Chapter 24

Asher's POV:

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Lia dito sa paligid ng foodpark.May kalakasan na ang buhos ng ulan,buti na lamang at may dala akong payong.Hinahanap namin ngayon si Tristan bigla na lamang kasing nagwalk out kanina.Kinakabahan ako na baka kung mapaano yun nakainom pa naman.

Mahigit isang oras na kaming nag hahanap sakanya ni Lia.

"Sir A.?Saan pa kaya natin hahanapin si Tristan?Halos nalibot na natin ang buong foodpark.?"Lia

"Nandito lang yun Lia.Kailangan natin yun mahanap baka mamaya kung napaano na yun."-Ako

"Sige Sir A."-lia

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad ni Lia ng makarinig kami ng announcement mula sa stage na pinagdarausan ng October fest.

"Pinatitigil na nila ang event?"-ako

"Sobra na kasing lakas ng ulan Sir.Kahit tayo oh?nababasa na rin.Sumilong na muna kaya tayo?"-Lia

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Lia.Hindi ko na napansin na basang basa na din pala kami,walang silbi ang payong na dala ko sa biglaang paglakas ng ulan.Napadako kami Lia para sumilong dito sa backstage ng event ng mga banda.

"Sir A?may bagyo ba?grabe bakit ngayon pa umulan ng ganito kalakas?kung kailan pa nawawala si Tristan?Nasaan na kaya yun?."-Lia

Hindi ko na sinagot ang mga tanong ni Lia,kinuha ko na lamang sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko.Nagtry ako na tawagan si Tristan.

"Shit!Mukhang inooff ni Tristan ang cellphone nya."-inis kong sabi

"Humanda talaga sakin yun Sir kapag nakita natin.Pinakakaba nya tayo e."-Lia

"Sana naman walang mangyaring masama sakanya."-Ako

"Sir A..Kakaiba yung pagiging concern mo kay Tristan."-Lia

Nagulat ako sa biglang sinabi ni Lia.Napatitig ako sakanya.

"Sir A.Huwag kang magagalit sa akin ha.Ano po kasi.."-Lia

"Uhmm ano yun Lia?"-ako

"Napapansin ko po na may kakaiba sayo."-Lia

"Huh?"-ako

Nabigla ako sa sinabi ni Lia.Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay.

"Sir A,gwapo ka,macho,mabango,napakalakas ng dating sa aming mga babae.Makalaglag talaga ng panty yung hitsura mo,lalo na kapag nakangiti ka susme nawawala yung mata mo.Chinito hearthrob ka po talaga.Ang problema nga lang ay.."-Lia

Napalunok ako sa mga sinasabi ni Lia.Nakakaoverwhelm lahat ng papuring binabanggit nya.

"Sir....Are you gay?"-Lia

Hirap na hirap na binitiwan ni Lia ang tanong na yan.Ipinikit din nya ang kanyang mga mata.Hindi ko alam kung paano nya nalaman ang tunay kong pagkatao.Alam ko naman sa sarili ko na tinago ko itong mabuti.Iilan lang ang nakakaalam ng sexual prefference ko at lahat sila ay hindi connected sa trabaho ko,ayaw ko kasing dalhin ang alter ego ko sa mundo kung saan dapat propesyunal ang kilos at gawa.

"Yes.Your right Lia.Im not straight.Im part of the LGBTQ+ community."-ako

Nang masabi ko kay Lia ang mga salitang yan ay kitang kita sa mukha nya ang labis na pagkabigla.Nanlaki din ang kanyang mga mata.Nanatili naman akong kalmado.

"Sir?Sorry po kung naitanong ko sayo ang bagay na ito pero po hindi na talaga ako mapakali lalo pa ngayon na nawawala si Tristan lalo ko pong nahahalata na may kakaiba sa kinikilos mo."-Lia

Kitang kita sa kilos at reaksyon ni Lia ang labis na kahihiyan.

"No worries Lia.Naiintindihan naman kita.Handa naman ako sumagot sa kahit sinong makakapansin kung ano talaga ang tunay kong pagkatao."-ako

Nginitian ko ng matamis ang kabadong si Lia.Bahagya ko ring hinawakan ang kanyang mga kamay na halos manigas na sa sobrang lamig nito dala marahil ng malamig na panahon o di kayay sa sobrang tensyon.

"Salamat Sir.Akala ko po kasi magagalit ka kapag nagtanong ako sayo.Salamat din po na pinagkatiwalaan mo ako na sabihin yung secret mo."-Lia

"Wala yun.Masaya din ako na naibahagi ko sayo ang lihim ko."-Ako

Nabigla naman ako sa kinilos ni Lia ngayon.Bigla nya akong niyakap at palagay koy umiiyak pa sya.

"Umiiyak kaba?''-tanong ko

"Opo Sir.Nanghihinayang po kasi ako sayo.Ang pogi mo pa naman,gusto ko sanang anakan mo ko ng trenta."-Lia

Napatawa naman ako sa sinabing iyon ni Lia.Kung magiging straight naman siguro ako e hindi ko kakayanin ang magkaanak ng trenta.

"Haha.Buti na lang hindi ako straight Lia.Panigurado mangangayayat ako sa trentang anak haha."- biro ko

Bumitiw na mula sa pagkakayakap nya sa akin si Lia.Nagtatawa naman sya ng maringgan ang naging biro ko.Paano kaya nya nalaman ang lihim ko?

"Uhmm Lia,paano mo pala nalaman yung sikreto ko ?"-tanong ko

"Madali lang Sir A.Dahil kay Tristan."-Lia

"Kay Tristan?"-sabi ko

"Opo.Ilang beses po kasi kita nakikitang nakatingin kay Tris,kakaiba.Yung tingin na malagkit at may halong malisya,minsan pa nga po nung naglilinis si Tris sa dining tapos nakatopless sya yung tingin mo po jusmiyo makatunaw ng abs sa sobrang pagka titig mo."-Lia

Bahagya akong napalunok at nakaramdam ng pagkahiya sa mga narinig kong sinabi ni Lia.Hindi ko alam na may nakakapansin pala sa mga ginagawa kong iyon.

"Sir A?ayos ka lang ba?"-Lia

"Uhm,Oo.sya nga pala.Kailangan na nating makita si Tris,hindi pa rin kasi humihina ang ulan.Kinakabahan ako."-ako

"Paano yan?Baka magkasakit tayo Sir?Iisa lang ang dala nating payong."-Lia

"Oo nga e.Sige ganito na lang.Iiwan na muna kita dito at ako na lang muna ang maghahanap sakanya."-ako

"Kaya mo ba Sir?Sobrang lakas po ng ulan."-Lia

"Oo naman.Saka nararamdaman kong kailangan ako ni Tris ngayon."-ako

"Ayieee ikaw Sir A ah!May something ka talaga kay Tris hihi"-Lia

Ngumiti na lamang ako kay Lia.Binuksan ko na muli ang payong na hawak ko at agad na umalis para hanapin si Tristan.Hindi kaya ng konsensya ko na pabayaan na lamang sya sa ganitong sitwasyon,alam ko kasing may mabigat na pinagdaraanan ang taong iyon.

Halos mag iisang oras na muli akong nagiikot ikot dito sa backstage.Malakas pa rin ang ulan at sa kasamaang palad ay hindi ko pa rin natatagpuan si Tristan.Nawawalan na ako ng pagasa na makita sya.Marahil wala na sya dito sa venue,siguro umuwi na lang sya.Ngunit iba ang pakiramdam ko,feeling ko may mangyayaring hindi maganda sa gabing ito.

Nagpatuloy muli ako sa paglalakad at sa pagkakataong ito,nakarating ako sa pinaka dulong parte ng pinagtatayuan ng mga tent na ito.Kakaunti lamang ang mga taong nandirito kaso napansin ko na may pinagkakaguluhan sila sa isang dako.

Marahan akong lumapit sa kumpulan ng mga tao na nakikiusyoso.

"Ano ba yan?kabit ba ng babaeng yan yung isang lalake?"

"Grabe naman tong lalaking to hindi na nga lumalaban yung isa sinasapak pa rin nya"

"Lalakeng kabit?ngayon ko lang narinig yan ah?usually kasi babae ang laging nagiging kabit tsk."

Ilan lang yan sa mga naririnig kong usapan habang akoy papalapit sa lugar kung saan may pinagkakaguluhan.Kahit malakas ang buhos ng ulan hindi pa rin maiwasan ng mga taong nandirito na manuod sa kung ano mang palabas ang nangyayari.

Nang makalapit na ako sa kumpulan ng mga tao ay nagulat ako sa mga nakita ko.Isang lalaki ang nakahandusay sa lapag,basang basa,duguan ang mukha.Habang ang babae naman ay nakatayo at animoy hinaharangan ang isa pang lalaki na nakatayo upang hindi nito malapitan pang muli ang nakahandusay na lalaki.

"Umalis ka dyan Lyrics!Tatapusin ko na ang kagaguhan ng lalaking yan!"-lalaki

"No!Hanggat nandito ako hindi mo sya pwedeng saktan."-babae

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na panoorin ang eksenang ngayon ay aking napapanood.Isang babae ang ngayon ay naiipit sa gulo ng pagibig.Dalawang magkaibang lalaki ang naghahangad ng kanyang pagsinta.Paano kaya nangyayari ang ganitong sitwasyon?bakit kailangan magkaroon ng third party ang isang pandalawahang relasyon lamang?Contentment ang marahil na sagot..May mga tao kasing hindi nakukuntento sa kung anong meron sila.Hindi nila naiisip ang mga taong kanilang masasaktan masunod lang ang ginugusto nila.Nagpasya na akong umalis sa kinalalagyan ko may kailangan pa akong hanapin,Si Tristan.Akma na akong aalis nang..

"Bakit Lyrics?Tama ako diba?Mahal mo pa rin si Tristan?diba?"-Lalaki

Napahinto ako sa aking paglalakad.Tama ba ang aking narinig?nabanggit ng lalaking kaninay nakatayo ang pangalan ni Tristan at Lyrics?.Napaisip ako ng malalim, ang lalaking nakahandusay ba ay si Tristan?at si Lyrics ang babaeng nakaharang dito laban sa lalaking galit na galit ang tono ng pananalita?Hindi ito isang kwento ng kabit,ito ang paghaharap ng dating magkasintahan na matagal nang nagaantay ng pagkakataon para muling magkita.

"Ano!!Sumagot ka !Mahal mo pa ba si Tristan?!''-Lalaki

"Ram..Im sorry."-babae

"Anong sorry?Bakit ka nagsosorry ?bakit!!!!"-lalaki

"Mahal ko pa yata si Tristan.."-babae

Muli kong binalikan ng tingin ang mala pelikulang tagpo na nangyayari sa gitna ng malakas na ulan.Pilit kong inaaninag ang hitsura ng lalaking nakahandusay at duguan ang mukha.Tama nga ako,ang taong kanina ko pa hinahanap ay ngayon ay natagpuan ko na.Nasa sitwasyon sya na nahihirapan.

"Napaka gago mo naman Lyrics.Kaya pala kung ituring moko ay parang hindi moko boyfriend ay dahil may nararamdaman ka pang pagmamahal sa ex mo.!!"-Ram

"Im sorry Ram.Kahit ako hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.Mahal kita pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko kay Tristan.May mga bagay sya na nagagawa na hindi ko nakikita sayo.Marahil nagkamali lang ako noon sa naging desisyon ko na pakawalan sya,mali na pakawalan namin ang isat isa.Pero huli na ang lahat nangyari na ang hindi dapat.Pinili kita at hindi ko kayang masaktan ka  kaya..."-Lyrics

Nagulat ako sa aking mga narinig.Mahal pa rin ni Lyrics si Tristan?ngunit ang lalaking kanyang sinasabihan ng masasakit na mga salitang ito ay ang kanyang boyfriend na si Ram.Paano nya nagagawa ito?

"Kaya nag iis-stay ka sakin?tama ba?Napipilitan ka lang?"-Ram

"Im sorry Ram.."-Lyrics

Hindi na ako makapag pigil sa nararamdaman ko ngayon.Naaawa ako sa sitwasyon ngayon ni Tristan.Isa na naman ba syang biktima sa nangyayaring ito?mahuhumaling na naman ba sya sa mga salitang binibitiwan ng ex girlfriend nya?Natatakot ako na sa bandang huli sya na naman ang masasaktan.Alam kong matagal na nya itong ninanais ngunit paano kung paasahin muli sya ng babaeng ito?lalo nat gulong gulo ito kung sino ang mas matimbang sa puso nya.Kailangan kong ipaaalam sa babaeng ito ang tunay na halaga at ibig sabihin ng pagmamahal.Kailangan nyang gumising sa kahibangan na ginagawa nya.Hindi maaaring magmahal ng dalawa ang kahit sino mang taong committed na sa iba.

Nagmamadali akong lumapit sa pinangyayarihan ng gulo.Wala na akong pakielam sa mga taong nabubunggo ko,nabitiwan ko na rin ang hawak hawak kong payong sa sobrang pagnanais kong malapitan ang ex girlfriend ni Tristan.Ako ang gaganti para sakanya.

Nang ilang pulgada na lamang ang layo ko mula kay Lyrics.Kitang kita ko na pinipilit pang tumayo ni Tristan ngunit sa sobrang panghihina hindi nya ito magawa.

Nang makalapit na ako kay Lyrics ay hindi na ako nakapagpigil sa bugso ng damdamin ko.Iginawad ko na sakanya ang isang malakas na sampal na magpapagising sakanyang kahibangan.

Kitang kita ko ang pagbagsak ni Lyrics sa kinatatayuan nya.

"Yan ang bagay sayo!Hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang Huwag kang manakit ng kapwa mo."-Asher

"What the fuck are you doing!!"-Ram

Yan ang tanging salita na narinig ko mula kay Ram ng sampalin ko si Lyrics.Kitang kita ko naman ang naging reaksyon ni Tristan na gulat na gulat.Hindi siguro sya makapaniwala na nagawa ko iyon kay Lyrics.Nakatingin sya sa akin sa mga oras na ito na parang sagad sa buto ang nararamdamang galit sa akin.

Ilang saglit lamang ay nakaramdam ako ng isang suntok mula sa aking likuran.Napatumba ako sa labis na pagkabigla sa hindi ko inaasahang ganti na manggagaling kay Ram.Humandusay ako sa basang lupa ng park na ito habang hawak ni Ram ang kwelyo ng  suot kong puting longsleeve.Nakaamba ang kanyang kanang kamay.

"Bakit mo sinampal ang girlfriend kong hayop ka!?"-Ram

Ramdam na ramdam ko ang galit ni Ram sa ginawa ko sa girlfriend nya.Bahagya ko ring napansin na nagkakagulo na ang mga tao na nandirito sa kinaroroonan namin para makiusyoso.

Napatingin din ako sa kinalalagyan ni Tristan at Lyrics.Kitang kita ko na nakayakap si Tris sa exgirlfriend nya habang nakayakap naman sakanya si Lyrics.Ito na marahil ang pinaka masakit na pakiramdam na nadarama ko.Ang makita ang taong mahal mo na may mahal ng iba.Alam ko na hindi ako magugustuhan ni Tristan dahil pareho kaming lalaki.Ngunit kahit hindi nya suklian ang pagmamahal ko ay handa akong ipagtanggol sya sa mga taong mananakit sakanya.

Isang malakas na suntok ang muling pinakawalan ni Ram at itoy pinadapo nya sa aking mukha.Hindi ako makagalaw o makaganti man lang,nakatingin pa rin ako kay Tristan at Lyrics.

Unti unti nang umiikot ang paningin ko.Lumalabo na ang paningin ko.

"Tama na yan Ram!"-Lyrics

Nakita ko si Lyrics na inaawat na ang lalaking bumabasag ng mukha ko.Hindi ko na kaya, parang nawawalan na ako ng lakas.

"Sir Asher..Sir Asher!"-Tristan

Boses ni Tristan yun.Nakita ko syang palapit sa aking pwesto.Pinilit kong ngumiti.

Hanggang sa.....

-BLACKOUT-

[End of Asher's POV]