

Tch, ano na naman ba yun?

"SIge, lalabas na lang ako." Sabi ko naman sa court lady.

Paglabas ko...

"Wangja-nim, joheunal"

*Translation: Your Highness/My Prince, good day to you.*

Sabi ni Lady Kim at nagbow sa'kin. B-Bakit nandito siya?

"Sandali, ang sabi sa'kin nung isang court lady ang empress raw--

"Opo, mahal na prinsepe. Inutusan ko siya upang sabihin na ang empress ang naghihintay sa inyo dahil alam ko rin namang hindi niyo ako gustong makausap.."

Awts, aaminin ko medyo naawa ako sa kanya kaya nga lang..agh, ang hirap ng sitwasyon namin.

"Hindi naman sa hindi kita gustong makausap, ganito lang ka--

"Naiintindihan ko naman po. May iba po kayong gusto at hindi ako iyon.." Malungkot na tugon niya. Hays, nakakaawa siya pero nakakainis at the same time. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba 'kong mag-explain sa kanya o hindi? Tsk.

"Um, ito tanong lang. May..gusto ka ba sa'kin?" Nadismaya naman ako nang titigan niya lang ako at yung tingin niya..may pagtataka.

"Ah, k-kamahalan.." 

"Uh, wag kang mag-alala, hindi naman kita pinepres--minamadali. T-Tinatanong lang din naman kita.." Tumingin ako sa ekspresyon ng mukha niya pero..puro lungkot talaga ang nakikita ko. "Oh sige, kahit wag mo nang sagutin, ok--ayos lang hehe."

Bumuntong-hininga naman siya at nagsalita..

"Johahae, wangja-nim.."

*Translation: I like you, Your Highness.."

Sabi niya at tumalikod na..

"Geuligo.. naneun dangsin-i naleul joh-ahage mandeulgi wihae modeun geos-eul hal geos-ibnida." 

*Translation: And..I will do everything to make you like me."

Sandali, anong ibig niyang sabihin?

-- LEE RYEONG --

Hays, saan ba 'ko dadalhin ni Seo Na?  Kanina pa niya 'ko hinihila, napapagod na 'ko, tsk!

"Ya uri eodiganeungeoya?" Sigaw ko. Hays, ang dami na naming napupuntahan. It's so tiring..

*Translation: Hey, where are we going?*

Bigla naman kaming tumigil..

"Gutom ka na?" Tanong naman niya. Hays, ewan ko pero napaka-weird niya. Hindi niya na kasi ako tinatawag na prinsepe/kamahalan or whatsoever. Hindi na siya gumagalang, psh!

"Hindi. Pagod na 'ko. Kanina pa tayo pagala-gala oh," Pagsusungit ko. Hindi ba obvious?

"May pupuntahan tayo at for sure, magugustuhan mo 'yun." Sabi niya na lalong nagpakunot ng noo ko. What? Anong trip niya ngayon?

"Hey hey, wait. Saan ba kasi? Tsaka bakit ba tayo palabas-labas ng may virus?" Nagtataka ako. Ngayon pa siya nag-ayang lumabas.

"Wag kang mag-alala kasi last naman na 'to. Sa susunod mukhang hindi na tayo makakalabas pa ng kagaya nito. " Ano namang meron sa kanya? Bakit parang napaka-madrama niya?

"Huy, ok ka lang?" Tanong ko naman. Para kasing hindi eh.

"Oo naman! Wag mo na 'kong alalahanin, wala naman akong ibang nararamdaman." Ang weird niya talaga, tas kanina pa siya hawak ng hawak sa dibdib niya. Sandali nga, nahihirapan ba siyang huminga?

I was about to speak but there's something that stopped me. I'm worried but I thought..I'll just use another way in cheering her up.

~ FAST FORWARD ~

-- HAN SEO NA --

Agh, finally nandito na kami dahil kanina pa 'ko kinukulit ng prinsepe na 'to.

"Seo Na!"

"Oh, ano ba?" Napakakulit talaga niya. Tanong ng tanong.

"Ano ba talagang gagawin natin dito? Ang boring na kasi eh. Pagmamaktol ulit niya. Wala na bang gagawin 'to kundi puro ganito?

"Maghintay ka. Hindi pa kasi lumalabas ang mga magpeperform," Inirapan ko siya. Hays. Oo nga 'no, ba't nga ba ang tagal?

Maya-maya pa, may siyam na babaeng naka-hanbok ng pang-perform ang dumating. Ah, baka sila na yung hinihintay namin. 

"Annyeonghaseyo, satang geulub imnida! Oneul urineun gong-yeon hal geos-ibinda. Jeulgyo!"

*Translation: Hello, we are the candy group! Today we are going to perform. Enjoy!*

Wait, ano daw? Candy group? Akala ko ang pangalan ng mga kpop groups sa present ang corny, may mas corny pa pala. 

Pero..bakit parang pamilyar mga mukha nila sa'kin?  Kilala ko ba sila?

Nagulat naman ako nang bigla akong paluin ng prinsepeng katabi ko. Problema nito? 

"S-Seo Na!" Gulat na parang kinikilig niyang sabi habang nakatitig sa stage. Bakit ba siya nagkakaganito? Wala naman yung twice di--

Wait, what? TWICE?

"Seo Naaaaaa!"

Hala! Totoo ba 'tong nakikita ko? Kamukha nung mga babaeng sumasayaw sa stage yung kinababaliwan nitong si Ryeong na twice!

"Nandito sila, Seo Na!" Tuwang-tuwang sabi nung prinsepe. "P-Pero paano sila napunta dito?"

Hindi kaya..yung sa twice sa past life nila yung mga nakikita namin ngayon?

"H-Hindi ko rin alam. Ito ata ang past life ng mga iniidolo mo sa present."

"Hays, bahala na kung past life man sila o ano." Nagulat ako kay Ryeong dahil biglang..

Sumigaw siya, "WHOOOOO!! IM NAYEON! YOO JEONGYEON! MOMO JJANG! SANA JJANG! PARK JIHYO! MINA JJANG! KIM DAHYUN! SON CHAEYOUNG! CHOU TZUYU!--

Teka, ano bang ginagawa niya? "Hoy! Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo, nakakahiya ka!"

Nakatingin na sa kaniya ngayon ang lahat at nagtataka sa ginagawa niya, pati yung mga performers.

"Bakit b--

Magsasalita pa sana siya nang mapansin niya na nakatingin na ang lahat sa kaniya. 

Bigla namang lumapit yung isa sa mga bantay, "Hoy! Sino ka? Bakit ka nangugulo dito?"

Hala patay. Mukhang mapapaalis pa ata kami dito ah.

"Uh, pasensya na po. H-Hindi ko po sinasadya.." Napayuko siya. Hays, yan kasi.

"Jugo sipni? Yeogiseo naga!"

*Translation: Do you want to die? If not, get out of here!*

"Araseo." Ako na lang ang sumagot at hinila si Ryeong papalabas. 

Nang makalabas kami..

"Hays, grabe ka, pinahiya mo 'ko!" Pagmamaktol ko sa kanya

"Sorry na nga. Sino ba naman kasing mag-aakala na dito ko pa makikita yung siyam kong asawa?" Tsk, asawa? Nag-aadik ba siya? "Kaya siguro hindi ako nakakapunta sa mga concert at fansigning events sa present kasi may tamang panahon talaga para makita sila HAHAHA!"

Nananaginip ata 'to ng gising eh. 

"Asawa ka diyan. Kung tignan ka nga nila, parang sukang-suka sila sa'yo."

"Grabe ka naman sa sukang-suka. Nagwapuhan din sila sa'kin, for sure. Nagulat lang talaga sila sa ginawa ko." Confident pang saad niya.

"Sige, sabi mo 'eh." 

Napa-pout siya, "Saan na ba tayo pupunta?"

"Kung saan mo gusto." Sagot ko.

"Huh? Eh bakit ako?"

"Nagdecide naman kasi akong lumabas para makapag-enjoy ka kahit hanggang ngayon na lang," Medyo nagtaka siya sa sinabi ko. "Hindi kasi natin alam kung ano pa ang mga mangyayari. Pwedeng bukas, marami na ang magbago at mawala. Kaya habang na sa'yo pa at hawak mo pa, mas magandang sulitin mo na para wala kang gaanong pagsisisihan."

"Hays, sabagay tama ka." Pag-agree niya. "Pero..ano ba yung bagay na yun?"

"Bagay na?" Nagtatakang tanong ko.

"Yung sinasabi mong bagay na hindi mo alam kung nasa'yo pa sa mga susunod na araw?"

Ah yun ba? Eh di ikaw..

"Ah yun ba? Wala yun. Siguro ito, itong nakakahinga pa 'ko ng maluwag at maayos." Pagdadahilan ko. Hays ewan ko ba, ang sabi ko naka-move on na 'ko sa kanya pero heto pa rin ako. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko minsan.

Lalakad na sana 'ko kaso napansin kong napatigil siya, "Huy, tara na."

"Seo Na.." Nagtaka ako kasi lumapit siya sa'kin. Hindi lang basta lapit, as in sobrang lapit

"Oh? B-Bakit ba ang l-lapit mo?"

"Don't worry, okay? Kung natatakot ka na baka maraming magbago, may isang bagay na hindi mawawala sa'yo.." Sabi niya habang hawak ang kamay ko. Hala, bakit ba 'ko kinakabahan?

"A-Ano naman yun?"

"Ako.."

"Ako.."

"Ako.."

Wait. Tama ba yung dinig ko? "Ako" ba talaga yung sinabi niya

"Oh ba't natulala ka diyan?" Natatawang tanong niya. 

"I-Ikaw kasi, kung ano-ano sinasabi mo diyan." Lutang kong sabi. 

"That's true, Seo Na. I won't seriously leave you. Diba sabi ko nga sa'yo, ako ang protector mo?"

Tumango na lang ako.Hays, sige na nga lang.

*BOOOM!!!*

Halos mapatalon ako nang may marinig akong sumabog. Sandali, saan galing yun?

"Seo Na, are you alright?"

"O-Oo.."

Hinatak niya 'ko papalayo. Kung ano man yun, I hope hindi na 'yun makadagdag sa proproblemahin namin. Wag na sanang maging mas masama pa.

--HAN NA RA --

Naghanda na 'ko ng gamit at dahil kailangan ko nang pumunta ng palengke. Pasawaw kasi si Seo Na at tinakasan pa 'ko. Ako tuloy ulit ang mamamalengke ngayon. 

Bago ako dumiretso, pumunta muna 'ko sa bahay nina Hae Ra at Lady Song. 

"Eotteokhe jinae?"

*Translation: How are you there?*

"Annyeonghaseyo, Lady Han." Binati nila ako at nagbow.

"Maayos naman po kami rito, maraming salamat sa tirahan na ibinigay ninyo sa amin." Sagot sa akin ni Hae Ra

"Tama. Isang malaking pasasalamat ang nais kong ibigay sa iyo dahil sa kabaitan mo." Sagot tin ni Lady Song.

"Ayos lang iyon. Kaibigan naman kita, Lady Song at parang anak ko na rin si Hae Ra. Lumaki siya kasabay nina Seo Na at Seo Jeong." Nakangiting sabi ko. "Oo nga pala, napadaan lang ako rito. Kailangan ko na ring umalis dahil magluluto pa ako mamaya."

"Sige, magkita na lang tayo mamaya." - Lady Song

Aalis na sana ako nang biglang, "Lady Han!"

"Bakit, Hae Ra? May kailangan ka pa ba?" Sagot ko

"Itatanong ko lang po sana kung..anong oras po makakauwi si Seo Jeong?" Napangiti naman ako. Yun lang pala ang itatanong niya. Mukhang sabik siyang makita ang binata ko.

"Hindi ako sigurado pero wag kang mag-alala dahil bibisitahin ka naman niya." Sabi ko at tuluyan nang umalis.

Habang naglalakad ako..

*BOOOMM!!!*

~~

A-Anong nangyari? 

Mga ilang segundo rin siguro akong natumba. Sobrang lakas ng pagsabog.. 

Na 'ko, paano na sila Seo Na? Saan ba kasi nagpunta ang mga iyon? Hindi ko sila makita!

Sinubukan kong tumakbo ng tumakbo. Sa sobrang gulo ng paligid, hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

Hanggang sa..

Biglang may humila sa'kin papunta sa isang madilim na eskinita. Itim ang suot niya sa buong katawan at mata lang din ang nakikita sa kanya. Kung ilalarawan ko siya sa modernong paraan, animo'y isa siyang ninja.

Tinakpan niya ang aking bibig kahit wala naman akong balak na sumigaw.

"Mhmm.." Sinubukan kong magsalita.

"Huwag ka nang magsalita, kung ayaw mong may makakuha sa iyo. Itikom mo ang bibig mo, ako na ang bahala sa iyo.."

S-Sandali..

Ang boses at tindig niya..

Pamilyar ito sa akin.

S-Sino ba siya?

[TO BE CONTINUED..]