FOURTEEN

(St. Anne University, Main Building, Girls Restroom)

 

(Renz's POV)

 

"DON'T touch my hair, assholes!" 

Dinig na dinig ko ang galit na galit na boses ni Arra habang nakikita kong sinasabunutan siya nila Jane, Jayme at Vickie. At habang pinapanood kong nasasaktan si Arra ay napapangiti ako dahil nararanasan na ni Arra ang sakit na gustung-gusto kong iparanas kay Valerie nung nabubuhay pa siya. At pakiramdam ko ay nawala ang bigat ng kalooban ko habang sinasaktan nila ang malanding kalahi ni Valerie Dizon.

"Haay naku Vickie! Dapat sana kanina mo pa ginawa yan! Late reaction ka eh!" - Jayme exclaimed at Vickie.

"So what?! Ngayon lang nag-process sa utak ko na pwede ko pala siyang saktan!" ang nangigigil na sabi ni Vickie habang halos kalbuhin na niya si Arra sa tindi ng pagkakasabunot niya sa clingy na yun.

Sige lang Vickie. Kalbuhin mo lang yang babaing yan. Kalbuhin mo lang. 

*evil grin*

Dahil medyo naliligayahan ako sa ginagawa ng tatlong alipores ko ay nilapitan ko sila with beaming smile.

"Patay na ba yan?" ang natanong ko sa kanila.

"Oh Miss Renz! Ikaw pala!" ang bati ni Jane sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Vickie.

"Ano pa, eh di pinapanood ko ang pang-to-torture ninyo sa kanya." sabay lapit ko kay Arra na magulo ang bugbog at namumula ang pagmumukha sa malalakas na sampal na sinalo niya.

"So are you satisfied of what we did?" they asked.

"Not totally. Okay na sa akin na sinampal nyo siya, sinipa at binugbog." sabay lapit ko ng husto kay Arra sabay sabunot sa buhok niya.

"Sinasabi ko na nga ba. Ikaw ang boss nila. Walanghiya ka! Inaagaw mo sa akin si Paul!" she yelled at me pero pinatikim siya muli ni Jane ng isang malutong na sampal.

"Ano ba Jane, hindi ganyan." and I smirked at them sabay sipa ko ng malakas sa pigi ni Arra. Halos mamilipit si Arra sa sobrang sakit at dahil na rin siguro sa lakas ng pagkakasipa ko ay biglang tumulo ang dugo sa kanyang bibig.

"Yan. Yan ang tunay na torture. Yan ang sulit." and I smile evilly at her.

"Walanghiya ka talaga Renz! Malilintikan ka na sa'kin!" Arra yelled.

"Talaga? Ako....malilintikan?" and I laugh at her. 

"Para sabihin ko sayo...kahit magsumbong ka pa sa Dean, sa Directors o kahit pa sa presidente ng school na ito, ako't ako pa rin ang paniniwalaan nila. Why? Because I'm one of the most influential person of this school. While you....ISA KA LAMANG SALOT NA SUMISIRA SA IMAGE NG DEPARTMENT NATIN AT NG SCHOOL NA ITO."

"I-Isusumbong kita kay Paul! Isusumbong kita sa kanya!" ang nagbabanta pang sabi ni Arra, dahilan para mas magngitngit ako at muli ko siyang sinipa sa kanyang tyan, dahilan para hindi na siya makatayo pa sa tindi ng pagkakabugbog ko sa kanya.

"Sige, magsumbong ka sa kanya. Samahan pa kita eh, gusto mo?" 

"Sinisiguro ko sayo....ako ang kakampihan ni Paul! Ako ang kakampihan niya!" - Arra.

"Tsk. Expected ko na yan. Eh di magkampihan kayo. Who cares? Kunsabagay, perfectly matched talaga kayo. Isang manloloko at isang nagpapaloko. Isang nananamantala at isang nagpapasamantala. Isang gago at isang gaga. Isang istupido at isang istupida. And most of all...ISANG WALANG-KWENTA AT ISANG POKPOK NA KERENGKENG. Kayo yun. Perfect combination."

Halos mapanganga sila Jane sa mga sinabi ko habang hindi na makapagsalita pa si Arra sa mga sinabi ko.

"Arra Micaella Diaz..." sabay ngiti ko sa kanya ng nakakaloko. "Simula pa lang ito ng paniningil ko sa inyo ni Paul. Kaya maghanda-handa na kayo." and I look at them. "Salamat at ginawa ninyo ang gusto ko. Don't you worry...hindi kayo mabibigyan ng sanction ng guidance and discipline office at may reserved order na kayong tatlo ng favorite ninyong fruit cake at carbonara sa Cucina Alferez."

"Thanks Miss Renz! You're the best!" ang sabi nila Jane sabay takbo na nila paalis ng restroom. Iniwan ko sa cubicle si Arra at wala na akong pakialam pa kung mamatay siya sa pambubugbog ko.

Paul Cruz....ano kaya ang magiging reaksyon mo oras na malaman mong binugbog namin ang clingy girlfriend mo...

Hmm...

Sounds great. 

 

 

 

Sounds exciting.

 

 

 

And SOUNDS SO THRILLING.

 

 

 

*evil grin lvl 100*