Chapter 2

I was lost for words after hearing what Liam had said. Noong una ay hindi ko maproseso kung anong ibig niyang sabihin doon.

"Hatid na kita sainyo." Tumayo ito at saka ako iginiya papunta sa kanyang motor.

"Malapit lang naman ang amin."

"Kahit na. Babae ka, Jerard." I held my hands too tight. Marami rin ang nagsasabi sa akin na mukha akong babae. Ngunit wala pang nagsabi na babae ako. Si Liam palang.

"Lalaki pa rin naman ako kahit paano-" Masama niya akong tiningnan.

"People around you will never learn how to accept you if you will never accept yourself first." He said straight into my eyes. "Wag kang mag-alala, tanggap ko na babae ka. Tanggapin mo na rin na babae ka. They can't do anything about it."

Sumakay na siya sa kanyang motor. Tiningnan niya ako at saka ininguso na maupo na sa likuran niya.

"Baka marinig tayo ni Papa." Para akong bata na nagsusumbong dahil takot na madakip.

"I'll stop few inches away from your house." Hindi ko alam kung kakapit ba ako sa kanya o ano. Naiilang ako. Baka isipin niya masyado naman akong pabebe.

Liam reached for my hands and placed it on his shoulder. Mabilis lamang ang naging biyahe namin. True to his words, he stopped his motorcyle few inches away from us.

"S-salamat." I said in a low voice. Narinig ko ang mahinang halakhak niya.

Inabot niya ang aking buhok saka ginulo. "Matulog ka ng mahimbing, Jerard. Pangit sa babae ang sobrang liit at nipis ng katawan. Sleep tight, okay?" Para akong isang paslit na sunod-sunod ang pag tango sa kanya.

Tahimik akong pumasok sa amin. Nag-ingat ako nang sa ganon ay hindi ako makapaglikha ng ingay.

I slept with a smile plastered on my face. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga pinapakita ni Liam ngunit ayokong mag-isip ng kung ano-ano.

It felt like guilt crept on my system. Hindi ko alam paano sasabihin sa kanila na may gusto rin ako kay Liam. Natatakot akong magalit sila sa akin.

Pinaghusayan ko pa ang pagtulong kay Charm sa pagbigay ng mga tula niya para kay Liam. Baka sakaling dahil dito ay makatulong din ako. Lakarin ko kaya si Charm kay Liam? Mas okay kung ganoon.

Liam would always smile at me everytime our eyes would locked to each other. Sa halip na mag-isip ng kung ano-ano ay isinawalang-bahala ko na lang iyon. Masyado lang talagang friendly si Liam kaya ganon.

Pinapagaan namin ang loob ni Charm. Kumalat kasi ang tsismis na type raw ni Liam si Donna. She's also our classmate. Anak ng Mayor kaya kung makaasta akala mo kung sino. Siya sana ang gusto kong maging kaibigan kasi maganda talaga siya kaso ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Di wag!

"Okay lang yan! Lamang lamang sa sabon si Donna!" Pampalubag loob na saad ni Rose kay Charm na nanatiling nakasubsob ang mukha sa mesa. Nasa library kami. Nagdadramahan.

"Baka naman hindi totoo iyon. Wala namang sinasabi si Liam ah! Tsaka isang beses lang naman silang nakitang nagkasabay kumain." Ella spat while tapping Charm's back.

Ang totoo...dalawa kaming wasak dahil sa tsismis na iyon. Sinuklay-suklay ko na lang ang magulong buhok ni Charm. Naaawa ako sa kaibigan ko. Tanungin ko kaya si Liam?

"Wag nga kayong maniwala sa mga sabi-sabi na 'yan! Mabuti pa tanungin mismo natin si papi Liam." Eksaherada kong saad sa kanila.

Natawa si Ella dahil sa sinabi ko. Rose massaged her forehead while Charm innocently looked at me.

"Parang ang basic naman ng naiisip mo eh ni hindi nga tayo tingnan ni Liam e!" Ella said while laughing so hard. Masamid sana tong babaeng to.

Mataman akong tiningnan ni Rose. Hindi ko alam pero kinabahan ako roon. Tahimik lamang si Rose ngunit alam kong nagmamasid lamang ito.

"Sabagay, makapal naman mukha mo, Jerard." Rose said. Napa face palm na lamang ako habang hindi na nila mapigilan ang tumawa.

Heto ako ngayon nasa red bench. Kunwari ay nagbabasa ng notes na ako mismo ay hindi maintindihan ang sariling sulat-kamay.

Tagal naman lumabas ni Liam! Nakakabagot kayang maghintay! Nagpalinga-linga at ng saktong makitang pababa na mula sa second floor sina Liam, I acted reading my notes.

Pasimple akong sumusulyap sa kanila. Nang makitang malapit na ay saka ako nagmadali sa pag-ayos ng gamit.

"Sorry po!" Syempre sinadya kong mabangga ng very very slight si Liam.

"Jerard!" Gulat niyang utas ng makita ako.

Nakita kong nakatingin din sa akin ang dalawa pa nitong kaibigan...sina Andy at Von.

"Ah...uy!" I smiled at him. Tiningnan niya muna ako bago binalingan ang dalawa niyang kaibigan.

"Ah! Jerard, sina Andy at Von nga pala. Tol, Jerard." Nakipag-apir sa akin ang dalawa. Nakakahiya.

Medyo mestiso si Andy habang moreno naman si Von. Parehas naman sila pogi eh kaso si Liam talaga ang pinakapogi sa kanila.

"Sabay ka na sa amin." Liam offered. Tatanggi sana ako kaso pinilit na rin ako ng dalawa pa na sumabay sa kanila.

Naglakad kami palabas. Alam ni Liam ang bahay namin. Nag-abang na ng jeep sina Andy at Von. Mukhang pupunta pa sila sa plaza.

Naglakad naman kami ni Liam papunta sa may convenience store. I coughed to caught his attention.

"May ubo ka ba?" Natawa ako dahil sa inosente niyang tanong.

"Wala! Acting lang 'yon!" I waved my hand at him.

"Ah!" Humalakhak ito. Naku! Wala ba 'tong ibang alam kung hindi ang mag-aral?

"Narinig mo na ba 'yong tsismis?" My heart jumped. Kunot-noo akong tumingin sa kanya.

"Alin?" Sige...acting lang.

"That Donna and I were into something romantic." Napatigil siya sa paglalakad saka ginulo ang kanyang buhok.

Nasa tabi kami ng kalsada. Maraming dumadaang sasakyan ngunit wala akong marinig kahit isang ingay. Tanging pagtibok lamang ng puso ko.

Para akong bata. Para akong highschool na nahuli ng crush niya. Nakita ko ang malalim niyang paghinga bago ako tiningnan.

Nagtama ang aming mga tingin at sa panahong iyon...alam kong...nahuhulog na ako ng tuluyan. Hirap maging easy to get, mami!

"Naniniwala ka ba roon?" He slowly asked me.

Nanuyo ang aking lalamunan. I shook my head. "Hindi."

Tumango ito sa akin. "Why?"

Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Kasi tsismis lang naman iyon...at kung totoo man...dapat...kasama mo siya ngayon, diba?"

He playfully pursed his lips. Tila ba pinipigilan nito ang pag ngiti. Nakakamangha. Sana lang ay hindi tumulo ang laway ko.

"Yeah...but I'm with you." Naguguluhan ko siyang tiningnan.

Magsasalita pa sana ako ngunit tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong dinukot sa kanyang bulsa.

He sighed. I sighed. What is he talking about?

"Hinahanap na pala ako sa amin." He said.

I nodded at him. Tinuro ko na rin ang daan papunta sa amin. "Mauna na rin ako."

Tumango ito. Ang hilig naming tumango sa isa't isa ah.

"Ingat ka, Jerard."

Tatawid na sana ito sa kabilang kalsada para maghintay ng jeep ngunit mabilis ko itong tinawag.

"Wala naman talagang something sainyo diba?" A small smile appeared on his face. It revealed his little dimple.

"Ikaw ang kasama ko ngayon, Jerard."