Burning Heart

Flashback:

//

Sa kanilang pagtayo ay mayroon silang nadinig na tumatakbo sa labas ng kwarto hanggang may bumukas sa pinto, si Inspector Xavier.

"MAY MALAKI TAYONG PROBLEMA" pasigaw na sinabi nito

//

Agad silang nagpaalam kay Jake at sumunod sina Alex, Ella, Jane at Kyle kay Inspector Xavier papunta sa unang palapag ng ospital. Sa kanilang pagbaba ay nakita nila si Detective Charles na may kausap sa kanyang telepono.

Lumapit si Detective Charles sakanila at sinabing kailangan na nilang bumalik sa bahay ni Kyle dahil may nagsabing nasusunog ito. Ipinaliwanag din nito na ang mga bumbero ang kanyang kausap kanina.

Sinabihan agad ni Kyle na magmadali sila dahil ang ibang importanteng gamit nito at nandoon. Agad agad sumakay ang magkakaibigan sa sasakyan at sinundan sina Detective Charles sa kanilang pagbalik.

Dumaan ang ilang minuto at umabot na sila sa bahay ngunit huli na ang lahat. Lumabas agad si Kyle at sinubukang pumasok sa kanyang nasusunog na bahay ngunit pinigilan agad siya ni Ella at Alex.

Si Kyle ay walang magawa kung hindi ay panoorin na lamang ang pagiging abo ng kanyang pinundar na bahay. Napada siya at sinabing magsisisi ang taong gumawa nito sakanya. Niyakap ni Ella si Kyle upang pakalmahan siya at dito nagsimulang tumulo ang mga luha nito.

Sa isang banda, umikot si Detective Charles at Inspector Xavier sa likod ng bahay upang humanap ng ligtas na daan para makakuha ng importanteng gamit ni Kyle ngunit ang pagbulusok ng apoy ay tila isang leon ang humahamon sakanila. Habang tumatagal ay lumalakas ang init ng sunog at lumalaki ang binubugang apoy nito. Bumalik ang dalawa sa harap upang gabayan ang apat na magkakaibigan dahil maaaring lumusob ulit si Kyle upang subukang iligtas ang ibang gamit nito.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na din ang mga bumbero. Agad nilang sinubukang patayin ang nagliliyab na leon ngunit ang pakikipaglaban ng mga ito ay umabot ng ilang oras.

Sa pagbaba ng araw, gabi ay dumating. Ang leon ay sumuko na ngunit ang bahay na nagliliyab ay kakaunti na lamang ang parteng natira.

Lumapit si Kyle sa kanyang pinundar na bahay at tinitigan ito ng ilang minuto. Sinubukan lumapit ni Ella ngunit pinigilan siya ni Jane. Hinayaan muna nila ito para kumalma ang kanyang damdamin.

Pagkatapos magdamdam ni Kyle ay bumalik ito sa grupo at sinabing kailangan niyang malaman ang taong nasa likod nito.

Napatingin si Alex sa kanang parte ng bahay at nakita nito na may mailbox si Kyle at parang ito ay hindi nagalaw. Sinabi niya ito sakanila at isinama ang ideya na kung gustong sirain lahat ng pagmamay-ari ni Kyle ay sigurong isinama na kahit ang maliit na bagay.

Napaisip ang bawat isa at si Inspector Xavier ay lumapit sa mailbox. Binuksan ito at sa pagtingin sa loob ay nakita niyang may isang sulat. Ipinakita ni Inspector Xavier ang sulat sa grupo at nagulat ang mga ito sa kanilang nakita. Nagtaka si Inspector Xavier sa kanilang reaksyon kaya tinanong niya ito sakanila. Sinabi nila na ang pagkakagawa ng sulat ay kamukhang-kamukha ng kasulatang nakuha ng bawat isa.

Sa puntong ito ay naging konklusyon ng bawat isa na ang nagbigay ng mga sulat sakanila ay ang o mga taong sumunog sa bahay ni Kyle.

Ipinangako ni Kyle na aalamin niya ang taong nasa likod nito dahil hindi niya ito mapapatawad.

Sa kanilang sitwasyon at naisip nina Detective Charles at Detective Alice na hindi ligtas ang mga tahanan ng bawat isa kaya iminungkahi ng dalawa na manatili muna ang mga ito sa kanilang apartment.

Kahit may lakas ng loob si Kyle na alamin ang taong nasa likod nito ay mayroon paring takot dahil sa kung saan umabot ang kakayahan nito upang takutin at pigilan lamang ang lahat.

Pumayag ang grupo dahil naramdaman nilang mas magiging komportable sila sa kanilang pagtulog at mas mataas ang seguridad sa paligid kung makakasama nila ang mga ito.

Si Inspector Xavier ay nagpapaalam na sakanila sapagkat tapos na ang trabaho ngunit biglang binigyan siya ni Detective Alice ng imbitasyon na sumama sakanila.

Umabot sa tenga ang ngiti ni Inspector Xavier sapagkat gusto niyang makisama sa kasong hinahawakan nila dahil naging interesado ito. Sa kabilang dako ay tila napikon si Detective Charles sa biglaang desisyon ni Detective Alice.

Biglang lumapit si Detective Alice kay Detective Charles upang itanong kung may problema ito sa kanyang desisyon. Si Detective Charles ay tila napuno ng takot at dahan dahang sinabi na ayos lamang ang kanyang desisyon.

Natapos na ang kanilang diskusyon at nagdesisyon na silang pumunta sa apartment upang mag-ayos at magpahinga na dahil lumalalim na ang gabi. Kinuha nila lahat ng pwedeng magamit at sila ay umalis na sa bahay. Bago muja tuluyang umalis ay nagpaalam muna si Kyle sa kanyang namayapang bahay.

Sa pagdating ng grupo ni Ella sa apartment nina Detective Charles at Detective Alice ay agad hinanap ni Alex ang higaan upang ito'y matulog. Si Kyle ay pumunta sa banyo upang maghilamos at maglinis ng katawan. Sina Ella, Jane at Detective Alice ay pumasok sa kwarto kung saan si Alex at pinaalis ito upang sila ay makapagbihis. Si Alex ay kaunting nagalit sa utos nila ngunit hindi niya ito kayang lumaban sa tatlong babaeng kaya siyang ipatumba.

Si Detective Charles at Inspector Xavier ay nanatili sa kanilang sala at nag-usap tungkol sa kanilang nakaraan. Ibinukas ni Inspector Xavier ang rason ng kanilang pag-aaway dahil naisip niyang ito na ang pinakamagandang panahon upang pag-usapan nila ito.

Binanggit ni Inspector Xavier kay Detective Charles na maaaring delikadong tao ang kanilang hinahanap. Nabanggit din niya na maaaring ito na ang kanilang huling misyong magkasama.

Hindi sumang-ayon si Detective Charles sa kanyang mga sinabi at nagalit ito. Pumayag ito na buksan ang pag-uusap nila tungkol sa kanilang nakaraan.

Ano nga ba ang naging alitan ng dalawang magkaibigan noon?

Pagpapatuloy...