Nagising ako sa kadahilanang naramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo. Namalayan ko nalang na nakahiga pala ako sa loob ng isang clinic. Babangon na sana ako ng may dumating na isang matandang lalaki sa aking harapan.
"Sir, huwag muna kayong bumangon. Magpahinga na muna kayo sapagkat matindi ang mga galos n'yo sa katawan." Napatingin ako sa gawi ng nagsasalita habang hawak-hawak padin ang aking ulo. Nahihilo ako. "Natagpuan ko kasi ka'yo sa flagpole na nakatali. Nung itinapon ko ang basura. Nakakaawa talaga ka'yo Sir. Ano ba ang nangyari at andun ka?"
Napatingin ako sa aking relos. What? 5 PM na? Ang tagal ko rito sa loob ng clinic. First day, nagcutting ako nang dahil sa babaeng iyon.
Lumabas ako agad sa clinic. "Sir saan ka pupunta? Kailangan mo pang icheck-up uli ng nurse." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglakad. Hays! Worst first day of classes.
Hindi ko iniinda ang kapaguran at sakit na kasalukuyan kong naramdaman. Pumunta ako sa silid-aralan ngunit wala na akong nadatnang mga estudyante roon at nakapadlock na lahat ng mga pintuan. Paano ko matatawagan si Manong kung andun ang cellphone ko sa bag?
Hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad. Kahit kailan!
Binubully niya ako at isa itong malaking mali.
"Ito ba ang sadiya mo?" Napaangat ako ng tingin nang may nagsalita sa aking harapan. Naagaw ko ang atensyon ng bag na hawak niya.
Iniabot niya ito sa akin ng kusa.
"Walang-anuman Davidd." Tiningnan ko siya ng maigi. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga kaklase ko.
"Therese nga pala," iniabot niya ang kamay n'ya sa'kin. "Kung hindi ako nagkakamali ay kaklase kita?" Tumango siya. "Anyway, salamat uli rito." Buti nalang ay nasa kaniya ang bag ko.
"Huwag kang magpasalamat sa akin Davidd. Kundi kay Aynne."
"Kay Aynne?" hindi makapaniwala kong sabi. Pakitang-tao rin pala siya.
"Inihabilin n'ya sa akin na hintayin kita rito para riyan," turo niya sa aking bag.
Kung si Aynne nga...
Tiningnan ko nang mabilisan ang loob ng aking bag kung andun paba ang mga gamit ko at kung may pinagagawa siyang kalokohan sa aking mga gamit.
Nakapante naman ako nang masilayan na andun lahat ng gamit ko. "Sige Davidd, kailangan ko ng umalis." Tumango ako at tiningnan siya nang dahan-dahang umalis.
Tinawagan ko si Manong upang sunduin na niya ako.
Tinahak ko na ang hagdanan at kasalukuyang nasa labas ng gate.
Asan na kaya si Manong? Medyo kanina pa ako andito.
Naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin. Madilim nadin yung kalangitan. Mukhang uulan ngayon. Paano na hindi ako nakadala ng payong.
Medyo masakit padin ang ulo ko at ramdam ko ang sakit ng aking katawan. Ang daming nangyari sa araw ko ngayon ng dahil sa babaeng iyon.
Hanggang kailan ako magtitiis?
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ang malas!
Maghahanap na sana ako ng masisilungan ngunit nabigla akong may humawak sa braso ko ng mahigpit.
"Dito ka sumilong." Hinila niya ako papunta sa kaniya at pinasilong. Hindi ko kayang kasama siya.
"Huwag na. Hindi ko kailangan iyang payong mo." Aalis na sana ako uli nang hinila na naman niya ako. Ano ba talaga ang problema ng babaeng ito?
"Kapag sasabihin kong dito kalang ay dito ka," pilit niya sa akin. Nakakainis!
"Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin sa akin uli Aynne." Natahimik nalang siya bigla at seryosong nakamasid sa kung saan. Hindi nalang ako umalis sapagkat baka may mas mangyayari pang malala kung hindi ko siya susundin. Tahimik lang siya at hindi niya ako tinapunan ng tingin.
"Ano bang atraso ko at pinagagawa mo sa akin ito lahat?" Hindi niya parin ako tinapunan ng tingin. Para akong nakipag-usap sa hangin. "Kung tungkol sa pagkabangga mo iyon kaya mo ito ginawa ay hindi iyon sapat na dahilan. Sapagkat sumusobra na'to."
Bigla siyang tumingin sa akin at seryosong tinitigan ako. "Hindi lahat ng inaakala mo ay yun na. Huwag kang mag-akala upang hindi ka masaktan."
Ano itong pinagsasabi niya?
"Hindi lahat ng inaakala mo sa lugar na ito ay yun na sapagkat maaaring kabaliktaran iyon sa inaakala mo," dagdag niya. Hindi ko alam kung ano talaga ang nais niyang sabihin. Akala siya ng akala.
"Anong ibig sabihin mo? Anong nais mong iparating?" Mas tinitigan niya ako ng maigi sa mata na mas ikinapukaw ng aking kaba. "Once binubully kita, magpasalamat ka nalang." Nagiba ang hitsura ko sa narinig.
"Talaga? Magpasalamat?" Napatawa ako sa sinabi niya. Isang malaking imposible itong nais niya. "Imposible ka!"
"Hindi ko dapat pang ipaliwanag iyan. Gawin mo nalang."
"Hinding-hindi ko ugaling magpasalamat sa taong nanakit sa akin," tugon ko at agad siyang iniwasan ng tingin. Nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari. Tinulak niya ako at kaagad na naramdaman ko ang gaspang na kalsada sa aking mukha.
Aynne sumusobra kanaaaaaa!
Naramdaman ko ang hapdi nang aking buong katawan. Mula ulo hanggang paa ay iyon ang aking natamasa. Ang daming hindi kaaya-ayang nangyari sa araw ko. Ang araw na ito ang pinakamalala sa lahat.
Hindi kailanman kita mapapatawad Aynne Alexis. Isa kang malas na dumating sa buhay ko. Isang malas na sobra kong disgusto. Ngayon palang kita nakilala ay nahinuha ko sa aking sarili na hindi kita kailanman pagpapakatiwalaan. Mga pahamak lamang ang ibibigay mo at nang dahil dun malabong magpasalamat ako sa isang taong katulad mo. Na walang ibang intensyon kundi ang ipahamak ang iba. Isang babaeng makasarili. Walang ibang iniisip kundi ang sarili. Lahat ng iyon ay alam kong pag-uugali niya.
Kahit kailan ang isang babaeng tulad niya ay hindi ko matatanggap.
Isang babaeng pahamak.
Isang babaeng malas.