THIRTY SIX

(St. Anne University, Tuesday morning)

 

(Renz's POV)

 

(University Astrodome)

BUSY sa pagpa-practice ang lahat ng mga representatives for the Mr. and Miss St. Anne University at dahil kakatapos lang ng klase namin ni Ate Rianne ay nalibre kami ng oras para manood ng practice. Habang nag-pa-practice ng isang dance production ang mga candidates ay nagulat kami nang biglang dumating si Arra at kung makapaglakad palapit sa stage ay talagang hanep sa pagka-wagas. 

Umakyat si Arra at kinausap yung stage director sa rehearsal pero natawa kami ng natawa ni Ate Rianne pagkat pinalayas si Arra ng stage director at sinabihan pa siyang wag na wag nang babalik pa dito. Yamut na yamot siyang naupo sa isang upuan sa tabi ng stage. 

Nang pinagpahinga na ng stage director ang mga candidates ay nagsibabaan silang lahat sa stage. Tumayo na kami ni Ate Rianne para lapitan si Paul. Habang pababa si Paul sa stage ay nilapitan siya ni Arra.

"Hi Paul! Kanina pa ako naghihintay sayo eh. Tara, sabay na tayong mag-lunch!" yaya ni Arra sa kanya.

"Kung sayo ako sasabay, mas maigi pang wag na lang." at inirapan ni Paul si Arra bago siya lumapit sa amin. Sinalubong ko siya ng halik sa kanyang pisngi.

"Hi Darling! Still tired?" ang tanong ko sa kanya sabay punas ko ng pawis sa mukha niya.

"Yup. Pero makita lang kita, nawawala na ang pagod ko." and he kiss my hand.

"Ayiee! Ang shweet!" kantyaw ni Ate Rianne sa amin. "May naiinggit oh!" sabay turo niya kay Arra na mas lalong nalukot ang mukha pagkakita sa amin ni Paul.

"Don't mind that bitch Rianne." ang sabi ni Paul sabay tingin niya sa akin. "Tara, lunch na tayo." at akbay ako ni Paul habang palabas na kami ng astrodome.

(Cucina Alferez)

 

(Renz's POV)

PAGDATING ng order naming beef tapa with rice and panna cotta ay agad-agad nang kumain si Ate Rianne. Haay...basta tapa ang ulam, aba, number one addict dyan si Ate Rianne. 

"Huy Ate, mukhang wala ka nang balak sumabay sa amin ah," ang sita ko sa kanila.

"Sarreh. Ang sarap kasi ng tapa eh. Lalo na kung luto ni Espren Dane!" ang sabi ni Ate Rianne habang puno ng pagkain ang bibig nila.

"Ikaw talaga Ate Rianne. Kulang na lang ay magmukha nang tapa si Kuya Dane sa paningin mo." ang biro ko pa kay Ate.

"Hindi malayo!" at sumubo na ulit si Ate Rianne. Nagkatinginan na lang kami ni Paul at kalauna'y nagkatawanan.

"Ahm Paul, alam mo na ba ang tungkol sa kalokohan ng impaktang ex-girlfriend mo?" ang tanong ni Ate Rianne kay Paul.

"Arra? What about Arra?" ang nagtatakang sabi ni Paul.

"Basahin mo." ang sabi ko sabay bigay ko sa kanya ng computerized na letter na sinulat ni Maelyn, one week ago.

Binasa ni Paul ang sulat at kitang-kita ko sa mukha niya ang matinding gulat niya...na nauwi sa galit tulad ng aking inaasahan.

"Wala na ba talagang magawang tama si Arra?!" ang nangigigil sa galit na tanong ni Paul.

"Mukhang wala na. Kasi alam mo na, super desperate na ang gaga." ang sabi pa ni Ate Rianne.

"Kailangang malaman 'to ng buong department ninyo!" he exclaims.

"Anong ng department lang namin? Dapat pati buong studentry ang makaalam nito." sabay hila ko kay Paul patayo. "Samahan mo ako sa kuta ng babaing yun dahil isisiwalat ko na ang mga pandaraya niya pati na rin ang kapalpakan niya sa practicum activity namin kahapon."

"Kapalpakan? Anong kapalpakan?" tanong pa ni Paul.

"Muntik nang mamatay ang isang pasyente nang dahil sa palpak na pag-opera niya." sabi naman ni Ate Rianne.

"That fvcking bitch!" sabay hila sa akin ni Paul palabas ng Cucina Alferez. Tarantang sumunod si Ate Rianne na dala-dala pa ang isang plato ng beef tapa.

Paglabas namin sa Cucina ay nakita namin si Arra na nakaharang sa amin.

"Paul, we need to talk!" sabay hila na sana ni Arra kay Paul nang marahas na bumitaw si Paul sabay akbay niya sa akin. Dumami ang mga estudyanteng nagkumpulan sa paligid ng exit ng Cucina at maging ang mga kumakain sa loob ay nakikumpol na rin sa labas.

"Paul, ano ba! We need to talk sabi eh!" sabay akmang hila pa sana ni Arra kay Paul nang pinalanding ko na ang nagbabaga kong kamay sa pagmumukha niya.

"WHAT THE?!! YOU WICKED WITCH!" at sasampalin na sana niya ako nang hinawakan ko ng maigi ang kanyang kamay, dahilan para bigla siyang mapaaray sa sakit.

"Umamin ka! Binayaran mo ba si Maelyn Albuerna para dayain ang eleksyon last two weeks?!!"

 

Nanigas sa matinding gulat si Arra pagkarinig niya sa tanong ko habang unti-unti na naming naririnig ang bulung-bulungan ng mga estudyante at faculty na nasa paligid.

"Gosh! Dinaya ni Arra yung boto?!" - Student 1.

"Kaya pala siya ang nanalo..." - Student 2.

"Sinuhulan niya si Maelyn?" - Student 3.

"So what are you doing witch! Magmamakaawa ka kay Dean na i-expel ako?!" Arra said angrily.

"Ba't ko naman gagawin yun kung kaya mo naman gawin yun sa sarili mo?" ang sarkastikong banat ko sa kanya.

"You're really a worst suffer to our department!" singhal pa niya sa akin.

"Talaga?!" and I laugh evilly. "Whoa! Natatakot ako! At sa sobrang takot ko, baka matanggal na ang panga mo sa lakas ng sampal ko sayo!" sabay sampal ko ng back to back kay Arra. "Ay! Oo nga pala! Gusto mong makausap si Paul diba? Sige. Kausapin mo na siya, dahil may importante din siyang sasabihin sayo." sabay tingin ko kay Paul. "Paul, read your love letter to her."

"Yes Renz." sabay buklat niya ng red envelope. Kinuha niya ang sulat at binasa ito sa harap ng maraming tao.

---

TO ALL THE STUDENTS, FACULTIES AND STAFF OF ST. ANNE UNIVERSITY:

 

 

THIS ANNOUNCEMENT STATES THAT MS. ARRA MICAELLA DIAZ, A 4TH YEAR DOCTOR OF MEDICINE STUDENT, ORDERED MS. MAELYN ALBUERNA, A 6TH YEAR DOCTOR OF MEDICINE STUDENT, TO CONTAMINATE THE RESULT OF THE ELECTION FOR MISS INSTITUTE OF MEDICINE TO BE IN FAVOR OF HERSELF.

 

BECAUSE OF THE INCIDENT, THE FIRST RESULTS RELEASED BY THE SAU COMELEC ARE INVALID AND ERRONEOUS, THEREFORE, MS. AIRISH CHIU, 3RD YEAR DOCTOR OF MEDICINE STUDENT, SHALL TAKE HER POSITION AS THE MISS INSTITUTE OF MEDICINE 2014. 

 

MS. ALBUERNA TAMPERED THE BALLOTS FOR THE PRICE OF P100,000 OFFERED BY MS. DIAZ. SHE ACCEPTED THE MONEY BECAUSE OF HER MOTHER'S FINANCIAL NEEDS IN THE HOSPITAL.

 

THIS STATEMENT IS GUARANTEED AND VERIFIED CORRECTLY BY MS. ALBUERNA, HERSELF.

 

THE APPROPRIATE DISCIPLINARY ACTION SHALL BE SPEARHEADED BY DR. RAILLEY VILLARIN, MR. DYLAN AMBROSIO, DR. LUCIA SY AND MR. UNO DELA ROSA AND SHALL BE ACTIVATED UNDER MS. RENZ VILLARIN'S COMMAND.

 

 

SIGNED:

 

DR. SIMON ANTE (ST. ANNE UNIVERSITY PRESIDENT AND CHIEF ACADEMIC OFFICER)

DR. RAILLEY VILLARIN (DEAN, SAU INSTITUTE OF MEDICINE)

AND

MS. RENZ VILLARIN (PRESIDENT, UNITED ORGANIZATION OF MEDICINE STUDENTS)

 

 

 

---

Ibinalik ni Paul ang sulat sa envelope at ibinigay niya pabalik sa akin. Kitang-kita ang matinding paninigas ng buong katawan ni Arra sa sobrang gulat at pagkapahiya habang nagpalakpakan naman ang lahat ng mga estudyante.

"WOHOO! MAGDIWANG! NAPALAYAS NA ANG MANDARAYA!" ang masayang sabi ni Ate Rianne.

"Babay Arra Bitch!" pang-aasar naman ni Kuya Espren Dane na nasa tabi na ni Ate Rianne.

"Yan ang napapala ng mga feeling donya, KARMA!" sabay duro ni Ate Nanay Aleinne sa luhaang si Arra.

"Arra Micaella Diaz...you deserved this shaming publicity...BECAUSE YOU'RE A DIRTY PESKY ROBBER!" sabay tulak ni Airish kay Arra pasubsob sa sahig. Nagtawanan ang lahat ng tao sa paligid habang napapaiyak na lalo si Arra.

"Sabi ko naman sayo eh...HINDI KO NA KAILANGANG MAGPAKAHIRAP NA IPAHIYA KA DAHIL GINAWA MO NA. CONGRATULATIONS ARRA. YOU DID AN EXCELLENT JOB." at inirapan ko si Arra sabay balik namin ni Paul sa Cucina. Sumunod na sa amin sina Ate Rianne, Kuya Dane at Ate Nanay Aleinne.