Breakdown

Natapos ang araw ng graduation nina Ella at Jason ay hindi man nakasama o nakita man ni Ella si Jason kahit pinuntahan pa nito sa kanyang mismong bahay. 

Dumaan ang ilang araw ay puno ng pag-alala si Ella kay Jason dahil kahit isang ideya ay wala siyang maisip kung saan maaaring pumunta si Jason. Sa harap ng bahay nila Ella ay may nakita siyang isang regalo. Ang laman ng regalo ay isang relo, nagtaka si Ella kung bakit may magbibigay sakanya ng isang relo. Relo na nagsisimbolo ng oras, maaaring para sa hinaharap o nakaraan.

Pumasok sa loob ng bahay si Ella at may masama siyang naramdaman, na parang may malapit sakanya ang mawawala.

Ella: Bakit ganito ang nararamdaman ko...Sana nasa mabuting kalagayan ka Jason...

Matagal nang hindi nagpaparamdam si Jason, napupuno ng sama at sakit ng loob si Ella. Hindi na niya alam kung ano nangyari kay Jason at litong-lito na siya kung bakit kahit isang mensahe o salita man lang galing sakanya ay hindi niya ito naibigay.

Ella: Jason??! Nasaan kana?!

Sinigaw ni Ella habang tumutulo na ang mga luha sa kanyang mga mata. 

Isang araw, may nakuha siyang isang kasulatan galing kay Jason. Agad niya itong binasa at... napuno ng kalungkutan at dalamhati si Ella. Hindi niya akalain ang nangyare kay Jason. Binasa niya ulit ng mabuti ang kasulatan.

Para sa aking Mahal na si Ella,

 Patawarin mo ako kung sobrang tagal ko nang nawawala...Kamusta kana? Malapit na bang matupad ang pagpunta mo sa abroad para maging nurse? Sa ngayon, hindi ako pwedeng magpakita sayo. It's really complicated... Sana maintindihan mo ako, madami akong tinatahak na kalaban ngayon hahaha! Sa oras na makuha mo itong kasulatan na ito, malayong-malayo na ako sayo. Patawad, pero kailangan kong lumayo sayo. Hindi na ako pwedeng lumapit pa o magparamdam. The thing is, nasabi ko man na mahal kita...Biro lang mga yun, my love for you was fake. YES, totoo yun na GINAMIT LANG KITA. Wag na wag mo na akong hahanapin. It's the best decision. I'll never show my face to you Ella. Babaero ako as always, don't mind this demonic person. Good luck sa mga pangarap mo.

Ang taong babaero,

Jason

Lalong umiyak si Ella nang matapos niya itong basahin ulit. Naisip niya na mawawala na ng saysay ang kanyang buhay, iniisip niya na rin itong tapusin. Hindi ma-alis ni Ella sa kanyang isipan kung ano na ang nangyare kay Jason. 

Ella: *crying* Bakit ka nagkaganyan? Ano pagkukulang ko? 

Pagpapatuloy...