Linda P.O.V
Akala ata nang babaeng to ay mauutakan niya ko. Hindi ako papayag nasa isang losyang na babae na to lang ang makakatikim kay Baby Eight! Mas maganda naman ako kesa sa babaeng to nuh!
Pinagmasdan ko siya ng mabuti habang nakatali, buti nga sa kanya.
Omyghassssh talaga! I can't believe na jowa niya tong walang dibdib na to! Mas bagay kami ni Eight nuh!
Ang lakas talaga ng dating Eight. Mas lalong nag matured ang face niya at pangangatawan, mas lalo tuloy akong naaakit. Ngayong wala ng mang gugulo samin. Ano kayang feeling nang maikama niya? I'm so excited!
Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlo kong tauhan.
*****
Rebecca P.O.V
"Ano nadukot niyo ba yung isa?"
Nagising ako sa ingay na naririnig ko.
"Hindi mam bantay sarado ng mga kasama niya eh."
"What the--!! Isang babae lang hindi niyo pa makuha?! MGA STUPID!"
"Eh kasi Mam hindi talaga namin malapitan yung pinapadukot niyo kasi kasama niya lahat yung mga lalaki" sagot ng isang lalaki
Nadukot nga pala ko! Napakamalas naman talaga oh! Lagi na lang ako nakikidnap nakakainis naman!
"MGA BOBO! TANGA!!! Nag suot pa naman ako ng sexyng damit! Para mapakita ko dun sa girlfriend ni Bronze na mas maganda ko sa kanya!!"
"Sorry talaga mam."
"Bumalik na nga kayo sa pwesto niyo! Ayokong makita ang mga muka niyo!"
Agad na nag alisan ang mga tauhan niyang mga panget.
"Edi sana may Bronze at Eight akong matitikman ngayon! Arrggg! Bwisit!" sigaw niya.
Biglang lumingon sakin si Linda na linta.
"Gising ka na pala losyang girl?"
Ano daw? Losyang? Gago pala to eh!
Agad niyang tinanggal ang tape sa bibig ko at umupo sa harap ko.
"Pakawalan mo ko dito!" sigaw ko sa kanya.
"Para ano? Agawin mo sakin si Eight? Akin lang siya HAHAHAHAHA!"
"Sira nga talaga ang utak mo." sabi ko.
Natigilan siya sa pagtawa.
"Anong sabi mo?" tanong niya.
"Ang sabi ko baliw ka! Hindi ka lang malandi may sira ka din sa utak!" sigaw ko sa kanya
"Mas malandi ka, siguro ginayuma mo si Eight para magustuhan ka niya! Imposible naman kasing mag kagusto sayo si Eight, eh ang panget panget mo! You're so desperate!"
"Ako pa ang desperada? Sino kaya dito yung nandukot pa ng tao para lang makakuha ng simpatya sa mga lalaki?" sagot ko sa kanya
Nanlilisik na ang mga mata niya, sana lumuwa yan at mamatay na siya.
"Magsama kayo ng bestfriend mong losyang din katulad mo. Nakakainis lang na dapat siya ang uminom ng juice na yun para nadukot namin siya, eh ang kaso ininom mo bobo ka talaga!"
"Ano? ikaw ang nag lason sakin?!"
"Hindi naman kasi para sayo yun! Omygashh! Napakastupid niyong dalawa! Sana mamatay na lang kayo! Para maging malaya na kami ni Bronze at Eight."
"Ang sama mo! Anak ka ni satanas! Demonyo ka!" sigaw ko sa kanya.
Hindi lang pala si Eight ang gusto niya, pati din pala si Bronze pinagpapantasyahan ng malanding to!
"Omygashhh! Nakakatakot! Hindi ako tatablan niyan! HAHAHAHAHA! BOBA KA TALAGA! YOU'RE SO STUPID! HAHAHAHA!"
Nang gagalaiti na ko sa babaeng to! Gustong gusto ko na siyang pagsasapakin pero nakatali ako.
~~~~
Ilang oras ang nakalipas pero wala ng bumabalik na tao dito. Sinusubukan kong tanggalin ang tali pero hindi ko pa din magawa.
Wahhhh nagugutom na ko! Dapat pala kumain na kagad ako pag katapos ng competition! Edi sana hindi pa ako gutom ngayon!
Nasan na ba kasi ang Otso na yun? Bakit napakatagal niya naman akong iligtas.
Naghanap ako ng paraan para matanggal ang tali ko. May nakita akong nakalawit na bakal malapit sakin kaya pinilit kong makalapit dun. Kiniskis ko ng paulit ulit ang tali sa bakal na medyo matulis at ramdam ko namang gumagana ang ginagawa ko.
Ilang minuto ang lumipas ay nangawit na ko. Ang hirap naman tanggalin ng tali na to. Ramdam kong lumuwag na ang tali kaya sinubukang kong tanggalin. At napangiti ako dahil natanggal ko na ang tali ko.
Makakatakas na ko dito sa wakas!
"MGA STUPID TALAGA KAYO!"
Agad akong nag panggap na nakatali pa din ang mga kamay ko. Wahhh! Sana hindi ako mahuli!
Bumukas ang pinto at niluwa nito ang malanding haliparot kaladkaring si Linda.
"Wag ka mag alala losyang, mamamatay ka na... soon. HAHAHAHAHA!" bungad niya habang palapit sakin.
"Baliw." sabe ko
Tumigil na naman siya sa pag tawa niyang mukang tanga.
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko hindi ka magugustuhan ni Otso."
"Mas maganda ko sayo at mas sexy ako kaya wala kang panama sakin."
"Bukod sa baliw ka, wala ka pang kwenta kaya kahit lumuha ka ng dugo kay Otso hindi ka niya magugustuhan" sagot ko habang dinidiin ang bawat salita ko.
Agad nanlisik ang mga mata niya. Galit na galit siya na parang umuusok pa ang mga ilong.
"Kung ganun papatayin na lang kita! HAHAHAHAHA!"
Agad niya dinukot ang baril at tinutok sakin.
Wahhhhh! Baliw na tong babaeng to!!
"Hindi ako papayag na sayo lang mapunta si Eight! Ako lang ang dapat makatikim sa kanya! HAHAHAHAHA! Gusto mo iputok ko to sayo? HAHAHAHA"
Ang creepy ng tawa niya, nababaliw na siya ng sobra para siyang nawawala sa sarili niya.
Pinikit ko ang mga mata ko. Lord ayokong ganto ang pagkamatay ko. Lord ipasagasa niyo na lang ako sa Lamborghini o kaya Ferrari. Wag namang ganto.
"Sigurado pag namatay ka na! Hindi kayo magiging masaya HAHAHAHA! Akin lang si Eight HAHAHAHAHA!"
"Hinding hindi ka gugustuhin ni Otso at Bronze!! Kasi baliw ka!" sigaw ko sa kanya.
"TUMAHIMIK KA!!! MAMAMATAY KA NA!!! HAHAHAHAHA!"
"Ang malas mo kasi kahit sino sa kanila hindi ka gugustuhin kasi sira yang utak mo!"
Kailangan maging matapang ako sa malanding to!!
"PAPATAYIN KO!! PAPATAYIN KO LAHAT NG AAGAW SA KANILA!! LALO KA NA!!!"
"Ayaw nila sa malaki at mukang pakwan na dibdib! Kadiri ka!"
"GINAGALIT MO TALAGA KO!! PAPATAHIMIKIN NA TALAGA KITA!!!"
Tinutok niya ng mas mabuti sakin ang baril. Natulala ako, wala na talaga kong ligtas!!
"Any last word, bitch?"
*BANGGGGG*
Nagulat ako sa putok ng baril. Tinamaan ba ko? Bat wala kong maramdaman?
"Pano ka nakapasok dito?! Bitawan mo ko! Papatayin ko kayong lahat!!"
Agad akong bumalik sa reyalidad.
"Kunin niyo na si Becca daliiii!"
Nag aagawan sa baril si Otso at Linda.
Lumapit sakin si Derrick at tinulungan akong tanggalin ang taling nasa paa ko.
*BANG*
Tumatama na kong saan ang bala ng baril ni Linda.
Agad kaming tumakbo palabas. Nakita kong nakatumba na ang mga tauhan ni Linda.
"Si Otso!" sigaw ko.
"Kaya ni Otso yun, tara na!" sagot ni Derrick
Bumungad sakin ang buong Gang ni Otso. Pumasok din sila sa loob.
"Si Otso!!" sigaw ko.
"Huminahon ka Rebecca." sagot ni Bronze
Pano kung mabaril siya dun? Wahhhh!!
*Wang* *Wang* *Wang* *Wang*
Napalingon ako sa sirena ng mga pulis. Bakit ang dami? Kasama din pala ang isang ambulansya.
Pinasok nila ang loob, sobrang tago din pala itong kinalagyan ko. Parang gubat at ito lang ang bahay dito.
****
Nakita kong kasama na nila si Linda palabas at nakaposas to.
"ARRRRGGGG! BITAWAN NIYO KO! PAPATAYIN KO KAYO!!!!! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!!!"
Baliw na siya, wala na siya sa tamang pag iisip.
Agad siyang pinasok sa kotse ng mga pulis.
"Ok ka lang Becca?"
"Oo, ok lang ako." sagot ko kay Otso habang nakaupo ako dito sa ambulance.
Agad niya kong niyakap ng mahigpit. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwalang nangyari sakin to. Sa pagkakataon na to naligtas na naman ako ni Otso.
*******