(Cucina Alferez, Sunday midmorning)
(Samantha's POV)
KUMAKAIN na kami nina Ate Bea, Kuya Kurt at Kuya Gabriel ng order naming Alfredo pasta at butter caramel cake ay may lumapit na babae sa amin. Nakasuot siya ng uniform na katulad sa department uniform ni Kuya Kurt.
"Hi Prince Kurt!" ang bati nung babae sa kanila pero hindi siya pinansin ni Kuya at sa halip ay itinuloy lang nila ang pagkain nila, nakuha pa nga nilang punasan ng tissue ang kanang pisngi ko.
"Hey Prince Kurt my loves! Pansinin mo naman ako oh!" ang pilit na pakikisabat nung babae sabay tangka niyang tumabi kay Kuya Kurt pero laking gulat namin nang biglang tumayo si Kuya Kurt, dahilan para mapabagsak sa sahig yung babae. Lalapitan ko na sana yung babae para tulungan pero sinigawan niya ako.
"Don't touch me!" sabay tayo niya sa pinagbagsakan niya. Tatabihan na sana niya ulit si Kuya Kurt nang may mga babaing tumulak sa kanya, dahilan para muli na naman siyang mapabagsak sa sahig.
"Who the fvck are you?! At ba't nyo ako itinulak?!" galit na galit na tanong nung babae sa mga tumulak sa kanya.
"Sino kami?! Kami lang naman ang certified fanatics ng Prince Kurt Ultimate Cute Fanatics Club at hindi namin hahayaan na kung sinu-sino lang na malandi ang makalapit sa kanya!" ang mataray na sabi ng leader ng tatlong mga babaing yun.
"Who do you call malandi?!!" ang pagulat na sabi nung babae sabay aktong hihimatayin siya pero inirapan lang siya ni Kuya Kurt.
"Who do we call malandi?" at nagkatinginan silang tatlo. "Of course, you! Sino pa ba ang malanding lumalapit kay Prince Kurt, eh di siyempre, ikaw!"
"How dare you!" sabay sugod nung babae sa kanila pero agad silang umilag, dahilan para biglang tumilapon yung babae sa bakanteng upuan at mesa ng restaurant. Nabagsakan siya ng mga muwebles at pinagtawanan siya ng lahat.
"Buti nga sayo! Ayan ang napapala ng mga malalandi! Nakakarma!" at nagtawanan ang tatlong mga babaing yun. Mas lalong nagalit yung babae kung kaya naman sinugod niya ulit yung tatlong yun pero laking gulat na lang namin nang bigla siyang makatikim ng napakalutong na sampal mula sa leader ng mga babaing yun.
"W-what did you do..?!" ang nanginginig sa gulat na sabi nung babae sabay salat niya sa mapulang mukha niya na dulot ng pagkakasampal sa kanya.
"We just teach you a lesson...BITCH." ang sabay-sabay na sabi ng tatlong yun.
"Who do you think you are?!!" ang nangagalaiti sa galit na tanong nung babae.
"Who do you think we are? Well dear, para sabihin namin sayo, kami lang naman ang isa sa mga pinakasikat at pinakatinitingalang clique sa balat ng school na 'to. At bukod pa roon, mga dyosa kaming tatlo pagdating sa mga latest fashion statements! Girls, magpakilala kayo sa kanya!"
"I'm Phoebe, the smart fashionista one!"
"I'm Airish, the hottest fashionista one!"
"And I'm Liezel. The most beautiful fashionista one and the leader of this group."
"AND WE ARE THE FASHIONISTA CLUB!" ang sabay-sabay na sabi nila sabay pose nila ala-FHM Models.
Gulat na gulat ang babae sa pagpapakilala nung tatlo habang kami naman ay nganga at halos hindi makapagsalita. So sila pala ang sinasabi ni Ate Renz na Fashionista Club!
"Hah! So what?! Para sabihin ko sa inyo, I'm Axel Mejia, the reigned Miss Institute of Engineering at magiging representative ng IE para sa Mr. and Miss St. Anne University next month!" ang pakilala nung babae na Axel Mejia pala ang pangalan. "At wala kayong pakialam kung may gusto ako sa Prince Kurt ko! Akin lang siya!" sabay angkla na sana niya kay Kuya Kurt pero marahas siyang itinulak ni Kuya palayo sa amin.
"Hahaha!" at napangisi yung Liezel. "Talaga?! Sayo lang si Prince Kurt?! Nananaginip ka?! Eh kitang-kita naman na ayaw niya sayo!" at nagtawanan silang tatlo. Susugurin na sana ni Axel sila Liezel nang biglang may umawat sa kanya. Si Ate Adelle.
"Axel, wag kang gumawa ng gulo dito. Nakakahiya ka." ang maawtoridad na sabi ni Adelle.
"Pero Miss Adelle, sila ang umaway sa akin! Sila ang nangunguna!" ang katwiran pa ni Axel pero mariin siyang pinagsalitaan ni Ate Adelle.
"Tapos pinatulan mo pa. Ayan ba ang tamang asal ng isang institute muse? Alam mo, mabuti pang umalis ka na at wag mo nang gambalain pa ang kapatid ko na si Kurt. Understand?"
Hindi nakasagot si Axel sabay walk-out niya sa restaurant. Agad namang nagsialisan sa harapan namin sila Liezel. Apologetic na humingi ng sorry si Ate Adelle sa amin.
"Kurt, sorry kung nanggulo sa inyo si Axel kanina. Hindi ko rin kasi akalain na pupuntahan niya kayo dito eh. Sorry talaga." ang sabi ni Ate Adelle sa amin.
"Adelle, wala kang kasalanan sa nangyari. Pero sobrang nakakairita na siya to the point na gusto ko nang sabihin sa kanya na lumayas na siya sa harapan ko. Ang tigas ng ulo ng babaing yan, pilit niyang pinagsisiksikan ang sarili niya sa akin gayong ayaw na ayaw ko sa kanya! Subukan pang lumapit ng babaing yan sa amin, baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya." inis na inis na sabi ni Kuya Kurt.
"Don't you worry my twin brother, sasabihin ko kay Mommy na i-restrict na yang si Axel dito at sa Tierro Nueve para di na siya makalapit pa sayo." ang sabi ni Ate Adelle.
"Thanks Adelle." ang pasasalamat ni Kuya Kurt kay Ate Adelle.
"You're welcome Kurt. Sige, una na ako sa inyo." at umalis na si Ate Adelle sa restaurant. Bumalik na sa pagkakaupo niya si Kuya Kurt na medyo mainit pa ang kanilang ulo. Gustuhin ko mang magtanong sa kanila ay baka mainis lang sila sa akin.
"Kurt. Kalma ka na, okay? Natatakot tuloy si Bunso sayo." sabi ni Ate Bea sabay turo nila sa akin na medyo hindi makatingin ng diretso sa kanila.
"Hala!" ang gulat na sabi ni Kuya sabay hawak nila sa mukha ko. "Bunso, please, wag kang matakot sa akin. Hindi naman ako naiinis sayo eh. Kay Axel ako naiinis. Wag ka nang matakot sakin ha?"
"Hindi naman po ako natatakot sa inyo eh. Pero matanong ko lang po, wag nyo po sanang masamain. Sino po si Axel?" ang tanong ko sa kanila.
"Si Axel? Isa siyang napakasamang panaginip. Nabubwisit lang ako kapag nakikita ko siya. Masyado kasi siyang papansin!" inis na sabi ni Kuya.
"Ga-ganun ba?" ang natatarantang sabi ko habang pinagtatakpan ko ang takot na nararamdaman ko.
"Bakit Bunso? Natatakot ka na naman ba?" sabay yakap niya sa akin. "I'm so sorry Bunso, masyado kitang tinatakot. Sorry. I'm so sorry talaga Bunso..."
"O-okay lang po Kuya. Wag po kayong mag-alala, hindi naman po ako natatakot sa inyo." ang medyo nahihiyang sabi ko sa kanila.
"Sorry ulit Bunso ha. Wag kang mag-alala, hindi ako paaakit sa impaktang yun dahil SAYO LANG ANG PUSO KO." ang sabi pa ni Kuya na nagpagulat na naman sa akin, mabuti na lang at hindi nila nahalata.
"Ahm sige na. Kain na ulit tayo." at nakangiti na si Kuya na sumubo ng pagkain nila. Napangiti na lang ako kay Kuya bago ko ulit ipinagpatuloy ang pagkain ko.