Chapter Six

IVAN'S POV

I wake up on my bed with Adrian beside me. I personally ask him to sleep here on my room so he doesn't have to find his mother.

Buong gabi ko rin siyang inalo para lang hindi niya hanapin ang nanay niya. Nag-movie marathon kami, food trip, naglaro pa ng psp, etc. Hindi ko naman alam na masiyado palang hyper 'to. Pero napahanga ako sa taglay na talino nito.

Saan kaya nagmana 'to? Hindi naman pwedeng sa nanay. Baka sa tatay? Hmm, sino kayang tatay nito? Siguro dating disgrasyada si Shaina tapos naging bunga si Adrian, tss.

Pumasok na 'ko sa loob ng cr na nasa loob din ng kwarto ko. Sana lang hindi madaling magising si Adrian. Baka maalimpungatan agad sa simpleng patak ng tubig, e.

As the cold water from the shower flow all over my body, I feel my nerves starting to relax. Maaga akong naligo dahil kailangan ko pang pumasok, may meeting kasi kami sa company ngayon.

I let Nanay Sinang to cook the breakfast for us—I mean, me and Adrian. Hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang mamatay sa gutom 'yang bata na 'yan. Baka 'pag bumalik 'yong nanay, e, maipakulong pa 'ko.

Pagtapos kong kumain ng almusalan, pina-open ko na kay Manong Norman ang gate habang minamaneho ang kulay itim kong kotse. Basagin ba naman ng babaeng 'yon 'yong windshield ng paborito kong sasakyan. Nag-init na naman ang ulo ko nang maalala ko ang mukha niya, gusto ko na lang pisatin nang mawala na sa mundo, e.

As if on cue, nakita ko ang babaeng naka-sandal sa gate na mas maliit kung saan pwedeng pumasok ang tao. Sa halip na i-ignore ang babae ay ibinalik ko sa loob ang kotse na ipinagtaka ni Manong Norman.

"O, Sir? Akala ko, aalis na kayo?" Kamot-ulo nitong pagtatanong as if may ginawa akong sobrang nakakapag-pagulo ng utak niya.

"Nothing, bigla lang sumama ang pakiramdam ko. Siya nga pala, kagabi pa ba 'yang babaeng 'yan sa labas?"

Agad na nilingon ni Manong Norman ang maliit na nakasaradong gate. It means, alam niyang nandiyan talaga 'yan buong magdamag at hindi niya man lang tinulungan?

"Opo, Sir. Kawawa nga po, e. Kaso ang sabi niyo po kasi, h'wag papasukin kaya hindi ko na pinansin kahit nakaka-awa ang itsura." Napa-buntong hininga ako, kasalanan ko rin pala. Kung hindi niya 'ko susundin, baka siya ang mawalan ng trabaho. Alright, I get it.

Lumapit ako sa gate at walang pasabing binuksan ito. Before Shaina landed on the floor, I made a move to catch her. As soon as I touched her skin, I feel burned by the heat that she produce.

Medyo basa pa ang kaniyang damit kaya agad-agad ko siyang ipinasok sa loob ng bahay at inilapag sa gray na couch. I don't know if it's her natural color or she's really pale right now. I analyze her face. Mahahabang pilikmata, may magulong buhok ng kilay, pouty lips tapos medyo pointy na ilong.

"Sir, akala ko ba wala nang trabaho 'yan? E, ano pang ginagawa niyan dito?" I flinched as I heard a voice behind me. As I turned around, I can see confusion on Judith's eyes. I sighed, I don't have so much time to explain.

"Change her clothes. She can use either your clothes or mine. Just change her clothes quickly and let her take a medicine as she wakes up."

Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto ko kung saan mahimbing pa rin na natutulog si Adrian. Mukhang napagod talaga siya sa pinag-gagawa namin kagabi.

Nang matapos kong palitan ang suit ko ay agad akong bumaba. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang orasan sa harap ng hagdan. 45 minutes na 'kong late sa meeting?! Gano'n kabilis? Aish!

Tinignan ko ang phone ko, may 30 missed calls, 50 messages, at 10 Gmails. Lahat galing kay Kaizer, kaibigan ko. He's the vice-president of Tarranza Prism Company afterall.

"Bro, nasaan ka na ba?"

"Gago, naglasing ka na naman ba?"

"You owe me something, Tarranza. Ako na naman ang sumalo ng gawain mo."

Umakyat na lang ako pabalik sa kwarto saka nagpalit ng plain white tee shirt at boxer. Wala rin akong gagawin kung papasok pa 'ko. Puro lang pirma nang pirma. Kaya namang gawin 'yon ni Kaizer.

Nang makababa ako, nakita ko ang mahimbing na pagtulog ni Shaina tulad ng anak niya. Naka-handa na rin ang isang basong tubig at gamot sa mini table na kaharap ng couch.

Naglakad ako papasok sa kusina saka nagsimulang maghanap sa mga cabinet. Halos nakalkal ko na lahat ng cabinet dito sa kusina pero wala pa rin 'yong hinahanap ko. Nasaan na ba kasi 'yon?

"Anong hinahanap mo, Ijo?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko si Nanay Sinang mula sa pinto ng kusina.

"`Yong sachet po ng ginagawa niyong soup, hindi ko po kasi mahanap."

"Ay, sus! Ang batang ito, nag-e-effort na sa isang babae, a?" panunukso sa'kin ni Nanay Sinang na naging dahilan ng pag-ikot ng mga mata ko.

"Andiyan lang kasama ng mga asin, Ijo. O, sige na, maglilinis pa 'ko ng pool. Pagbutihin mo ang pagluluto, a? Sabi nga nila, 'A way to a woman's heart is through her stomach'." Napahalakhak pang sabi nito. Akala ko, "A way to a man's heart" 'yon? Tch, gawa-gawa.

"Ah, Nay! H'wag na po kayong mag-alala ro'n, ako na bahala." Abot tenga ang ngiti ko bago umalis si Nanay Sinang na nagtataka ngunit may kakaibang ngiti sa labi.

Narinig ko pa ang pagbulong niya ng, "Mukhang may inspirasyon kaya nagsisipag lalo." Psh, kahit naman wala 'yang babaeng 'yan, masipag ako.

Natumba ako sa pagkaka-upo nang makita ko ang dahan-dahang pagmulat ng mata ni Shaina. Baka isipin nito, binabantayan ko siya. Makapal pa naman ang mukha nito.

"Totoo naman kasing binabantayan mo," pag-kontra sa'kin ng isip ko. Tch, oo na, ano naman?

"O, gising ka na pala. Buti hindi ka pa natuluyan? Sino ba naman ang matutulog sa labas ng bahay kahit umuulan? Psh, Idiot."

"Siya nga pala, pinaghanda ka ni Judith ng soup tapos pinahiram ka na rin niya ng damit kaya magpasalamat ka."

Hindi niya ako pinansin at kinuha na lang ang bowl na may lamang soup saka nagsimulang humigop.

Pinanood ko siya kung paano niya higupin ang sabaw. Nang may matapon sa suot niyang pink na sleeveless shirt, hindi ko maiwasang tumawa nang nang-aasar.

"Pft. Stupid." Mas matalim pa sa bagong hasang kutsilyo ang mga titig nito sa'kin.

Binigyan ko siya ng tinging nagtatanong. Bakit, may ginawa ba 'kong mali? Siya na nga pinatuloy ko rito, e.

Lumapit ako sa kaniya ng dahan-dahan. Wala, para lang intense tapos pakabahin siya unti na mukha namang epiktibo. Daig pa nito climate change sa bilis ng pagbabago ng emosyon, e.

Kinapa ko ang noo niyang mainit kanina. Mabuti naman, wala na siyang lagnat. Pwede na siyang maka-layas ulit pagtapos niyang ubusin ang soup.

"Nasabi ko na bang 15k ang sahod ng katulong dito tuwing kinsenas-katapusan? Kung hindi ka satisfied sa pag-alis mo ng walang perang dala..." Huminto ako sa pagsasalita saka kumuha ng cheque at pinirmahan ang nagkakahalagang 50k. Hinagis ko 'to sa mukha niyang nakatulala.

"Ayan! Dinoble ko na kaya pwede ka nang umalis!" dagdag ko pa saka pinanood siyang pulutin ang cheque nang maluha-luha. Tears of joy? Tch, mukhang pera.

Kadalasan kasi sa mahihirap, hindi titigilan kaming mayayaman hangga't walang nakukuhang pera mula sa'min.

"Mama!" Nilingon ko si Adrian na tumatakbo papalapit sa'min.

Naudlot ang pagyayakapan ng mag-ina nang mabaling ang atensyon nila dahil sa pagtunog ng phone ko. Si Kaizer, tumatawag. Para saan naman kaya? Tch, lumayo ako sa pwesto nila bago sagutin ang phone call.

"Oh? Anong kailangan mo?"

"Tangina mo, matapos mo sa'kin ipasa 'yong gawain mo, ga-ganiyan-ganiyan ka sa'kin? Ulol! Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta kami ni Ethan diyan." Pinatay niya agad ang tawag pagtapos na pagtapos niyang sabihin 'yon. Gago talaga.

"Hoy, Babae! Linisan mo 'yong pool, h'wag kang babalik dito sa loob hangga't hindi mo pa naaalis maski ang kasing liit ng butil na dumi." Umasim ang mukha niya nang marinig ang pag-de-demand ko.

"Akala ko ba, pinapalayas mo na 'ko? Bakit mo pa 'ko inuutusan?" Mataray na pagsagot nito. Aba, ang tapang, a? Parang kanina nagmamaka-awa pa siyang tanggapin ko ulit, psh.

Hindi ko na lang siya pinansin. Pumunta ako sa sala para manood ng TV habang humihigop ng kape.

Nakita ko siya sa peripheral vision ko na padabog na naglakad papunta sa main door habang dala-dala ang pangsalok na net na ginawa ni Nanay Sinang.

May puno kasi ng mangga malapit sa poil kaya hindi maiwasang malagyan ng mga dahon 'yong tubig. Linggo-linggo kong pinapalinis 'yon, baka kasi basta-basta na lang mag-held ng pool party sila Kaizer dito sa bahay, e.

"Kaya naman pala handang um-absent, kasi may MAGANDAng rason." Ethan pointed out while making his way to the couch where I comfortably sitting.

Kasunod niyang pumasok ang feel at home na si Kaizer habang naka-ngisi. Mukhang may katarantaduhan na namang naiisip 'to.

"Siya ba 'yong bagong katulong mo? Ayos ka talaga pumili, ang ganda na, ang sexy pa!"

Napa-ismid ako nang marinig ko ang papuri ni Kaizer sa babaeng naglilinis ng pool sa labas—na paniguradong nakita nila dahil nasa tapat ng main door ang pool.

"Oh, bakit ganiyan ang mukha mo? H'wag mong sabihing hindi gumana ang karisma mo roon? Tsk, sabi ko kasi sa 'yo, hinay-hinay lang sa pagpili ng mga salitang bibitawan."

Tinapik ni Ethan ang likod ko na tila ipinaparating na naiintindihan niya 'ko. Psh, bakit ba nila pinupuri 'yong babaeng 'yon? Hindi naman maganda 'yon, e. Ang payat-payat tapos wala pang dibdib.

Para pa ngang tomboy kung manamit, laging naka-oversized shirt. Isa pa, akala ko ba ako ang dinadalaw nila? Tch. Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to?

"Bakit ba ayaw niyo maniwala? Totoo ngang gumamit ako ng pH care dati kasi akala ko body wash!"

Naka-tayo sa harap namin ni Kaizer si Ethan habang nagku-kuwento na akala mo napakalaking bagay ng sinasabi niya. Kanina pa siya nagsasabi ng mga nakakahiyang bagay sa buhay niya kaya tanging tawanan lang ang maririnig sa sala habang kumakain kami ng in-order na pizza.

Natigil ang pagtatawanan namin nang pumasok ang basang-basa na si Shaina habang naka-lamukos ang pangit nitong mukha. Bakit ba siya naka-wacky?

Siniko ko si Kaizer nang marinig ko ang pagsipol niya habang naka-titig sa katawan ni Shaina. Humulma kasi ang hubog ng katawan niya sa basang damit.

"Tapos na po ang pinag-uutos niyong linisin ang pool, may maipaglilingkod pa ba ako, Kamahalan?" Yumuko pa 'to ng bahagya saka umakto na isang muchacha. Pft, bagay.

"Wala akong sinabi na mag-swimming ka pagtapos mong linisin ang pool. Ngayon, gusto kong bilisan mong magbihis dahil paaakyatin kita sa bubong para maglinis ng alulod. Tapos isama mo na rin sa paglilinis 'yong garahe. Dapat mapa-kintab mo, a? 'Yong pwede na 'kong manalamin. Kung wala ka nang sasabihin, pwede ka na lumayas, Alipin."

Pigil-hininga akong nagsalita para hindi matawa sa reaksyon nito. Mukha naman siyang masipag, reklamadora nga lang. Laging may side comments, tch.

"ARRRGHH!" Padabog itong naglakad at halos mangiyak-ngiyak no'ng pumunta sa kwarto kung nasaan si Adrian na kanina pa naglalaro.

'Yan, ganiyan nga. Magdusa ka sa pambabasag mo kay Levi. Mahal na mahal ko 'yon tapos babatuhin mo lang? Psh, basugalera.

"Grabe ka naman doon sa babae, Ian. Sayang 'yong kagandahan no'n tapos paaakyatin mo lang sa bubong? Tsk."

Tumayo si Kaizer papalapit sa kwarto habang dala-dala ang isang slice ng pizza. Bakit ba nila binibigyan ng special treatment 'yang bruha na 'yan?

Umiling na lang ako't nagpatuloy sa pakikipag-kwentuhan kay Ethan. Buti pa 'to, matino. Hindi katulad no'ng isa, puro landi.

Buong araw ko ring pinahirapan si Bruhilda habang si Kaizer naman, busy sa pagtulong sa kaniya. Siguro, kinikilig-kilig na 'yon. Ikaw ba naman, mabigyan ng special treatment ng magandang nilalang tapos mayaman pa? Aish, naka-bunos si Bruhilda.

Mas maganda naman lahi namin kaysa kay Kaizer, tch. Habang busy sila sa pag-de-date sa bubong kanina, niyaya ko ulit si Adrian na maglaro ng psp. Umuwi rin kasi agad si Ethan pagtapos ng mga kwento niya.

Bumuntong hininga ako, pilit na pinapaluwag ang isipan.

I guess, my friend's really hitting on that bitch. But I won't let him fall on her trap. Gold digger.