Chapter 19

[Lliane]

"um... ano..."

Hindi maituloy ni Emia ang sasabihin niya kaya naman inilapit ko ng konti ang mukha ko sa kanya...

"anohhh?..."

Nahalata ata ni Emia na ini-intriga ko na siya kaya nag complain siya sakin...

"Ano ba yang tinatanong mo!?..."

Pagkasabi niya nun ay agad niyang kinuha ang librong kanina ay binabasa niya at tumayo...

"Uy!?... Joke lang yun..."

"Isa pa,... hindi naman siya nag tapat nun..."

Narinig ko pa ang huling sinabi ni Emia kahit pa nga napakahina nun...

Parang may iba siyang iniisip at nasa malayo ang tingin,... at ang tinig niya eh napakalungkot...

Sino kaya ang tinutukoy niya dun?...

Sumigaw pa ako sa kanya bago niya tuluyang isara ang pinto ng library...

"Kita tayo mamaya sa klase!..."

Pagkatapos kong sumigaw ay napalingon ako sa iba pang mga estudyante na naroon din sa loob ng library na nakatingin na pala sa akin...

"Sorry..."

****

[Emia]

Forty five minutes bago magsimula ang first subject ko sa umaga ng dumating ako sa classroom kaya lang nandun na pala si Sylvan sa loob.

Mag isa pa lang siya at ano pa nga bang aasahan ko at nandoon na naman siya nakapuwesto sa malapit sa bintan at nakapikit habang nakaalalay ang kanang kamay niya banda sa kanyang baba.

Sinarado ko ang pinto at naglakad sa unang upuan na katapat lang halos ng pintuan.

Nakita kong dumilat si Sylvan at na-curious ata kung sino ang pumasok at ng makita niya ako eh parang medyo nabigla pa siya bago ngumiti...

Oo na, sige na,... late na ako palaging pumasok... Masama bang pumasok ng maaga ngayon...

"Good morning..."

"Good morning---"

H U H H H!!!!???? Bakit ako napasagot sa kanya?... Parang inamin ko na rin na mas nakaaangat siya kaysa sa akin... pero, parang ganito rin ang sitwasyon dati ng unang beses niya akong batiin ng good morning.

Noon eh puyat ako dahil sa kanyang pagtawag sa cellphone ko, ngayon naman eh puyat ako dahil sa kanyang number sa cellphone ko...

Binalik niya ang ayos niya kanina matapos niya akong batiin... gaya ng dati eh wala pa rin siyang paki... teka!, parang mali ata itong ginagawa ko!?... Dapat eh galit ako sa kanyang ginawang pagsisinungaling sa akjn dahil tauhan siya ni lolo... tama!.. pero... matapos kong umiyak sa harapan niya kahapon...

"Ang layo mo ata?... Hindi ka naman diyan umuupo ah..."

Ganun pa rin,... nakapikit siya habang sinasabi niya iyon...

Badtrip!... Parang nawala tuloy bigla ang galit ko sa kanya kapag ganito ang presensya niya...

"Mukhang hindi ka na inaantok ngayon ah?..."

Nagulat ako ng biglang sabihin iyon ni Sylvan. Paano niya naman kaya nalaman na inaantok ako kanina...

"Six seconds..."

"Six seconds?..."

Ano naman kayang meron sa anim na segundo?...

Tumingin siya sa akin bago siya nagsalita...

"Humikab ka ng six seconds pagpasok mo sa gate..."

BLUSHED!!!!

Tinuro pa niya ng kaliwa niyang hintuturo yung gate na kita mula sa bintana.

"Huwag mo nga akong panuorin!..."

Hindi ko na nakita panang sumunod niyang naging reaksiyon basta umupo na lang ako bigla sa upuan.

[Sylvan]

Smiling...

Looking at Emia who sits in front of the blackboard...

"Pretty..." (amazed)

****

[End of first class] Emia

Marami rami na rin sa mga classmates ko ang nakaalis na sa room at papunta na sa kani-kanilang second classes at palabas na rin ako ng naramdaman kong may humawak sa likuran ng bag ko kaya napahinto ako sa paglakad...

HEARTBEAT!...

Nabigla ako ng makitang si Sylvan pala ang humila sa bag ko.

"Sabay na tayo..."

"Huh???..."

Hindi ko malaman kung anong meron sa kanya ngayon at ang presensya niya ay maihahambing sa "bloomingly cool".

He's blooming and also emits some cool essence...

At dahil na rin siguro sa approach niya na ganun ay hindi na ako nakapagsalita pa ng kunin niya ang mga libro kong hawak...

Hmm?... Ano kayang meron sa kanya ngayon... Dahil kaya yun sa nangyari kahapon?...

(Flustered)

"Ano tayo na---"

"Sylvan may naghahanap sayo..."

Natigil sa pagsasalita si Sylvan ng tawagin siya ng isang babae na classmate namin at nilapitan naman ni Sylvan yung tumawag na nasa may pintuan pa at tinuro kung sino ang naghahanap sa kanya.

"Emia,... mauna ka na lang muna..."

(HEARTBEAT)

Nakangiti siya ng ipaalam niya iyon sa akin...

Ano ba itong nararamdaman ko ngayon? Parang ang bilis bilis ng tibok ng puso ko?...

Isa pa,... pa- parang b- boyfriend ang dating niya sa akin ng sabihin niya iyon...

Hindi ko rin maintindihananv sarili ko kung bakit ako sumagot sa kanya...

"u-hmm..."

****

[3rd floor stairs] Nina

Pinuntahan ko si Sylvan sa classroom niya kanina at hindi ko mapigilang mag isip habang nakasunod siya sa akin.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako naiirita sa cool na aura niya... kaya lang wala ako sa lugar para usisain siya masyado isa pa kailangan ko ng gawin ang dapat kong matagal ng ginawa...

"Sylvan, pwede mo ba akong pakinggan lang muna ngayon?..."

Huminto ako sa paglakad pagdating namin sa may kaligitnaan ng hagdan.

"Sige."

[Sylvan]

Pansin ko na may mahalagang sasabihin si Nina mula pa ng makita ko siya sa labas ng classroom ko kanina kaya pumayag akong sundan siya pero ngayon na nagsimula na siyang magsalita eh parang kinabahan ako bigla at isa pa eh parang nagdudulot ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko ang presensya sa paligid...

Lagot!?... Mukhang alam ko na ang mga susunod na mangyayari...

"Gusto kita Sylvan... alam kong sinabi ko na ito sa iyo nung nakaraan kaya lang ayokong sa ganoong paraan na nabigla ako at nagalit ng nasabi ko ang damdamin ko,...

Kaya ngayon...

Gusto kong sa ganitong paraan ko ito sasabihin..."

[Nina]

Kagaya ng pagkakakilala ko sa kanya,... hindi siya magsasalita pero ngayon ay matiyaga siyang nakikinig sa mga gusto kong sabihin at hindi kagaya nung nakaraan na ramdam kong naiilang siya sa mga sinabi ko...

"Nagustuhan na kita bago pa tayo magkaroon ng pagkakataong magkakilala..."

(M E M O R I E S)

[Two years ago] Nina

Uwian na noon ng pinaiwan kami ng isa kong classmate ng teacher namin dahil parehas kaming walang naipasang project.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa inyong dalawa, lagi na lang kayong walang pinapasang project ano bang problema at hindi kayo makapagpasa?..."

Walang sumagot sa aming dalawa pero ng tignan ko siya eh nakita kong parang sa ibang bagay siya nakapokus... hindi, mas tamang sabihin na hindi niya pinakikinggan ang sinasabi ng teacher namin.

"Sige, ganito na lang... pagbibigyan ko pa kayo hanggang bukas ng uwian para ipasa sa akin ang project ninyong dalawa... pagtapos nun at hindi pa rin kayo nakagawa ag ipapatawag ko na ang mga magulang ninyo..."

Madali lang para sa akin na gawin ang project na ibinigay sa amin dahil isa ang pamilya namin sa first class family pero ewan ko lang sa lalaking ito...

Matapos magsalita ng aming teacher at umalis ay agad din namang umalis yung classmate ko. Ewan ko kung anong meron sa kanya pero sa tuwing nakikita ko siya sa loob ng classroom eh hindi ko man lang siya narinig na magsalita at kagaya ko eh wala rin siyang mga kaibigan.

Ang totoo niyan eh isang buwan ko na rin siyang pinagmamasdan... hindi ko alam pero gustong gusto ko siyang tinitignan.

Nandun siya nakaupo sa may kaliwang dulo ng room sa tapat ng bintana at ako naman ay nasa kanang dulo.

Siguro crush ko na siya nun...

****

[Next morning] Lunch Break

Bitbit ko na nun ang project kong decorated built in house para sa aming arts and design teacher ng mabunggo ako sa hallway ng mga ka level ko lang din na mga lalaki na kalalabas lang ng canteen.

Ang mga lalaking nabangga ko ay ang grupong madalas kong makaaway sa school at kaharap ko ngayon ang tatlo nilang pinuno na pare-parehong kabilang sa first class families...

[Canteen] Sylvan

"Uy!.. May nangyayaring gulo sa labas..."

Yun ang narinig kong sinabi ng ibang estudyante na nakatayo na ngayon sa kanilang mga upuan.

Katatapos ko lang kainin ang isang supot ng marshmallow ng tumayo ako at lalabas na ng canteen.

"Lagot siya,... yung tatlo pa na yun ang nakabangga niya..."

Huli ko yung narinig at pagkalabas ko ng canteen ay sakto namang naroon pala ang pinagtitinginan ng lahat at nakita ko pa ng sirain ng nasa gitna ang hawak nung babae na isang maliit na model ng bahay.

Tama!... Siya rin yung babae na ngayon magpapasa ng project sa arts and design.

Bumagsak yung project ng babae sa sahig ng hampasin ito ng lalaki atsaka nito siya kinuwelyuhan...

Nasa may pintuan pa ako ng canteen at ilang hakbang lang sa harapan ko kung nasaan sila.

Wala man labg reaksiyon yung babae ng sirain at kuwelyuhan siya nung lalaki at nakikipagtitigan lang dito...