(Renz's POV)
(Continuation of Flashback)
SA pagdaan ng mga araw sa buhay ko ay isang linggo akong hindi pumasok sa SAU. Nagkulong ako sa kwarto ko. Pakiramdam ko nga ay para na akong mawawala sa sarili ko sa sobrang sakit ng mga nangyari. Araw-araw akong binibisita nila Kuya Uno, Bunso, Jake, Kathleen, Shainz at Mareng Madi para kamustahin at pasayahin at ilang beses ko ring nakitang umiyak si Bunso dahil malungkot siya sa nangyari sa akin. Araw-araw ding bumibisita sa akin si Royce maging ang Fashionista Club, Maldita Club at Sossy Chick Club at tinutulungan nila ako na maka-move on at tanggapin ang mga nangyari. Kung hindi dahil sa kanila, malamang ay nasa mental hospital na ako ngayon.
Nung inilibing na si Hondred ay isinama ko ang binili kong Minions Collectible na gustung-gusto niya at ipinalagay ko yun sa kabaong niya kasama ng mga medals niya, certificates maging ang report cards niya. And unexpectedly....nakuha pang pumunta ng magkapatid na Paul at Pauline sa libing ni Hondred.
"Ate Renz....sorry po. Sorry po talaga...." malungkot na sabi ni Pauline.
"Kahit mag-sorry ka pang bata ka, hinding-hindi na nyan mababalik pa ang buhay ng kapatid ko." mariin at galit kong pagkakasabi sa kanya.
"Renz...condolence. Let me explain." sabi ni Paul.
"Salamat sa pakikiramay ninyo pero makakaalis na kayo." galit na sabi ko sa kanila.
Sinubukan mang magpaliwanag ni Paul ay nagbingi-bingihan na ako sa mga paliwanag niya kasabay ng mga pagtataboy ko sa kanya.
At kung bakit ko ginagawa yun?
Dahil pagod na ako.
Pagod na akong umiyak.
Pagod na akong masaktan.
At pagod na akong maging tanga.
Simula nang maihatid na si Hondred sa kanyang huling hantungan ay mas nag-focus na ako sa pag-aaral ko maging kay Ate Railley. Sumali ako sa mga competitions na sinisiguro kong mananalo ako, sa mga seminars, workshops at kung anu-ano pang makakatulong sa pag-aaral ko. Bukod pa roon ay laging nasa line of 1.15 pababa ang overall grades ko, dahilan para mula sa pagiging third year ko ay na-accelerate ako sa 6th Year at bukod pa roon ay isa ako sa mapipili bilang summa cum laude or magna cum laude sa graduation. At nag-umpisa na akong i-manage ang ospital namin kahit na undergraduate ako para mas madagdagan pa ang kaalaman ko sa larangang pinasukan ko. Pero higit pa sa lahat ng achievements na nagawa ko....
Ay hinayaan kong baguhin na ako ng galit sa puso ko.
At sa pagdaan ng panahon...ay wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko.
WALA.
(End of Flashback)
MATAPOS kong magbalik sa bangungot ng alaalang yun ay napansin kong tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. Pupunasan na sana ni Paul ang mukha ko nang tinabig ko ang kamay niya.
"Sorry but I don't need your concern. Excuse me, matutulog na ako sa kwarto." at binangga ko siya bago ako tuluyang lumabas ng library. Agad akong pumunta sa kwarto ko para doon mag-aral ng lessons ko kaysa sa umiyak ako nang dahil lang sa masakit na pangyayaring yun.