SIX

(Tierro Nueve Mansion, St. Anne University Campus)

(Samantha's POV)

"DYARAN! Here is my version of ginataang halu-halo! May bola-bola, munggo, ube, saging, cassava, sago at kamote. Kain ka na, masarap yan." sabay hain ni Kuya Kurt ng mainit-init na ginataang halu-halo. Agad ko namang tinikman ang luto ni Kuya.

"Masarap ba?" ang tanong niya sa akin.

"Opo Kuya. Masarap po. Tamang tama lang po ang tamis tsaka hindi po hilaw ang mga ingredients. In short, masarap po siyang kainin. Hindi siya nakakaumay." ang sabi ko habang kinakain ko ang masarap na version ng ginataang halu-halo na gawa ni Kuya Kurt.

"Salamat naman at nagustuhan mo. Ang akala ko eh baka maumay ka kasi parang nasobrahan yung nilagay kong asukal." ang natatawa niyang sabi habang pinapanood niya akong kumain.

"Sandali lang Kuya ha," ang paalam ko sa kanila sabay punta ko sa kusina. Nagsandok ako ng ginataang halu-halo sa isang bowl at ibinigay ko kay Kuya Kurt.

"Sabay na tayong kumain Kuya Kurt. Hindi kasi ako sanay na walang kasabay na kumain." ang sabi ko sabay kuha ko ng kutsara sa spoon dispenser at inilagay ko yun sa bowl ni Kuya Kurt. 

"S-sige...salamat." at tinikman na ni Kuya ang kanyang nilutong ginataan. Habang kumakain kami ay pansin kong kakaiba ang tingin ni Kuya Kurt sa akin na kulang na lang ay halikan na nila ako (assuming ka 'teh! Bawasan ang kalandian, baka mahawa kay Arra! xD!)

---

(C.J.A: Bah, ba't nadamay si Arra dito?)

(Samantha: Wala lang. Trip ko lang siyang idamay, kakaimbyerna siya eh!)

(C.J.A: Oo na, sige na. Back to kilig scene na!)

---

Natigil lang kami sa nakakailang na pagtitinginan namin sa isa't isa nang dumating na galing sa school si Ate Madi. At halatang pagod na pagod at gutum na gutom siya.

"Good afternoon Madi!" bati namin sa kanya.

"Good afternoon! Anong snack ngayon?" sabay tingin nila sa kinakain namin. "Wow! Ginataang halu-halo! My favorite!"

"Sandali lang at ipaghahanda na kita." at pumunta saglit sa kusina si Kuya Kurt. Habang nagsasandok si Kuya ng ginataang halu-halo para kay Madi ay naupo siya sa tabi ko.

"Uy, alam mo na ba ang trending topic sa SAU?" ang tanong niya sa akin.

"Trending? Anong trending?"

"Anong trending?! Hindi mo ba alam?! May bago nang jowa si Paul!" ang sabi pa sa akin ni Ate Madi dahilan para bigla akong mabulunan. Saktong pagdating ni Kuya Kurt ay nagulat siya nang makita niya akong medyo nasamid na nabulunan. Agad niyang ipinatong ang bowl sa mesa at nilapitan ako. Kumuha naman si Ate Madi ng tubig sa pitcher at ibinigay niya kaagad sa akin. Habang umiinom ako ng tubig ay marahang tinatapik-tapik ni Kuya Kurt ang likod ko hanggang sa naramdaman kong hindi na ako nabubulunan.

"Madi naman kasi, dahan dahan ka naman sa sinasabi mo kay Sam, hayan tuloy, nasamid siya." ang sita ni Kuya Kurt kay Ate Madi.

"Sorry, masyado ko yata siyang ginulat." sabay tawa ni Ate Madi. "So alam na ba ni Mareng Renz ang tungkol dun?" 

"Matagal na. Panahon pa ng digmaan." sabi ko naman sa kanya.

"Lakas mo namang man-trip! Yung totoo, alam na niya?" tanong pa ni Ate Madi sa akin.

"Alam na ni Ate. Pero sorry na lang yang palakang amphibian na yan at hindi na affected si Ate Renz sa mga pinagagagawa niya ngayon." I said frankly to her.

"Mabuti naman. Unlike dati, halos umiyak na ng dugo si Mare dahil sa sinapit niya. Eh kilala na ba niya yung bagong jowa ni Paul?"

"Ah, si Clingy-ing Linta. Oo kilala na namin. Isa lang naman siyang walang kwentang nilalang na nanggaling sa planeta ni Freeza." inis na sabi ko, dahilan para halos matawa ng matawa si Ate Madi, malamang ay natatawa siya sa klase ng joke ko.

"Talaga?! So anak siya ni Freeza?" biro ni Ate Madi sa akin.

"Hindi eh. Sa pagkakaalam ko, panlima siyang asawa ni Freeza." ang sabi ko pa sa kanila, dahilan para mas lalong magsakitan ang mga tyan nila sa kakatawa.

"Ganun?" ang natatawang sabi ni Ate Madi. "Anyways, back to the topic, mukhang galit na galit ang Maldita Club, Sossy Chick Club at Fashionista Club dun sa asawa ni Freeza at anytime ay baka tambangan nila si babae sa labas ng campus!" chika pa ni Ate Madi sa amin.

"So what?" I said sarcastically. "Bahala na sila sa gusto nilang gawin kay impaktang linta."

"Humanda na si Clingy sa nakatakdang pag-deforestate ng buhok niya bukas." sabi naman ni Kuya Kurt. 

"Haha, tama ka dyan Kurt." sabi naman ni Ate Madi.

"Tama na nga yan, mas mabuti pang kumain na lang tayo at lumalamig na ang pagkain."  ang sabad ko sa kanila.

"Oo nga pala, sige na Sam. Kumain na tayo." at sabay-sabay na kaming kumain ng masarap na snack namin na niluto ng aming handsome and cute chef na si Kuya Kurt.