Chapter 10

It was Saturday. Maaga akong nagising dahil alas otso ang usapan namin ni Liam. Hindi ko alam kung anong plano niya. Might as well surprised myself about it.

"Saan ka pupunta?" Halos manigas ako.

Sabi kasi ni Liam ay magdala ako ng extrang mga damit. Uuwi rin naman kami mamaya.

I am currently fixing my things when I heard a familiar voice that made my body shake in nervousness.

"Saan ka pupunta, Jerard?" May diin na tanong sa akin ni Papa.

I gulped and tried to composed myself. Malalim ang naging paghinga ko.

"Ah...may gagawin po kaming project...sa Panitikan. Video presentation po." I tried to sound so calm.

Dumako ang tingin ni Papa sa bag ko. Kitang-kita ko kung paano dumilim ang kanyang mga mata.

He saw my make-up kits and he didn't like it. His face says it all.

Tumango ito at saka mabilis na umalis sa tapat ng kwarto ko. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag.

"Alis na po ako." I told them before leaving our house.

Naglakad na ako papunta sa convenient store. Doon maghihintay sa akin si Liam.

Five minutes before eight when I got there. Buong akala ko ay hindi ako late. Ngayon ko na nga lang inagahan, late pa rin.

Tahimik na nakasandal si Liam sa isang puting honda civic na sasakyan. Nakasuot ito ng black shorts, plain white shirt, and his usual vans shoes.

He smiled when he saw me. Akala ko pa naman ay magmomotorsiklo lamang kami kung kaya't naligo ako sa sunblock lotion. Buti naman kung may sasakyan siya.

"Sayo to?" I curiously asked him.

He shrugged his shoulders. "You can say that."

Pinagbuksan niya na ako ng pinto. Para akong si Cinderella rito. Pinagkaiba lang namin, de-kotse ako at si prince charming na ang kasama ko.

"Have you eaten breakfast?" He asked the moment he entered his car.

Lord! Pakiramdam ko isang fictional character ang kaharap ko ngayon. Sino naman kaya siya kung ganon?

Napailing na lang ako dahil sa naiisip. He's no fictional character because he's true! Damn it! He's Liam Luis Lopez-Imperial! He's fucking smiling while looking at me!

"Hindi pa e. Ikaw?" Inayos ko na ang aking seatbelt.

He pursed his lips and started driving. Akala ko motor lang kaya niya...pati rin pala sasakyan.

"Let's buy food sa drive-thru na lang." Tumango na lang ako matapos marinig ang sinabi niya.

I let Liam ordered our food. He bought burgers, fries, and coke. Hindi ko lang alam kung paano niya iyon kakainin.

Isang kamay ba sa manibela habang kumakain? Susubuan ko ba dapat siya?

Binigay niya na sa akin ang mga binili niya. He smiled at me. God! Mukhang hobby niya na ata ang patayin ako sa ngiti.

"Eat, Jerard." Tumikhim ako bago nagsimulang kumain.

"Ikaw din." Nahihiya kong saad sa kanya.

He pursed his lips. As if I said something funny.

"How am I going to eat?" Panunuya niya sa akin.

Should he eat while driving? His other hand can hold the steering wheel while his other hand is holding a burger. Sure, it's okay.

Confused of what I should do. Liam looked at me. He raised his eyebrow and slightly opened his mouth...waiting to be fed.

Kinuha ko ang isang burger at saka inilapit sa bibig niya. May ngiti pa rin ang mga labi nito. Inilapit ko rin ang straw sa bibig niya nang sa ganon ay makainom na siya.

"Music?" He asked after drinking. His eyes back on the road.

Nahihiya akong tumango at saka ikinonekta ang bluetooth ng aking cellphone sa kanyang sasakyan.

"You like Maroon 5?" He asked right after the song 'Sunday Morning' by Maroon 5 started playing.

"Halata ba masyado?" I joke around.

Ngumisi ito. "Galing lang talaga siguro ako manghula."

I can't imagine Liam being a manghuhula! Nasa tabi ng daan, nakaupo, may mga baraha at bolang krystal pa!

"Ikaw na siguro ang pinakapoging manghuhula." I laughed so loud that it's too late for me to realized what I had said.

"Sure, ako lang naman ang pogi sa paningin mo." I tried to go down from my chair just so I could hide from him.

Now, it was his turn to laugh so loud. It was a wonderful music to my ears. Lakas maka-last song syndrome ng tawa niya.

"You're really attractive when you're kinikilig." Napairap na lang ako. Ang conyo niya na naman magsalita!

Walang duda na anak mayaman talaga 'tong lalaking 'to.

"Hindi ako kinikilig!" I sounded so defensive that he looked at me with amusement. "Konti lang." Pabulong kong saad.

Ang harot, Jerard ha! Ang harot-harot mong bakla ka!

Tiningnan ko ang mga dinadaanan namin. Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta.

"Saan ba tayo pupunta?" Hindi ko na napigilan pa ang magtanong.

Lumiko ang kanyang sasakyan. Nasa Ocampo na pala kami. Hindi pa ako nakakapunta rito dahil medyo malayo. Sa facebook ko lang nakikita ang mga lugar dito.

"In a place." I rolled my eyes at him.

"Of course it's a place." Malubak ang naging daanan namin. Mga kahoy lang din ang nasa paligid. "Alam mo ba 'to?"

"May map naman tayong sinusunod." He casually said.

"Paano kapag nawala tayo?" I worriedly asked him.

Kalmado lamang na nagmamaneho si Liam. Tingin ko ay nasa cellphone niya ang map. Wagas naman 'to kung makapag-suprise.

"Matagal na akong nawala, Jerard..." He trailed off. A playful smirk has been plastered on his face. "Everytime you'll look at me, I feel like I'm lost in a wonderful place."

For how many times is he going to make my heart flutter? Shemay, mami! I feel like having Liam with me feels surreal.

Tumikhim ako saka tiningnan ang mga dinadaanan namin. Nasa mataas na parte ata kami. Paliko at pataas ang daan.

"Kaya pala ang galing mong magbasketball kasi ang galing mong mambola." I playfully said while raising an eyebrow at him.

He pressed his lips in a thin line. Akala ko ay tatahimik na ito ngunit may mas ipupula pa pala ako ng mukha matapos marinig ang kanyang sinabi.

"Magaling din ako mag-shoot. Baka nakakalimutan mo...'three pointer shot' ang tawag nila sa akin."

Pabiro ko itong tinampal sa kanyang braso. Ang tigas! Babad sa gym ata 'to.

"Ang bastos ha!" I tried to hid my face at him. Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang tumawa.

"Maubusan ka sana ng hangin sa katawan mo." Banat ko pa sa kanya.

Halos maiyak na sa kakatawa si Liam. "Liam! You're driving!" I worriedly said dahil pataas ng pataas ang daan na tinatahak namin.

Natigil ito sa pagtawa at saka inabot ang isang kamay ko. He made my heart jumped again! Kaya ang lakas tumalon tuwing nasa court e.

"I'll make sure you are safe with me, Jerard. Always safe." He said as he planted a soft kiss on the top of my hand.