Kabanata 1
Glass
Malapad na ngiti ang gumuhit sa labi ko habang pinagmamasdan ang bukangliwayway. Naglalakad lang ako papuntang eskwelahan dahil nanghihinayang ako sa pamasahe, 'saka medyo malapit lang naman 'to sa inuupahan ko. Sunod sunod na busina ang nagpahinto sa'kin. Nilingon ko ang kotseng nasa likod ko at bahagya akong nadismaya nang makita ang nakangising mukha ni Xian na naka-dungaw sa bintana. Kailan n'ya ba ako titigilan?
"Napaka-bagal mo maglakad, ano bang akala mo? nasa mall ka?" Tinaasan ko s'ya ng kilay dahilan ng pag-tawa n'ya. "Sumakay kana."
"Salamat nalang," Magpapa-tuloy na sana ako sa paglakad nang may humawak sa braso ko. Naramdaman ko ang paglapit ng mukha n'ya sa gilid ng aking tainga. "Umarte ka ng naa-ayon sa mukha mo."
"Bitawan mo ak—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang buhatin n'ya ako papunta sa kotse n'ya. "Ibaba mo ako!" Madiin kong sabi habang sinasabunutan s'ya.
"Aww" aniya na ini-inda ang sakit. Sapilitan n'ya akong pinasok sa kotse, isang malaking ngisi ang puminta sa labi n'ya habang nilalagyan ako ng seatbelt. Napailing s'ya nang sampalin ko ang kaliwang pisnge n'ya. "Magsisisi ka dahil sa ginawa mo," Madiin n'yang sabi habang nakatingin sa'kin ng matalim.
Tinuon ko ang atens'yon sa bintana habang abala s'ya sa pagmamaneho. Mabuti na rin at sinakay n'ya ako, hindi na madadagdagan ang paltos sa paa ko dahil sa suot kong gumang sapatos. Palagi n'ya akong pinagtatawanan sa tuwing nakikita n'ya ang butas nito sa ilalim. Kasalanan ko bang 'wala akong pambili ng bagong sapatos?
Nang matanaw ng mga studyante ang kotse ni Xian, agad nila itong sinalubong. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sakanila. "Get out," Malamig n'yang sabi na hindi inaalis ang tingin sa harap. Inalis ko ang seatbelt na nakakabit sa katawan ko at lumabas, halos hindi maipinta ang mukha nila habang nakatingin sa'kin. Kinapa ko ang earphones sa bulsa ng suot kong palda na hanggang tuhod at dali-dali itong sinuot para hindi marinig ang nakakabinging bulungan nila.
Nagtungo ako sa locker room para kunin ang uniform ko. Bachelor of Science in Hospitality Management ang kinuha kong kurso kaya tuwing wednesday kitchen essentials lang ang subject namin, buong araw kaming nagluluto. "Magkasabay kayong pumasok ni Xian?" bungad sa'kin ni Stacey na kasalukuyang nag-aayos ng buhok para lagyan ng hairnet.
Sinusian ko ang locker bago s'ya sinagot, "Pa'no mo nalaman?" Tanong ko habang sinusuot ang checkerd pants, inalis ko ang suot kong palda at tinupi bago nilagay sa loob ng paper bag.
"Narinig ko sa mga studyante kanina sa corridor" tumango-tango lang ako, "Mukhang titigilan kana n'ya" aniya habang tinatalian ang buhok ko.
"Hinding-hindi magyayari 'yon," Sinuot ko ang chef's jacket, apron at toque (chef's hat) bago s'ya niyaya sa HM laboratory.
Wednesday ang pinaka-ayaw kong araw kasi masyadong malapit sa'kin si Xian, ka-grupo ko s'ya at ang kaibigan n'yang si Sam López, mabuti nalang at kasama ko si Stacey. "Peach and banana crumble with sweetened cream ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Sam habang inaayos ang mga gagamitin naming ingredients, tumango ako at tiningnan si Xian na abala sa pag-kain ng saging.
Umiwas ako ng tingin nang dumapo ang mata n'ya sa gawi ko. "Kumuha ka ng glass bowl sa stock room," Utos n'ya habang ngumu-nguya, tiningnan ko s'ya 'saka tinaasan ng kilay.
"Bakit hindi ikaw ang kumuha?" Bakas sa kayumanggi n'yang mata ang pagka-gulat.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Tanong n'ya habang naglalakad palapit sa'kin. Gusto ko s'yang suntukin sa mukha dahil sa kayabangan n'ya pero hindi ko p'wedeng gawin 'yon, sila ang may ari ng AC University kaya siguradong maaalis ang scholarship ko kapag sinuntok ko s'ya. Napabuntong hininga ako nang maisip na hindi nga s'ya humahawak ng kahit anong kitchen utensils kumuha pa kaya nito sa stock room. Hindi ko alam kung bakit hospitality management ang kinuha nya, hindi naman sya tumutulong magluto, wala s'yang ginagawa kundi kumain lang ng mga sangkap.
"Ano pang hinihintay mo, kumuha kana," Singhal n'ya. Kinuyom ko ng mahigpit ang kamay ko bago naglakad patungo sa stock room. Habang naglalakad ako pabalik, nakita ko s'yang nakatayo sa gilid ng hallway. Pinilit kong hindi tumingin sa gawi n'ya para hindi n'ya ako mapansin. Mabilis akong naglakad nang makarating ako sa tapat n'ya, "Wait," Sambit n'ya bago hinarang ang kamay sa dinadaanan ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang sagiin n'ya ang dibdib ko, "Walang hiya ka!" Bulyaw ko bago s'ya sinampal ng malakas sa kaliwang pisnge, namula ito dahil sa lakas ng pagkaka-sampal ko.
Pinatong n'ya ang dalawang kamay n'ya sa balikat ko at hinawakan ito ng mahigpit, napapikit ako dahil sa sakit. "Nakaka-dalawa kana," Titig na titig sa'kin ang galit n'yang mata. Tinulak n'ya ako ng malakas kaya napa-upo ako sa sahig at nabitawan ang hawak kong glass bowl. Napangiwi ako nang makaramdam ng sakit sa bandang p'wetan. 'Walang ibang tao dito dahil oras ng pasok. Nanlumo ako nang makita ko ang napira-pirasong bowl, kailangan ko nanaman maglinis ng cr bilang kabayaran nito. Isa isa ko itong pinulot 'saka tumingala nang makitang nakatayo parin s'ya sa harap ko, nakatitig lang s'ya sa'kin, 'walang kahit konting awa sa mga mata n'ya.
"Balang araw magsisisi ka rin sa mga ginagawa mo sa'kin" Madiin kong sabi bago inalis ang tingin sakan'ya.
"Ang tagal naman dumating ng araw na 'yon," 'walang kahit konting konsens'ya sa boses n'ya. Napatingin ako sa makintab n'yang sapatos na umapak sa isang butil ng bubog. Sinulyapan ko s'ya habang naglalakad palayo sa'kin.
****
Habang nilalampaso ko ang sahig ng palikuran ng mga babae, naramdaman ko ang lamig sa talampakan ko. Binitawan ko muna ang hawak kong mop para alisin ang medyas ko. May butas sa ilalim ang suot kong sapatos kaya pinapasukan ito ng tubig. Nilapag ko muna ang hinubad kong medyas sa lababo 'saka nagpatuloy sa pag m-mop. Pumasok ako pinaka-unang cubicle para linisin ito. "Who the hell left this dirty socks?" agad akong lumabas para kunin ito pero paglabas ko, natapon n'ya na sa basurahan. May pandidiring tiningnan n'ya ako bago naglakad paalis. Lumapit ako sa basurahan para kunin ang isang pares kong medyas. Hindi n'ya ba alam na kakabili ko lang nito? Bente-singko ang bili ko dito tapos itatapon n'ya lang? Sabagay mayaman s'ya kaya balewala lang ang gano'ng halaga sakan'ya.
Tinapos ko nalang ang paglilinis at nagtungo sa palikuran ng mga lalaki. Sumilip muna ako para tingnan kung walang tao. Kasalukuyan kong nila-lock ang pinto nang marinig kong bumukas ang isang cubicle. "What the hell are you doing?!" Nilingon ko ang nagsalita. Nakakunot ang noo n'ya habang matalim na nakatingin sa'kin ang light brown n'yang mata, bumaba ang tingin ko sa suot n'yang itim na slacks. "What you looking at– f*ck!" Agad s'yang tumalikod para isara ang zipper n'ya. Pakiramdam ko uminit ang katawan ko. Ngayon lang ako nakakita ng gano'n kaumbok, parang katulad sa mga modelo ng brief.
Humarap s'ya sa'kin at tinitigan ako, "I won't forget you" Madiin n'yang sabi bago ako pinatabi para pihitin ang doorknob. Naiwan akong nakatulala habang nakatingin sa repleks'yon ko sa salamin. Bakit ngayon lang ako nakaramdam ng pagka-hiya?
Wala ako sa sarili habang naglalakad patungo sa locker room para kunin ang pamalit kong damit. Nakakapagod ang araw na 'to. Maghapon kaming nakatayo sa laboratory tapos dumagdag pa ang paglinis ko ng banyo. "Peklat," Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Xian. Peklat? Mukha ba akong peklat? Naramdaman ko ang kamay n'yang humawak sa braso ko ng mahigpit.
"Hiindi ka ba napapagod? Alas otso na Clyde, magpahinga ka naman. Hayaan mo naman akong magpahinga" mahinahon kong sabi habang nangungusap ang mga mata kong nakatingin sakan'ya. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak n'ya sa'kin hanggang sa tuluyan n'ya na itong bitawan.