(Tierro Nueve, Saturday morning)
(Renz's POV)
NAKASAKAY na kami ngayon sa shuttle bus ng SAU at papunta kami ngayon sa Baguio City para sa aming surprise second task. Habang hindi pa umaandar ang bus ay busy na ang lahat sa paglabas ng kani-kanilang babauning pagkain habang ang iba naman ay sinasamantala ang libreng oras na ito para makapag-aral habang bumibiyahe.
Nung makumpleto na kaming lahat ay umandar na ang shuttle bus paalis ng SAU Campus.
(Baguio City, Saturday mid-afternoon)
(Renz's POV)
"WELCOME to Baguio City, at SAU Baguio's Resthouse."
Napahanga kami sa kagandahan ng lugar. Tulad ng Tierro Nueve sa St. Anne University Main Campus, nasa loob ng St. Anne University Baguio Campus ang resthouse na ito kung saan pwedeng mag-stay ang mga estudyante na bumibisita sa SAU - Baguio Campus. At dahil may second task kami dito bukas na bukas ay mga ilang araw din kaming mananatili sa napakagandang lugar na ito.
"Guys, maaari na kayong pumasok sa loob. Yung mga gamit ninyo, nasa second floor na. Magkakatabi na lang kayo sa iisang malaking kwarto dahil three days lang naman tayo dito. At maghapunan na kayo kaagad at magpahinga dahil may importante tayong lalakarin bukas. Sige, yun lang." at pumasok na sa loob ng resthouse si Sir Dylan. Sumunod naman kaming lahat.
---
MATAPOS naming kumain ng hapunan ay agad na kaming nagsipasok sa malaking kwarto kung saan naka-set ang anim na malalaking kama na pantatlo hanggang pang-apat na tao. At dahil napagod kaming lahat sa biyahe ay halos karamihan sa amin ay tulog na kaagad. Si Sam at Kurt, hayun at magkayakap pa habang natutulog. At ang cute cute nilang tignan dahil pareho silang may suot na couple sweater at naka-bonet pa. Sina Miguel at Ella naman ay parehong nag-share sa unan at kumot at kalauna'y nagyayakapan na rin habang natutulog. And the rest of the group, hayun at tulog na rin. Ako na nga lang yata ang gising sa aming lahat eh.
Habang busy ako sa pagbabasa ng medicine journal mula sa Harvard University ay nakita kong tulog na rin si Paul. Inilabas ko ang isang kumot na nasa bag ko at ikinumot ko sa kanya. Ibabalik ko na sana ang atensyon ko sa pagbabasa nang mapansin kong nanginginig si Paul at tila kinakapos sa paghinga. Kinabahan akong bigla kung kaya naman sinalat ko ang noo niya. And gosh! May lagnat siya! Agad ko siyang binuhat palabas ng kwarto at dinala sa sala. Naghanda ako sa kusina ng mainit na tubig na nasa palanggana at makapal na towel at dinala ko sa sala kung saan nagdidiliryo na si Paul sa sobrang ginaw at halos maiyak na siya sa sobrang frustration at...lungkot.
"Paul! Okay ka lang ba?" ang tanong ko sa kanya pero patuloy siyang nagdidiliryo sa ginaw.
"R-Renz...p-please...p-pa-patawarin m-mo na-a a-ko...." ang umiiyak niyang sabi habang hawak-hawak niya ang kamay ko.
"Paul! Relax ka lang, gagawa ako ng paraan para mawala ang ginaw mo." sabay punas ko ng towel sa mukha niya, sa leeg at sa buong katawan. Mabuti naman at kahit papano'y nawala ang matinding init sa katawan niya. Dahil may dala akong hospital tools ay kinuha ko agad yun sa kwarto at dinala sa sala. Tinignan ko muna ang tibok ng kanyang puso gamit ang aking stethoscope at medyo normal pa naman pero hindi ang body temperature niya dahil medyo abnormal ang init sa kanyang katawan. Malamang ay may trangkaso na siya bago siya magpunta rito sa Baguio.
Nung medyo umayos na ang pakiramdam niya ay sinuutan ko siya ng medyo makapal na jacket at mahabang pajamas. Nilagyan ko rin ng medyas ang mga paa niya at naglagay rin ako ng makapal na bonnet sa ulo niya. Hindi ko inalis ang bimpo na nasa ulo niya para patuloy na bumaba ang kanyang lagnat. Kinumutan ko na rin siya para hindi na siya lamigin.
"Pasaway ka talaga Paul...hindi mo sinasabi sa akin na may sakit ka pala." ang sabi ko habang nakatitig ako sa kawawang itsura niya. "Sandali lang ah." at bumalik ako sa kwarto. Kinuha ko ang unan, kumot at banig na nasa travelling bag ko at dinala ko pabalik sa sala. Nilatag ko yun sa tabi ng couch na hinihigaan ni Paul. Pagkahigang-pagkahiga ko sa banig ay napatingin ako sa guwapong amphibian na kaharap ko ngayon at medyo maayos nang natutulog.
"Haay Paul...you're still cute...kahit na mukha kang amphibian." sabay salat ko sa pisngi niya.
"And you're still beautiful...my love."
Nagitla ako pagkat nakita ko si Paul na nakangiti kahit na medyo mabigat ang kanyang pakiramdam.
"Paul! Ano ka ba! Matulog ka na nga, baka mamaya ay bumalik pa yang lagnat mo, sige ka." pananakot ko sa kanya pero ngumiti lang siya.
"Don't you worry. I'm alright." and he touch my face.
"Ikaw? Okay? Lelang mo. Eh halos magdiliryo ka na nga sa sobrang ginaw mo kanina eh. Kaya ang mabuti pa, magpahinga ka na nang umayos na ang pakiramdam mo at di tayo uuwi ng Maynila na may problema. Understand?"
"I understand your point...pero pwede bang magpatugtog ka ng medyo kalmadong kanta, yun bang magpapatulog sa akin kaagad?" ang sabi niya sabay hawak niyang muli sa kamay ko. "Please?" he said.
"Ahm may alam naman ako eh...pero medyo lumang kanta na. Nauso pa yata yun nung panahon pa ng Daddy ko when he's alive. Okay lang ba sayo?"
"Okay lang, basta mapapatulog ako." and he smile.
Nilabas ko ang iPad Air sa bag ko at pinindot ang application ng iTunes. Pinatugtog ko ang isa sa mga relaxing songs ng Air Supply, ang "Here I Am."
♪Here I am
Playing with those memories again
And just when I thought time had set me free
Those thoughts of you keep taunting me
Holding you
A feeling I never have too
Though each in every part of me has tried
Only you can fill that space inside♪
♪So there's no sense pretending,
My heart is not mending♪
♪Just when I thought I was over you
And just when I thought I could stand on my own
Oh baby, those memories come crashin' through
And I just can't, go on without you♪
♪On my own
I tried to make the best of it alone
I've did everything I can to ease the pain
But only you can stop the rain♪
♪I just can't live without you
I miss everything about you♪
♪Just when I thought I was over you
And just when I thought I could stand on my own
Oh baby, those memories come crashin' through♪
♪And I just cant
Go on without
Go on without...
It's just no good without....you...
(Just when I thought I was over you)
Without you...
(Just when I thought I could stand on my own)
Without you...
(Just when I thought I was over you)
Without you...
(Just when I thought I could stand on my own)
Without you...
(Just when I thought I was over you)
Without you...
(Just when I thought I could stand on my own)♪
PAGKATAPOS ng kanta ay napansin kong nakatitig sa akin si Paul. And his eyes is full of tears.
"Paul, bakit? May masama ba sa kanta? Hindi mo ba nagustuhan?" ang tanong ko sa kanya. Pero isang salita ang tanging lumabas sa bibig niya.
"RENZ...I STILL LOVE YOU. AND I WILL NEVER MAKE A STUPID MISTAKE AGAIN. NEVER."