(St. Anne University, Wednesday morning)
(Sandy's POV)
(University Gymnasium)
"ONE, TWO, THREE, SPIKE!"
Nagpa-practice ako dito sa gym, habang nakaupo sa bleachers si JM at kasalukuyang nagpapahinga.
Haay...I can't help myself but to stare at him. Ang guwapo talaga niya lalo kahit saang anggulo ko pa tignan!
Inihagis ko yung bola na nasa kamay ko then I spike it papunta sa direction niya..
Kaya lang...
"Ouch!"
"Oh my! I'm sorry!" sabay takbo ko papunta sa kanya. Paano ba naman natamaan ko kasi siya ng bola sa ulo eh.
"Are you okay?"
"Yes. I'm fine." ang sabi niya habang hinimas himas niya yung ulo niya.
"Sorry talaga JM. I didn't mean it."
"It's alright " and he smile. "Pero malakas ka talagang mag spike ha? No wonder kasi ikaw ang rookie ng volleyball team."
"Sorry talaga!" ang sabi ko pa sa kanya.
"Ano ka ba Sandy, okay lang yun." and JM laughed so cutely.
"Thank you. Pasensya na ulit ha?" ang sabi ko pa sa kanya.
"Ahm...Sandy..."
Napatingin ako sa kanya then I saw he's staring at me. Then bigla siyang lumapit sa'kin. His face is getting closer and closer. I can feel my heart beats faster and faster.
Is-he---g-gonna-k-kiss---m-me?!
Bigla niya pinunasan yung cheeks ko, "May dumi ka sa pisngi..." then lumayo na siya.
"Th-thanks..."
Grabe kinabahan ako dun ah!
I've known him for so long yet, everytime na nagiging ganun siya kalapit sakin, lagi na lang ako kinakabahan. And I also felt that my stomach is full of butterflies!
I admit, I'm in love with JM...eversince first year college. Magkaklase't mag-bestfriend kami ni JM mula first year hanggang fourth year high school. At nung pumasok na kami sa SAU ay doon na tuluyang nahulog ang loob ko sa kanya. Why? Because he's handsome, sporty and kind. Bukod pa roon ay kilalang-kilala na namin ang isa't isa dahil nga sa tinagal-tagal na rin ng panahon ng pagiging magkaibigan namin. Pero hindi naman ako umaasa na mamahalin niya ako ng higit sa kaibigan dahil sanay na akong laging nasa tabi niya bilang kaibigan. And I don't expect too much na magiging kami dahil natatakot akong masaktan. Pero hangga't kasama namin ang isa't isa ay aalagaan ko siya at mamahalin kahit na imposibleng ang pangarap kong maging kami.
Haay....kung pwede lang sanang ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita JM...ginawa ko na sana...
Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang biglang lumapit sa akin si JM sabay akbay niya sa akin, dahilan para bigla na namang dumami ang mga butterflies sa stomach ko....ahihi...
"Sandy, tara, snack tayo! Treat kita!" ang yaya sa akin ni JM.
"Sige! Tara na!" at magkasabay na kaming umalis ni JM sa gym.