Chapter 6

Dahan-dahan naglakad palapit sa amin si Charm. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Sana lang ay hindi niya maisip na pilit lamang iyon. Sana ay hindi siya magalit sa akin.

"Ang ganda mo!" Hindi makapaniwalang puna ni Rose.

Nahihiyang ngumiti sa amin si Charm. 'Tinulungan ako ni Liam mag-ayos."

Pinanliitan ito ng tingin ni Ella. "May something ba sainyo ni Liam?" Walang preno niyang tanong. Minsan talaga sobrang talas din ng dila nito e.

Pinaglaruan ko na lang ng ang pagkain sa aking mesa. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"Sus! Wala raw e palapit na rito." Kinikilig na tugon ni Rose.

For once, I assume that it's because of me. That once became a blur. Hindi ko magawang tingnan si Liam sa tabi ko. Amoy na amoy ko ang kanyang mamahaling pabango. Halos manuot ito sa aking ilong.

"Shall we dance?" Mahinang tanong ni Liam kay Charm. Sapat lamang para marinig naming apat.

Hindi magkamayaw sa tili sina Ella at Rose. Pilit akong ngumiti nang sa ganon ay hindi mahalata ang kalungkutan ko.

"Parang biyernes santo ang mukha mo!" Puno ng katanungan ang mga mata ni Rose nang sabihin niya iyon.

"Wala." I shrugged my shoulders.

"Oops! Para namang teleserye ang peg." Sinundan ko ng tingin ang mga mata nila Ella.

Sa gitna ng dancefloor, kitang-kita kung paano hawakan ni Dale si Charm. Gulat ang mukha ni Charm habang nakatingin kay Dale na mukhang pikon sa mga nangyayari. Liam was like trying his self to not to laugh.

Itinaas ni Liam ang dalawa niyang mga kamay saka mabilis ni hinila ni Dale si Charm palayo. Umiling-iling pa si Liam bago nagtama ang mga tingin namin.

I dare to not to look away. I gulped while his smile slowly vanished. Pakiramdam ko ay dahil iyon sa akin kung kaya't unti-unting nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Tila isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago umiwas ng tingin sa akin. I bit my tongue. Of course, that's what he must do.

"Tara! Sayaw na tayo!" Halos hilahin kami ni Ella patayo sa aming kinauupuan.

Nakisabayan kami sa indak ng kapwa namin mag-aaral. Hinayaan kong malunod ng matinding hiyawan ang lungkot na nararamdaman ko.

The wild music then suddenly went soft. Napasimangot si Ella dahil sa biglaang pagbago ng tugtog.

"Ano ba yan e wala namang sasayaw sa akin dito dahil 'yong boyfriend ko nasa kabilang school." Inis niyang reklamo sa amin.

"Edi maghanap ka ng boyfriend dito sa BSU." Sabay-sabay naming nilingon ang boses na iyon.

Ella rolled her eyes. "Shut up, Von." Isang maikling halakhak lamang ang ginawa nito bago kami tinalikuran.

Ang alam ko ay magkaklase sila noong elementary. Di ko lang sure pero mukhang may connection naman ang dalawa.

Naupo na kami at saka pinagdiskitahan ang deserts. Kahit papano ay nakalimutan ko kung gaano ako kalungkot ngayon.

When the music started to get wild again, hindi na kami nag-abala pang umupo na lamang. Halos malunod kami sa pinaghalo-halong sigaw at halakhakan ng mga tao.

"Sulitin na natin 'to dahil next year OJT na!" Ella screamed at the top of her lungs. Kala mo naman talaga hindi kami maaaring mag-party sa Manila. Sa pagkakaalam ko ay mas wild pa nga roon e!

May ilang nasagi pa kami dahil nagtulakan ang iba. Sumali rin kami sa grupo ng mga estudyante na nagpaikot-ikot na tila caterpillar sa dancefloor. Nakakahingal. Pero sobrang saya sa pakiramdam. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Si Charm?" I curiously asked my friends.

Mula kasi ng hilahin to ni Dale ay hindi na namin nakita pa. Gabi pa naman. Baka mamaya kung saan-saan na iyon dalhin ni Dale.

"Hayaan niyo na 'yon! Panigurado kasama niya si Dale at alam niyo na." Binatukan namin ni Rose si Ella.

"Dumi ng iniisip mo ha!" Rose warned her. Sila kasi talaga ang close ni Charm.

"Palibhasa wala kayong experience! Maghanap nga kayo ng jowa!" Inis na singhal sa amin ni Ella.

"Pwede ba na worried lang ha?" I spat at her.

She waved her hands on us. "Magtiwala na lang tayo kay Charm. Hindi naman iyon gagawa ng mga bagay na alam niyang mali. As if naman mag-aasawa na 'yon! Hoy, jowa palang ang on the way, hindi asawa, 'kay? Kalma kayo." Mahaba niyang paliwanag saka madramang pinunasan ang kanyang noo.

Lumabas na kami sa school. Tapos na ang party. Tapos na ang kasiyahan. Ang paalam ko kay ate ang overnight. Hindi niya alam ay tahimik lamang akong pupuslit sa loob ng bahay namin.

Susunduin din kasi si Rose ng Papa niya. Si Ella naman ay nag-aabang na ang boyfriend niya.

Naiwan kami ni Rose. Hihintayin ko munang dumating ang Papa ni Rose bago ako uuwi.

"What do you think about Liam?" Rose asked out of the blue.

"Think about what?" I confusedly asked her.

Pagbanggit pala ng pangalan niya ay halos mahilo na ako. Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay ko.

"Liam..." She trailed off and looked at me in the eye. "Jerard, I know that you know na I can clearly sense it." Matamis itong ngumiti sa akin. "Kaibigan mo ako. Kaibigan mo kami. Hindi masama o bawal ang magkagusto sa isang tao."

Mapait akong ngumiti sa kanya. I looked at the skies. Madilim ngunit payapa. My kind of peace.

"Hindi mo kasi ako naiintindi-" She cut me off.

"Dahil bakla ka? So what? Maraming bakla diyan na malayang nagmamahal sa kung sino mang tao. Why are you stopping yourself from completely loving a person? Je..." Mahigpit niyang hinawakan ang nanginginig kong mga kamay. "You deserve all the love this world could give to you." She smiled at me.

Natigil lamang kami sa kadramahan ng dumating na ang Papa niya. Nag-offer pa ito na hinatid ako ngunit mabilis ko rin tinanggihan.

Rose...minsan nakakainis din na sobrang observant niya. But Rose being Rose is such a blessing.

Hindi ko namalayan na lumuha na pala ako. Tahimik na akong naglakad papunta sa amin.

I stopped upon hearing a soft music at the convenience store. Hindi kaya mas lalong antukin ang bantay nito?

"Can I have this dance?" My eyes went wide upon seeing a familiar image in front of me.

Nakalahad ang isang kamay nito na para bang naghihintay na tanggapin ko ang alok niya.

"Gusto kitang isayaw sa ilalim ng payapang gabi, Jerard. Gustong-gusto."