TWENTY FOUR

 

(St. Anne University, Wednesday evening)

 

(Renz's POV)

(SAU Astrodome Backstage)

"RENZ, Samantha, Ella and Shamel, magbihis na kayo. Madi, paki-assist mo na sila." ang utos ni Ms. Lizz Meyer sa amin. Si Prof. Meyer ang assistant chaperon ni Sir Dylan sa Tierro Nueve at siyang chief organizer ng fashion gala. 

Agad kaming nagpunta sa dressing room para magbihis ng mga damit namin. Pagkabihis namin ng mga damit namin ay si Mareng Madi ang nag-make-up sa kanila. Habang mine-make-up-an ni Mareng Madi si Sam ay dumating si Paul na napakaguwapo sa suot niyang checkered sleeves and fitted black pants.

(C.J.A: Wee Renz...talagang guwapo?)

 

 

 

(Renz: Shut up Miss Author.)

(C.J.A: Okayie! xD.)

"Hi girls. Especially you....Renz." ang bati niya sa amin.

"Anong ginagawa mo ditong amphibian ka?!" gulat na tanong ni Mareng Madi sa kanya.

"Mare, dont treat him harshly." ang awat ko kay Mareng Madi sabay tingin ko kay Paul. "Pagpasensyahan mo na lang si Mareng Madi ha, masyado lang kasi siyang mapang-asar." ang sabi ko sa kanya.

"No, it's okay. Anyways, para nga pala sayo." sabay bigay niya sa akin ng bouquet of blue roses at isang supot ng Monde Special Mamon.

"Para saan 'to?" nagtatakang tanong ko kay Paul.

"Wala lang. Gusto lang kitang regaluhan. Please accept it. Wag mo nang itapon pa sa basurahan 'tong mga 'to." ang pakiusap ni Paul sa akin.

"Okay. Hindi ko na itatapon pa 'to." sabay patong ko ng bulaklak at Monde sa ibabaw ng table ko. "Nag-dinner ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Ahm not yet." sabi naman ni Paul.

"Sabay na tayong mag-dinner." sabi ko, dahilan para biglang magulantang ang lahat, maliban kay Sam na nakikisakay sa mga palabas ko.

"Really? You want me to eat together with you?" ang gulat na sabi sa akin ni Paul.

"Yup. Hindi ka nagkakamali ng dinig. Sige na, first dinner natin ito bilang mag-MU, tatanggi ka pa. Sige na. Payag ka na." 

"Sure! Ba't naman ako tatanggi?" he said happily.

"Hephep! Bakit mo niyayaya si Paul na mag-dinner kayo? Okay na ba kayo?" tanong ni Shamel sa akin.

"Yup. We settle things together at tinitingnan ko pa ang possibility na maaari pa kaming magkabalikan. Di ba Bunso?"  sabay tingin ko ng makabuluhan kay Samantha.

"Yes Ate. Wala naman akong nakikitang masama sa desisyon mo." ang sabi naman ni Sam.

Mas lalong nangiti si Paul habang hindi na lang nagsalita sina Mareng Madi, Ella at Shamel.

Natigil kami sa pag-uusap nang may isang P.A na nagpapabigay ng isang card sa akin. Binasa ko ito at napangiti ako pagkat kay Royce galing ang card.

- Go Crush! Stand out and shine! - 

Eto talagang si Royce, kung anu-ano ang sinasabi.

Halatang napansin ni Paul ang card pero di na lang siya umimik. Sina Mareng Madi naman ay medyo kinilig sa ginawa ni Royce.

"Ahm girls, get ready, the show will start at thirty minutes." ang sabad ni Miss Lizz sa amin.

"Yes Miss Lizz." sabi naman namin.

Pagkatapos naming ayusan ay lalabas na sana kami sa dressing room nang may tumambad sa aming isang babae, dahilan para biglang manlaki ang mga mata nila sa sobrang gulat.

"Sorry, I'm fashionably late. I'll be one of the models in this gala." 

 

 

 

"Arra Diaz?!" Shamel said shockingly.

"Yes ako nga." sabay lapit ng linta kay Paul. "Hi Paul!"

"Get out on my face Arra. Naiirita ako sayo." Paul said sarcastically at her.

"Oo nga Clingy! Get out on Prince Paul's handsome face!"

Napatingin kaming lahat at tumambad sa amin ang Fashionista Club, Sossy Chick Club at Maldita Club na mga models din para sa gala na ito.

"What the hell did you say?" Arra said sarcastically.

"Ang sabi namin, lumayas ka na dito, you don't deserve to be part of this gala!" - Jane.

"Inuutusan nyo ba ako?!" - Arra.

"Yup. Lumayas ka na kung ayaw mong masira ang show nang dahil sayo." - Liezel.

"Tama na girls. Bayaan nyo na siya. It's her right to show how stupid she was." ang sarkastikong sabi ko sabay irap ko kay Arra.

"Tama si Miss Renz! Ewan ko lang kung sino ang lalabas na katawa-tawa sa fashion gala." ang parinig naman ni Ayanna.

"Sinasabi ko sa inyo. I will stand out and shine! Mark my word!" at galit na nag-walk-out sa backstage si Arra.

"She stand out and shine?!" - Cializ.

"Whatever!" ang sabi pa ni Phoebe.

Natigil sa pag-uusap ang lahat nang inanunsyo na ng emcee mula sa stage na mag-uumpisa na ang fashion show ay nauna na sina Ella, Samantha at Shamel habang naiwan ako, si Mareng Madi at ang tatlong grupong alipores ko.

"Wow! Sa final runway ka Miss Renz!" ang humahangang sabi ni Ayanna sa akin.

"Galingan mo ha! Talbugin mo ang lintang Arra na yan!" - Michelle.

"Hindi ko lang siya tatalbugin. Paluluhain ko siya ng hindi niya inaasahan." and I smile so evilly.

"Paluluhain? What did you mean?" nagtatakang sabi ni Airish.

"Paluluhain to the extend na ako ang mas sasagipin at kakampihan ni Paul kaysa sa kanya. Jane, nilagyan nyo na ba ng pako ang sapatos niya?" ang baling ko kay Jane.

"Yes Miss Renz. Suot-suot na nga ni bruha eh!" at tumawa ala-devil si Jane.

"Very good. Basta yung sinabi ko sa inyo ha. Gagawin nyo yun."

"Yes Miss Renz!" sabay-sabay na sabi nila.

Nang matapos na ang pagrampa nina Samantha, Ella at Shamel ay sumunod naman sina Liezel, Airish at Phoebe. Habang rumarampa pa ang tatlong fashionistang alipores ko ay inihahanda ko na ang pasabog ko sa gala na mas sisira sa image ni Arra kay Paul.

After ng pagrampa nina Liezel ay sumunod na sila Kurt, Miguel at Kuya Uno na naglakad sa runway kasama sina Jane, Jayme at Vickie.

Ayos. Malapit na ang final walk.

Nang matapos na sina Kurt together with the Sossy Chick Club ay tinawag na ako, si Paul, si Arra Bitch at  ang mga alipores ko na walang iba kundi ang Maldita Club.

At finale walk...

Bumukas ang glass sliding door at naunang rumampa sa runway sina Ayanna, Michelle at Cializ na napakagaganda sa suot nilang gown habang sumunod naman si Arra na bagama't nakakapaglakad ng maayos ay halatang namimilipit na siya sa sobrang sakit ng right foot niya. Pabalik na si Arra nang sumunod na akong naglakad pero nung magsasalubong na kami ay bigla niya akong pinatid. 

Yes. Sa wakas. Maisasagawa ko na rin ang pasabog ko.

Natumba ako pero nakapikit na ako at umakto akong hinimatay. Habang nagkukunwari akong hinihimatay ay naririnig ko na ang mga commotion mula sa mga audiences maging ang nag-aalalang boses ng mga alipores ko, nina Samantha at ni Paul. Bahagya akong napadilat at nakita kong napadapa na rin si Arra sa sahig at hawak-hawak na niya ang right foot niya.

"Renz! Are you okay?!" Paul asked so hysterically.

"N-no...I'm not okay...please don't leave me.....please." ang pakiusap ko kay Paul.

"Prince Paul! That bitch pushed Miss Renz kaya siya hinimatay!" sabad ni Ayanna sabay turo niya kay Arra.

Saktong tinatawag na rin ni Arra si Paul. It's my chance to confuse him.

"Paul...help me...my foot injured so badly...please...help me..." ang pakiusap ni Arra pero galit na galit siyang sinigawan ni Paul ng mga katagang...

"I HOPE YOU DIE, DEMON BITCH!" sabay buhat sa akin ni Paul. Nagkunwari ulit akong napapikit habang dinadala na ako ni Paul pabalik ng back stage.

Hah. Sabi ko na nga ba't ako ang sasagipin at kakampihan ni Paul. Kawawang Arra. Iniwan na nga siya ng utu-uto niyang knight in shining armour, lalabas pang siya ang may kasalanan sa pagkakahimatay ko.

(SAU Astrodome Backstage)

 

(Renz's POV)

BAHAGYA na akong nagising sa maputlang ilaw na galing sa fluorescent light na nagmumula sa kisame ng backstage. Lumingon ako sa paligid ko at nakita ko sina Kuya Uno, Bunso, Mareng Madi, Kuya Espren Dane, ang mga gorgeous alipores ko at si Paul na sobrang nag-aalala sa akin.

"Omigosh Renz! Salamat naman at nagising ka na!" Mareng Madi exclaims.

"Ate Renz, ano bang nangyari sayo? Itinulak ka ba ni Arra sa runway?" tanong ni Bunso sa akin.

"Y-yes. Itinulak niya ako sa runway, dahilan para bigla akong mahilo at mahimatay..." ang kunwaring nanghihinang sabi ko.

"Really?! That bitch pushed you!" ang nagngingitngit sa galit na sabi ni Bunso.

"Yes. Ginawa niya yun. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ginawa yun eh."  ang kunwaring maiiyak ko nang sabi.

"Hoy Paul! Pagsabihan mo nga yang ingratang girlfriend mo na bawas-bawasan niya ang kaimpokritahan niya dito sa school!" ang galit na sabi ni Kuya Uno kay Paul.

"Please Kuya Uno...wag kang magalit kay Paul. He helped me when I was unconcious." ang paliwanag ko kay Kuya Uno.

"Yes Sir Uno! He save Miss Renz rather than Arra Bitch." sabi ni Ayanna.

"Tsaka break na sila ni Arra Bitch!" - Jane.

"Really Paul?! Break na kayo ni Arra?!" Mareng Madi said shockingly.

"Yes Madi. Wala na kami ni Arra," sabi ni Paul.

"Aba, eh di mabuti para luminis na yang dirty image mo." Kuya Dane said sarcastically.

"Tsaka hindi kayo bagay ni Arra. Mukha siyang basura you know." ang nanlalait na sabi ni Vickie.

"Please lang, wag nyo munang mabanggit-banggit ang babaing yan. Kasi nata-trauma na ako kaagad kapag naririnig ko na ang pangalan niya." ang pakiusap ko sa kanila.

Saktong dumating si Ate Railley sa backstage. Nag-aalala silang lumapit sa akin.

"Renz! Are you alright?" my Ate Railley said hysterically.

"Yes Ate. I'm fine." ang sabi ko naman.

"Nalaman ko kay Dean Mendez na hinimatay ka kung kaya naman agad kitang pinuntahan dito. Paul, thank you for saving my sister." ang pasasalamat ni Ate kay Paul.

"You're welcome Dean." ang magalang namang sabi ni Paul.

"Si Arra Diaz! Siya po ang may kasalanan kung bakit hinimatay si Miss Renz!" sumbong ni Cializ kay Ate.

"I know. Wag kang mag-alala Renz, papatawan ng Disciplinary Office ng sanction si Arra sa ginawa niyang panunulak sayo." ang sabi naman ni Ate sa akin.

"Mabuti naman kung ganun." ang sabi ko naman.

Natigil kami sa pag-uusap ni Ate nang nilapitan siya ni Miss Lizz at very apologetic ang mukha nila.

"Dean, Ms.Villarin, sobrang humihingi po ako ng pasensya sa nangyari. Hindi ko akalaing magagawa ng Arra Diaz na yan na itulak ka Renz. Wag kang mag-alala, bibigyan ng parusa si Arra sa mga ginawa niya sayo." ang very apologetic na paghingi ng sorry ni Miss Lizz sa amin.

"Okay lang po yun Miss Lizz. Ako pa nga po ang dapat na humingi ng sorry sa nangyari eh. Kasalanan ko po kung bakit nasira ang takbo ng fashion show." ang magalang na sabi ko sa kanila.

"See! Sa sobrang bait ng Miss Renz namin, masyado na siyang inaapi ng Arra na yan!" Jayme said angrily.

"Talagang malilintikan ang clingy na yan sa atin!" Phoebe said.

"Tara, turuan natin siya ng leksyon!" at nagsialis na sa backstage ang mga gorgeous alipores ko. 

"Ano naman ang gagawin ng mga yun?" nagtatakang tanong ni Mareng Madi.

"Malamang, ipaghihiganti nila si Renz." sabi naman ni Kuya Uno.

"Well, dapat lang yun sa kanya! She deserves to teach a lesson!" sabi naman ni Miss Lizz.

"Alam nyo, ipagpasakamay nyo na lang sa Disciplinary Office ang desisyon kung papano nila didisiplinahin si Arra. Ang mahalaga ay walang malalang nangyari sa kapatid ko." sabay yakap sa akin ni Ate Railley. I hugged my Ate back.

Arra Diaz...humanda ka na sa matinding giyerang sasalubong sayo maging sa susunod ko pang pagganti sa inyo ni Paul.