EIGHTEEN

(Tierro Nueve, St. Anne University, Saturday Morning)

 

(Samantha's POV)

PAGKATAPOS naming mag-almusal kasama si Sir Dylan ay sumenyas sila na pumunta kami saglit sa conference room malapit sa sala. Agad naman kaming sumunod.

(Conference Room)

PAGDATING namin sa conference room ay kalmado kaming naupo sa mga upuang paharap kay Sir. Habang si Sir Dylan naman ay awtomatikong umupo sa upuang paharap sa amin.

"Sir Dylan, tungkol po saan ang pag-uusapan natin?" magalang na tanong ni Ate Shamel.

"About your first task and certain issues na rin." ang sabi ni Sir.

"Certain issues? Eh wala naman po kaming conflicts dito sa mansyon nung nakaraan." gulat na sabi ni Kuya Sarge.

"Wala nga dito sa mansyon, pero sa university, meron. Paul Cruz, nakarating na sa akin ang undisciplinary act ninyo ng girlfriend mo na si Arra Diaz. And worst, sa gabi pa mismo ng duty ninyo kayo naglampungan. Kaya di na ako magtataka pa kung sampalin kayong dalawa ni Renz dahil na rin sa inyong mga pinaggagagawa. Dahil dyan sa ginawa mo, may parusa ka." Sir Dylan said automatically.

Hindi nakasagot si Paul habang napangiti ng masama si Ate Renz sa kanya. Ang lahat ng mga kasama namin, hayun at natulala sa gulat.

"Sir, ano pong parusa ni Amphibian este ni Paul?" tanong ni Ate Madi kay Sir.

"Ban siya ng isang buwan sa SAUGH." Sir Dylan said.

"What? Pero bakit po Sir?! Tsaka nag-sorry na po ako ah!" katwiran ni Paul pero nginisian siya ni Kuya Kurt.

"Hindi sapat yung pag-so-sorry mo para makalusot ka sa kasalanan mo." Kuya Kurt said so frankly.

"Oo nga. So if I on you, sundin mo na lang si Sir kung ayaw mong malagot ka." sabad ni Ate Sandy.

"Susundin ko naman eh." kalmadong sabi ni Paul. "Pero saan naman po ako mag-o-OJT? Eh alam nyo naman pong dito ako naka-assign sa SAUGH."

 

"Mag-o-OJT ka sa San Miguel General Hospital. Private hospital yun na malapit sa University premises. Don't worry dahil isang buwan lang naman yun and after one month, makakalabas ka na sa ospital na yun at makakabalik ka na sa SAUGH." paliwanag naman ni Sir.

Sasagot pa sana si Paul nang pinandilatan siya ng masama ni Ate Madi.

"Papalag pa? Papalag pa?" Ate Madi said sarcastically.

"Madi, tama na." sita ni Kuya Sarge sa kanila. "Paul, don't mind Madi. Ang mahalaga, makakapag-OJT ka pa." 

"Thanks Sarge." ang sabi naman ni Paul.

Tinignan ng masama nina Ate Madi, Ate Sandy at Ate Bea si Kuya Sarge pero hindi na lang sila pinansin ni Kuya. Kami naman ay umawat na sa kanila kesa naman sa mas maging tensyonado pa ang sitwasyon.

"May I now?" ang sabad ni Sir sa amin.

"Yes. You may Sir." sabi naman naming lahat.

"Okay. Mabuti naman at naiintindihan mo ang parusa mo Paul. Anyways, your first task for this month is we conduct a fashion show at SAU on next week. At pipili ako ng magiging organizers at models." sabay labas ni Sir Dylan ng isang papel na hula namin ay isang listahan.

"Haay, sino kaya ang mapipiling organizers?" tanong ni Ate Ella.

"Sana ako...." nananalangin na sabi ni Ate Shamel.

Natahimik na ang lahat nang basahin na ni Sir ang listahan. "Okay, the official organizers of the fashion show are Sarge Javier, Madi Yu, Bea Baino, Gabriel Roxas, Miguel Salmingo, JM Reyes and Sandy Tayag."

Napapalakpak sa tuwa ang mga kasamahan naming napili lalo pa't karamihan sa kanila ay magaling mag-organize ng mga school events.

"And the official models are Kurt De Torre, Samantha Nicole Bumatay, Ella Guevarra, Renz Villarin, Paul Cruz, Uno Dela Rosa and Shamel Schmitz. Congratulations sa lahat ng mga napili. Ang kikitain ng ating ilulunsad na fashion show ay i-do-donate natin sa isang charity institution sa Palawan next month. Kaya naman inaasahan ko na magiging matagumpay ang ating project. Maliwanag?" 

"Yes Sir Dylan." sabi naman namin.

"Okay, kung wala na kayong mga katanungan, go to your respective classes now."

"Goodbye Sir!" ang paalam namin sa kanila.

Nang makaalis na si Sir ay sunod naman kaming umalis sa conference room para pumasok sa kanya-kanya naming klase.

(Cucina Alferez, Saturday afternoon)

 

(Samantha's POV)

KUMAKAIN kami nina Ate Renz at Ate Rianne ng paborito naming shrimp souffle at crab soup nang biglang lumapit sa table namin si Arra B*tch kasama ang dalawang babae na ang kakapal ng make-up sa mukha.

"Hey! What a nice lunch. Can we join you?" ang nakangiting sabi ni Arra sa amin.

"Kung ikaw lang, wag na. Baka makalbo lang kita ng wala sa oras." inis na sabi ni Ate Rianne.

"Kung ayaw nyo...hmm...okay lang. Anyways, nakita nyo ba ang boyfriend ko?" ang tila nang-aasar na sabi ni Arra sabay tingin niya sa dalawang kasama niya. Lalong sumama ang aura ni Ate Rianne habang napatawa si Ate Renz sabay tingin niya ng makahulugan kay Arra.

"Tanungan ba ako ng nawawala Arra?" Ate Renz asked sarcastically.

"Kinakausap kita ng matino kaya sumagot ka ng matino! Nasaan si Paul?!" galit nang sabi ni babae.

"Ewan ko. Tsaka, mukha ka bang matino? Eh isa ka lang namang kerengkeng na nag-pa-pump forward and backward straightly to Paul? At tsaka, ano naman ang isasagot ko sayong matino, eh wala ka naman sa katinuan?" ang sunud-sunod na birada ni Ate Renz, dahilan para magtawanan ang lahat ng mga estudyante sa Cucina at hindi makaimik si Arra sa sobrang kahihiyan.

"Hmp! Makalayas na nga! Tandaan mo Renz, akin lang si Paul! Akin lang siya!" at pagalit na umalis sa restaurant si Arra. Agad siyang sinundan ng dalawang alichuchu niya.

"Sayong-sayo na ang unvirginized na lalaking yun! Magsama-sama na kayong tatlo ng kaluluwa ni Valerie sa nagbabagang kama ni Satanas!" pahabol na sabi ni Ate Renz, dahilan para biglang matigilan si Arra at ang dalawang kasama niya. Unti-unti niya kaming nilingon at pabalagbag na nilapitan.

"Valerie? Sino yang Valerie na yan?" ang tila shock na tanong ni Arra kay Ate Renz.

"Sino si Valerie?" and I smile. "She's a deceased girlfriend of Paul. Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka magawang mahalin ng buo ni Paul dahil PANAKIP-BUTAS ka lang niya." ang maanghang na sabi ni Ate Renz, dahilan para mas lalong matulala sa sobrang pagkagulat si Arra hanggang sa bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata niya...mga luha ng sakit at pait...tulad ng naranasan ni Ate Renz noon.

"H-hindi totoo yan. Ako lang ang mahal ni Paul! Ako lang!" Arra yelled at us pero nginisian lang siya ni Ate Renz.

"Kahit itanong mo pa kung kanino ang tungkol sa Valerie na yun, malalaman at malalaman mo na totoo ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko, then go! Magpakatanga ka lang. Ewan ko lang kung hindi ka iiyak ng dugo oras na malaman mo ang katotohanan. Hmm...kunsabagay...minsan pinakamasakit at pinakaayaw na matanggap ng isang tao ang isang masakit at masaklap na KATOTOHANAN. Sige na, makakaalis ka na. Naiirita ako sa lintang pagmumukha mo." at itinulak ni Ate Renz si Arra palayo sa table namin. Umiiyak na nag-walk out si Arra habang taranta siyang sinundan ng dalawang alichuchu niya. Kami naman ni Ate Rianne ay gulat na napatingin kay Ate Renz.

"Hoy babae, ba't mo sinabi kay Arra ang tungkol kay Valerie? Hindi mo ba alam na magiging isang malaking gulo ito sa pagitan nilang tatlo?! At may possibility na madamay ka pa!" Ate Rianne shockingly said.

"So what if madamay ako? Expected ko na yan noh. Tsaka ang sarap kaya nilang paglaruan...nakakagaan sa pakiramdam." and Ate smile so evilly.

"Pero sana, kung may himala pa eh makalusot ka sana dyan sa bagong kasinungalingan mo. Remember, hindi lang isa ang masasaktan sa gagawin mo. Lahat kayo, damay-damay na." paalala pa ni Ate Rianne.

"Anong pati ako ay damay? Hindi ko hahayaang madamay ako sa sarili kong trick para sa kanilang dalawa."

 

 

 

"Eh ano na lang ang magiging reaksyon nung Amphibian na yun? Tiyak na magagalit na naman yun sayo!" sabi pa ni Ate Rianne.

"Bunso, you remember what happened last time, nung tinulungan ako ni Paul na maiuwi sa Tierro Nueve? Nung nahilo ako sa gym?" ang tanong ni Ate sa akin.

"Opo Ate. Natatandaan ko pa po yun. Bakit po?" ang magalang kong sabi sa kanila.

"Gusto ko lang magpasalamat kay Paul. And I want him to be my friend. Not boyfriend anymore but friend." ang sabi ni Ate Renz na nagpagulat sa amin ni Ate Rianne.

"What the hell are you thinking Renz?! Remember, nang dahil sa kanila ng kapatid niya, namatay ang kapatid mo!" histerikal na paalala sa kanila ni Ate Rianne pero ngumiti lang si Ate Renz sabay sabing....

"I want him to be my friend....para makapaghiganti ako laban sa kanila. Dahil hangga't hindi ako nakikipag-ayos kay Paul, hindi ko siya masisira ng husto. Ano naman ako sa tingin nyo, utu-uto? Hindi ako titigil hangga't hindi ko napagbabayad si Paul sa mga kasalanan niya sa akin at kay Hondred." at biglang tumayo si Ate Renz sa kanyang kinauupuan. "Sige, alis na ako, may klase pa kasi ako eh." at hinalikan niya kami ni Ate Rianne sa pisngi bago siya humakbang palabas ng canteen.

Paglabas ni Ate ay nagkatinginan na lang kami ni Ate Rianne at nagkatawanan. 

"Ibang klase talaga si Renz noh Bunso, napakasadista!" ang tumatawang sabi ni Ate Rianne.

"Sinabi nyo pa po Ate," ang sabi ko naman habang naglalaro sa isip ko ang mga sinabi ni Ate Renz sa amin.

DID ATE RENZ PLAN TO SCHEME PAUL, ARRA AND EVEN VALERIE?