TWO

(Tierro Nueve Mansion, St. Anne University, Tuesday morning)

(Samantha's POV)

"WELCOME to Tierro Nueve, the official mansion of the University." ang sabi ni Sir Ambrosio sabay turo niya sa napakalaki, napakagara at napakagandang modern mansion na napipinturahan ng dilaw, pula at asul, yung katulad sa theme color ng Pinoy Big Brother.

"Wow...ang ganda naman dito..." humahangang sabi ni Miguel habang iginagala-gala niya ang mga mata niya sa buong mansyon.

"Oo nga. At ang ambiance, oh, so friendly." sabi naman ni Sandy.

"Pero masyado naman yatang malaki ang mansyong ito para sa amin. Eh lalabing-apat lang naman po kami na titira dito." ang tila naaalangang sabi ni JM.

"Spacious ang Tierro Nueve pero wag kayong mag-alala dahil occupied naman ang lahat ng mga kwarto dito. Tsaka makakasama nyo naman ako sa Tierro Nueve eh. Ako ang tatayong overall chaperon ninyo. At sina Uno, Renz at Samantha naman ang mga magiging assistants ko na siyang titingin sa inyo at mag-o-observe kung may nagaganap na conflicts sa mansyon at kung may problema ang bawat isa sa inyo." ang paliwanag naman ni Sir kay JM.

"Hmm...okay Sir. Anyways, how about the house tasks? The duties?" tanong pa ni JM.

"Pagpasok nyo sa loob ay may nakasulat nang list ng house duties at kung sino ang magiging magkakapartner. Mayroon na ring lists ng mga magkakapartner sa kwartong tutuluyan nila kaya kung ako sa inyo, pumasok na tayo sa loob at nang makita niyo na ang list." ang sabi pa ni Sir sabay senyas niya sa guard na buksan ang napakalaking gate ng mansyon. Binuksan ng guard ang gate sa sabay sabay na kaming pumasok sa loob. Habang naglalakad kami sa malawak na pathway ay nakita kong inangkla ni Kurt De Torre ang traveling bag na dala ko.

"K-Kuya...bakit nyo hawak yung bag ko?" nagtataka't naiilang na tanong ko sa kanya. 

"Pansin ko kasing nabibigatan ka na. Ako nang magbubuhat nito." at nginitian ako ni Kuya Kurt sabay buhat na niya sa bag ko.

"O-okay po..." ang medyo nahihiya kong sabi sa kanya. "S-salamat."

"You're welcome Sam. Welcome to Tierro Nueve." ang sabi pa niya sa akin.

"Salamat po Kuya Kurt." ang sabi ko naman sa kanila. Haay....hindi ko akalaing may mga gentleman pa rin pala sa mundo. :-) 

Habang naglalakad kami ay napansin kong inaalalayan ni Kuya Uno si Ate Shamel habang hawak ni Kuya ang maleta at malaking bag ni Ate Shamel. Si Ate naman ay ngingiti-ngiti kay Kuya. Subalit taliwas na taliwas ito sa sitwasyon ni Ate Renz at ng palakang amphibian na si Paul dahil sinubukan niyang lapitan si Ate pero nilayuan lang siya. And the rest of the batch, medyo naiilang pa sa isa't isa.

Pagpasok namin sa loob ng mansyon ay tumambad sa amin ang isang malaki, magara at magandang living room na kayang umokupa ng hanggang sa 30 katao dahil sa laki nito. 

"Wow! Is this the Tierro Nueve?!" Ella said shockingly.

"So elegantly beautiful..." - Madi.

"Mala-palasyo naman 'tong bahay na ito! Talo pa niya ang mansyon namin!" - Bea.

"Ang ganda naman ng concept design ng mansyon." ang humahangang sabi ni Miguel.

"Salamat Miguel. Ang IAFA students ang nag-design nito way back to 2010." ang sabi naman ni Sir Ambrosio.

"Wow...galing naman." sabi pa ni Miguel.

"Sir, saan po ang mga kwarto namin?" magalang na tanong ni Sandy.

"Nasa second floor at third floor ang mga kwarto habang nasa fourth floor ang rooftop, library, computer facility para kay JM, mini-front office, bedroom and kitchen para kay Ella, study room para kay Bea, drawing area para kina Kurt at Miguel, Law library para kina Samantha, Uno at Madi, Business library para kay Sarge at mini medical laboratory para kina Renz, Sandy, Paul, Gabriel at Shamel. At nasa ground floor ang kitchen, dining hall, living room at conference room para sa mga meetings natin. Nandito din ang kwarto ko maging ang office ko dito sa mansyon." ang paliwanag naman ni Sir sa amin.

"How about the groupings? May group na po ba para sa mga house tasks?" tanong naman ni Bea kay Sir.

"Meron na. At makikita nyo na lang ito sa directory na nasa tabi ng staircase ng mansyon paakyat ng second floor. May directory din sa third floor at fourth floor para mas mabilis ninyong matandaan ang mga magiging house task ninyo maging ang mga ka-partner ninyo. At oo nga pala, by partner ang magkakasama sa kanilang assigned house task." ang sabi pa ni Sir.

"Okay lang po sa amin. Pero how about the security, the safety in this house, lalo na't nasa loob ito ng school?" ang naninigurong tanong ni Ate Renz.

"24-7 na nakabantay dito sa compound ng mansyon ang mga security personells at may mga CCTV cameras sa paligid ng mansyon. Tsaka wag kayong mag-alala dahil mahigpit ang mga guards at hindi nila pinapapasok ang ma estudyante maging ang mga outsiders maliban na lang kung ito'y inyong mga magulang, kapatid o kamag-anak."

 

"In short, pwede dumalaw dito ang mga parents namin?" sabad naman ni Sarge.

"Oo. Pwedeng pwede." sabi naman ni Sir. "Okay, kung wala na kayong ibang katanungan pa, maaari na ninyong ilagay ang mga gamit ninyo sa mga assigned bedrooms ninyo sa second floor at third floor. Again, welcome to Tierro Nueve and enjoy your stay here." at pumunta na sa kanilang office si Sir Ambrosio. Kami naman ay nagpunta na sa staircase at tinignan namin ang directory.

----

 

TIERRO NUEVE MANSION DIRECTORY

 

Ground Floor: Chief Chaperon Office, Conference Room, Living Room, Dining Hall, Kitchen, Restroom, Chief Chaperon Bedroom

 

Second Floor: Kurt's Bedroom, Samantha's Bedroom, Miguel's Bedroom, Ella's Bedroom, JM's Bedroom, Sandy's Bedroom, Renz's Bedroom

 

Third Floor: Paul's Bedroom, Uno's Bedroom, Shamel's Bedroom, Gabriel's Bedroom, Bea's Bedroom, Sarge's Bedroom and Madi's Bedroom

 

Fourth Floor: Library, Computer Laboratory, Mini Front Office, Bedroom and Kitchen, Law Library, Business Library, Education Library and Study Room, Drawing and Design Room and Medical Laboratory Room

 

 

OFFICIAL PARTNERS FOR HOUSE TASKS

 

(Inside the Mansion)

 

Kitchen: Miguel and Ella

Living Room: JM and Sandy

Bedroom: Kurt and Samantha

Dining Hall: Sarge and Madi 

Restrooms: Uno and Shamel

Practicum Rooms, Conference Rooms and Libraries: Paul and Renz

Staircase and Corridors: Gabriel and Bea

 

(Outside the Mansion)

 

Garden: Kurt, Samantha, Paul, Renz, Uno and Shamel

 

Swimming Pool: Gabriel, Bea, JM, Sandy, Miguel and Ella

 

Pathway: Sarge and Madi

 

----

 

"Gosh Uno...partners tayo." ang tila kinikilig na sabi ni Ate Shamel kay Kuya Uno na tila natutuwa dahil partner niya si Ate Shamel.

"Oo nga Shamel." ang nakangiting sabi ni Kuya kay Ate.

"Ku-Kuya Kurt...okay lang ba na magpartner tayo? Medyo babagal-bagal kasi akong kumilos eh," ang alanganing sabi ko kay Kuya Kurt.

"Ano ka ba naman Sam, okay lang sa akin na partners tayo. Tsaka hindi case sa akin kung mabagal o mabilis kang kumilos...basta't ang importante...magkakasama na tayo." and he winked at me. Shet lang...nakakamanyak ang kindat niya sa akin. (Oh tuksooo....layuan mo ako....xD.)

"Ah...o-o-okay." ang sabi ko habang tinatakpan ko ang pagkailang ko sa kanya.

"Are you ready to reminisce our past again....Renz?" ang seryoso ngunit may kahalong ngiti na tanong ng palakang amphibian kay Ate Renz na ngumiti sa kanya at nagsalita.

"Yeah, I'm ready to reminisce our past and to take revenge against you. Malas mo na lang na napasok ka sa mansyong ito...DAHIL GAGAWIN KONG IMPYERNO ANG BUHAY MO DITO SAMPU NG MGA KALANDIAN MO." at binangga ni Ate Renz si palakang amphibian (Paul) at nagtuluy-tuloy na siya ng akyat sa staircase. Susundan na sana siya nina Madi at Bea nang sumabad si Sandy.

"Let her be girls. Tama lang ang ginawa niya sa manlolokong yan." sabay irap niya kay Paul na muli'y hindi nakapalag kay Ate Renz maging kay Sandy.

"Tama na nga yan, ang mabuti pa, ipanhik na natin ang mga gamit natin sa taas." ang sabad na ni Ella sa kanila.

"Mabuti pa nga. Diyan ka na, manloloko!" ang pasigaw na sabi ni Sandy kay Paul sabay akyat niya sa staircase. Sumunod naman sina Madi, JM, Bea, Sarge, Miguel at Ella. Naiwan kami nina Kuya Uno, Ate Shamel, Kuya Gabriel, Kuya Kurt at ni Palakang Amphibian (Paul).

"Bunso, mauna na kami ni Shamel sa taas. Kurt, pakialalayan mo na lang si Bunso sa pagdadala ng mga bags niya." ang bilin ni Kuya Uno sa amin ni Kuya Kurt.

"Opo Sir Uno." ang sabi naman niya sabay bitbit niya sa dalawang bag ko. "Ako nang magbibitbit ng bag mo sa kwarto mo...sweetheart." sabay akyat na niya sa staircase dala ang dalawang bag ko.

HANUDAW?!

Tinawag nila akong sweetheart?!

Imposible. Baka naman nagkamali lang ako ng dinig. Oo tama, nagkamali nga ako ng dinig. 

Nung makaakyat na si Kuya Kurt sa taas ay sumunod na sina Paul at Kuya Gabriel. Huli na akong umakyat sa taas para mag-ayos sa magiging bagong kwarto ko.